1 MONTH LATER... Naginginig ang kamay kong nakatitig sa pregnancy kit habang tutop ang sariling bibig. There's a red two lines... Nanlalambot akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa toilet at napahawak sa kanto ng sink. Ipinatong ko sa ibabaw nito ang pt kasabay nang paglandas ng mga luhang patuloy lang sa pagdaloy. Yumuko ako kasabay ang paghigpit ng hawak ko sa kanto ng sink, hindi alam ang gagawin, hindi alam kung paano sasabihin sa mga magulang kong... nabuntis pala ako ni Cennon... Umiiyak akong napasandal sa malapit na dingding padaus-os na napaupo sa malamig na tiles kasabay yakap sa dalawa kong tuhod. Me, and Cennon are going to have a baby... Ang batang ito na nasa sinapupunan ko ngayon ay walang kakagisnang ama. Gusto ko iumpog ang ulo ko sa pader dahil sa labis na pagiis