bc

Daddy Delafuente (7)

book_age16+
11.5K
FOLLOW
40.9K
READ
billionaire
escape while being pregnant
fated
inspirational
drama
comedy
bxg
campus
disappearance
reckless
like
intro-logo
Blurb

Chanelle had always fantasized the Delafuente cousins, even doing the stupidest things for them. But what if one day, she wakes up realizing that her craziness over them had cost her more than enough?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Mama! Ayoko nga sumama doon sa trabaho mo." "Chanelle wag kang makulit. Di ka naman pwedeng sumama sa papa mo. Busy rin yun. Walang maiiwan sayo sa bahay natin." Inayos ni mama ang buhok kong sumasabog. Isinasabit niya ito sa tenga ko. Naghihintay rin kasi ng tricycle eh. "Edi kay yaya nalang!" sabi ko. "Ikaw bata ka ba't mo ba pinangalanan na yaya yang aso mo?! Nauutusan ba yan ha? Wag nang makulit. Sumama kana sakin doon sa trabaho ko." Hinawakan ni Mama ang pulso ng kamay ko at pinasakay na ako sa pinara niyang tricycle. Nakakainis naman. Gusto ko lang sanang manatili sa bahay kalaro si yaya. May yaya kami kaya mayaman kami. Kaso batugan yung si yaya eh. Di ko nauutusan. Tahimik lang ako dito sa tabi ni Mama. Papunta kasi kami ngayon doon sa bahay na papasukan niya bilang katulong. Bale magiging caretaker siya doon kasi mag-aaout of town ng 1week yung nakatira doon. Kaya 1week atang titira si mama doon kasama ako. Dadalawdalawin lang ata kami ni papa. Pumasok kami sa isang malaking subdivision village. Manghang mangha ang mukha ko nang pumasok kami sa malaking gate. Ibang iba ito sa amin. Yung mga bahay kasi doon bukod sa maliliit ay wala pang kulay at gate. Yung iba nga ay kahoy lang ang ginagawang gate. Mabuti nalang yung bahay namin ay may gate kahit maliit siya. Di naman kalakihan. Pero may nasisilungan naman kami pag umuulan kaya sapat na yun. "Is this your daughter?" Ngumisi sa akin yung magandang babae. Sandali akong natulala sa mukha niya. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Sa napakalaki at napakaganda ba nilang bahay o sa mukha niyang sobrang ganda rin. Ganito ba talaga pag mayayaman? Makikinis? "Yes Madame. Grade 2 na po siya." Ngumiti sa akin si Mama. Ang layo ng hitsura niya doon sa kinakausap niya. Yung mama ko kasi kahit siguro paliguan mo ay hindi talaga gaganda katulad ng babaeng nasa harap ko. Pero mahal ko naman yan. "You can go outside honey. There's a playground there. Maybe you can play." Ngumiti sa akin yung babae. Ako ba kinakausap niya? Ba't honey tawag sakin? O baka nabingi lang ako ng dinig at Channey iyon? Ang layo naman sa pangalan ko. Lalo na sa nickname ko na Chanelle. "Ma? Ano daw sabi niya? Di ko siya maintindihan. Sabihin mo po grade 2 pa lang ako. Mahina utak ko sa english." bulong ko sa mama ko na ikinatawa nung babae sa akin. Mukhang narinig niya ata. "Kahit saang subject naman talaga mahina ka." pabulong ring sabi ni mama sakin. Eh kasi bata pa ako kaya ganito ang utak ko! "I mean, may playground sa labas ng bahay namin. Sa subdivision na ito. Pwede kang maglaro doon habang nag-uusap kami ng Mama mo dito." paliwanag ng magandang babae. Lumiwanag agad ang mukha ko. Playground?! Meron ditong playground?! Doon kasi sa amin wala eh. May basketball court pero wala namang playground eh. "Sige na Chanelle. Wag ka masyadong magtatatakbo ha. Wala pa naman akong dalang extra na pamalit mo." Tumango agad ako at nagmadaling lumabas. Madali lang namang mahanap yung playground nila eh. Napasigaw ako sa saya at tumatalon ako sa tuwa. Nagtatatakbo ako doon sa may swing. Ang ganda naman dito! Ganito ba talaga ang village ng mayayaman? Ang linis pa ng paligid! Hindi kagaya doon sa amin na tambakan ata ng basura. Nakakainis. Gusto ko tuloy maging mayaman. Yaya lang meron kami eh. Meron rin naman kaming car. Pero hindi katulad yung bahay namin sa mayayaman na sobrang laki ng espasyo sa loob. Tapos may veranda pa ang mga kwarto at di aircon. Yung sa kwarto ko ceiling fan na nga lang pag pinapaandar ko ay lumilipad pa yung isang kamay. Ayan tuloy tatlo nalang ang umikot ikot. Nagpatuloy ako sa pagtulak ng sarili ko sa swing hanggang may dalawang kaedad ko lang rin ang pumasok. Sandali akong napatitig doon sa lalake. Ang gwapo niya! Sobrang gwapo niya! Ang tangkad pa! Tapos yung ilong niya ang tangos! Yung labi niya parang kahulma ng bow ni kupido. Ba't ang gwapo niya?! Ang kinis kinis pa! Tagadito ata sila sa subdivision na ito! Halatang mayayaman eh. Suot palang nila parang ang mamahal na. Nang ipinulupot nung babae ang kamay niya doon sa lalaking sobrang gwapo ay napatingin narin ako sa kanya. Kulang nalang ay tumulo ang laway ko dahil sa sobrang ganda nung babae. Parang siya yung barbie doll ko na niregalo sa akin ni mama noong nagbirthday ako! Ang ganda ganda niya! Yung mukha niya sobrang kinis! Yung akin kasi may mga pimples. Ewan ko anong tawag dito sa dumi sa mukha ko. Di ko nga alam ba't di makinis yung mukha ko. Ganoon ba talaga pag mahirap? Siguro kung naging mayaman ako ang kinis siguro ng mukha ko kagaya ng babaeng yan. "Nakaupo siya sa swing ko." Nakanguso niyang sabi doon sa lalake. Ibig sabihin ay sa kanila itong playground na ito? "Hayaan mo na. Marami diyan. Wag mong aawayin. Doon nalang tayo sa slide." Hinila siya ng lalake sa swing. Ni hindi man lang ako natingnan nung lalake. Ang panget ko ba talaga? Tapos yung babae kung makatingin sa akin akala mo nakakita siya ng tae sa daan at diring diri siya. "Pero nakatitig siya sayo. Ang creepy. Ang panget pa." Napabusangot ang mukha nung babae. Pati ako ay napasimangot narin. Kumpara sa suot kong bistida na nabili lang ni mama sa ukay ukay ay mas maganda yung suot niya. Para kasing branded sa kanya. Pag ipinagtabi siguro kaming dalawa magmumukha akong basahan. Ang ganda ganda niya pa. Wala akong laban. "Hayaan mo na. Kahit ano nalang talaga yang pumapasok sa utak mo." sabi nung lalake saka sila umakyat doon sa taas na parang may castle at may slide pababa. Mukha silang prinsesa at prinsepe sa paningin ko. Nang mag-ambon ay umalis naman sila kaya umalis narin ako. Malungkot akong pumasok doon sa napakalaking bahay ng pagtatrabahuan ni Mama. "Oh? Anong nangyari diyan sa mukha mo? Ba't nakabusangot?" tanong ni mama. Nasa sala siya. Kumakain siya ng cake. May birthday ba? "Sinong may birthday ma?" tanong ko sa kanya. "Ano ka ba. Meryenda yan ni Madame sa atin. Oh, umupo kana diyan. Kumain ka. Ano ba kasing nangyari diyan sa mukha mo?" Iginiya ako ni mama doon sa sofa para doon ako paupuin. Ang lambot nga eh. Wala kaming ganito sa bahay. Gawa iyon sa plastik eh. Umupo ako doon at tinitigan ang isang slice ng chocolate cake. Meryenda nila? Eh sa amin pandesal nga lang eh. Ganito ba talaga pag mayayaman? Katulad nung babae at lalake doon kanina. Pag itinabi ako sa kanila ang laking deperensya. Sa pananamit, sa kulay. Sa mukha. Lahat. "Ma ang sabi po nung isang bata sa swing panget daw ako. Panget ba ako?" Mas lalo akong napasimangot. Maganda naman si Mama ah. Maganda siya para sakin siguro pag inayusan. Pero pag hindi hirap ring mahagilap ang salitang kagandahan sa kanya eh. Hinaplos ni mama ang likod ko. Halatang pinapacheer up ako. Ang sama naman ng ugali ng babaeng iyon? Maganda sana pero kung makapanlait wagas. Ganoon ba talaga ang mayayaman? Ang magaganda? "Anak. Ang tunay na kagandahan ay nasa loob. Kaya wag kanang lumabas ng bahay. Dito ka lang sa loob. Itago mo yang kagandahan mo." Mas lalo akong napabusangot sa sinabi ni mama. Ibig sabihin ay panget nga ako! Pag lumaki ako maghahanap talaga ako ng lalakeng maiaahon ako sa kahirapan! Katulad nung lalake na nakita ko sa swing! Magpapaganda talaga ako. Di pa kasi ako dalaga kaya hindi ako maganda. Balang araw, masasabihan rin ako na maganda ako. Pati itong mga pimple sa mukha ko ipapavacuum ko! Palalayasin ko para hindi na bumubuo ng isang barangay sa mukha ko. Balang araw Chanelle! Balang araw!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

Run, Girl, Run

read
32.7K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.7K
bc

Andriano's Fat Baby

read
44.1K
bc

Wandering One

read
21.2K
bc

TEARS OF LOVE: Amy's Endeavor

read
8.5K
bc

His Revenge

read
55.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook