Taming V Delafuente
"Ba't kayo lilipat ng paaralan ni Shaira?" Napasimangot ang mukha ko dahil sa balita ng dalawa. Sayang naman. Kung kailan ay magthithird year na kami ngayong pasukan diyan pa kami magkakahiwalay. Sino nalang ang kasama ko pag pupunta ako doon sa BTSU? Sino nalang ang magiging kausap ko dito sa eskwelahan? Sila lang rin naman kasi ang kaclose ko. Parang mailap yung iba sa akin. Baliw daw ako. Ewan ko kung sa ugali ba o sa hitsura ang naging basehan nila.
"Eh kasi Shy doon sa eskwelahan natin laganap ang lamok. Nagkakapantal na si Jhazmine. Naalala mo yung nahospital siya? Baka kasi dengue iyon. Kaya nakapagdesisyon ang parents niya na ilipat siya sa private school." Malungkot na paliwanag sa akin ni Shaira dito sa terrace ng bahay nila. Si Jhazmine tahimik lang sa sulok. Tulala.
Nilingon ko siya sandali saka ibinaling kay Shaira at napabuntong ng hininga. Ba't pag mga mayayaman masyadong sensitive ang mga balat? Eh ako nga hindi ko na mabilang yung lamok nakinagat ako minsan nga at napapatay ko pa pero hindi naman ako nagkakasakit. Siguro dahil hindi kami mayaman kaya wala ako niyang allergic.
"Pati ba ikaw?" Napasimangot na ako. Ang dahan dahan niyang pagtango ay mas lalong nagpalungkot sa akin.
"Sino nang kasama ko sa eskwelahan?" Halos maiiyak na ako habang sinasabi iyon.
"Si yaya. Ipaenroll mo nang may kasama ka." sabi ni Jhazmine na nagpatawa sa amin ni Shy.
"Jhazmine naman! Iiwan niyo na ako!" Nalaglag ang butil ng luha sa mga mata ko kaya niyakap agad ako ni Shaira.
"Di ka namin iiwan Chan. Tsaka pwede ka naman naming dalawin eh." Mangiyak ngiyak narin na sabi ni Shy sa akin habang hinihimas ang likod ko.
"Ang ooa niyo. Akala mo naman may mamamatay na kaya umiiyak. Tss." Napairap si Jhazmine sa amin kaya tumayo kaming dalawa ni Shy at pinuntahan siya.
"Ang maldita mo! Dapat kasali ka sa yakapan!" Hinila ko siya kaya napatayo narin siya pero iritado ang mukha.
"Iloveyou Chan! Iloveyou Jhazmine!" Hinalikan ako ni Shaira sa pisngi ganoon rin ang pinsan niya na nasa gitna namin.
"Iloveyou too Shaira!" sagot ko.
"Kadiri." Nakabusangot na sabi ni Jhazmine at pinunasan ang pisngi niya. Natawa kaming dalawa ni Shy at niyakap siya lalo na nasa gitna namin. Kung gaano kasweet itong si Shy ganoon rin kabitter itong si Jhazmine. Akala mo brokenhearted. Hindi naman sana. Tsaka wala pa sa utak namin ang pagboboyfriend eh. Magthithirdyear palang kami. Kaya ako di na ako magboboyfriend dahil deritso asawa na ako balang araw. Bubuo kami ng masayang pamilya! Ang cute siguro ng magiging anak namin kung sino man sa pitong iyon.
Naging mag-isa nga ako sa pasukan. Kung noon ay napapansin ako ng iba dahil kasama ko sina Shaira at Jhazmine ngayon naman ay napapansin ako dahil sa mukha ko. Padami ata sila nang padami. Pakiramdam ko may next generation na nga eh at nagsisimula naring bumuo ng pamilya. Ewan ko ba dito sa mukha ko kung ba't lapitin ng pimples. Di naman yung pimples na malalaki. Yung parang acne. Ewan kung acne ba itong maliliit na bilog. Basta ay madumi ang mukha ko yun iyon.
Tuwing lunch ay pumupunta naman sila dito nililibre nila ako sa cafeteria pero kalahating oras lang ata ang pagsasama namin dahil babalik na naman sila doon sa school nila.
"Ang ganda ng 3DBar nila Chan oh!" Ibinandera sa akin ni Shy ang creen ng phone niya. Halos maibuga ko ang iniinom kong pineapple juice dito sa cafeteria namin nang makita ko ang loob. Ang ganda ganda! May neon lights! Ang alam ko ay last year lang ito pero hindi pa naman mag iisang taon pero ganito na siya kung dayuhin. Sila ang nagmamanage niyan. Gusto ko nga sanang pumunta kaso bawal daw ang bata diyan. Halata naman kasi sa amin na minors pa. Siguro 2years from now ay pwede na. Mag-e18 na ako niyan eh.
"Maraming magagandang babae diyan. Yung malaki ang boobs. Walang pimples sa mukha. Mga b***h attitudes. Yung partygirls talaga ang dating.." paliwanag ni Jhazmine sa amin kaya kami itong ni Shaira ang nagkatinginan.
"Si Chan ba ang pinapatamaan mo?! Opposite yun lahat ni Chanelle ah! Ang mean mo talaga Jhazmine! Minsan na nga lang natin siyang nakakasama binubully mo pa." Napanguso si Shy sa pinsan niya habang ako ay panay ang tango. Tanggap ko naman yang mga pinagsasabi ni Jhaz sa akin eh. Totoo kasi. Alam ko naman na ang layo ko sa mga babae na pumupunta doon.
"Hindi ko siya binubully. Pinapagising ko lang siya sa katotohanan na may mga bagay na mas papaboran ng tadhana. Asang asa na yan na may magiging asawa siya sa pitong iyon. Ba't di mo muna ayusin ang sarili mo Chan?" Tiningan niya ako ng seryoso kaya napatingin narin ako sa sarili ko.
"Hindi ba ako maayos? Gaano ba talaga ako kapanget sa paningin mo?" Napanguso ako sa kanya.
"Hindi ka panget Chanelle! Ang panget lang talaga ng ugali niyang bibig ni Jhazmine! May pimple ka lang talaga tapos yung buhok mo isang taong hindi sinuklay! May dibdib ka naman ah! Hindi nga lang kalakihan pero dibdib parin yan. May n****e ba yan?" Nagawa pang silipin ni Shy ang loob ng uniporme ko kaya mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin. Nakakahiya ang babaeng ito! Ang rami pa namang tao! Di ko nga alam kung pinagtatanggol ba ako nitong si Shaira o pinapamukha rin sa akin ang mga kakulangan ko bilang isang babae.
"M-Merong n****e yan Shy. Hindi naman mahalaga kung maganda ka diba? Basta ay mabait ka." Naging mahina ang boses ko. May mga napalingon kasi sa amin dito at napangiwi.
"Eh ba't walang namamansin sayo dito? Wala akong nababalitaang may nagkakacrush sayo." pagod ang mga mata ni Jhazmine na dumirekta sa akin. Para siyang nabobored akong kausap na ewan. Ganyan lang talaga siya eh. Parang ang cold cold niya. Minsan nga lang yan ngumiti. Kami kasi ni Shy parang walang araw na hindi kami masaya. Yung tipong sobrang saya na naghahagikhikan pa kaming dalawa. Si Jhazmine parang tinitipid ang emosyon niya.
"K-Kasi loyal ako sa kanilang pito! Mataas ang standards ko! Nakakaturn off kaya yun pag nalaman nilang loyal ang isang babae sa iba!" Napanguso ako.
"Turn off. Eh ikaw nga hindi nakakaturn on pag tiningnan ka may pa turn off turn off ka pang nalalaman. Di mo napupunto ang ibig kong sabihin Chan. Mahalaga ang ugali. Pero ang parating unang basehan ng mga lalake sayo ay ang hitsura mo. Nature nila yan. Yan ang magtutulak sa kanila para kilalanin ka eh. At pag nalaman nilang mabait ka mas matuturn on sila sayo. Pero kung panget naman ang ugali mo diyan na sila matuturn-off at aayawan kana kahit maganda ka pa. Pero may ibang lalake na nakokontento na sa ugali basta ay nabihag ang mga mata nila. Naiintindihan mo ba iyon?"
Napaawang ang bibig ko. Gusto kong may sabihin pero walang lumabas na salita sa bibig ko kaya itinikom ko nalang iyon. May punto kasi si Jhazmine. Nasaktan ako eh. Ganoon naman talaga pag totoo diba? Nasasaktan ka. Truth hurts. Galing! May natutunan pala ako sa english subject ko! Makakagraduate na ako nito.
"Ah! Gets ko! Katulad nalang ni Jhazmine! Maraming may crush sa kanya dito dahil maganda siya! Pero pag nalaman nilang ganyan ugali niya matuturn off rin sila! Kaya Chanelle wag mo na baguhin sarili mo. Wag kanang maging maganda papanget ugali mo. Tanggap naman kita eh." Niyakap ako ni Shy hanggang kaming dalawa talaga ang nagyayakapan na dito. Si Jhazmine seryoso ang tingin sa amin at nag-iikot nalang ng mga mata.
"Oo Shy! Mananatili akong ganito!" sabi ko habang hinihigpitan lalo ang yakap niya.
"Ang hirap talagang kumausap ng mga taong may sayad sa utak." Naiiling niyang sabi saka niya sinimsim ang pineapple juice niya. Napanguso lang kaming dalawa ni Shy pero naghagikhikan rin kami.
Hinatid ko rin naman sila palabas ng eskwelahan. Ang ganda ganda ng uniporme nila! Ang girly nila tingnan kumpara sa uniporme dito. Halata kasing public ang uniporme na suot ko habang sa kanila ay private na private. Sabagay pampublic rin naman ang ganda ko. Di ako bagay sa mga pangsosyal.
Nakapagdesisyon akong hindi nalang muna bumalik sa eskwelahan. Dadaan nalang muna ako doon sa BTSU. Hindi narin kasi ako nakakapunta doon eh. Simula noong mag-isa nalang ako. Minsan nalang. Minsan lang rin naman kasi sila lumabas. Ewan ko ba. Ganoon ba talaga pag mayayaman? Hindi palalabas? Hilig lang ay magtravel. Pero yung lakwatsya sa tabi tabi ay ayaw nila.
Nasa di kalayuan palang ako ay nakita ko na si V na lumabas ng eskwelahan nila. Malinaw na malinaw sakin ang gwapo niyang mukha kung paano niya iniluhod ang isa niyang paa para lang itali ang sintas niya. Nanglalaki agad itong mga mata ko. Sa sobrang gulantang ko ay hindi ko na napigilan ang sarili kong tumakbo papalapit sa kanya. Sa tuwing makikita ko ang magpipinsan awtomatiko talaga akong napapatili. Awtomatikong nagwawala ang sistema ko at nagiging blangko ang utak ko. Basta ang gusto ko nalang ay makalapit sa kanila.
"V! Paaamuhin ko yang puso mo! V!" sigaw ko. Alam ko kasing nagmomove on pa siya. Alam ko na hindi pa siya nakakarecover sa sinapit niya. Kaya nandito ako para paamuhin yang puso niyang kinain na ng lamig.
Bigla siyang nataranta at hindi man lang ako nagawang lingunin saka siya tumakbo kahit na hindi pa siya tapos sa pagsisintas. Kitang kita ko ang paghihirap niyang tumakbo dahil sa sapatos niyang hindi maayos sa pagkakasintas hanggang mahubad iyon sa paa niya. Kumaripas siya ng takbo nang hindi iyon pinupulot. Napahinto ako sa pagtakbo para pulutin iyon kaso ang layo niya na sa akin.
"V! Yung sapatos mo!" sigaw ko kaso parang imposible na atang marinig niya ang isinigaw ko. Ba't parati nalang silang nagmamadali ng mga pinsan niya? Masyado ba talaga silang busy? Napatitig ako sa sapatos saka ako napatili dito. Niyakap ko iyon at nagtatalon ako sa tuwa. Nagawa ko pang amuyin ang loob. Ba't ganito? Ang bango! Hindi amoy paa! Parang kakabili lang yung amoy! Yung ang sarap singhutin! Ba't ganito yung mayayaman? Mababago?
Bumalik ako sa eskwelahan na parang lutang. Dala dala ko pa yung isang sapatos ni V. Ang tagal niya kasing bumalik eh. Baka hindi na naman yun bumalik kaya umalis nalang ako. Di ko na naman ata maibabalik sa kanya itong sapatos niya. Itatago ko nalang muna.
Bigla nalang akong napapangiti ng malapad at nangingisay dito sa upuan ko pag naaalala ko ang sapatos niyang nasa loob na ng bag ko. Parang pang fairytales yung lovestory namin ni V pag nagkataon! Yung kay Cinderella! Hindi naman ako fan ng fairytales eh. Mas gusto ko kasi yung reyalidad na magiging asawa ko ang isa sa kanilang pito. Pero sa nangyari sa amin ni V pakiramdam ko ang romantic ng lovestory namin! Naiwan niya ang sapatos niya sa akin at hinanap niya ang kapares nito sa lahat ng paaralan. At dahil nasa akin ang kapares ay maiinlove siya sa akin katulad ng nangyari sa prinsepe kay Cinderella! Tamang tama! Eh kasi hindi naman mayaman si Cinderella! Inaalipusta na nga lang iyon ng madrasta niya at yung dalawang anak ng madrasta niya. Hindi ako nalalayo kay Cinderella! Eh parang inaalipusta rin naman ako ni mama. Grabe nga iyon makabunganga at makautos! Si Cinderella may mga alaga ako may yaya ako. Ako talaga ata iyon!
Baka ako nga ang babaeng makakapaamo ng puso ni V! Ako ang babaeng maibabalik siya sa dating siya! Sa masayahin na V! Ako nga iyon! Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay hintayin na sumulpot ang isang V Delafuente dito sa eskwelahan namin habang nakasakay sa kotse niya. Susuyudin niya lahat ng classroom dito dala dala yung isang pares ng sapatos! Ang swerte ko! Magiging Delafuente na nga talaga ako!
"Jusko! Minumulto ata ang classroom na ito! Mahabaging Diyos! Ilayo niyo po ako sa ligaw na kaluluwang ito! Na sana ay matahimik na siya!"
Napakurap ako at naibangon ang ulo ko dito sa desk dahil sa pagsigaw ng gwardya. Ngayon ko lang napagtanto na nakatulog na pala ako dito kakahintay kay V at nakapantasya sa kanya. Kahit natapos na kasi yung klase ay hindi ako umalis. Pero hindi ko inaasahang gagabihin pala ako kakahintay.
"Manong Guard! M-May multo po!" Napatayo narin ako at nagtatakbo sa direksyon niya. Nagawa niya pang ituro sa akin ang flashlight na hawak niya at saktong tumapat iyon sa mukha ko na nagpasigaw sa kanya kaya pati ako ay napasigaw narin. Kapwa kami nagsisigawan.
"Jusmiyo! Ikaw lang pala yan Chanelle! Akala ko ay may multo na dito!" Nasapo niya ang dibdib niya at hingal na hingal. Tumigil rin naman ako sa pagsigaw. Ha? Ako yung napagkamalan niyang multo?
"Po? A-Ako po yung multo?" tanong ko, gulat na gulat.
"Oo. Akala ko talaga. Tapos nang itapat ko sayo yung flashlight naging aswang na. Kaya napasigaw ako. Kasi naman yang mukha mo!" Naiiling niyang sabi. Nakapa ko ang mukha ko at napagtanto kong nandoon pa pala ang mga alipores ko. Kaya siguro ay natakot siya. Idagdag pa ang buhok ko.
"Ba't nandito ka pa kasi sa loob ng eskwelahan? Gabi na ah. Kanina pa natapos yung klase. Naglayas ka ba sa inyo at dito mo na naisipang matulog ngayong gabi?" tanong niya sa akin kaya doon ko lang napagtantong gabi na at baka ay hinahanap na ako ni mama. Lagot ako nito!
"Sige po! Uuwi na ako! Babye po!" Mabilis akong kumaripas ng takbo palabas. Lagot ako nito! Anong iaalibay ko?! Siguro ay sasabihin ko nalang na may niresearch ako sa library kaya natagalan ako ng uwi. Ganon nga Chanelle! Ipamukha mo sa kanila na subsob na yang utak mo sa pag-aaral!
Kakababa ko palang sa tricycle ay nakita ko na si mama sa labas ng bahay namin. Nakahalukipkip at magkasalubong ang kilay. Pasimple akong napalunok ng laway at nagbayad sa driver saka ako dahan dahang lumapit sa kanya. Lagot talaga ako nito. Nararamdaman ko na kasi na ano mang oras ay sasabog na siya.
"M-Ma. Ba't kayo nandito sa labas? Malamig pa naman. Mano po." Kinuha ko ang kamay niya para sana ilamano iyon nang bigla niyang pinitik iyon sa noo ko na nagpapitlag sa akin.
"Wag mo akong niloloko Chanelle! Ba't ngayon ka lang?! Anong oras na! Gabi na! Saan ka naglakwatsya ha! Hindi kaya ay sumasali kana sa mga frat?! Sabihin mo nga sa akin! May boyfriend ka ba?! Ha! Ha!" Pinaghahampas ni mama ang braso ko kaya napayuko ako at sinangga ang kamay niya.
"Aray! Ma! Aray tama na!" daing ako nang daing sa bawat lagapak ng kamay niya sa magkabilang braso ko. Tinatadtad niya ako ng sapak! Ang hapdi hapdi na ng braso ko! Wala pa naman si Papa mamaya pa iyon dadating walang magtatanggol sa akin. Doble kayod na kasi siya kaya ginagabi na siya sa pamamasada ng kotse niya.
Tumakbo agad ako papasok kaso hindi niya ako tinantanan dahil tumakbo narin siya papasok.
"Ma! Let me explain!" sigaw ko na ikinakurap niya at ipinagsalubong ng kilay niya. Natataranta na kasi ako kaya kahit ano nalang ang lumalabas sa bibig ko.
"Aba't itong batang ito nagawa pa akong englishen. Total nasimulan mo yan hala sige magpaliwanag ka habang nag-eenglish!" Nameywang siya sa harapan ko. Nanlilisik na naman ang mga mata at magkasalubong ang kilay. Eh yun lang rin naman ang alam kong english eh! Kasi ganoon naman talaga ang sinasabi ng iba pag bunganga nang bunganga ang kausap nila at hindi sila pinagsasalita! Sinasabi ko na nga ba at may laman rin itong utak ko.
"Ma naman! Ang ibig kong sabihin, kaya ako ngayon lang nakauwi dahil may niresearch ako sa library! Hindi ko na namalayan ang oras kakabasa ng libro at kakatake notes. Sana naman ay paniwalaan niyo ako." Mangiyak ngiyak kong paliwanag sa kanya. Hindi ko alam kung kakagatin niya ba ang palusot ko. Hindi naman pwedeng sabihin ko na ngayon lang ako nakauwi kakahintay kay V sa classroom. Baka sabihin niyan puro nalang ako landi isusumbong pa ako kay papa.
"Ah. Nagresearch ka. Halika at patingin niyang research mo." Bigla niya akong hinawakan sa braso at pinatalikod. Pinunterya niya ang bag ko at doon ko lang naalala na nandiyan yung sapatos ni V!
"Ma--"Ba't may sapatos ka?! Hoy Charinelle! Ano ito?!" Nagawa niya pang ihampas iyon sa likod ko. Buti nalang at may suot akong bag kaya hindi iyon masakit at lumagapak lang doon.
"Ma! Akin na yan!" Mabilis ko iyong kinuha sa kamay niya.
"Ba't ka may isang sapatos! Ano?! Basurera kana?! Ha! Kaya pati sapatos na makita mo ay iuuwi mo!" Sinapak niya ako sa braso na nagpayuko sa akin yakap yakap yung isang sapatos.
"Ma! Aray--Hindi po! Kay V po ito! Hindi niyo ito pwedeng bawiin sa akin dahil ito ang susi ko para mapaamo siya! Ma! Nasa sapatos na ang pag-asa ko para maging asawa niya ako! Kaya hindi niyo ito pwedeng agawin sa akin!"
Laglag ang panga ni mama sa sinabi ko. Hindi siguro siya makapaniwalang may sapatos ako ni V. Kahit ako ay hindi parin ako makapaniwala. At isang puma pa! Ang mahal kaya nito! Hindi ko naman ito pababayaan. Itatago ko. Hindi ko dudumihan!
Napakurap ako nang biglang lumuhod si mama habang itinataas ang dalawa niyang kamay.
"Jusko! Ano bang naging kasalanan ko at pinaparusahan niyo ako nang ganito! Ba't lumalala ang anak ko?! Sintomas na ba iyan na may baliw talaga akong anak! Matino ko naman sana iyang pinapakain! Matino ko yang iniluwal! Pero ba't ganyan si Chanelle?!" Madrama niyang sigaw na nagpalaglag ng panga ko. Hinahampas niya pa kasi yung sahig. Para siyang best actress sa pinaggagawa niya.
"Ma! Matino po ako!" sabi ko sa kanya pero nang mabilis niya akong nilingon at ang talim ng tingin niya ay napatakbo na ako paakyat. Kailangan kong isalba itong sapatos ni V. Baka ano pang pumasok sa utak niya at itapon ito. Baka bukas ay susulpot nalang si V sa classroom. Kailangan ko itong ingatan! Mapapaamo rin kita V! Konting tiis nalang Chanelle!