6

2934 Words
JK Delafuente  "Tama na nga yang kakaiyak Chanelle. Limang box ng tissue na yung nauubos mo oh." Pinagtuturo ni Jhazmine ang mga box ng tissue na nagkalat sa sahig ng kwarto ni Shy. Nandito kasi ako sa bahay nila total wala namang pasok dahil summer na.  "Pinaasa kasi ako ni V! Natapos nalang yung school year ni hindi niya man lang ako pinuntahan doon sa classroom ko!" Ipinahid ko sa namumugto kong mata ang hawak kong tissue. Yakap yakap pa ako ni Shy at hinihimas ang likod ko. Kapwa kami nakasalampak sa kama niya habang si Jhazmine ay nakahalukipkip sa gilid at nakasandal sa pader.  Kinwnento ko kasi sa kanila iyong pagkikita namin ni V. Si Shy lang itong tuwang tuwa dahil nagkita daw kami habang si Jhazmine naman ay ang kj sinabi niya pa sa akin na tinakbuhan daw ako ni V nang makita niya ako. Busy lang talaga siya kaya ganoon siya kung magmadali. KJ lang talaga itong si Jhazmine. "Assuming ka ring babae ka. Ilusyunada. Sapatos lang yung naiwan niya sayo Chanelle. Kayang kaya niyang bumili ng marami niyan ba't niya pa pag-aaksayahan ng oras para hanapin? Nasa reyalidad ka wala sa libro. Hindi yan katulad ng lovestory ni Cinderella na nagkahappy ending dahil sa naiwan niyang heel. Ikaw ang umasa kaya ka nasasaktan nang ganyan eh."  Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Jhazmine. Akala ko naman kasi babawiin niya yung sapatos niya. Araw araw pa naman akong nagbabakasakali na magpapakita siya doon sa classrom. Pero sa bawat araw na walang V ay sinasabi ko sa sarili kong may bukas pa. Hanggang bukas, bukas. At heto na nga. Summer na! Wala nang pag-asa na kukunin niya sa akin ang sapatos niya!  "Baka naman kasi kailangang sandal ang naiwan Chanelle. Napanood ko narin yang lovestory ni Cinderella eh. Siya yung nakaiwan ng sandal niya hindi yung lalake. Kaya siguro ganyan ang kinalabasan sayo. Hindi katugma doon sa lovestory--Aray naman Jhaz!" Nahimas ni Shy ang ulo niya nang binato siya ng pinsan niya ng box ng tissue. Malambot lang naman iyon pero lumagapak talaga sa ulo niya.  "Isa ka rin pinapaasa mo yang babaeng iyan kaya lalong lumalala ang pag-iilusyon eh. Chan. Gumising ka nga. Para silang artista. At ikaw. Isa ka lang sa mga nangangarap na maging isa sa asawa ng pitong iyan. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanila. At sa dami nila. May mas lamang sayo. Mga gwapo iyon kaya sigurado akong ang tataas ng standards nun!"  "So sinasabi mo na pang cheap si Chanelle ganoon ba Jhaz!"  "Ganyan lang siya."  "Anong ganyan? Purket wala siyang dibdib! Purket may pimples siya! Purket hindi makinis ang mukha niya! Purket buhaghag ang buhok niya! Purket ang baduy niyang manamit! Purket mahirap lang siya ay wala na siyang karapatang mangarap na magiging asawa niya rin ang isa sa kanila?!"  Mas lalo akong naiyak sa pinagsasabi ni Shy. Hindi ko talaga alam kung pinagtatanggol ba ako ng babaeng ito o pinapamukha niya sa akin na ang taas kong mangarap. Ba't ganito nalang ako parusahan ng tadhana? Dahil ba sumasagot ako sa mama ko? Nangangatwiran ako? Hindi ba ako naging mabuting anak? Kailangan ba talagang parusahan ako ng Panginoon? Dahil ba pinapahirapan ko si mama? Dahil hindi ako matino? Yun ba iyon?  "Chan... tahan na. Wag mong pakinggan yang si Jhaz. May paparating pa namang fashionshow si JK sa susunod na buwan. Malay mo magkita kayo doon diba?"  Mabilis akong napahiwalay kay Shaira. Gulat na gulat ang mukha ko sa sinabi niyang fashionshow.  "Si JK may fashionshow?!" Niyugyog ko pa siya para lang makumpirma iyon.  "Ah, oo. Kaya hindi siya makakasama sa pag-alis ng mga pinsan niya dahil may fashionshow siya. Ipinost iyon sa isang sikat na clothing line eh. Kinuha nilang model si JK." paliwanag ni Shaira na nagpatili sa akin. Nagawa ko pa siyang hilain patayo at sabay kaming nagtatalon sa kama niya. Pati siya ay napatili narin.  "May fashionshow siya! May fashionshow siya! Pupunta ako! Pupunta ako!" tili ako nang tili habang ang lapad ng ngiti ko.  "Bakit? Afford mo yung ticket? May 5K ka?" Ang pagtalon ko sa kama ni Shy ay mabilis ring napahinto kaya bumagsak ako sa kama at napasalampak doon dahil sa sinabi ni Jhaz. Si Shy naman itong natigil narin sa kakatalon at sumalampak rin sa harapan ko. Nanlumo ako sa narinig kong presyo ng ticket. Ba't ganoon kamahal?! Saan ako kukuha nang ganoon kalaking pera! Si papa nga hirap akong bigyan ng isang daan tapos limang libo pa kaya!  "Chan! Malayo pa naman! May isang buwan ka pa para mag-ipon. Kaya yan." sabi ni Shy sa akin.  "Hanggang ngayon nga hindi ko pa napapakain ng barya yung baboy ko na iniipon ko para makakain ako sa Restaurant nila Sylver tapos yung limang libo pa! Saan ako kukuha niyan!" Humugot ulit ako ng tissue doon sa box na nauubos ko na saka nagsimulang umiyak ulit.  "Ba't ba napakapulubi ko?!" Ngumawa ako ng malakas.  "Ibang klase talaga ang mga baliw. Iiyak tapos tatawa bigla. Ngayon naman ay umiiyak na. Talented ah." Naiiling na sabi ni Jhaz. Kinuha niya ang box na may lamang maraming bilog na tsokolate at sinimulan iyong kainin habang nakasandal parin doon sa pader at seryoso ang mukha.  "May ipon ako Chan! Papautangin kita! Kahit isang taon mo akong bayaran. Basta ay papautangin kita. Makikita mo si JK." Hinimas ulit ni Shy ang likod ko.  "Talaga Shy?!" nahawakan ko ang magkabilang balikat ni Shaira at niyugyog siya. Hindi ako makapaniwalang papahiramin niya ako!  "Ililibre nalang kita Chanelle. May extra naman ako." sabi ni Jhaz na nag-eescan na sa cellphone niya. Parang barya lang sa kanya ang tinutukoy niyang halaga na ililibre niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo na dito sa kama. Mabilis akong bumaba at nilapitan siya. Ganito ba talaga ako kamahal ni Jhazmine? Siguro ay naawa na siya sa akin dahil iyak ako nang iyak! "Seryoso Jhaz?! Gagawin mo iyon para sa akin?!" Naging malapad na ang ngiti ko.  "Oo." blangko niyang sabi habang nasa screen ng cellphone niya parin ang tingin. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko siya ng mahigpit. Niyugyog ko na siya.  "Salamat Jhazmine Anne dela Cruz! Ang swerte ko at may bestfriend akong katulad niyo ni Shaira Grace Jame Brancenez! Salamat ng marami!" Nagtitili na ako sa sobrang saya. Pati buong pangalan  nila ay nagawa ko nang isigaw. Ang saya saya ko lang kasi!  "Jhazmine salamat! Ang swerte ko at naging pinsan kita!" Bumaba narin si Shy sa kama at nakipagyakapan na sa amin. Si Jhazmine naman itong nagpupumiglas sa pagkakayakap sa amin ni Shy.  "Pahingahin niyo nga muna ako. Ililibre kita ng ticket Chan sa isang kondisyon." Napahiwalay rin ako sa pagkakayakap kay Jhaz ganoon rin si Shy.  "Ano? Kahit ano! Kahit ano! Gagawin ko! Ano? Labhan ba ng isang taon ang mga damit mo? Maging alalay mo ng isang taon? Ano? Kahit ano Jhazmine! Kahit ano!" Nagtatalon na ako sa tuwa. Napatingin siya sa akin at nagsmirk. Bigla nalang akong napakurap doon. Anong iuutos niya sa akin?  "Madali lang naman. Ito. Basahin mo." Ibinandera niya sa akin ang screen ng cellphone niya.  "Ako na magbabasa. Tutulungan kita Chan!" Nakitingin narin si Shy doon sa screen ng phone ni Jhaz. May dalawang salita doon na malaki eh. Yun agad ang nakakuha ng atensyon ko.  "Sold out! Chan nabasa ko! Sold out! Ayan! Nabasa na natin! Jhaz ililibre mo na siya!" Nagtatalon na ulit sa tuwa si Shy at niyuyugyog pa ako habang ako naman ay natigilan. Kinuha ko ang cellphone ni Jhazmine para mas mabasa ko yung caption. Post ito ng clothing line na kinuha si JK bilang modelo. Yung dalawang malaking salita lang kasi ang binasa ni Shy. Masama ang kutob ko eh!  "The ticket of this coming fashionshow is now... sold out? Sold out! Shy! Jhaz! Sold out?!" Nanlaki ang mga mata kong ibinaling ang tingin kay Jhaz na tumatango na.  "Jhazmine! Ang yaman yaman na ba natin para bilhin mo lahat ng ticket?!" Gulat naring sabi ni Shy.  "Binilhan mo na ako ng ticket?!" gulat ko naring tanong.  "Sold out na nga diba? Ililibre sana kita pero ubos na yung ticket. Edi hindi kita malilibre." Nagkibit siya ng balikat at ngumisi sa amin ni Shy habang sumusubo ng isang bilog na chocolate. Natigilan kaming dalawa ni Shy. Parang isinisink-in pa namin iyon sa utak namin.  "Hindi ka parin makakapunta sa fashionshow ni JK. Sige na Chan, iyak kana ulit." Ngumisi si Jhazmine sa akin.  "Teka! Ang sabi mo lang ay basahin iyon ni Chanelle ililibre mo na siya! Eh ba't pinapaiyak mo na! Ikaw Jhazmine ang unfair mo!"  "Sold na yung ticket. Wala na. Sa private ka nag-aaral tapos hindi mo yan magets. Ubos na yung ticket. Nabili na lahat ng mga pupunta sa fashionshow na iyon." paliwanag ni Jhazmine na ikinasinghot ko ulit. Sumalampak nalang ako dito sa sahig at naglupasay.  "Gusto kong makita si JK! Yung magiging asawa ko! JK!" Humahagulhol na ako dito. Ang sakit sa dibdib. Kung sana ay marami akong pera edi nakapagpareserved ako. Kung sana ay mayaman kami pwedeng pwede akong pumasok doon nang hindi na kailangan ng ticket dahil may connection ako sa loob. Dahil importante akong tao. Pero hindi! Ganito lang ako! Si Chanelle na walang dibdib! Si Chanelle na hindi makinis ang mukha! Si Chanelle na dukha! Ang malas malas ko! Ba't ba ipinanganak akong ganito!  Hindi ko na alam kung ilang oras akong umiyak habang pinapatahan ako ni Shy. Basta ang alam ko nalang ay nagpaalam sila kay Mommy na dito nalang ako matulog. Paano ako matutulog kung laman ng utak ko ang magaganap na fashionshow ni JK!  Dumating rin naman ang pinakahihintay kong araw. Fashionshow na ni JK. Yung iba niya namang pinsan ay lumipad na patungong America. Ewan kung anong gagawin doon magbabakasyon ata. Ang yaman yaman rin naman kasi ang angkan nila kaya madali lang sa kanila ang pumunta  ng ibang bansa. Hindi katulad ko. Ni Mall nga hirap akong pumunta dahil sa kakulangan ng pera sa ibang bansa pa kaya. Excited ako kahit na wala akong ticket. Pupunta na kasi kaming tatlo doon. Kahit sa backstage man lang diba! O kaya ay sa paglabas man lang ni JK ay makita ko siya. Kahit doon nalang sa parking lot. Panay kasi siya homeschool kaya wala rin akong tsansa na makita siya doon sa BTSU. Kahit yung mga pinsan niya ay hindi ko rin naman nakikita talaga. Nasa loob lang kasi. Ayaw lumabas. Nag-aaral ata sila nang mabuti.  Lumabas rin kami sa kotse nila. Naglalakad na kami ngayon sa parang hallway na didirekta doon sa entrance ng venue. Doon kami sa parking lot mag-aabang eh.  "Excited na akong makita si JK!" nagsisigaw na ako dito.  "Ako rin! Ang gwapo gwapo niya na siguro!" sabi naman ni Shy. Kapwa kami nagtilian dalawa at nangingisay habang naglalakad. Paliko na kami nang may biglang makabangga sa amin kaya natigil kami sa pinaggagawa namin ni Shy lalo na't napasalampak pa ako sa sahig dahil sa sobrang lakas ng pagkakabangga namin doon sa lalake.  Nahulog ang mga gamit na nasa loob ng purse niya at nagkalat sa sahig. May mga gumulong pa. Parang make-ups ata iyon. Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabangga namin kahit siya ay napaupo rin sa sahig. Napangiwi ako sa sobrang hapdi ng pwet ko pero nakuha ng mukha ni kuya ang atensyon ko. Hindi dahil gwapo siya kundi dahil nakabonet siya. Ba't ganyan ang suot niya? Ba't niya tinatakpan ang mukha niya?  "Kuya naman hindi ka nag-iingat! Gabing gabi na tapos tinatakpan mo yang mukha mo ayan tuloy di mo malinaw na nakikita yung daan! Sa hitsura mo nagmumukha ka tuloy na magnanakaw." pangaral ni Shy sa kanya. Medyo madilim rin naman kasi sa parteng ito tapos idagdag pa ang suot ni kuya sa mukha niya. Ayan tuloy di niya kami napansin.  "Kung hindi lang kayo nakaharang sa daan edi sana ay hindi tayo nagkabanggaan." iritado niyang sabi. Ang bilis ng kilos niya sa pamumulot nung mga gamit na nagkalat. May mga gadget. May iPhone na cellphone. Tapos may lipstick. Facepowder. Mga pampaganda ng babae. Idagdag pa yung purse niya na isang branded ata na Lluis Vuitton. Ang yaman naman ni Kuya. Pero ba't ganyan ang ayos niya? Ba't siya nagbobonet? Tapos wala sa hitsura niya yung pagiging mayaman. Baka naman ay sa girlfriend niya iyan. Pero tama si Shy. Para tuloy siyang magnanakaw dahil narin sa suot niya sa ulo niya. Ang panget niya ba para takpan niya ang mukha niya?  "Kung nakatingin ka lang sa daan at hindi mo itinuon ang buo mong atensyon sa pangangalkal diyan sa mamahaling purse na yan edi sana ay hindi ka mababangga sa amin." cold na sabi ni Jhaz. Kitang kita ko ang pagkataranta ni kuya. Takot ata kay Jhaz. Dahil siguro ay alam ni Jhaz na mamahalin yang purse niya. Mukha ba kaming mga magnanakaw at ganyan siya makaasta?  "Tulungan ko na po kayo." Pinagpupulot ko ang mga make-up. Pero bigla nalang siyang tumayo at sinigurado niya lang na ipasok yung mga gadget at yung mamahalin na cellphone sa loob ng purse.  "Sayo na yan. Mas kailangan mo yan." sabi niya sa akin saka siya nagmadaling umalis sa harapan namin. Nagawa niya pang tumakbo.  Ang panget ko na ba talaga? Siguro ay may dumagdag na naman sa mga alipores ko. May third generation na ata.  Inalalayan naman ako ni Shy na makatayo. Kapwa nakakunot ang mga noo namin.  "Kuya! Teka! May nakalimutan ka pa! Nakalimutan mo yung ticket mo!" Pinulot iyon ni Shy at iwinagayway sa ere. Nagawa niya pang tumakbo ng kalahati lalo na't hindi niya rin naman maaabutan si kuya. Para lang siyang umabante.  Natuon ang buo kong atensyon sa ticket na iwinawagayway ni Shy. Nabitawan ko na talaga yung mga make-up at mabilis na tumakbo papalapit kay Shaira.  "Shy! Ticket yan sa fashionshow ni JK! Ticket yan!" Niyugyog ko na si Shy kaya naibaba niya ang kamay niya at tiningnan nang mabuti ang ticket. Napatitig kami doon na kapwa nanlalaki ang mga mukha hanggang napatili na kaming dalawa. Malinaw sa mga mata ko ang kumikinang na ticket na iyon! "Ticket Chanelle! Ticket! Ang swerte natin! Isang ticket ang nakita natin! Ibalik natin ito kay Kuya! Tara! Magmakaawa tayo na sa atin nalang! Habulin natin!" Kakaladkarin na sana ako ni Shy nang kapwa na hinawakan ni Jhaz ang likod ng damit namin. Natataranta na kaming dalawa. "Mga baliw. Magnanakaw iyon hindi niyo ba nahalata? Hindi sa kanya yung purse niya. Halatang babae ang may-ari. Tapos hahabulin niyo pa. Baka masaksak kayo nun. Gamitin niyo nga yang utak niyo kahit ngayon lang." paliwanag ni Jhaz na nagpalaglag ng mga panga namin ni Shy. Magnanakaw si kuya?! Kaya pala nakabonet! Sinasabi ko na nga ba may kakaiba talaga! Eh binigyan kasi ako ng mga make-up! Sino bang magbibigay ng make-up sayo purket nabangga mo lang!  "Pero Jhaz! Pag hindi kami nagpaalam kay kuya para narin namin itong ninakaw. Masama iyon diba? Baka makulong pa kami ni Chanelle dahil pagbibintangan niya kaming ninakaw namin ang ticket niya." Napanguso si Shy. Kinuha ni Jhaz ang ticket at ibinigay sa akin.  "Sige na. Wag mo nang pakinggan itong kalahi mong may sayad sa utak. Tumakbo kana doon sa fashionshow ni JK at maghasig ka ng kabaliwan mo. Hihintayin ka nalang namin sa kotse."  Lumiwanag agad ang mukha ko dahil sa ticket na ngayon ay nasa kamay ko na. Malinaw ko pang nabasa doon ang katagang VIP! VIP! Ganoon ako kalapit sa stage! Ang swerte ko! Ang swerte swerte ko! Akala ko ay puro kamalasan nalang ang makakasagupa ko pero hindi pala. Blessing in disguise ito! Siguro ay naawa na ang Langit sa akin! Nakatadhana talaga kaming magkita ni JK! "Salamat Jhazmine!" Niyakap ko siya. Pati si Shy ay niyakap ko narin.  "Chan dalhin mo ang phone ko! Videohan mo para may souvenir ka!" Ibinigay agad ni Shaira sa akin ang phone niya. Para akong maiiyak sa tuwa habang tinatanggap iyon. Parang natupad ang pangarap ko. Wala akong mapagkumparahan ng saya.  "Basta Chan sabihin mo lahat ng pwede mong sabihin para mapansin ka ni JK! Kunin mo ang atensyon niya! Sabihin mo lahat lahat!" Sabi ni Shy sa akin na tinanguan ko agad. Ang bilis pa ng kabog ng dibdib ko. Pati ang sistema ko ay naghuhuramintado. Hindi ko lubos maipasok sa kokote ko na makakapasok na ako sa venue! Mapapanood ko siya ng malapitan! Makikita ko nang malinaw ang mukha ng lalaking sa pictures ko lang tinititigan!  "Wag mo nang pangaralan. Normal kay Chanelle ang pagiging baliw kaya sigurado akong makukuha niya ang atensyon ni JK." Sabi ni Jhaz sa akin. Kumpara sa aming dalawa ni Shy siya lang itong masyadong kalmado. "Tatandaan ko lahat ng sinabi niyo. Salamat talaga. Babalik ako dito na may magandang balita!" mabilis kong sabi. Niyakap ako ng huling beses ni Shy na bakas sa mukha ang pananabik sa akin. Si Jhaz tumango lang. Tumakbo na ako papunta doon sa venue. May nadaanan pa akong lalake at babae na nakasalampak sa sahig. Yung babae parang umiiyak. Ang ganda pa naman sana. Parang half! Mabuti nalang at hindi siya makakapasok. Baka kasi mas mapansin siya ni JK kaysa akin. Kasi naman nakakainggit yung ganda niya kahit saglit ko lang siyang nasulyapan! Ang kinis pa!  Siguro ay naubusan rin sila ng ticket.  Naiintindihan ko yung nararamdaman ng babae. Crush na crush niya rin siguro si JK pero naubusan rin siya ng ticket. Kawawa naman. Ako nga umiyak rin ako ng balde baldeng luha nang malaman kong sold out na. Buti nalang at pinapatahan siya nung kasama niyang gwapong lalake. Halatang mayayaman ang mga iyon! Base narin kasi sa mga kutis at sa ganda ng mga suot nila. Magkasintahan ata ang dalawang yun. Napakasupportive naman! Naexcite tuloy ako lalo. Baka paglabas ko ng venue ay boyfriend ko na si JK! Magkakatitigan kami tapos papaakyatin niya ako sa stage! Gagawin ko talaga ang lahat mapansin niya lang ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD