FAYE
“Paano, aalis na ako, Faye. Magpakabait ka dito, ha?” sabi ni Kuya Romeo sa akin.
“Opo, Kuya,” nahihiyang sagot ko dahil pareho silang nakatingin sa akin.
Tumayo na si Kuya Romeo at ngumiti sa kanyang kaibigan. Sinuntok pa niya ito sa balikat, pero binatukan siya ng amo ko, kaya nagsapakan silang dalawa sa harap ko.
Nataranta tuloy ako dahil ang akala ko’y nag-aaway silang dalawa, kaya napatalon ako at mabilis na hinawakan ko sa braso si Sir Adi para awatin sila, pero nagpumiglas siya kasi gigil rin siyang masapok si Kuya Romeo.
“Aray! Magtigil kayong dalawa!” malakas na sigaw ko dahil tinamaan ako ng siko ni Sir Adi sa noo.
“Hawakan mo ‘yan, Faye, nang makaganti ako!” malakas na utos ni Kuya Romeo sa akin.
“Don't touch me, pauuwiin kita sa inyo!” sigaw sa akin ng boss ko.
Nabitawan ko siya, kasi sayang ang trabaho ko. “Bahala nga kayong dalawa,” sabi ko.
Umupo ako at pinanood ko sila hanggang sa natapos silang magsuntukan. May nabasag pang baso sa sahig, pero hindi ako lumapit kasi malaki sila at matangkad pa. Para lang nga akong batang nakutusan nilang dalawa, kaya mas mabuting manood na lang ako hanggang napagod sila.
“Uwi na!” utos ni Sir Adi kay Kuya Romeo.
“Pagkatapos kitang hanapan ng yaya ni Janica, palalayasin mo na agad ako,” madramang sabi ni Kuya Romeo sa kaibigan.
“Gago! Sabi mo kanina, uuwi ka na, tapos sinapak mo pa ako,” napa-iling na sagot naman ng boss ko.
Kung titingnan ko silang dalawa, mukhang walang bakla sa kanila, dahil para silang mga barumbado sa kanto na nakainom ng tuba at nang malasing ay nag-away na.
“Faye, kapag pinaiyak ka nitong si Aidan, tawagan mo agad ako at ibabalik kita sa probinsya,” sabi ni Kuya Romeo.
Ngumisi naman ang amo ko at nagpahatid ng nagdurugong ilong gamit ang kanang kamay.
“Get out, ang ingay mo,” taboy niya kay Kuya Romeo.
Ang sungit niya, daig pa pala ng boss ko ang babaeng may regla. Nasapak tuloy siya ni Kuya Romeo kasi mukhang nagkapikunan silang dalawa, tapos ngayon, pinapalayas pa niya ang kaibigan.
Umalis si Kuya Romeo, kaya naiwan akong kasama ang boss ko. Mukhang wala ang kanyang asawa, dahil kahit maingay dito ay wala akong nakitang lumabas para tingnan kung bakit nagkagulo dito sa sala, tapos may nabasag rin na baso sa sahig.
“Clean the floor at kapag natapos ka, puntahan mo ako sa silid ko,” utos sa akin ng boss ko.
Napalunok ako sa narinig ko. Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib at nakaramdam ako ng kaba, ngayong inutusan niya akong pumunta sa kanyang silid.
“Ano pong gagawin ko sa room mo, sir?” lakas-loob na tanong ko sa amo ko.
“Ano bang ginagawa sa loob ng silid?” tanong rin ng amo ko sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at mulagat na nakatingin sa kanya.
“Boss, bata pa po ako. Kung may binabalak lang masama, huwag mo na pong ituloy –”
“Shut up!” singhal ng amo ko sa akin. “What makes you think na may gagawin akong masama sa iyo?”
Napalunok ako at kinakabahan na napatitig sa kanyang mga mata.
“Meaning, wala ka pong gagawin sa akin, sir?”
Nakita ko siyang napahilamos ng palad sa mukha. Tila ba frustrated siya at nagtitimpi sa akin.
“Ano ba ang gusto mong gawin ko sa iyo, Miss?” tanong ni Sir Adi sa akin, kaya mabilis kong iginalaw ang aking ulo at sinagot ang tanong niya.
“Wala po, sir.”
Nakita ko siyang ngumiti, kaya bigla akong natigilan at natulala sa harap niya. Humakbang naman palapit sa akin si Sir Adi, pero hindi ko nagawang igalaw ang aking mga paa para umiwas sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at para ba akong nahipnotismo. Hindi ko maalis ang pagkakatitig ko sa kanyang mga mata, kahit na tumigil siya sa harap ko at hinawakan ni Sir Adi ang aking baba at itinaas ang mukha ko.
Pakiramdam ko'y sasabog ngayon ang dibdib ko. Para bang lumaki ang puso ko at gustong kumawala, ngayong gahibla lang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa ni Sir Adi.
“What's your name again, Miss?” mahina ang tinig na tanong sa akin ng boss ko.
“Faye,” halos pabulong na sagot ko.
“Cute name,” komento ni Sir Adi, at hindi pa rin inaalis ang nakahawak na daliri sa baba ko, kaya hindi ako makaiwas nang bumaba ang kanyang mukha palapit sa akin.
“Dammit!” malakas na sigaw ni Sir Adi nang bumagsak siya sa sahig.
“Why did you push me?”
Tiningnan niya ako ng masama habang hinihimas ang nasaktan na ulo dahil tumama siya sa gilid ng maliit na mesa dito sa gitna ng sala.
Napa-ngiwi ako nang makita ko ang itsura ng boss ko habang nakasalampak siya sa sahig.
“Ayos ka lang ba, sir?”
“Do I look okay to you?” mainit ang ulo na tanong sa akin ni Sir Adi.
“Hindi, pero kasalanan mo po kasi kaya nagkaganyan ka,” paninisi ko sa kanya.
“What?” salubong ang kilay na tanong niya sa akin. “What did I do to you?”
Humaba ang nguso ko at inirapan ko siya. Nagmamaang-maangan pa siya, eh, kung hindi ko siya naitulak, baka nahalikan na niya ako at nakuha niya ang first kiss ko.
“I'm asking you, Miss,” makulit na sabi sa akin ni Sir Adi.
“Eh, kasi naman, sir. Hahalikan mo po ako kanina, kaya tinulak kita,” nakangiwing sagot ko.
Dulot ng labis na kaba nang makita kong nanliit ang mga mata ni Sir Adi habang nakatingin sa akin nang marinig niya ang sinabi ko, kaya napakamot ako sa ilong ko.
Bumangon siya at nagpahid ng alikabok sa siko. “Bakit ba ang dumi ng isip mo?” tanong niya sa akin.
Umawang ang mga labi ko para magsalita, pero pinigilan ko ang aking sarili dahil baka tuluyan akong matanggal sa trabaho.
“Hindi naman po madumi ang isip ko, sir. Ikaw po kasi, hinawakan mo ako, kaya nagulat po ako,” paliwanag ko.
“Inamoy ko lang kung mabango ka dahil ayaw ko ng nanny na hindi naliligo,” sabi ni Sir Adi sa akin.
“Gano'n po ba? Sana sinabi mo na lang sa akin para naman hindi ako kinabahan kanina,” napakamot sa ilong na sagot ko.
Ganito ako kapag kinakabahan. Mannerism ko na ang pagkamot sa aking ilong kapag labis ang kaba na nararamdaman ko, tapos nahihiya rin ako.
“Linisin mo dito at kapag tapos ka na, puntahan mo ako sa silid ko at may pag-uusapan tayo,” utos sa akin ng boss ko.
“Okay po, sir,” sagot ko.
Tinalikuran na niya ako at iniwan dito sa sala. Nakalimutan ko tuloy magtanong sa kanya kung nasaan ang walis at dustpan na magagamit ko para linisin ang nagkalat na bubog sa sahig.
Naglakad na lang ako at sinundan ang instinct ko para mahanap ang kusina. Kailangan kong hanapin ang mga gagamitin ko dahil hindi pa ako pamilyar sa pasikot-sikot ng bahay na pagtatrabahuhan ko ngayon.
Naikot ko na ang kusina, pero wala akong nakitang walis. Pati mga cabinet ay isa-isa ko nang binuksan at tiningnan, pero napagod na ako sa paghahanap, pero hindi ko pa rin nakita ang mga bagay na aking hinahanap.
Wala tuloy akong ibang pagpipilian kundi puntahan sa silid niya si Sir Adi para tanungin kung nasaan ang mga kailangan ko.
Isa pang problema ko ay hindi ko rin alam kung alin sa tatlong silid sa hallway ang kwarto ni Sir Adi. Kumatok ako sa unang silid, pero walang sumagot sa loob.
Walang tao sa loob nang buksan ko ang pinto, kaya pumunta ako sa kabilang silid at ganoon din ang ginawa ko. Kumatok ako, pero walang sumagot, kaya binuksan ko na rin para tingnan kung narito ang walis at dustpan na hinahanap ko.
“F**k!” Nagulat si Sir Adi at biglang nadampot ang unan para takpan ang sarili.
“Ay kabayong mahaba!” bulalas ko.
Tumalikod ako at mabilis na humakbang palapit sa pintuan, pero dahil naisara ko pala ito, kaya nauntog tuloy ang aking noo, dahilan kaya sandali akong nahilo.
“Dammit! Hindi ka ba marunong kumatok? Bakit ka ba bigla na lang pumapasok?” galit na tanong ni Sir Adi sa akin.
“W-wala p-po akong nakita, sir!” nauutal na sagot ko.
“Why are you here?” tanong ni Sir Adi sa akin.
“Naghahanap po ako ng walis,” nanginginig ang mga tuhod na sagot ko habang nakatalikod sa kanya dahil natatakot akong humarap at makita siyang nakahubad.
“Mukha bang taguan ng walis ang silid ko?” narinig kong tanong ni Sir Adi sa akin.
“Eh, sir, naman kasi. Hindi ko po alam ang pasikot-sikot ng bahay mo. Kanina pa po ako naghahanap ng walis kasi kailangan kong linisin ang mga nabasag na baso kanina sa sala, pero hindi ko po makita. Kumatok naman po ako, pero hindi ka po sumagot. Kaya akala ko, katulad ng unang kwarto na pinasok ko kanina, ay walang tao dito,” kinakabahan na paliwanag ko sa kanya.
“Meaning, kasalanan ko, kaya binosohan mo ako, gano’n ba?” tanong ng amo ko sa akin.
“Opo,” nakatalikod na sagot ko.
“Impossible,” narinig kong sabi ni Sir Adi.
Nakatalikod ako sa kanya, paharap sa pintuan, dahil natatakot ako na makita ang kanyang kahubaran.
“Nandito ka na rin lang, mas mabuting pag-usapan muna natin ang trabaho mo dito sa bahay,” sabi niya sa akin.
“As in ngayon na po, sir?” tanong ko sa kanya.
“Kailan mo ba gusto?” tanong rin ni Sir Adi sa akin.
“Ah, ang alin po?”
“Dammit, Faye. Umayos ka ng sagot kung gusto mong magtagal dito sa bahay ko,” tila inis na sabi sa akin ni Sir Adi.
“Eh, kasi, sir, kinakabahan po ako,” nakapikit na sagot ko dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin kayang humarap sa kanya at baka makita ko ang naka-display na jumbo hotdog sa pagitan ng kanyang mga hita.
“Bakit ka naman kinakabahan?” tanong ni Sir Adi sa akin.
“Eh, hubad ka kasi, sir.”
Nangunot ang noo ko nang marinig kong tumawa si Sir Adi. Halos mamatay na nga ako sa kaba, pero heto siya at nagagawa pa niyang tumawa at pagtawanan ako.
“I'm inside my room, Faye. Pumasok ka dito ng walang paalam, kaya naabutan mo akong naghuhubad dahil maliligo ako,” paalala niya sa akin.
“Sorry po, hindi na mauulit, sir.” Nahihiyang humihingi ako ng paumanhin sa kanya dahil kasalanan ko rin ang nangyari.
“Sit down,” utos ni Sir Adi sa akin. “Kukunin ko lang ang kontrata mo para alam mo kung anong gagawin mo dito sa bahay ko.”
Narinig ko siyang humakbang at sinundan ito ng ilang kaluskos sa kanyang silid. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at humarap kay Sir Adi, kaya nakita ko siyang nakatayo malapit sa kama at may hawak na papel.
Kahit wala siyang suot na damit pang-itaas, nakahinga ako ng maluwag dahil nakasuot na siya ng pang-ibabang short. Manipis at maikli lang ito, tapos hapit pa, kaya kitang-kita ng mga mata ko ang bukol sa pagitan ng kanyang mga hita na kanina lang ay nakabuyangyang sa harap ko. Kaya nalaman ko na kasing laki pala ito ng braso ng bunsong anak ni Aling Pearl, tapos lagpas pusod pa niya ang haba.