Chapter 02
3rd Person's POV
Sa isang madilim na kwarto. Napapalibutan ng iba't ibang armas ang paligid at sa gitna isang mahabang table at maraming upuan.
Nakaupo sa pang-isahan na sofa ang lalaking may suot na puting maskara at itim na hood.
Nakatungkod ang siko sa arm rest at nakahilig ang lalaki sa kamao. Nakapikit ang lalaki.
Bumukas ang pinto. May lalaking pumasok na nakasuot ng pangit na maskara. May mahabang nguso ang maskara at may nakatuwang stilo ng mga mata.
"Midnight! Guess what may maganda akong balita!" ani ng lalaki at nagawa pa nitong sumuntok sa hangin. Minulat ng lalaki ang mga mata.
"Siguraduhin mong mas importante pa iyan sa buhay mo dahil kung hindi— gugulong iyang ulo mo sa sahig at mararanasan mo kung paano maging insekto sa susunod mong buhay," malamig na sambit ng lalaki ang binata na may hawak na folder.
"The heck! Huwag ka naman ganiyan! May lead na ako kung nasaan ang blue pearl!" ani ni ng binata at iniabot iyon sa lalaki. Umayos ng upo ang lalaki at tinatamad na kinuha iyon.
"Isa iyon sa item na ilalabas sa auction sa hongkong. Napaka-rare ng item na iyan at iisa lang sa buong mundo kaya 100% sure ako na magugustuhan iyan ni young lady," ani ng binata. Itinaas ng lalaki ang papel at sumandal— tiningnan niya ang singsing.
Matagal bago nagsalita ang lalaki. Nage-expect na nakatingin lang ang binata.
"Dapat lang dahil kapag hindi niya ito nagustuhan. Susunugin ko ang buong auction," ani ng lalaki. Napamura ang binata ay sinabing hindi iyon pwedeng gawin ng lalaki.
"At bakit hindi?" tanong ng lalaki at tiningnan ang binata na napatalon sa kinatatayuan.
"Ahm, hindi kasalanan ng auction kung hindi iyan magustuhan ng young lady," ani ng binata na ngayon ay hawak ang batok.
"So? Kasalanan ko?" tanong ng lalaki. Agad na tinaas ng binata ang dalawang kamay at winagayway habang sinasabi na hindi. Hindi niya iyon kasalanan.
"Phoenix, pagod ka na ba sa buhay mo? Gusto mo tapusin ko na para sa iyo?" tanong ng lalaki at binunot ang baril. Napamura si Phoenix at sinabing kasalanan na iyon ng auction. Hindi iyon kasalanan ng pinuno niya at tinatawag niyang young lady.
"Anong ginagawa niyong dalawa?"
Napatayo ang binata at iyong lalaking nakaupo sa pang-isahan na sofa. Pumasok ang matandang nasa 50s kasunod ang ilan pang lalaki na nakasuot na suit at mga armado.
"Nagkakatuwaan lang kami boss," ani ng binata na may nakakatuwang maskara kahit ang totoo ay muntikan na siyang mamatay kanina.
"Totoo ba na pumalpak ka sa mission mo Midnight?" tanong ng matanda matapos parang hari itong umupo sa upuan at tiningnan ang dalawa.
"Hindi ako pa ako pumalpak sa mission mr. Montessori," malamig na sambit ng lalaki. Agad na umapila ang lalaking katabi ng matanda na may suot na itim na facemask.
"May nakarating sa akin pinuno na may nakatakas kay Midnight. Malinaw ang bilin niyo na wala sa mga Perez ang dapat makatakas," ani ng lalaki. Natawa ang lalaki na may suot na puting maskara.
"Iyong taong nag-imporma 'nan sa iyo. Bumalik ba sa iyo ng buhay? Hindi mo ba itatanong kung sinong demonyo ang kasama niya ngayon sa impiyerno?" tanong ng lalaki. Napatigil ang binata at binulyawan ito.
"Anong ginawa mo kay Michael!" sigaw ng lalaking may pangalan na Rubel. Ngumisi ang lalaking may codename na Midnight.
"Gusto mo malaman? Hanapin mo bukas ang pangalan ng taong iyon sa headline bukas kasama ang pangalan ng taong sinabi mong pinatakas ko at ang pamilya ng mga Moli at Lazaro."
Sinabi ng may codename na Phoenix na may lihim na alyansan ang mga Perez, Moli at Lazaro— para sa maayos na trabaho ni Midnight sinama na niya ang dalawang pamilya.
"Hindi niyo na kailangan mag-thank you at hindi ko na kailangan ng reward," ani ng lalaki at tumalikod dala ang folder. Nagpaalam ito at sinabing uuwi na siya.
Sumunod si Phoenix. Naggitgit ang lalaking may pangalan na Rubel.
"Gumawa na naman siya ng kilos ng hindi muna sa inyo pinapaalam pinuno. Malaki ang parte ng mga Moli at Lazaro sa oraganisasyon at pinatay sila ng taong iyon ng wala ang inyong pahintulot," ani ng lalaki. Sinabi pa nitong nag-aalaga ng isang tigre ang pinuno nila.
"Alam ko iyon ngunit sa ngayon kailangan pa natin si Midnight. Maliit lang na sakripisyo sina Moli at Lazaro," ani ng matanda at tinungkod ang dalawang siko sa lamesa at hinilig doon ang baba.
"Ang tigre na iyon ang susi para sa pangmalakihan natin na plano at hangga't nasa atin si Midnight wala sa anim na organisasyon ang tatangkain na salagin tayo," ani ng matanda at ngumisi. Sa nangyari sa tatlong pamilya siguradong magiging mas matunog ang pangalan ni Midnight at malalaman na isa ito sa under ng mga Montessori.
Hahayaan niya lang si Midnight na mamayagpag para sa organisasyon niya. Hindi iyon gusto ni Rubel. Masyadong mataas ang tingin ng pinuno nila kay Midnight.
Masama ang kutob niya kay Midnight. Isang sandata si Midnight— walang organisasyon ang nagawang hawakan si Midnight sa leeg dahil likas itong madulas at bayolente.
Ngunit isang araw bigla na lang ito pumasok sa organisasyon ng mga Montessori sa dahilan na nabo-bored daw ito— gusto ng bagong environment ngunit alam ni Rubel na hindi iyon ang dahilan.
Katulad ng sinabi ni Rubel isang sandata si Midnight. Isang double bladed sword— delikado para sa kalaban ngunit mas delikado para sa may hawak.
Kung hindi mo ito magawang kontrolin at ibalanse— either mapatay mo ang kalaban o ikaw mapatay ng sariling mong sandata.
Alam niyang may balak si Midnight ngunit wala siyang pruweba dahil lahat ng taong naipapadala niya— wala sa mga ito ang nakakabalik ng buhay at kung meron makabalik mga wala ng kakayahan magsalita.
Naggigit si Rubel at sinabing mahuhuli niya din si Midnight at malalaman ang tunay na balak nito.
Kalaunan Ahara Silven Company mas kilalang ASC. Sa 24th floor— sa palapag kung nasaan ang opisina ng kilalang notorious young CEO na si Silver Shawn Blood— hinagis nito sa mukha ng isa sa dalawang empleyado niya ang mga dokumento.
Nanginginig ang mga ito sa takot matapos hampasin ni Silver ang table niya at tumayo.
"Ayan ba ang ipe-present niyo mamaya na new project ng ASC! Kahit elementary kayang i-present iyan!" sigaw ni Silver. Galit na galit ito— lumuhod ang dalawang empleyado at sinabing uulitin na lang nila.
"No, ngayong araw din ini-expect ko ang resignation letter ng buong team niyo. Ayoko ng makikita ang pagmumukha niyo sa company ko," malamig at may awtoridad na sambit ni Silver. Agad na pinulot ng mga ito ang mga papel at tumakbo paalis.
Pagkasara ng pinto ng opisina ng CEO. Nailing ang secretary ni Silver na si Triton Lawrenz na nakaupo sa table nito sa labas ng opisina ni Silver matapos makita ang dalawang empleyado.
Maiyak-iyak ang mga empleyado na umalis doon. Hindi 'man lang kasi sila pinagbigyan ng CEO na ayusin ang ipe-present nila.
Wala sa vocabulary ng CEO ng ASC ang second chance. Masyado itong perfectionist at hindi tumatanggap ng pagkakamali.