"Mom! Si Shawn!" nanggigigil nang sigaw ni Shanice nang makababa nang hagdanan habol ang anak niyang tinakbuhan siya! "Shawn!" tawag naman ni Melanie sa apo na tuwang-tuwa pang nagpapahabol sa mga kasambahay. Umikot na lang ito nang umikot magmula sa kusina hanggang salas habang halos lahat ng mga kasambahay nagkakagulo na sa kakahabol kay Shawn na ubod ng kulit. Kalahating hubad itong tumatakbo sa buong kabahayan habang tuwang-tuwa at panay ang pa hagikhik habang inaasar nito ang mga pagod nang kasambahay na humahabol sa kanya. "Jusko po, ang batang ito! Patawarin!" pagod nang saad ni Yaya Mengmeng na dating personal na Yaya ni Shantice. "Shawn, please, anak. Come here na, you have to wear this cloth and get dressed up!" nauubusan na ng pasensyang utos ni Shantice. "No, Mommy. Ayaw