chapter 4

2937 Words
Balik trabaho na naman ako kinabukasan. Pagkapasok ay narinig ko ang masayang kwentuhan ng tatlo kong mga kaibigan patungkol doon sa pagba-bar namin noong nakaraan. Dalawang araw na pero hindi maka-move-on ang mga bruha. Paulit-ulit nilang pinag-uusapan kung gaano kagwapo si Zandro at ang kaibigan nito. Huh, kung alam lang nila! Gwapo nga pero gwapo rin iyong gusto! "Ms. Coralles, may memo ka from HR." Nagtataka kong tinanggap ang inabot na memo sa'kin ng isa sa mga kasamahan ko. Medyo kinabahan ako kasi first time ko yatang nakatanggap ng memo. Wala naman ako naaalalang nalabag na company rules at lalong hindi kami close ng HR para bigyan ako ng greeting card! "Oy, ano iyan?" pakikiusyuso agad ng mga kaibigan ko. "Ewan, pinapapunta ako sa HR," kibit-balikat kong sagot. "Wala bang nabanggit sa'yo si Mae?" usisa ni Joy. Kinuha niya sa'kin ang memo at ipinasa kay Anne na binasa naman naman nito. Ou nga noh? Taga-HR si Mae pero wala naman siyang nasabi. "Oy, bakit office of the CEO ang nakalagay dito?" takang tanong ni Anne habang hawak iyong memo. Mabilis kong inagaw sa kanya iyon at binasa ulit. May nakaligtaan ba akong basahin? Nangunot ang noo ko ng mabasa iyong tinutukoy niya. HR iyong nagpatawag pero sa office of the CEO ako pinapapunta. Nangunot ang noo ko at uni-unting nagsalubog ang mga kilay ko nang mapagtagni-tagni ko ang mga bagay-bagay. May hinala ako kung bakit pinapapunta ako sa opisina ng CEO. Iisang tao lang ang pumasok sa isip ko , iyong boss kong bakla. Bakla nga ba iyon? Balak ba akong sesantihin ng baklang iyon? Nakaramdam ako nang pagsulak ng dugo. Mariin kong naikuyom ang kanang kamao sabay tayo at umalis nang di man lang nakapagpaalam sa napatanga kong mga kaibigan. Magtutuos kami ng lalak- este baklang iyon! Kahit gaano pa kayaman ang pamilya niya ay hindi niya ako basta-basta maaalis sa trabaho ko! Isampal ko sa mukha niya ang karapatan ko bilang isang empleyado! Wala akong naaalalang ginawa na maaring ground for termination ko sa trabaho. Dahil ba ito roon sa natuklasan kong relasyon nila ng lalaki niyang kaibigan? Wala naman akong ibang pinagsabihan ah! Di ko rin naman kasalanang natuklasan iyon dahil sila rin naman itong lantarang naglandian sa harapan ko! Nang marating ko ang office of the CEO ay himalang walang sekretarya na sumalubong sa'kin. Sabi ng mga kakilala kong nakapunta rito noon ay nasa bungad daw ng opisina ng CEO ang table no'ng secretary pero tanging bakanteng table lang iyong namataan ko. Di ko naman siguro kailangan ng appointment noh dahil nakalagay sa memo ang ASAP. Di na ako nag-abala pang hintayin iyong secretary at walang katok-katok na akong pumasok sa loob at pabagsak na sinara ang pinto. Agad sumalubong sa'kin ang pamilyar na bango na parang naamoy ko kagabi kay Zandro nang napadaan siya malapit sa'kin. Lalaking-lalaki na amoy pero isang malaking scam dahil patola rin sa lalaki! Walang nakaupo sa mesa ng CEO kaya nilibot ko sa malawak niyang opisina ang mga mata ko at wala na akong oras na hangaan kung gaano kagara ang buong paligid. Sa loob ng ilang taon kong pagtatrabaho dito sa CEH ay first time kung nakatapak sa palapag na ito kung nasaan ang office of the CEO, pero sa kasamaang palad ay nandito ako upang sugurin ang p*steng y*awa na baklitang CEO! Bahagya akong napangiwi sa tinawag ko kay Zandro sa aking isipan. Di talaga bagay sa kanya maging bakla. Namumutok iyong muscles at nagsusumigaw ang pagiging barako tapos bakla? Nasaan na ang hustisya at bakit pagwapo nang pagwapo at pamacho nang pamacho na ngayon ang mga naliligaw ng landas? Nahinto ang mga mata ko kay Phil na prenteng nakaupo sa couch na naroon habang taas kilay akong pinanood. Heto pa ang isa! "Nasaan na iyong lalaki mo?" pasinghal kong tanong sa kanya. Napangiwi ako internally kasi kanina ko pa tinatawag na bakla sa isip si Zandro pero ngayon ay tinawag kong lalaki. Ana ba talaga siya? Kahit ako ay litong-lito na. "Lalaki ko?" naaaliw na tanong ni Phil na lalong dumagdag sa iritang nararamdaman ko. Sinibat ko siya ng matalim na tingin. "Oo, iyong bwesit mong lalaki na nagpatawag sa'kin dito! Balak ba niya akong sesantihin? Dahil ba tinawag ko siyang bakla? Eh, totoo naman ah!" naggagalaiti sa galit kong sabi . "Hindi naman siya iyong nagpatawag sa'yo rito kundi ako," mahinahon niyang saad. Bahagya akong natigilan at salubong ang kilay na nakipagtitigan sa kanya. Naningkit ang mga matang namaywang ako sa harapan niya. Alam kong magkasosyo sila ni Zandro sa ibang mga negosyo na hindi konektado sa kanya-kanyang mga pamilya pero sigurado akong wala siyang koneksiyon sa Carson Empire Hotel maliban na lang sa pagiging bestfriend s***h karelasyon ng bago naming CEO. "At sino ka para ipatawag ako sa oras ng trabaho ko?"nanggigigil kong tanong. Ang sarap na talaga manabunot ng bakla lalo na at umiinit ang ulo ko ngayon! "Ako lang naman ang boyfriend ng boss mo at binigyan niya ako ng karapatan upang pumili ng taong gusto kong maging secretary niya," kalmado pa rin niyang sabi na para bang di apektado sa ipinapakita kong galit. Anong pakialam ko sa status ng relasyon nila? So, kung sinasabi niyang boyfriend niya si Zandro... ibig sabihin ay siya ang bakla? "Ano naman ang koneksiyon ko riyan sa pinagsasabi mo?" nauubusan na ng pasensiya kong tanong. Pinatawag niya lang ako upang ipaalam iyon? Eh, di wow pero wala akong pake! "Gusto kong ikaw iyong magiging secretary niya," deretsahan niyang sagot. "Ayoko nga!" mabilis kong tanggi. Wala nang isip-isip, tanggi agad! Isipin ko pa lang na bilang secretary ay araw-araw kong makikita ang paglalandian nila ay kumukulo na ang dugo ko. Baka magiging kriminal ako na wala sa oras. "As if you have a choice," nakangiti niyang sabi. Kahit maganda iyong pagkakangiti niya ay malinaw ang isinisigaw na awtoridad ng kanyang mga mata. Akala niya matatakot ako sa kanya? Di ko siya boss 'no! "Of course my choice ako kasi karapatan ko iyon bilang isang empleyado," mariin kong sabi at matapang na sinalubong ang matiim niyang mga titig. "I don't care about your right, all I care is to give Zandro a secretary that won't try to flirt with him," seryoso at walang katinag-tinag niyang pahayag. "Wala akong pakialam sa gusto mo basta ako, ayoko.. .as in ayokong maging secretary ng lalaki mo!" matigas kong tanggi . "Triple the salary with incentives, and free accomodations and shopping expenses in every country that you will be soon traveling with us on every business trip, which happens twice, or thrice a month." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Dream come true para sa akin ang business travel abroad pero nang maalala ko kung sino ang mga makakasama roon ay agad umasim ang mukha ko. "Kung di ka papayag ay wala ka nang babalikan na trabaho. Kahit saan ka magreklamo ay wala akong pakialam," seryoso at may pinalidad niyang dagdag sa naunang pahayag. Sumiklab pa lalo iyong galit ko. Pasakit talaga sakin ang mga bakla! Una inagawan ako ng boyfriend ng isang bakla tapos ngayon naman ay pinagbantaan ng isang bakla ang trabahong buong buhay kong pinaghirapan. Ang masaklap pa ay karelasyon lang siya ng boss kong bakla rin! "Bakla ka talaga!" gigil kong saad at mabilis ko siyang sinugod upang sabunutan. At dahil prente siyang nakaupo at hindi napaghandaan ang pagsugod ko ay madali lang sakin na angkasan siya at mariing nasabunutan ang may kahabaan niyang buhok. "F*ck! Sh*t!" malulutong na mura ang namutawi sa bibig niya habang pilit na inaalis ang mga kamay ko sa pagkakahila sa buhok niya. Ang lutong magmura na akala mo ay lalaking-lalaki pero pumapatol din sa lalaki. "Punyeta kang bakla ka! Kakalbuhin kitaaaa!!" galit na galit kong sigaw habang nakipaglaban sa lakas niya. Nakalimutan ko yatang kahit bakla ang walanghiyang ito ay lalaki pa rin siya at hamak na mas malakas kaysa sa akin kaya iglap lang ay ako na naman iyong nakahiga sa couch habang hawak-hawak niya iyong mga kamay ko at siya na iyong nakapatong sa'kin. "Oh ano? Sasabunutan mo rin ako? Gaganti ka?" pasigaw kong tanong sa kanya habang masama niya akong tinitigan . Naiinis ako lalo dahil kahit nagulo at nawala sa ayos iyong buhok niya ay mas dumagdag pa ito sa kagwapuhan niya. P!ste, bakla siya! Kailan pa naging gwapo ang bakla? Isang kamay niya lang ang pumipigil sa dalawang kamay ko na nakataas na sa'king ulunan kaya malaya iyong isang niyang kamay . Medyo nakadama ako nang pangamba nang gamit ang malayang kamay ay naramdaman ko ang mariin nitong paghawak sa likod ng ulo ko. Seryoso ba siya at talagang sasabunutan niya ako? Kahit medyo natakot ay nilalabanan ko p arin ang mariin niyang titig nang bigla ay inangat niya ang mukha ko gamit ang kamay niyang nakahawak sa likod ng aking ulo. Anong binabalak niyang gawin? Gustuhin ko mang magpumiglas ay di ko pa rin magawa kasi buong bigat niya ang sinadya niyang ipatong sa katawan ko kaya di ako makakilos at idagdag pa ang kamay niyang pumipigil sa kamay ko. Masyado naman yatang malakas ang baklang ito! "Baklaaaa!!" inis na inis kong sigaw sa mukha niya dahil maliban sa pagsigaw ay wala na talaga akong magawa laban sa lakas niya. "Namumuro ka na sa kakabakla sa'kin ah," napipikon na nitong sabi. Bahagya akong nakaramdam ng kasiyahan dahil nagawa ko siyang pikonin per bago ko pa mahulaan ang susunod niyang gagawin ay nanlaki ang mga mata ko nang mabilis na sumalubong sa nakaangat kong mukha ang mukha niya kasabay nang mapag-angkin niyang paghalik sa nakaawang kong mga labi. Kulang ang salitang nagulat dahil pakiramdam ko ay tumigil sa pag-inog ang mundo at nawindang ang buo kong pagkatao kaya na-stroke yata ako . Hindi lang simpleng paglalapat ng mga labi ang nangyari dahil ramdam ko ang malikot niyang dila na hayok na hayok na gumaluhgad loob ng aking bigbig kasabay nang parang uhaw na uhaw niyang pagsipsip sa mga labi ko. Napasinghap ako nang mahuli niya ang dila ko at walang habas itong sinipsip na siyang nagpagising sa saglit kong pagka-stroke dahil sa kabiglaan. Agad akong pilit na kumakawala mula sa mapag-angkin niyang mga labi pero dahil nasa likod ng ulo ko ang isang kamay niya ay wala ring silbi ang pagpupumiglas na ginagawa ko. Naghahabol ako ng hininga nang maisipan niyang pakawalan ang mga labi ko pero di pa ako nakabawi ay muli na naman niya ako sinibasib ng halik at mas mapusok pa ito kaysa nauna niyang halik. Hindi na ako magtataka kung mamamaga na ang mga labi ko dahil literal na kinakain na ito ni Phil. Ganitong paghalik ba ang natutunan niya kay Zandro? O sadyang ganito lang humalik ang mga bakla? Parang hinigop ng halik niya lahat ng lakas ko dahil pakiramdam ko nanghihina ang buo kong katawan. "A-anong g-ginagawa mo?" utal kong tanong nang bumaba sa leeg ko ang mga labi niya at doon ay may partikular na bahagi na paulit-ulit na dinidilaan at sinipsip na aminin ko man o hindi ay nagdudulot sa'kin ng kakaibang kiliti. Ako lang yata itong ina-assault na pero nakikiliti pa rin! "Marking my territory," paos na sagot ni Phil. Disorriented ang utak ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Nang maramdaman ko ang isang kamay niya na pumapasok sa ilalim ng suot kong blouse ay tsaka ko lang namalayang malaya na iyong mga kamay ko. Agad ay pilit ko siyang tinutulak palayo gamit ang mga walang lakas kong mga kamay nang maramdaman ko ang pagsakop ng palad niya sa isang dibdib ko sa ilalim ng suot kong bra. P!ste, ang bilis ng kamay ng bakla talo pa ang snatcher! "You taste so sweet," paanas niyang bulong sa'kin bago bumaba ang kanyang mga labi patungo sa nakabukas na butones ng suot kong blouse. "T-teka..h-huwag!" daing ko nang mabilis niyang hiniklas ang suot kong bra kasabay nang pagsakop ng mainit niyang labi sa kanan kong dibdib habang nasa kaliwa naman ang isa niyang palad. Di ko napigilang mapaliyad dahil sa nararamdaman kong sensasyon nang sunud-sunod ang ginawa niyang pagsipsip sa u***g ko na parang gutom na sanggol. Halos limang taon ang relasyon namin ni Brando pero kahit minsan ay di pa niya nagawa sa'kin ang ginagwa ngayon ng baklang ito . Awang ang bibig at mariin akong napapikit dahil tuluyang nawala sa isip ko kung nasaan kami at sino ang taong bumubuhay sa ekstraherong pakiramdam sa kaibutuuran ko. "What's the meaning of this?" Mabilis akong napamulat ng mga mata at agad kong nasalubong ang madilim na anyo ni Zandro Carson na nakatunghay sa amin. Nang maalala ko kung ano kasalukuyang nangyayari ay aligaga kong sinubuksng ayusin ang aking sarili pero ang problema ay parang walang pakialam na nakasubsob pa rin sa dibdib ko si Phil. Tama kayo, si Phil na boyfriend ng lalaking madilim ang mukhang nakatitig ngayon sa akin ay patuloy pa rin sa ginagawa niya kahit na nahuli na kami nitong lalaki niya. Hindi ko tuloy alam kung alin ang unang gawin, ang takpan ang nakahantad kong dibdib o ang itulak ang baklang nagpaka-busy sa pagsipsip sa dibdib ko. Bandang huli ay mabilis kong niyakap ang sarili ko kasama ang nakasubsob na si Phil sa dibdib ko sa pagbabakasakaling matago ng mga braso ko ang dibdib ko at ang ginagawa ni Phil. "Huwag kang tumingin!", natataranta kong utos kay Zandro. "Ayaw mo akong tumingin habang may ginagawa sa'yo ang boyfriend ko?" di makapaniwala nitong tanong. Mukhang mas lalo ko yata itong ginalit. At ito namang si Phil, bakit ba parang wala lang sa kanya na dumating iyong boyfriend niya. Ako pa tuloy itong mas nagmukhang nahuling nag-cheat! "B-bakla naman itong boyfriend mo. Lalaki naman talaga ang gusto nito.... di ba ikaw lang ang lalaking gusto niya?" aligaga kong paliwanag. "We maybe into each other but both of us are not into other men so basically we're not a typical gay," matiim na sagot ni Zandro. Napanganga ako sa sinabi niya. Ou nga, ramdam ko ang pagiging lalaki ni Phil dahil tumatama sa hita ko ang matigas na simbolo ng pagiging barako niya. "That's enough Phil," tawag nito sa pansin ni Phil. Noon ko lang napansing bumababa na papunta sa puson ko ang mga halik ni Phil. Mabilis kong itinakip sa,king dibdib ang nakabukas kong blouse pero huli na siguro ako dahil nanunuot na doon ang matiim na titig ni Zandro. Ako lang ba o talagang totoo iyong nakita kong dumaang pagnanasa sa madilim na mukha habang nakatutok sa dibdib ko kahit na pilit ko na itong tinatakpan. "Damn! I just can't get enough," paos na reklamo ni Phil pero sinunod naman ang utos ni Zandro. Ginawaran muna ako nito ng mabilis na halik sa labi bago tuluyang bumangon mula sa pagkakadagan sa'kin at lumapit sa nakatayong si Zandro na matiim pa ring nakatitig sa'kin. "She provoked me,",kibit balikat na paliwanag ni Phil kay Zandro. At kasalanan ko pa talaga? Imbes na sumagot ay mabilis na kinabig ni Zandro si Phil at mariing hinalikan sa mga labi habang hindi humihiwalay ang mariing mga titig sa'kin. Kung di ko lang narinig ang ungol mula kay Phil ay di ko pa sana ako mag-iwas ng tingin. Nanginginig ang mga daliring agad kong inayos ang pakaka-hook ng bra ko at ang pagkakabutones ng blouse ko. Hinahanap ko sa loob ko kung nasaan na iyong pandidiring dati-rati kong nararamdaman tuwing may nakikita akong kapwa lalaki na naglalandian sa harapan ko. Bakit parang ang init sa pakiramdam habang nakikita ko ang mapusok na paghahalikan nina Phil at Zandro? Hindi! Nawala lang ako sa katinuan dahil sa ginawa sakin ni Phil at sa pagkahuli ni Zandro sa ginawa ng boyfriend niya. Nang muli kong sulyapan ang dalawa ay mabilis din agad akong nag-iwas ng tingin at kahit nanginginig pa iyong binti ko ay pinilit kong humakbang palayo sa dalawa. Nakahawak na sa pang-upo ni Phil si Zandro habang naging mas mainit ang paghahalikan nila na para bang wala ako sa paligid. Para akong hinabol ng sampung aso sa pagmamadaling makaalis bago ko pa masaksihan ang hindi dapat. Pagdating sa labas ay nanginginig akong napasandal sa nakasarang pinto. Bago ako kanina nakalabas ay rinig na rinig ko pa ang nasasarapang ungol ni Phil. Ang malanding baklang iyon! Sarap na sarap kay Zandro na para bang kanina ay walang ginawa sa'kin. Masyadong nakaka-trauma ang nangyari ngayong araw, kailangan ko munang makalanghap ng polusyon sa labas. Sa nanginginig na binti at naguguluhang isip ay tinahak ko ang daan papuntang elevator pababa ng hotel habang parang tuksong naririnig ko pa rin sa isip ang mga ungol ni Phil. Napaantada ako bigla at napadasal ng wala sa oras. Lord, please...tanggalin niyo na sa isip ko ang nasaksihan at naranasan ko ngayong araw. Gusto kong magka-amnesia bigla. Maghahanap na lang kaya ako ng bagong trabaho? Pero, sa impluwensiya ng mga Carson at ni Phil Nerius ay tiyak mahihirapan ako. Di ba determinado akong ibalik sa tuwid na daan ang dalawang iyon? Inis kong ipinilig ang aking ulo , ang hirap naman nito. Paano ko gagawin iyon eh, sigurado akong nagmukbangan na iyong dalawang iniwan ko sa loob. Aatras na lang kaya ako...hahayaan ko na lang kaya ang dalawang iyon? So, hahayaan ko na lang silang manatiling gano'n? Ano ba talaga?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD