Chapter 01
3rd Person's POV
"Hindi ako makakauwi this week. Kung may mga kailangan ka sabihin mo lang kina Eos," ani ni Silver habang inaayos ang wrist watch niya at tinataas ang dulo ng sleeve hanggang siko.
"Okay," sagot ni Adara Vegas Blood habang nakaupo sa gilid ng kama at nakayuko.
Lumingon si Silver. Ibubuka niya ang labi— agad din iyon sinara at umiwas ng tingin. Kinuha niya ang coat sa closet.
Tumayo si Adara para ihatid si Silver palabas katulad ng palagi nitong ginagawa this past few years.
"Huwag mo na ako ihatid. Maghanda ka na papunta ng school mo," ani ni Silver na tinungo ang pinto. Napatigil si Adara— hinawakan ang laylayan ng suot niyang puting dress at nakatingin sa nakatalikod na si Silver.
"Okay," sagot ni Adara. Binuksan ng binata ang pinto— naglakad palabas at sinara muli iyon.
Nakatayo lang sa gilid ang personal maid ni Adara na si Eos. In some reason naaawa siya sa babae.
Para itong manika na hindi ma-explain ni Eos. Minsan napagkakamalan niya itong robot— kung hindi lang nakikita ng dalaga ang kakaibang kislap ng mata ni Adara kapag naririnig na bumalik ang pinuno niya na si Silver ay siguradong hindi siya magdududa na hindi na ito tao.
Sa almost 8 years na kasal nina Adara at Silver bilang lang sa daliri kung ilang beses umuuwi sa isang buwan ang lalaki.
Kung uuwi ito ay makalipas lang ang apat o limang oras aalis ulit ito. Nakatayo lang doon si Adara— hinawakan ang braso niya at hinawakan iyon ng mahigpit.
"Lady Adara," ani ni Eos. Umupo si Adara sa gilid ng kama at hindi doon gumagalaw.
"I'm scared," bulong ni Adara. Napatigil si Eos at napalingon. Sa walong taon na pagbabantay niya sa babae ngayon lang ito nagsalita ng ibang words bukod sa okay.
Si Adara Vegas, pamangkin ito ng isang loyal costumer sa isang casino na pagmamay-ari ng mga Blood. Sa laki ng pagkakautang nito ay naibenta na din nito ang pamangkin niya na si Adara.
Tinanggap ito ni Silver at pinakasalan dahil nagkataon din na kailangan ni Silver ng mapapangasawa dahil isa iyon sa requirement para makuha niya ang posisyon bilang head master ng mga Blood.
Kailangan lang naman ay ang pirma ni Adara then tapos na ang responsibilidad niya bilang asawa ngunit hindi iyon sapat para pakawalan siya ni Silver Shawn Blood.
Almost 34 billion ang utang ng tito niya at kahit yata buhay niya kulang pa para mabayaran iyon. Wala siyang lakas ng loob sabihin kay Silver na gusto niya magtrabaho para mabayaran iyon— ayaw niya na doon.
Ngunit katulad ng sinabi niya wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon lalo na at hindi siya sigurado kung mababayaran niya iyon kahit pa 24/7 siya magtrabaho.
Nanatili si Adara sa mansion na iyon. Nakaupo sa sofa at nanonood ng t.v. Ganoon lang naman ang ginagawa niya pagdating sa school.
Pinalipat-lipat ni Eos ang t.v para kay Adara. Nang itaas ni Adara ang kamay binaba na ni Eos ang remote.
Balita iyon at nandoon ang mukha ni Silver. Hindi naman nakakagulat iyon para kay Eos since kapag nanonood si Adara talagang hinahanap nito ang channel kung nasaan ang mukha ni Silver.
May kasama si Silver na magandang babae. Hawak ni Silver ang bewang ng babae habang nakikipag-usap sa mga reporter.
Isa sa dahilan kung bakit gusto umalis doon ni Adara ay dahil may girlfriend talaga si Silver. Isa ito sa kilalang movie actress at maikukumpara sa isang diyosa ang ganda.
Tuwing nakikita iyon ni Adara parang pinipiga ang puso niya ngunit wala siyang choice. Sa t.v at magazines niya lang nakikita ng malinaw ang mukha ni Silver at nagkakaroon ng balita dito.
Ayaw niya 'man makita na nakikipaglampungan ito sa ibang babae ay wala siyang magawa. Kailangan niyang tanggapin na hanggang doon na lang siya.
"Shawn," bulong ni Adara. Napatingin si Eos— nakita niya si Adara na sobra ang titig sa mukha ni Silver.
Minahal ni Adara si Silver kahit pa hindi ito nagpapakila ng kahit anong interes sa babae. Sa side kasi ni Adara si Silver lang iyong taong nagpakita sa kaniya ng mabuti.
Kahit pa bayad utang lang siya ay hindi siya nito tinatrato ng masama. Kahit mag-asawa lang sila sa papel at wala na itong kailangan sa kaniya ay hinahayaan siya manatili doon— pumupunta pa din ito doon kahit pa may iba pa itong babaeng kinakasama.
Para kay Adara sapat na iyon para palihim niyang mahalin at hangaan ang lalaki. Hinawakan ni Adara ang braso— ngunit hindi nakikita ni Adara na sapat na dahilan ang pagmamahal niya na iyon para hayaan niya ang sariling makulong doon.
Ayaw niya manatili habang buhay sa mansion na iyon dahil in future alam niya na iiwan din siya ni Silver at kakailanganin niya umalis doon para sa babae.
Maaring may espasyo sa buhay niya si Silver ngunit sa mansion na iyon at kay Silver— wala siyang espasyo at hindi siya pwede maging selfish.
Puno ng lungkot na binaba ni Adara ang paningin.
Katulad ng sinabi ni Silver hindi nga ito umuwi sa mansion ng isang linggo. Nalaman na lang ni Adara na nasa hongkong si Silver kasama ang 3 yeara girlfriend nito na si Beatrice.
Nakasakay si Adara sa kotse. Galing siya sa school at papauwi na. Hawak ni Adara ang phone niya habang nakatingin sa picture nia Silver at Beatrice na magkasama.
Doon pinakita pa ni Beatrice ang bracelate na binigay sa kaniya ni Silver. Nakita niya pa sa caption na birthday gift iyon ni Silver.
Tuwing birthday niya marami din siya natatanggap na gift kay Silver like signature bags, dresses, jewelries at shoes ngunit wala doon ang mismong binigay sa kaniya ni Silver. Pinadadala niya lang iyon at nalama ni Adara na secretary lang ni Silver ang bumibili ng gift para sa kaniya.
In some reason kahit bracelate lang iyon naiinggit siya kay Beatrice. Sinandal niya ang ulo sa salamin ng bintana. Sa isip ni Adara kahit cheap na bracelate at singsing lang— magugustuhan niya iyon at iingatan as long as galing iyon sa asawa.
"Tama na Adara ang page-expect. Tino-torture mo lang ang sarili mo," bulong ni Adara.
Napatigil si Adara at biglang lumakas ang t***k ng puso niya. Biglang nag-pop ang name ni Silver sa phone ni Adara.
Napaayos ng upo si Adara at kinusot ang mata sa pag-aakala na panaginip lang iyon. Ngunit nang makita niya pa din ang pangalan ni Silver ay agad niya iyon sinagot. Pinindot niya ang answer.
Kinakabahan siya dahil iyon ang unang pagkakataon na tianwagan siya ni Silver. Nilapit niya iyon sa tenga.
Hindi narinig ni Adara ang sinabi ni Silver sa kabilang linya matapos siya makarinig ng malakas na busina. Lumingon si Adara at doon may nakita siyang four wheeler truck.
Nabitawan ni Adara ang phone matapos sumalpok iyon sa kotse. Nag-black out ang lahat— sandaling nagising si Adara matapos marinig ang tunog ng ambulansya.
Sobra ang sakit na nararamdaman niya sa katawan niya. Naririnig niyang sumisigaw si Silver sa kabilang linya.
Kahit nanlalabo ang paningin ni Adara dahil aa dugo na nanggagaling sa ulo niya at katawan ay pilit niyang inabot ang cellphone. Nababasa niya pa din ang pangalan ni Silver.
Paulit-ulit na tinatawag ni Silver ang pangalan niya. Sobrang ingay sa kabilang linya. Hindi na alam ni Adara kung sino ang kausap ng asawa.
"Shawn," bulong ni Adara. Nanghihina na siya.
"I'm sorry. Hindi— hindi ako naging mabuting asawa."
Hindi na ni Adara narinig ang sinabi ni Silver. Hindi niya din alam kung nandoon pa ito 'nong sinabi niya iyon dahil biglang natahimik.
Tumulo ang luha ni Adara. Sana magkaroon pa siya ng pangalawang pagkakataon. Mabago ang relasyon nila ni Silver. Isang pagkakataon na lang at iyon lang ang kaisa-isang hiniling ni Adara bago siya tuluyang mawalan ng malay.