Para akong binangungot nang gising habang nakipagtitigan kay Zandro at Phil.
Zandro na lang kasi inanod iyong Sir kasabay ng pagkaanod ng paghanga ko sa kagwapuhan nilang dalawa ng kaibigan niya. Gwapo nga pumapatol naman sa gwapo! Mga patola!!!
"Mga bakla kayo!" gimbal kong bulalas nang ma-recover ko ang kakayahan kong magsalita pagkatapos ng nakakagulat na rebelasyon.
"Excuse me. We're not gay," salubong ang makakapal na kilay na sabi ni Zandro. Indenial queen pa!!
"Eh ano ang tawag sa mga katulad niyong pumapatol sa kapwa niyo lalaki at nang-aagaw ng boyfriend naming mga babae?" di nagpapasindak kong tanong sa kanya. May hugot ako sa inyo baka kala niyo!
Dala siguro ng epekto ng alak na nainom kaya tumatapang ako at kahit isa siyang Carson at siya ang boss ko ay nawalan na ako ng pakialam. Pakihanap sa ilalim ng tansan ng Kulafu ang paki ko, sayang nga lang mamahalin itong mga alak na available sa lugar na ito....walang Kulafu.
"Hindi ako pumapatol sa ibang lalaki," matigas na sagot sakin ni Zandro. "Isang lalaki lang ang pinatulan ko. Even though I don't consider myself as a gay ay wala akong nakikitang mali sa pagiging bakla."
Matigas at lalaking-lalaki nga ang boses pero lalaki din naman ang gusto! Scammer!!
Umingos lang ako at nag-iwas ng tingin kasi kung makatitig ito parang binabasa pati kaluluwa ko. Ganun ba talaga tumitig ang isang bakla? Pero sino ba talaga sa kanilang dalawa ang bakla?
"So, ikaw iyong bakla?" baling ko kay Phil. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
Paano naging bakla ang ganito kagwapong nilalang. Parang gusto kong maglupasay sa inis!
Imbes na maoffend ay tinawanan lang ako nito na lalong nagpainis sakin.
"I was once called a womanizer," tila naaaliw pang sabi ni Phil bago tumitig kay Zandro ang mapupungay nitong mga mata. " It just happened that I my preference changed along the way. I became obsessed with a particular man but he was the only man who made me bend. I maybe gay but only for him."
"Oh my gosh! Itigil niyo nga iyan?" naghisterikal kong sigaw nang akmang maghalikan na naman sa harapan ko ang dalawa matapos malagkit na magtitigan.
"What's wrong with you? ",masungit na tanong sakin ni Zandro. "What we have is not new nowadays pero kung makaasta ka parang ngayon ka lang nakakita ng dalawang lalaking magkarelasyon, " iritang dagdag pa nito.
Hindi na ako madadala niyang pagsusungit mo! Sayang ka, pumatol ka sa kapwa mo lalaki! Kahit gaano pa kagandang lalaki si Phil ay lalaki parin ito at may batuta parin ito sa pagitan ng mga hita nito!
"Wow, magkarelasyong lalaki? Lalaki nga ba talaga kayo?" nang-uuyam kong tanong. "Walang forever ang mga katulad ninyo!"inis kong dagdag.
"Kung bitter ka sa buhay mo ay huwag mo kaming idamay," tila nang-aasar na sabi ni Zandro.
"Sinong bitter? Ako? Excuse me... bakit ako magiging bitter gayong sigurado naman ako na maghihiwalay din kayo soon," di nagpapatalo kong sabi.
"Huwag mo kaming itulad sa mga nagdaan mong relasyon," tila nababagot na sabi ni Zandro. "Looking at you, I can say that your past relationships didn't work," nakangisi nitong dagdag.
"Jerk!"gigil kong sabi.
Baka masisante ako kung magtatagal pa ako kasama itong boss ko at itong kaibigan niya kuno.
Alam ba ng pamilya nila itong relasyon nila? Wala naman akong narinig na tsismis about sa pagiging bakla ng isang Carson ever since.
Sinira nila ang mataas kong pagtingin sa pamilya Carson.
Padabog akong tumayo at nakasimangot na tinalikuran ang mga ito. Kung magtatagal ako kasama ang dalawang ito ay baka matuyuan ako ng dugo.
Bago pa ako tuluyang nakalapit sa pinto ay nagsalita si Phil.
"Sweetheart, huwag masyadong sumimangot... iyong wrinkles mo dumadami." pahabol nitong sabi.
"Bakla!" irap ko sa kanya.
"Wanna try me? Mas magaling ako kaysa ibang straight diyan, itanong mo pa sa boss mo." nakataas ang kilay nitong suggestion at pinasadahan pa ako ng malagkit na tingin.
"Yuck! Di ako pumapatol sa bakla!" halos patili kong sagot sa kanya.
Ramdam ko rin ang pananayo ng balahibo ko dahil sa mga titig niya. Talaga bang ganun makatitig ang isang bakla? Katulad din siya ni Zandro kung makatitig. Hindi naman ganun tumitig sakin sa Brando kahit pumatol din sa bakla ang mukhang libag na iyon!
"Kung ayaw mo kay Phil ay pwede naman sakin," sabat naman ni Zandro. "Pwede na kitang pagtiyagaan... mas magaling ako kaysa kay Phil dahil kahit straight na katulad niya ay nagawa kong akitin," kagatlabing dagdag nito habang tumutok sa katawan ko ang mga mata niya.
Pakiramdam ko ay minolestiya ako ng mga ito gamit ang mga titig nila. Wala sa sariling napayakap ako sa katawan ko bago nagmamadaling lumabas.
Narinig ko pa silang sabay na tumawa bago ako tuluyang nakalabas. Halatang pinagkaisahan nila ako.
Inis akong nagpapadyak bago iginala ang paningin ko sa mga taong nagkasiyahan sa paligid upang mahanap iyong mga kaibigan ko.
Sa dami ng tao at sa nakakalitong papalit-palit ng kulay ng mga ilaw at sa ingaw ng paligid ay talo ko pa ang naghahanap kay Nemo nito!
Parang gusto ko tuloy sumigaw ng...Basilio!!! Crispin!!! Malapit na akong mabaliw.
Nang di ko namataan amg mga kaibigan ko sa gitna ng mga taong nagsasayawan ay napagdesisyunan ko na lang umuwi mag-isa.
Mas gusto ko nang umuwi kaysa manatili dito sa lugar na ito habang gumugulo sa isip ko kung ano na kaya ang pinaggagawa nung dalawang iniwan ko sa VIP room. My gosh, baka ginawang hotel ng dalawang iyon ang silid na iyon!
Halos di ako makatulog kinagabihan dahil paulit-ulit akong binangungot ng boss ko at ng bestfriend niya kaya mainit ang ulo ko pagkagising ko.
Mabuti nalang at walang pasok ngayon kaya pwede akong humilata sa kama maghapon.
Mga text mula sa mga kaibigan ko ang unang bumulaga sakin pagkaopen ko ng cellphone ko.
Tinatanong nila ako kung nakauwi ba daw ako ng maayos kagabi.
Matapos ko silang replyan isa-isa ay agad akong nag-research tungkol kay Zandro Carson at doon kay Phil.
Isang oras na akong nakababad sa cellphone ko pero wala akong napala.
Yamot na yamot na ako dahil lahat ng lumabas na information kay Zandro ay alam na ng lahat.
Wala man lang blind items! Anong silbi ng mga tsismosa ng bansa? Nascam din sa hitsura ni Zandro?
Dahil walang akong mahanap kay Zandro ay si Phil ang sinearch ko.
Phil Nerius.
Halos lumuwa ang mata ko sa mga lumabas na article tungkol sa kanya.
Anak siya ng isang Italian multi- billionaire business tycoon sa dating isang sikat Fil-Am International model.
Gilalas kung pinasadahan ng tingin ang mga escapade ni Phil kasama ang iba't-ibang mga... babae?
Di ako makapaniwalang puro mga babae iyong nali-link sa baklang iyon. Pinipilahan ang gago ng mga celebrity, models at kahit iyong mga spoiled heiress ay nakipila din.
Sa kahit saang bansa ay may mga babaeng nali-link sa kanya.
Totoo ngang babaero ang walanghiya kaya paano siya naging bakla?
Ou nga at nakakabading iyong kagwapuhan ng isang Zandro Carson pero kung hinahabol ka naman ng mga babaeng naggagandahan ay wala naman sigurong dahilan na lumiko ka ng landas!
Halos malaglag ang hawak kong cellphone ng makita kong may scandal ang hinayupak na si Phil.
Dilat na dilat ang mata kong pinanood ang isang di gaanong malinaw na kuha mula sa isang cctv habang may ginagawang milagro si Phil sa elevator kasama ang isang starlet.
Babae iyong kasama niya sa scandal, bisexual ba siya?
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sumasakit iyong ulo ko sa kakaisip.
Pwede naman talagang di na ako makialam sa dalawang iyon. Pwede namang hahayaan ko na sila at may iba pa namang bakla diyan na pwede kong agawan ng kaligayahan pero di talaga ako matahimik ng mga natuklasan ko.
Ayokong maging bakla ang dalawang iyon. Sayang ang genes! Hindi ko hahayaang masira ang pag-iilusyon ng mga katulad kong babae sa kagwapuhan ni Zandro.
Hindi pwedeng patuloy na magkarelasyon ang dalawang iyon.
Dapat magising si Zandro sa katotohanang ang lalaking katulad niya ay para sa babae at hindi para kay Phil na kahit talo pa ang babae sa gandang lalaki ay wala namang matris.
At si Phil, isa siyang babaero! Di ko sinabing bumalik siya sa pambababae pero dapat ay bumalik siya sa dati niyang taste.
Di bagay sa kanya ang manlalaki kahit na kasing gwapo ni Zandro ang lalaki dahil pareho silang may itlog!
Pero, paano ko paghiwalayin ang dalawang iyon at ibalik sila sa tuwid na daan?
Sigurado kasi akong hindi pa huli ang lahat para sa kanila kasi wala pa namang isa sa kanila ang nagsuot pambabae.
Pwede pa silang magbalik-loob dahil wala naman sa kanila ang nagpakita ng mga senyales ng pagiging mahinhing binabae.
Kung matuyuan sa pagiging bakla ang dalawang iyon ay tiyak babaha ng luha ng mga babaeng masasaktan.
Tuluyan nang masira ang imahe ng mga gwapo dahil magiging makatotohanan na ang paniniwalang kalimitan sa mga gwapo ay gwapo din ang hanap.
Mababawasan ang iilang bilang nalang ng mga gwapo sa mundo kaya habang may pag-asa pa ay gagawin ko ang lahat maibalik lang sa tuwid na daan ang dalawang iyon.
Determinado ako sa gagawin ko kaya agad kong tinawagan si Alex.
"Hello," sagot sa kabilang linya matapos ang ilang ring.
Chineck ko pa iyong number na tinawagan ko upang masigurong kay Alex nga iyon kasi parang hindi niya kaboses iyong sumagot.
"Alex, umuwi ba ng bahay ninyo iyong kakambal mo?" deretsahan kong tanong.
Kunot-noo kung hinintay na sumagot si Alex dahil tahimik lang ang kabilang linya.
"Hello, Alex... Nandiyan ka pa ba?" pukaw ko sa pananahimik niya sa kabilang linya.
Isang palatak ang narinig ko kaya nasisiguro kong nakikinig lang siya sakin.
"Ganito kasi iyon, itatanong ko lang kung magkasama pa ba ang kakambal mo at iyong bestfriend niya." patuloy kong sabi.
Isang mahinang tawa ang narinig ko mula kay...Alex?
Kailan pa naging ganito kabuo iyong noses niya kapag tumatawa?
"Bakit masyado kang interesado?"
Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang magsalita ang nasa kabilang linya.
"Zandro,"mariin kong anas.
Bakit nasa kanya ang cellphone ni Alex?
" Yes, sweetie... magdamag kaming magkasama ni Phil. Di mo na dapat kailangang sa iba pa itanong iyan dahil pwede ka namang dumeretso sakin," paos ang boses nitong sabi.
Paos ang boses? Parang nanayo iyong balahibo ko sa batok habang naglalaro sa utak ko kung paanong naging paos iyong boses ni Zandro.
"Hey, who's that?"
Muntik nang dumulas sa kamay ko ang hawak kong cellphone nang marinig kong magtanong ang pamilyar na boses ni Phil.
Siguradong tinatanong nito si Zandro kung sino ang kausap nito sa cellphone.
"The girl last night." Narinig kong sagot dito ni Zandro.
"Morning sweetheart... we had fun last night," kausap sakin ni Phil.
Fun? Anong- mga walanghiya!!!
Mabilis kong pinatay ang tawag dahil ayokong marinig kung ano mang fun na pinagsasabi ni Phil.
Baka ikwento pa sakin ng baklang iyon ang pinaggagawa nila na dahilan ng pamamaos ni Zandro.
Parang tuksong lumilitaw sa utak ko ang senaryong magkalapat ang hubad na katawan nina Phil at Zandro kaya parang baliw kong isinubsob ang buong mukha ko sa magulo kong higaan.
Sumabay sa pag-aalburuto ko ang pagtunog ng tiyan ko sa gutom kaya lalo ang nainis.
Imbes na pagtuunan ko ng pansin ang mga baklang iyon ay dapat inuna ko munang kumain.
Malilipasan pa yata ako ng gutom dahil sa dalawang iyon! Kainis!!!