CHAPTER ONE
"Mom! I have lunch meeting with my friends!" saad ko sa aking Mommy habang pababa ako ng hagdanan at abalang nagsusuot ng hikaw.
Pagkababa ko ay ngayon ko lang nakitang may kausap pala si Mommy dahil nasa baba ng baitang ang tingin ko at tumigil sa harapan nila.
Isang lalaki ang nakatayo ngayon sa harapan ko na ngayon ko lang nakita at taas-baba ko siyang hinagod ng tingin.
Sino ang lalaking ito?
Naka-suot siya ng uniporme ng pang-servant ngunit... wala naman sa itsura niya maging taga-silbi... mas muka siyang isang matikas na modelo, no not just a model, he's more than that.
He has soft features but is very stoic and very formal, he looks well poised and masculine at the same time. Katamtaman lang ang kulay ng balat, at ang kulay naman ng kanyang mga mata ay naghahalong-berde at tsokolate.
What a beautiful eyes? It's addicting to stare at. Nagtama ang mga mata namin, nang sa akin na siya tumingin ay biglang blangko at tila walang mababasang kahit na ano sa kanyang mga mata.
Tumikhim ako. "Mom? Who is he?"
Saka lang napansin ni Mommy presensya ko nang magtanong ako. "Oh! Nandiyan ka pala Shantice, I'm sorry, hindi kita agad napansin at narinig, kausap ko kasi itong si Cennon."
Cennon? Cute name, it suits him.
"Cennon?" Hindi ko iniaalis ang tingin ko sa lalaki, bahagyang nakaawang ang bibig ko na nakakurbang pangiti.
I like him. Iyon agad ang unang pumasok sa isip ko, he's so attractive. I want to lick my lips but I didn't because that's inappropriate.
"Yes, anak. Cennon, meet my one and only daughter, Shantice. Shantice, meet Cennon, and he will be your personal butler just for the meantime hangga't nasa bakasyon si Yaya Mengmeng," pakilala ni Mommy sa amin sa isa't isa.
Oh... bakit naman for the meantime lang? Saka kailan ko pa kinailangan personal butler? Wala namang ganito dati. But anyway, pabor din naman sa akin.
"H'wag na lang kaya natin pabalikin si Yaya Mengmeng?" Nagbabaka-sakaling tanong ko kaya pinanlakihan ako ng mata ni Mommy.
"Shantice," she called my name in a warning tone kaya natawa lang ako. I'm just kidding.
"Nagbibiro lang ako, Mom." Bumaling ako kay Cennon sabay inabot ang kamay ko and I smiled politely. "Hi, it's nice to meet you, Cennon."
Tumagal ang tingin niya sa kamay ko na halos ikangalay ko na. Ang tagal pa bago siya makapagdesisyong tanggapin ang pakikipag-kamay ko.
Nangunot naman ang noo ko nang wala man lang ka-latoytoy ang pakikipag-kamay niya sa akin na animo'y napilitan lang siya at agad niya rin binitawan.
Suplado type pala ito, but I like it.
Parang ayaw ko na tuloy mag-lunch kasama ang mga kaibigan ko. Dito na lang kaya ako?
Hindi ko namalayang napapakagat labi na pala ako habang pinagmamasdan ko siya nang biglang marinig ko ang alinsunod na pagtikhim ni Mommy kaya umayos ako ng tayo at ibinalik ko sa pagiging casual ang mukha ko ngunit ang ngiti ay hindi na nawala-wala.
"Cennon, ikaw na muna bahala sa anak kong pasaway, para ka lang naman nag-bi-baby sit ng isang 7 years old little girl, she's too spoiled kaya ngayon pa lang paki-habaan mo na ang pasensya," bilin niya sa bagong butler na ikinanguso ko.
"No worries Madame, I can handle her." Ang boses niya ay napaka-lagong at buong-buo.
Ang sarap sa tainga.
The way he said that 'he can handle me' sends me a sensual feeling, I don't know how to explain but... I love it.
"Sige na po, Mom. Alis ka na, kami nang bahala sa isa't isa." I waved my hand cutely.
Her lips turned into a thin line na tila may gusto sanang sabihin ngunit napabuntong hininga na lang sabay napa-iling.
"Shantice, behave, huh?" bilin niya sa akin na ikinatango ko at ginawaran ko lang siya ng matamis na ngiti.
Ilang sandali pa silang nag-usap ni Cennon, may ilang pagbibilin pa bago tuluyan nang umalis si Mommy dahil may lakad din ito kasama ang mga amiga niya.
Ako, cancel na ang lakad ko dahil may bago na akong pagkakaabalahan... mapapadalas na ata ang pananatili ko rito sa bahay.
Humulikipkip ako. "So, anong trabaho mo before bago ka kunin ni Mommy na maging butler? Sa itsura mo kasi, palagay ko ay hindi akma sa iyong maging taga-silbi."
"That's confidential to answer Ma'am," pormal niyang sinabi nang hindi sinasagot ang tanong ko.
Confidential? May pa-gano'n?
"Sandali lang, nag-ta-trabaho ka na ngayon sa akin, kaya karapatan ko na alamin ang background mo," saad ko kasabay ng pagtaas ng isa kong kilay.
"Your parents hired me, not you. I was just being told to be with you all the time but it doesn't mean I am working for you," sagot niya gamit ang kalmado at mahinahong boses ngunit pabalang ang tono.
What's wrong with this man? Bakit ang sungit?
"Can't you just talk to me in a polite way? You're kinda rude," angil ko sa kanya na mukang hindi niya naman inintindi.
"Am I?" tila namimilosopo pa.
Awang naman ang bibig kong napatitig sa kanya. So, bawal pala ako magtanong ng mga personal na bagay na tungkol sa kanya? Mga magulang ko, alam lahat ng tungkol sa kanya, tapos ako hindi? Bawal pa na magtanong?
Nag-iiwan tuloy siya ng palaisipan sa akin, he's acting mysterious, mabuti na lang ay gusto ko iyung mga misteryosong kagaya niya. Exciting and he's very challenging to deal with.
"Mister... oh, sorry. Butler... Cennon... do you have a girlfriend? Siguro naman p'wede ko nang itanong ang bagay na iyon, that's a common question, p'wede mo na sigurong sagutin?" Hindi ko makilala ang sarili kong boses dahil sa labis na kalamyusan.
Sinubukan ko siyang hawakan sa mismong uniporme niya lang naman, sa may parteng dibdib nang maagap niyang hinawakan ang aking pulsuhan para ilayo sa kanya.
"What do you think you are doing, young lady?" tanong niya habang diretsong tumitig sa mga mata ko.
Those eyes... making my knees weak.
"Gusto ko lang naman malaman... kung gaano ka ba ka-tigas..." pilya kong sagot gamit ang aking mapang-akit na boses at ang tinitukoy ko ang kanyang dibdib.
Nagsalubong naman ang dalawa niyang kilay at lumikha siya ng malaking distansya sa pagitan naming dalawa sabay bitaw na sa aking pulsuhan.
"That's an inappropriate act for a decent woman. Ginagawa niyo rin ba iyan sa ibang lalaking kakakilala niyo pa lang?" He sounds mocking me with the hint of dissapointment.
"Hindi, sa iyo lang," simpleng sagot ko sa tanong niya at ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti.
Huminga siya ng malalim at mas umayos ng tayo. "Don't, Ma'am. I'm your personal servant not someone who can entertain you."
I look at him in amusement.
"But I want you to entertain me... p'wede ba iyon?" Sinubukan ko ulit siya hawakan ngunit madali siyang nakaiwas.
"I can send you a call boy if you want, kung entertainer lang din naman pala ang hanap niyo." Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
He what?! Pinipigilan ko ang pag-bangon ng inis sa akin! How dare he say that? Nang 'di agad ako naka-sagot ay muli siyang nagsalita.
"Hindi po ba ay may lunch meeting kayo kasama ang mga kaibigan niyo?" pagiiba niya. "Hindi pa po ba kayo aalis?" dagdag niya pa na tila ipinagtatabuyan niya ako.
Ikinalma ko ang sarili ko at tumikhim. "Hindi na, tinamad na akong umalis. Sumunod ka na lang sa akin at gawin ang trabaho mo."
Sinunod niya naman ako at sumunod nga siya sa akin patungong kusina. Naupo ako sa may high chair ng counter top at tumingin sa kanya.
Itinukod ko ang palad ko sa aking baba at ang siko ay nakatukod naman sa counter.
"Do you cook?" tanong ko.
Tumango siya. "Yes. Do you want me to cook?" tila batid niyang paunlakan kung gusto ko man ipagluto niya ako.
Being a cook is not a part of his job, he just 'serves' but there's a time that they have to, and they should know how to do things on the kitchen.
"Hmmm... yes, I want you to cook for me," saad ko. "I want to taste..." you, ngunit hindi ko binanggit. "your dishes you can make."
"Cooking is not part of my job description but I'll do it because it's young lady's request," tila may kung anong hatid sa akin ang sinabi niyang iyon.
He sounds like a real gentleman.
Akala ko susungitan niya na lang ako, iyon kasi ang unang impresyon ko sa kanya na muka itong suplado at masungit. Pero hindi niya naman ako p'wedeng sungitan, he is my personal servant, maihahalintulad sa maid at ang kaibahan lang ay isa siyang lalaki ngunit iisa lang naman ang kanilang trabaho, iyon ay ang magsilbi sa amo.
Pinapanuod ko siya sa pagsusuot pa lang niya ng apron, even though he's wearing butler uniform tux, I noticed his full biceps, bumabakat sa suot niya. Curious tuloy ako kung ano kayang itsura no'n kapag walang telang nagtatakip.
Napansin ko rin ang maugat niyang mga kamay, it looks so strong that it can grip you so tight while your body is aching for its touch.
I imagine things obscene...