3

3025 Words
V Delafuente "Ba't nakabusangot yang mukha mo? Hanggang ngayon ba ay nagluluksa ka parin sa pagkakaroon ng girlfriend ni V noong first year pa tayo? O yung hindi pagbawi ni RM sa ID mo hanggang natapos nalang ang klase ay wala paring RM Delafuente ang nagpakita sa labas ng eskwelahan natin?"  Mas lalong napabusangot ang mukha ko dahil sa pambungad ni Jhazmine sa akin. Second year high school na kami eh. Ewan ko nga ba ba't hindi kinuha ni RM iyong ID niya sa akin. Hindi kaya ay nawala sa utak niya? Nakalimutan niyang bawiin? Nawala na siguro sa utak niya kakaaral. Matalino pa naman iyon. Subsob siya sa pag-aaral kaya nawala sa utak niya. Baka naman ngayon ay may pag-asa parin. Minsan nalang kasi pumupunta doon sa BTSU. Hindi kasi namin sila nachechempuhang lalabas ng eskwelahan nila. Parang ang ilap nalang nila bigla. Tapos si JK at Jame Brancen nangingibang eskwelahan pa. Ewan ko kung bakit. Siguro ay may kababata sila doon. Siguro. Wala namang napapabalita na may girlfriend sila eh. Oo wala. Single na silang lahat. Lalo na si V. Kasi wala na sila nung girlfriend niya kaya nagbago si V. Yan lang yung nakalap kong mga impormasyon eh. Basta ang pangalan ng girlfriend niya ay Jade. Ex girlfriend. May kumalat ring video noon sa eskwelahan nung Enriquez eh. May sinambunutan yung anak ng may-ari na isang bisita. Kababata daw ng magpipinsan. Hindi ko nakuha yung pangalan eh. Wala rin kasing nakakaalam. Inupload lang yung video pero dinelete rin. Mukhang wala rin kasing nakakakilala doon sa babae. Ni hindi namin nakita ni Shy ang kabuuang mukha ng sinambunutan dahil naputol agad yung video. Baliw daw iyon kay V. Biniro pa nga ako ni Jhaz ng araw na iyon na magiging ganoon daw ang dry kong buhok dahil sa pagiging baliw ko sa magpipinsan. Masasambunutan rin daw ako nung Anne. "Eh kasi yung ID ni RM naisama ni Mama sa washing machine. Nasa palda ko kasi yun." Napasimangot ako lalo. Kung hindi ko naalalang nandoon iyon kaya basang basa. Ayun, sinampay ko sa taas ng bahay namin para maarawan.  "Sinampay mo ba?" tanong sa akin ni Shy "Oo. Sinampay ko para maarawan at matuyo." paliwanag ko na ikinagulat ng mga mata ni Shaira at inalog alog na ako. "Pinayungan mo ba?! Mangingitim si RM! Baka hindi mo na makita ang mukha nun mamaya pag-uwi mo!" Napangiwi ako kay Shaira. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito. "Hindi ko pinayungan no." Napasimangot ako. "Aba. Sa unang pagkakataon ay may normal ka palang naisip." Tumango tango si Jhaz na manghang mangha dahil sa sagot ko. "Hindi ko napayungan kasi wala naman kaming payong. Yun nga sana ang balak ko eh." sagot ko na ikinangiwi ni Jhazmine at nag-iikot na ng mga mata niya.  Nasira kasi yung payong namin. Noong bumabagyo ay bigla nalang umangat yung ulo hanggang sa nilipad sa ere. Mumurahin lang rin naman kasi iyon. Kaya siguro ang daling nasira. "Nakalimutan kong baliw ka pala. Hindi kana titino. Kayong dalawa." sabi niya sa amin ni Shaira.   "Oo nga pala, Chan. Samahan mo kami ni Jhaz bukas bibili kami ng mga supplies para sa project natin sa Math." Napakurap ako sa sinabi ni Shaira. Project? Sa Math? Meron pala? "Anong project?" tanong ko sa kanila. "Ayan. Yang laman lang kasi ng utak mo ay yung pitong magpipinsang Delafuente. Sige. Maipapasa ka niyan sa mga subject mo. Ipagpatuloy mo iyan Chanelle nang humaba ang buhay mo dito sa sekondarya kakaaral." Nagawa niya pang ipalo sa ulo ko yung ballpen na hawak niya. Napasimangot ako at nagkamot ng ulo. Di ko naman kasi alam!  "Baka absent ako nang araw na iyon nang nagbigay ng project yung prof." depensa ko.  Pinalo ulit ako ni Jhazmine ng ballpen sa ulo ko. Nakakadalawa na siya! "Hindi ka absent. Sadyang wala ka sa sarili mo. Yung katinuan mo ang absent sayo."  "Tama na nga yan Jhaz! Kaya nagiging makakalimutin si Chanelle kasi palo ka nang palo sa ulo niya! Naaalog yang utak niya." Binawi ni Shaira ang ballpen kay Jhaz. Tagapagtanggol ko talaga itong si Shaira.  Laman ng utak ko ang ID ni RM pagkauwi ko. Baka kasi natuyo na iyon. Sana naman ay tuyo na iyon. At sana ay hindi nasira. Si Mama naman kasi! "Nandito na po ako." sabi ko habang hinuhubad ang sapatos ko. Kakadating ko lang dito sa bahay. Nagtatrycicle nalang ako eh. Natatagalan kasi minsan si papa sa pagsundo sa akin. Ayaw niya nang maulit yung ginagabi ako.  "Charinelle!" Gulat na ang mukha ko nang dumagundong ang sigaw ni mama. Hindi ko pa nahuhubad yung isa kong sapatos ay nagtago na agad ako sa ilalim ng lamesa. Kaso naalala kong alam niya na palang lungga ko iyan sa tuwing ganyan siya kaya mabilis akong lumabas doon at aakyat na sana nang makasalubong ko siya at may hawak pang walis. Jusko! Katapusan ko na ata! Lalo na't tinawag na ako sa buo kong pangalan at nanlilisik na naman ang mga mata! "Ikaw bata ka! Sino ito?! Ha! Sinampay mo pa!" Nanlaki ang mga mata ko nang hawak niya na ang ID ni RM at ibinabandera sa akin. Kinuha niya ata doon sa sampayan. Sana talaga doon nalang sa kwarto ko isinampay!  "Ma! Si RM yan! Yung isa sa magpipinsan!" Bumababa na ako dahil alam kong makakatikim talaga ako niyang hawak niya. Walis yan! Pag tumama iyan sa ulo  ko sigurado akong hihiwalay na talaga ang utak ko sa ulo ko. "Aba! Ba't nasa iyo?! Ha! Ano! Ninakaw mo! Ninakaw mo! Kailan pa kita tinuruang magnakaw ha! Halika dito!" Hinabol ako ni Mama ng walis kaya ako itong nagpalibot libot sa masikip naming bahay. Ang liit pa ng espasyo! "Ma! Di ko yan ninakaw! Nakuha ko yan sa kanya!" "Yun na nga! Kinuha mo sa kanya! Ikaw bata ka halika dito!" Umikot si mama dahil napapagitnaan kaming dalawa ng mesa. Umikot rin ako para hindi niya ako maabot. Handa na akong tumakbo paakyat nang mahawakan ni mama ang mahaba kong buhok. Ang dry kong buhok!  "Aray Ma!" Mangiyak ngiyak na akong napapangiwi at inaabot ang kamay niyang matanggal doon sa buhok ko. "Lolita! Ba't mo sinasambunutan yang si Chanelle!" Napapitlag kaming dalawa ni Mama dahil sa sigaw ni Papa. Pasimple ko namang hinablot sa kanya yung ID ni RM at agad na ibinulsa saka ako tumakbo sa likod ni papa dahil binitiwan niya na ang buhok  ko at doon nagtago.  "Hindi ko siya sinasambunutan Pakito! Sadyang gusto ko siyang mahuli kaya yang buhok niya ang nahawakan ko! Yang anak mo may ninakaw na ID!" Itinuro niya pa ako gamit yung walis na hawak niya kaya mas lalo akong nagtago sa likod ni papa. Baka kasi bigla niyang paliparin yan.  "Chanelle totoo ba iyon?" Sinilip ako ni papa sa likod ko kaya agad akong umiling. "Oh. Hindi naman pala. Tantanan mo na yang anak mo. Stress na nga yan sa eskwelahan pagdating dito pagagalitan mo pa. Di pa nga nakakapagpalit ng pambahay oh! Pati ang isang sapatos hindi pa nahuhubad tapos sinasambunutan mo pa."  "Hinabol niya rin ako niyang hawak niyang walis papa." bulong ko sa kanya dito. "At hinabol mo pa ng walis! Nag-aaral ng mabuti yang anak natin tapos pag-uwi yan ang isasalubong mo? Pag yang anak mo napuno sayo lalayasan ka talaga niyan." Sinilip ko pa si Mama na humihinahon na ang mukha saka ako tumango tango. Pinapakita ko kay mama yung ekspresyon kong nakakaawa. Napapakalma kasi siya ni papa kaya tinatantanan rin ako ni mama. "Oh sige na sige na. Kasalanan ko na naman. Chanelle, anak. Akyat kana. At ako nalang ang maglilinis dito. Magbihis kana para makakain kana." Mahinahon na sabi ni Mama at iwinalis nalang sa sahig yang hawak niya. Napangiti naman agad ako ng malapad at nagmadaling umakyat sa kwarto ko. Buti nalang at may kakampi ako dito sa bahay.  Pumasok ako sa masikip kong kwarto. Wala akong kama eh. Bale yung nipis na foam lang na inilatag sa sahig ang higaan ko. Wala nga akong mini table. Di ata magkakasya sa espasyo ng kwarto ko. Lalong lalo na at hindi namin afford ang mga ganoong bagay.  Isinabit ko ang ID ni RM sa tabi ng ID ko saka ko tiningnan ang mga mukha nilang nakadikit sa pader. Napatili ako dito ng at pinaghahalikan sila isa isa habang nagtatatalon.  "Charinelle sinabi kong magbihis kana! Wag mong sagarin ang pasensya ko!" sigaw ni mama kaya natigil ako dito. Paano ba naman kasi, pag tumatalon ako parang pati ang buong bahay ay nagkaka after shock rin. Parang yumayanig rin.  "Opo!" sigaw ko nang nakangiti saka na ako nagbihis. Kinalas ko na ang botones ng uniporme ko nang maalala kong nakatingin pala sa akin yung pito kaya ako nalang itong nag-adjust at tumalikod. Anong kaibahan nga naman?  Bumaba rin ako na nakapambahay na. Umupo ako doon sa bakante. Si Yaya nagsisimula naring kumain doon sa ilalim ng lamesa eh.  "Pa. May lakad po kami bukas nila Jhazmine at Shaira. May project po kasi kami sa Math. Manghihingi po ako ng pera." sabi ko habang naglalagay na ng pagkain sa plato ko.  "Magkano ba? Sana naman ay hindi yan lumagpas ng isang daan." sabi ni papa. "Dapat nga ay hindi lumagpas ng singkwenta." sabi naman ni mama na sumusubo na.  "Hindi ko alam kung anong mga bibilhin eh. S-Si Shaira kasi yung humawak ng listahan." Pagdadahilan ko lalo na't tumalim na ang tingin sa akin ni Mama. Baka sabihin niyan ay gumagawa lang ako ng alibi para makalakwatsya ako bukas at hindi siya matulungan dito sa mga gawaing bahay. Palalabahin ako niyan ng sandamakmak.  "Oh sige. Sapat na ba yung isang daan?" tanong ni papa. "Yan lang naman ang kaya niyong ibigay kaya sapat na yan sa akin. Siguro ay titipirin ko nalang. Magaling akong magtipid ng pera." Ngumiti ako sa kanila. "Oh marunong ka naman pala. Edi singkwenta nalang. Tipirin mo nang mabuti yan. Total magaling ka." Napasimangot agad ako sa sinabi ni Mama.  "Sige na Chanelle bibigyan kita bukas ng isang daan. Kumain ka nalang dito sa bahay bago ka umalis para hindi mo mabawasan yang isang daan mo sa pagbili ng pagkain. Ang mahal pa naman ng mga paninda ngayon." sabi ni Papa na ikitango ko agad.  "Salamat po, pa."  Kinabukasan nga ay maaga akong gumising. Nasa banyo palang ako nang marinig ko na ang isang busina sa labas ng bahay namin. "Chan!" pamilyar na sigaw ni Shaira.  "Good Morning po Tita. Si Chanelle po?" tanong ni Shaira. Rinig na rinig ko sila dito sa banyo. Hindi kasi soundproof itong mansyon namin. "Nasa banyo pa Shaira. Ang bagal bagal maligo." sagot ni mama. "Sige po. Hihintayin nalang namin."  Binilisan ko na ang pagligo. Kinukusot ko kasi nang mabuti itong buhok ko baka may pag-asa pang tumino.  Umalis rin naman kami sa bahay. Sinundo na talaga ako ng dalawa dahil alam nilang mabagal akong kumilos.  "May update ako sa asawa mong si Sylver, Chanelle!" tumitili na dito si Shaira habang iminumuwestra niya sa akin ang touchscreen niyang cellphone. Si Jhazmine nandoon sa front seat eh. Nakaheadset.  "Ano?" Excited narin akong tiningnan yang screen ng cellphone niya. "May kotse na siya! Iyang kulay puti! Yan ang plakard! Buggati Veyron rin ang brand kagaya ng my pinsan niya! At alam mo ba na ang mahal niyan! Sinearch ko kaso hindi ko mabilang kung ilang zero iyon! Basta ay masyado yang mahal!"  Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang picture ng kotse ni Sylver. Gaano ba talaga kayaman ang angkan ng mga Delafuente? Si RM yung nagkakotse noong nakaraang buwan eh. Sabay sila ni Jiro. Kulay grey yung kay RM habang kay Jiro ay kulay pula. Tapos ngayon ay kay Sylver naman. Ang yaman yaman nila! Pati nga si Harel ay meron narin. Si V, JK at Jame Brancen nalang ang wala.  "Kakulay ng kotse ni papa!" tili ko dito. "Taxi yung sa inyo wag kang assuming diyan." sabat ni Jhazmine sa front seat. Hindi na namin pinansin ni Shy. Napapangiti ako ng malapad habang tinititigan ang kotse niya. Kinakabisado na iyon ng mga mata ko.  "Nandito na tayo." sabi ni Shaira sa akin na tinapik pa ang balikat ko dahil hindi ako matigil sa kakatitig sa kotse ni Sylver. Ang ganda ganda kasi. Ang swerte ko naman pag naging girlfriend niya ako! Makakasakay ako sa front seat! Napalingon ako sa labas ng bintana ng kotse nila at nakita ang malaking Mall.  "Mall? Ba't dito tayo? Isang daan nga lang yung budget ko. Dapat ay sa bangketa nalang tayo." sabi ko habang bumababa narin. "Nakadress kami Chanelle eh. 'Tsaka alam mo naman yang balat ni Jhazmine pag nadadapuan ng lamok ay namamantal agad. Okay lang yan. Ililibre kita." Pinulupot ni Shaira ang kamay niya sa braso ko kaya napangiti agad ako.  "Ang tunay na kaibigan hindi tumatanggi sa salitang libre." Humalakhak kami ni Shaira. Si Jhazmine naman itong nasa likod lang namin. Nilingon ko siya na blangko lang ang mukha. Ang ganda ganda niya. Kapwa sika nakadress eh. At ako. Simpleng pantalon at tshirt. May dress ako pero sa mga espesyal lang iyon na okasyon kaya hindi ko gaanong sinusuot. Kaya nagmumukha akong alalay ng dalawa pag pinagitnaan ako. Maganda rin kasi si Shaira. Sikat sila sa school namin eh. Maraming nagkakcrush sa best friend kong magpinsan. Ako lang talaga yung hindi napapansin. Pero okay lang. Loyal naman ako sa pito kong asawa. Pumunta nga kami sa National Bookstore nang bigla nalang akong yugyugin ni Shaira nang paulit ulit. "S-Si V ba yang nakikita ko Chanelle?" Gulat na gulat ang mukha niya habang may tinititigan kaya ako ay sinundan narin ang tingin niya at nakita si V na may binabasang libro. Nanlaki ang mga mata ko at handa na akong magtitili dito nang tinakpan agad ni Jhazmine ang bunganga ko. "Kaya ka inaayawan dahil rin naman tumitili ka at hinahabol sila. Sinong hindi matatakot kung ganyan ka umasta sa kanila? Napagkakamalan kang baliw dahil diyan sa inaasta mo." pangaral sa akin ni Jhaz kaya dahan dahan akong huminahon. Ibinaba niya rin naman ang kamay niya. Huminga ako ng malalim at sinikap kong ikalma ang sarili kong naghuhuramintado. "Kalmado na ako. Anong plano? Lalapit ba ako? Magpapakilala? Manghihingi ng number? Ano?" Niyugyog ko silang dalawa ni Shy.  "Ang kalma mo nga. Nakakaiyak." sarkastikong sabi ni Jhaz sa akin "Ganito Chanelle. May nabasa kasi ako sa isang libro. Bale yung lalake at babae ay nagkatuluyan dahil lang sa isang CD. Nagkatitigan kasi sila nang araw na iyon kaya gumawa ng paraan ang babae para mapasakanya yung CD. Hanggang sa hindi siya nakalimutan ng lalake. Kaya ang gawin mo ay dapat pag may hinawakan siyang libro hawakan mo rin. Tapos ay magkakatitigan kayong dalawa. Titigan mo siya sa mga mata niya. Dali na." Mabilis na pagkakasabi niya. Itinulak ako bigla ni Shy para papuntahin doon. Napalunok ako ng laway at hindi gumalaw dahil sa kabang nararamdaman ko.  "Kinakabahan ako." sabi ko sa kanila.  "Sige na. Sanay ka namang ipahiya ang sarili mo." Parang pagod na sabi ni Jhazmine sa akin. Sinimangutan agad siya ni Shy saka ibinaling ang tingin sa akin na nakangiti. "Kaya mo yan! Nandito lang kami sa likod mo. Susuportahan ka namin. Basta, magtitigan kayo ha. Dali na Chan. Baka umalis na yan." Itinulak ulit ako ni Shaira kaya humarap na ako doon kay V at sinimulang tahakin ang natitirang espasyo na namamagitan sa amin ni V. Titig na titig ako sa kanya habang naglalakad ako. Kahit nakaside view lang siya ay malinaw kong nakikita ang nakadepina niyang panga. Ang matangos niyang ilong. Ang seryoso niyang mukha. Sa bawat paglipat niya ng pahina ng binabasa niya ay nakakagat niya ang pang-ibabang labi. Pakiramdam ko ay hindi ako makakaabot sa kanya nang nakatayo parin ng tuwid dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Nanghihina ako sa imahe niya. Masyado siyang gwapo. Para akong hinihiwalayan ng kaluluwa ko dahil sa imahe ni V na sobrang gwapo.  Nakarating rin ako sa gilid niya. Pasimple akong huminga ng malaim. Hindi niya ata ako napansin lalo na't hindi naman siya lumingon. Saktong may dadamputin na sana siyang libro kaya dinampot ko rin iyon. Nagtama ang mga kamay namin. Pakiramdam ko ay nakukuryente ang loob ko. Jusko! Ang bango bango niya pa!  "Ako ang nauna nito kaya sakin na ito." sabi ko sa isang mahinahong boses kahit gusto ko nang magtitili dito at yakapin siya. Delafuente na itong nasa harap ko. Si V Delafuente! Napakurap ako nang inalis niya ang kamay niya doon at inilipat sa isang libro saka niya ito dinampot at walang hesitasyong tumalikod. Nalaglag ang panga ko. Yun na iyon?! Nasaan na yung magtititigan pa kami! Yung magbabangayan pa kami kung sino ang nauna sa libro! "T-Teka! Ba't di mo man lang ako nilingon! Dapat magkaka eyes to eyes pa tayo eh!" sigaw ko. Para akong maiiyak sa pagkadismaya habang pumapaibabaw naman ang tawa ni Shaira.  "Chan, patanggal na kasi natin yang pimples sa mukha mo!" tawang tawa na sabi ni Shaira sa akin nang lapitan nila ako. Si Jhazmine ay isang nakakalokong ngiti pa ang ibinigay sa akin. Hindi naman yung pimples sa mukha ko ang may problema eh! Ni hindi niya man lang ako nilingon!  "Ang sabi mo magkakatitigan kami! Ba't hindi niya ako nilingon?! Ang seryo-seryoso pa ng mukha niya!" Naipadyak ko ang magkabila kong paa. Gustong gusto ko nang umupo dito sa sahig at maglupasay.  "Ba't ka nagpapaniwala kay Shaira? Eh alam mo namang baliw rin yan kagaya mo." sabi ni Jhaz sa akin. "Shy!" Mangiyak ngiyak kong sabi. "Malay ko ba na hindi gumana yung nabasa ko. Kasi naman CD yung pinag-agawan nila. Eh sa inyo ni V isang libro! Kaya siguro ganoon ang kinalabasan. Sa susunod mo nalang ulitin iyon Chan. Pag CD na ang bibilhin ni V. Atleast may plano na tayo diba." Ngumiti pa ng malapad sa akin si Shy at napapalakpak. Yung mukha ko sobrang simangot na. May luha na ngang namumuo sa mga mata ko. Nakakainis lang kasi! "Di pa iyon nakakamove on. Kaya ganoon na ka cold." sabi ni Jhazmine.  "Wag mo ngang tinuturn off si Chanelle, Jhaz!"  "Di nga yan natuturn off sa sarili niyang baduy manamit, dry ang buhok, flat na hinaharap at isipbatang pag-iisip doon pa kaya sa sinasabi ko. Di yan natatablan." Napasmirk si Jhazmine sa akin. Hindi ko na pinansin ang pinagsasabi ng dalawa at pinagpadyak lang ang magkabila kong paa dahil sa panghihinayan. Katabi ko na sana! Dapat ay hindi ko nalang sinunod ang plano ni Shaira! Dapat ay nagpakilala nalang agad ako! Nakakainis! Si V Delafuente na sana iyon! Pag nagkataon ay nagkaboyfriend na ako ng isang Delafuente!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD