Chapter 5

1853 Words
FAYE Dahil hindi ako makatatagal na kasama si Sir Adi dito sa loob ng kanyang silid, kaya matapos isulat ang aking buong pangalan at address sa probinsya, pinirmahan ko agad ang apat na pirasong papel na binigay niya sa akin. “Hindi mo ba babasahin ‘yan?” narinig kong tanong niya sa akin. “Okay na po ako sa mga nakasulat diyan, Sir,” mabilis na sagot ko. “Are you sure?” muling tanong niya sa akin. “Bakit po?” kinakabahan na tanong ko sa kanya. “Nakalagay kasi diyan na hindi kita pasasahurin ng tatlong buwan kapag naging tsismosa ka at sinabi mo sa ibang tao ang mga nangyari dito sa loob ng bahay ko,” sabi ni Sir Adi sa akin. Agad nanlaki ang aking mga mata ng marinig ko ang sinabi ng aking amo. Yumuko agad ako at binasa ang mga nakasulat sa papel na hawak ko. “Sixteen thousand pala ang sahod ko isang buwan,” mahinang bulong ko dahil hindi ko ito nakita kanina. Ang swerte ko pala. Hindi hamak na mas malaki ito kumpara sa matatanggap kong sahod kung sa probinsya ako naghanap ng trabaho. Malaking tulong rin ito sa aking pamilya, lalo na sa gamutan ng aking ama, kaya pagbubutihin ko ang aking trabaho. “Nabasa mo na ba ang lahat ng nakasulat d'yan?” muling tanong ni Sir Adi sa akin. “Hindi pa po, Sir,” sagot ko. “Ganito na lang, sa iyo na ang isang kopya n'yan para mabasa mo kung anong mga terms and conditions ko,” sabi ni Sir Adi. Lumapit siya sa akin at kinuha ang mga papel sa aking kamay, at pagkatapos ay binigay niya ang dalawang piraso at sinabing tig-isa kami ng kopya ng kontrata na pinirmahan ko. “Here's your copy. Basahin mong mabuti para alam mo kung anong gagawin mo dito sa bahay ko,” sabi niya. Inabot ko agad ito at agad tiniklop. Lalabas na sana ako ng silid ni Sir Adi nang marinig ko siyang magsalita. “One more thing, Miss Ramos, no gossip. Ayaw ko ng tsismosa at pinag-uusapan ang personal na buhay ko. The moment na mahuli kitang hindi sumunod sa rules ko, I will terminate our contract at pauuwiin kita sa probinsya mo,” masungit na sabi ni Sir Adi sa akin. “Kahit kailan, hindi pa ako naging tsismosa, Sir,” agad na sagot ko. “So, may tendency na maging tsismosa ka?” pormal ang ekspresyon na tanong ni Sir Adi sa akin, kaya umiling agad ako at mabilis na sumagot. “Ayaw ko po, sayang ang sasahurin ko.” “Good. Dadagdagan ko iyan kapag maganda ang trabaho mo, basta sumunod ka lang sa lahat ng rules ko dito sa bahay.” Napangiti ako sa narinig ko. Isipin ko pa lang na sasahod ako ng sixteen thousand sa isang buwan ay nagniningning na ang aking mga mata. “Teka, sir. Nasaan po ang batang aalagaan ko?” hindi nakatiis na tanong ko sa kanya. “Bukas pa siya dadalhin dito ng isa sa mga katulong ko sa bahay,” sagot ni Sir Adi. Ibig sabihin, may isa pa pala siyang bahay at doon marahil nakatira ang bata at ang kanyang asawa. Mukhang nakipaghiwalay ang amo ko sa kanyang asawa, at napunta sa kanya ang bata, kaya kinuha niya ako para mag-alaga. “Erase! Bawal ang tsismosa, Faye,” paalala ko sa aking sarili. “May sinasabi ka ba, Miss Ramos?” tanong ni Sir Adi sa akin. “Wala po,” nahihiyang sagot ko. “Nasaan po ang walis, Sir?” “Nasa labas,” agad na sagot niya. “Alam kong nasa labas, pero saan po? Naikot ko na ang kusina at sala, wala po doon. Isa pa, hindi pa po kasi ako pamilyar sa bawat sulok nitong bahay mo, kaya hindi ko po alam—” “Stop!” utos niya sa akin. “Ang alin po, Sir?” maang na tanong ko. “You and your big mouth!” sagot ni Sir Adi. Natigilan ako. Wala tuloy sa sarili na nakapa ko ang aking mga labi. Big mouth daw, eh, hindi naman malaki ang bibig ko. “Stop that, Miss Ramos!” bulyaw ni Sir Adi sa akin. Nagtatakang napatingin ako sa kanya dahil hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Hawak ko lang naman ang mga labi ko at marahan itong hinahagod ng hinlalaking daliri ko dahil ang sabi niya ay malaki raw ang aking bibig, pero hindi naman totoo. “Dammit! Please get out,” galit na utos niya sa akin. Nakatitig kasi ako sa kanyang mga mata habang naglalandas sa labi ko ang aking daliri. Nakalimutan kong itigil ito dahil natulala na naman ako sa harap ni Sir Adi. “I said, out!” malakas na sabi niya, kaya natauhan ako at napatalon sa harap niya. “Eh, Sir, yung walis po!” malakas na sabi ko rin sa kanya dahil nagulat talaga ako. “Ikakapahamak mo ang walis na iyan, Miss Ramos, kung hindi ka pa lalabas ng silid ko.” Napalunok ako dahil ramdam kong nagbago ang tono ng pananalita ni Sir Adi. Dala ang papel na hawak ko, tumakbo ako palapit sa pintuan para lumabas, pero natigilan ako dahil hindi ko ito mabuksan. “What happened?” narinig kong tanong ni Sir Adi sa akin. “Hindi ko po mabuksan,” sagot ko habang mahigpit na hawak ng aking dalawang kamay ang hawakan ng pintuan. “Let me check.” Hindi ako lumingon, pero ramdam kong humakbang palapit sa akin si Sir Adi. Mula sa likuran ko, hinawakan niya ang metal na hawakan at pinihit ito papunta sa kanan. Mali pala ang ginawa ko, kaya hindi ko mabuksan ang pintuan. Heto tuloy at nakakulong ako sa pagitan ng mga braso ni Sir Adi at naamoy ko ang mabangong amoy ng kanyang katawan. “It's open now,” sabi niya. Hindi ako makasagot dahil napakabilis ng pintig ng aking puso. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga ngayong magkadikit ang aming katawan, kaya hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makaalis sa harap ng pinto dahil nakahawak ang kamay niya at ang isa ay nakatukod sa kabila, kaya nakabahala ang posisyon naming dalawa. “Sir, lalabas na po ako,” nakapikit na paalam ko sa kanya. Narinig ko siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Inalis rin niya ang mga nakatukod na braso sa pinto at nagkaroon ako ng pagkakataon na makalayo sa kanya at makalabas ng silid ni Sir Adi. Hindi na ako lumingon para hindi ko makita ang mukha ng aking boss, dahil baka lalo lamang akong mapahamak. Hindi ako mapakali kanina nang maramdaman kong sumayad sa likuran ko ang kanyang katawan, pati na rin ang matigas na kung ano na tumama sa balakang ko nang buksan niya ang pintuan. Napapikit ako at napapadyak habang naglalakad pabalik sa sala. Nakakahiya ang nangyari kanina, pero hindi ko naman iyon ginusto. Hindi ko alam kung madumi lang ba talaga ang isip ko o sadyang hindi maganda ang nangyari sa amin kanina sa loob ng silid ni Sir Adi kaya ganito ang nararamdaman ko. Erase! Hindi ako dapat makaramdam ng ganito dahil amo ko siya. Isa pa, may asawa siya at kaya ako narito ay dahil aalagaan ko ang kanyang anak at hindi para sa kung anong bagay na magpapagulo sa isipan ko. Binalikan ko ang mga nabasag na baso sa sahig at isa-isang pinulot ang malalaking tipak na bubog at itinapon ang mga ito sa nakita kong basurahan sa kusina. Nang matapos, muli kong hinanap ang walis dahil nag-aalala ako na baka may maiwan na maliit na piraso at masugatan ang boss ko. Sigurado akong ako na naman ang sisisihin niya, kaya kahit halos mahilo na ako, hinanap ko talaga ang mahiwang walis. Hindi naman ako nabigo, natagpuan ko ito sa balkonahe, pati na rin ang dustpan, kaya dali-daling nilinis ko ang sala. Katatapos ko lang maghugas ng kamay nang makarinig ako ng malakas na tunog mula sa pintuan. Hindi ako pamilyar kung para saan ito, pero nakikita ko ang ganito sa mga teleserye na napanood ko sa telebisyon sa bahay ni Ate Precy. May tao sa labas, kaya lumapit ako sa pintuan para tingnan kung sino ang dumating. May maganda at sexy na babae ang nakita kong nakatayo sa harap ko nang buksan ko ang pinto. Magkasalikop ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib, kaya kitang-kita ko na lumuwa ang ang mga ito sa suot niyang hapit na damit. “Sino po ang kailangan mo, Miss?” magalang na tanong ko, pero inirapan ako ng babae. Walang pakundangan na hinawi niya ako para mawala sa kanyang harapan at makapasok siya sa loob ng bahay. “Nasaan si Adi?” mataray na tanong sa akin ng babae. “Nasa silid po niya,” magalang na sagot ko. Humakbang ang babae at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa pintuan ng silid ni Sir Adi, at walang pakialam na tinalikuran ako at iniwan dito sa sala. Naiwan akong nakasunod ang tingin sa magandang likuran ng bisitang dumating, hanggang sa nawala siya sa paningin ko nang pumasok siya sa loob ng silid ng aking amo. Hinayaan ko na lang dahil kilala naman niya si Sir Adi at nakikita kong pamilyar siya sa pasikot-sikot sa loob ng bahay na ito, katunayan na nakapunta na siya dito noong wala pa ako. Wala pang dalawang minuto, nakarinig ako ng nakakabahalang ingay mula sa loob ng silid ni Sir Adi at pagkatapos ay kumalabog ang pintuan at niluwa sa mga mata ko ang galit na ekspresyon ng aking amo, hatak sa braso ang babaeng nagpupumiglas. “Adi, wait,” sabi ng babae, pero marahas siyang hinatak ng amo ko papunta sa sala. “Why don't you want to listen to me? I swear, I'm telling you the truth. I love you, love. I wanted to be with you,” tila nagmamakaawang sabi ng babae. “You don't love me. You only stick with me because of my money, right, Miranda?” matalim ang tingin na tanong ni Sir Adi sa babae. Hindi ko tuloy malaman kung anong gagawin ko dahil naipit ako sa away nilang dalawa. Nagbago ang ekspresyon ng babae. Ngumiti siya kay Sir Adi at malambing na nagsalita. “I swear I love you.” “It's too late for that, Miranda,” mabilis na sagot ni Sir Adi. “Why?” tanong ng babaeng tinawag na Miranda ni Sir Adi. Tila hindi naman apektado ang babae sa kanyang narinig. Mapang-akit na ngumiti ito at lumapit pa kay Sir Adi, pero nang akmang hahawakan siya ni Miranda, ay mabilis na tinabig agad ng boss ko ang kamay ng aming bisita at lumapit sa akin. Natigilan ako at nanigas ang aking buong katawan nang walang paalam na pumulupot ang matigas na braso ni Sir Adi sa aking bewang at hinatak ako palapit sa kanya. “Because I'm engaged to her and we're getting married soon,” walang pagdadalawang-isip na sabi ni Sir Adi habang ako naman ay nakanganga, ang mga labi kong nakatingin sa babaeng nanlalaki ang mga mata sa harap naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD