CHAPTER THIRTY-NINE

1720 Words

"Tasya... paki-akyat na muna si Shawn sa kwarto niya. H'wag niyo iiwan mag-isa, baka kung ano na naman gawin," malumanay kong utos na agad namang sinunod ni Tasya ngunit ayaw umalis ni Shawan kay Cennon. "Mommy, no. I'll stay here with Sir," protesta ni Shawn dahilan kaya mariin akong napapikit at pinakatitigan ko siyang mabuti. "Shawn... did you forget your promise?" paalala ko nang ipangako nito kaninang mag-be-behave siya. Sandaling tumingala si Shawn kay Cennon, para bang nanghihingi ito ng pahintulot na dumito muna siya. Tingnan mo itong batang ito, mas susunod pa ata sa tatay niyang hindi pa niya naman alam na tatay niya talaga! Binigyan ng makahulugan tingin ni Cennon ang bata at batid na sumunod sa utos ko at agad namang nakuha ni Shawn at tumayo na mula sa kanyang kandungan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD