03

1298 Words
Chapter 03 3rd Person's POV Sa edad na 19 naging CEO si Silver Shawn Blood ng isang company na hindi lang sa asia kilala kung hindi sa buong mundo. Tinaguarian din itong pinakabatang CEO sa kasaysayan at kinilala sa business world dahil sa taglay nitong talino at kakayahan sa paghawak ng business— isama pa na ang casino na kilala sa buong mundo na El Ahara Casino ay pagmamay-ari din ni Silver. Segu-segundo ay billion ang pumasok sa bank account ni Silver ngunit para sa binata ay kulang pa iyon. Hindi siya kuntento. Sa kabila ng meron siya, atensyon, pera, karisma at talino— hindi siya kuntento. Hanggang pati ang underground ay pinasok niya. Naging bayaran siyang hitman doon. Tumatanggap ng mga mission, pumapatay ng tao at umaangkin ng mga bagay na pag-mamay-ari ng ibang tao. Hanggang sa makilala niya nga si Adara Vegas. Dinala ito ng isang matandang lalaki na may malaking pagkakautang sa casino niya. Sinabi nitong hindi niya kayang bayaran ang 34 billion sa loob ng apat na araw. Binibigay nito ang pamangkin at nagmamakaawang bigyan siya ng palugit. Nasa 17 years old pa lang 'non si Adara. Nakikita ni Silver ang mga pasa at sugat sa katawan ng babae mula sa mahaba at puti nitong kasuotan. Nakaramdam ng awa si Silver in some reason kaya kinuha niya ang babae. Binigayan ni Silver ng mahabang palugit ang matanda para bayaran ang 34 billion at hangga't hindi iyon nababayaran ng matanda mananatili si Adara sa puder ni Silver. Natuwa ang matanda at lingid sa kaalaman ni Adara wala na siyang balak kuhanin ng tito niya. "Mr. Blood, paalisin mo na lang ang matandang iyon?" tanong ni Triton ang secretary ni Silver. Nakatingin ito sa dalagita na nakaluhod— payat, namumutla at mukhang anytime magpa-passed out na. "Pabantayan mo ang matandang iyon at itong babae na ito dalhin niyo sa main house," utos ng lalaki bago tumayo mula sa kinauupuan nito at naglakad palapit sa lamesa. "I- I want to live. Please, please hayaan niyo pa ako mabuhay," bulong ng babae. Basag ang boses— nagsimula itong umiyak habang nakayuko. Nakaluhod ang babae sa sahig at puno ng takot ang mukha. "Kung maga-act ka na parang hindi nage-exist. Papayag ako manatili ka," malamig na sambit ni Silver. Nilingon niya ang babae. Napatigil si Adara at nag-angat ng tingin. Medyo shocked ang babae dahil mukhang bata pa din iyong lalaking tinawag ng tito niya na Mr.Blood. Itim na itim na kulay ng mga mata nito— bagsak ang buhok nito at may nakakalunod na tingin. Bahagyang nahawi ang kurtina sa loob ng madilim na silid na iyon. Pumasok ang liwanag na nagmumula sa malaking buwan at doon malinaw na nakita ni Silver at Adara ang mukha ng isa't isa. Iyon ang first encounter ni Silver at Adara. Dinala nga si Adara sa main house— doon tinago ni Silver si Adara. Pinakain, binihisan at pinag-aaral. Kapalit 'non ay ang pagkakakulong nito sa mansion. Bawal si Adara lumabas pag-uwi ng mansion, bawal makipag-usap either sabihin ang about kay Silver. Then noong nag-18 si Adara— lumabas ang about sa last will. Kailangan ni Silver magpakasal para makuha ang posisyon sa buong household ng mga Blood. Sinabi ni Silver na magpapakasal sila ni Adara para sa last will. Pinapirma lang ito ni Silver at hindi 'man lang tinanong ang opinyon ni Adara. Nagkaroon din sila ng kontrata. Unang-una doon na bawal sila mangialam sa business ng isa't isa. Makukuha ni Adara ang lahat either ang freedom nito bilang asawa ni Silver— maaring pumunta si Adara sa ibang bansa, mag-travel either mag-shopping. Humingi lamang ng permiso si Adara kapag aalis. Pangalawa ay bawal ni Adara gamitin ang pangalan ni Silver o sabihin ang about sa relasyon niya sa lalaki. Marami pang nakasaad sa kontrata ngunit lahat iyon ay umiikot lang sa idea na bawal si Adara manghimasok sa trabaho at personal life ni Silver. Nagmistulan na puppet si Adara dahil doon ngunit ni minsan hindi ito nagreklamo o umapila kay Silver. Sa loob ng 8 years sumunod si Adara sa kontrata. Wala itong tinatanong o sinasabi kay Silver— maghihintay ito sa mansion kung kailan uuwi si Silver at titigan ito umalis muli. Ngunit nagbago iyon matapos magkaroon ng aksidente. Nagising si Adara sa hospital— walang kasama at nag-iisa. Walang Silver na dumating base na din sa binigay sa kaniyang sagot ni Eos. Sinabi daw ni Eos kay Silver ang nangyari ngunit hindi 'man lang ito dumalaw sa hospital. Sa isip ni Adara maaring wala na siyang silbi kay Silver kaya ganoon. Hinihintay na lang ni Silver mawala siya sa landas nito para makasama ang long time girlfriend nito. Doon naisipan ni Adara na magpanggap na nagka-amnesia. Hihintayin niya sabihin ni Silver ang about sa 34 billion, hihingi siya ng pruweba sa pagkakautang ng uncle niya then sasabihin niya na babayaran niya iyon. Iyon na lang ang gagawin ni Adara para magawa na ni Silver ang gusto niya— makaalis na din siya sa mansion. Kung ide-demand ni Silver ang about sa divorce paper ay agad niya din iyon pipirmahan. Kailangan niya lang magpanggap na walang maalala at mag-act na ibang tao. Hindi siya kilala ni Silver alam niya kaya magiging madali lang iyon kay Adara. Pumasok ang mga doctor. Sinuri siya at may mga ilang tanong ito na sinadya niyang hindi sagutin. "Pangalan ko? Ako si Adara Vegas," sagot ni Adara na may pagtatakha sa nukha. Nakaupo ito ngayon sa ibabaw ng kama. "Anong huli mong naalala?" tanong ng doctor. Nag-isip si Adara— napakamot sa ulo si Adara sa part na walang benda. "Nahulog ako sa hagdan. Dinala ba ako ni uncle dito?" tanong ni Adara. Na-shocked si Eos. Nagbulungan ang mga doctor. Nagpaalam ito at kinausap si Eos. Umiwas ng tingin si Adara. Habang kausap ang doctor— patingin-tingin si Eos kay Adara na nakapako ang tingin sa kanila. Paminsan-minsan ay pinagdidiskitahan nito ang bulaklak sa table. Binubunot ang mga petals. Napasapo si Eos sa noo. Sinabi niyang umalis na ang mga doctor— iimporma ang boss niya about sa kondisyon ni Adara. Pagkasara ng pinto lumapit su Eos kay Adara. Tinanong ni Adara si Eos kung ito ba ang nagdala sa kaniya ng hospital o kung kaanu-ano siya ng uncle niya. "Wala akong pambayad ng hospital bills. Imposible din bayaran ni uncle ang bills ko," ani ni Adara. Sinabi ni Eos na huwag alalahanin ang bill at isa pa hindi kailangan ni Adara maging formal. "Personal maid mo ako lady Adara, " bumakas ang pagtatakha sa mukha ni Adara. Ni-head to toe niya si Eos. "Ahm, sigurado ka?" tanong ni Adara. Hindi siya makapaniwala dahil kapag nagtabi silang dalawa ay mas magmumukha siyang maid. Eos Miller, may balingkinitan na katawan, perpekto na kurba ng bewang— maliit at maamo na mukha, may itim at curly na buhok at kakaibang kulay ng mata. Mukha itong foreigner. Mas papasa pa itong model kaysa sa maid. "Sige nga. Kung personal maid kita anong paborito kong pagkain?" tanong ni Adara. Ngumisi si Eos. "Corn soup," sagot ni Eos. Na-shocked si Adara. "Anong ayaw ko na pagkain?" tanong ni Adara na nakakunot ang noo. Nagtataka ito bakit nito alam. "Corn soup din dahil allergy ka sa corn," sagot ni Eos. Napasubsob si Adara sa kama. Sinabi nitong hindi pa din siya naniniwala. "Paano ako magkakaroon ng maid eh hindi ko nga mapakain ang sarili ko ng tatlong beses sa isang araw, " bubulong-bulong na sambit ni Adara. Tiningnan ni Adara si Eos. "Scammer ka ba? O ako iyong scammer?" tanong ni Adara. Hindi maiwasan ni Eos na ma-guilty— may part sa kaniya na natutuwa dahil wala itong naalala like kung ito ang dating Adara hindi siya nito kakausapin. "Magdadala ako ng pagkain dito young lady. Anong gusto mong kainin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD