"Hey, are you okay? Mukang buong araw kang wala sa sarili?" nagaalangang tanong ni Shana sa akin. Pilit ko lang siyang ginawaran ng ngiti. "Ayos lang, I just feel tired," matamlay kong sagot. Pagod sa kakaiyak at sa kawalan ng tulog ilang araw na simula nang umalis si Cennon sa bahay. "Sigurado kang puyat lang iyan? Ilang araw ka na rin pumapasok sa umaga na parang kinagat ng langgam iyang mata mo eh." Bakas na hindi siya kumbinsido. Bumuntong hininga na lang ako at hindi na nagsalita pa habang papalabas na kami ng University. Hindi na rin siya nangulit pa sa akin at nagtanong. "Una na 'ko, Shantice. Nandito na ang sundo ko," paalam niya na sa akin at kumaway bago sumakay ng sasakyan nila. I just waved back at natigilan naman ako ng mamataan si Dilda na nakahilig sa may gate na mukan