bc

My Secret Husband is a Killer

book_age18+
9.4K
FOLLOW
43.3K
READ
murder
dark
heir/heiress
mystery
evil
campus
office/work place
secrets
husband
brutal
like
intro-logo
Blurb

Book1- My Secret Husband Is A Killer

Book2- Zoldic's Possession

Blurb

"Asawa kita? Paano tayo nagkakilala? Kailan tayo kinasal? Wait— artista ka ba?"

"Mayaman? Anong pangalan mo? Ilang taon na tayo kasal? Marami bang balloons 'nong kasal natin— ilang months mo ako niligawan?"

Sunod-sunod ang tanong ni Adara habang nakatingin sa gwapong lalaki na nasa harap niya matapos magpakilala itong asawa niya.

Matapos ang isang aksidente nawala lahat ng ala-ala ni Adara. Totally clueless ito ng magising ito sa hospital at napapalibutan siya ng mga hindi kilalang tao.

"Ang dami mong tanong. Basta kasal tayo," ani ni Silver Shawn Blood habang nakatungkod ang siko sa arm rest ng upuan at nakatakip ng bibig gamit ang isang kamay.

Wala siyang amnesia ngunit hindi niya maalala kung kailan sila kinasal, anong tiyura ng kasal, ilang taon silang kasal at kung nanligaw ba siya.

Bakit niya lahat nakalimutan iyon. Tiningnan niya si Adara na ngayon ay gusot ang mukha.

"Liar!" sigaw ni Adara. Sumiksik ito sa headboard ng kama at sinabing hindi siya naniniwala na kasal sila ni Silver.

"Ano kang klaseng asawa kung hindi mo maalala kung kailan kasal natin na dalawa! Isa pa imposible na asawa kita! Mukha kang mayaman tapos gwapo! Isa ka bang sindikato? Nandito ka para ibenta lamang loob ko!"

Napatanga si Silver sa sinabi ni Adara. Biglang napatanong si Adara kung lahat ba ng sindikato ay gwapo katulad niya.

Hindi alam ni Silver ngunit naramdaman ni Silver ang panganib lalo na ang malaking problema.

"Hindi ako maniniwala hangga't walang pruweba at hindi din ako sasama sa iyo," ani ni Adara. Napahilot si Silver sa bridge ng ilong.

Wala siyang wedding picture na maipakita, doon napansin ni Silver na wala silang picture ni Adara na magkasama at ayaw din ni Adara maniwala sa isang wedding certificate since maari daw na fake iyon.

"Sino ka ba talaga?" tanong ni Adara. Napatingin si Silver. Nagtama ang mata nilang dalawa.

"Kung asawa kita— bakit wala kang alam tungkol sa akin either favorite kong pagkain? Wala din tayong picture. Nababasa ko naman sa mukha mo na hindi ka nagsisinungaling about sa sinabi mong asawa kita."

"Pero bakit wala kang alam tungkol sa akin?" tanong ni Adara. Gusto ni Silver sabihin na asawa niya lang ito sa papel at may contract sila.

Wala silang pakialaman sa business ng isa't isa— para lang silang housemate. Hindi niya nga maalala ng malinaw ang mukha ni Adara at kung tiningnan ba siya minsan ng ganoon ni Adara sa mata.

"Is that— masyado kang masekreto," sagot ni Silver. Hindi alam ni Silver kung bakit niya sinabi iyon. Basta na lang iyon lumabas sa bibig niya kahit ang gusto niya sabihin ay about sa kasunduan nilang dalawa na titira lang sila sa iisang bahay pagkatapos 'non wala na.

"Talaga? Masekreto ako?" ani ni Adara at napakamot sa ulo. Bumulong pa ito at natanong kung totoo iyon.

Gusto din ni Silver na pati siya masekreto kaya lahat ginagawa niya para dumistansaya sa babae at itago ang maitim niyang sekreto.

"Basta hindi ako naniniwala na kasal na ako sa iyo! Kailangan ko ng pruweba— hindi ako sasama sa iyo hangga't wala akang pruweba o wala akong naaalala."

Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Hinawakan ni Adara ng mahigpit ang comforter na nakapatong sa mga hita niya.

Sa isip ni Adara kailangan niya mabuhay— kailangan niya maka-survive at iyon lang ang naiisip niyang paraan. Mag-act na nagka-amnesia at lumayo kay Silver.

Bumaba ang tingin ni Adara. Iyon naman kasi ang gusto ni Silver— mawala siya sa landas nito since wala na siyang silbi dito. Nakuha na ni Silver ang mana niya sa mga Blood at posisyon — ito na ang tagapagmana ng mga Blood. Wala ng dahilan para manatili siya doon.

"Then— mag-start ulit tayo magdate," ani ni Silver. Napatigil si Adara at napatingin.

"What?" tanong ni Adara. Nag-date ba sila before ang kasal. Seryoso siyang tiningnan ni Silver.

"Magda-date tayo. Hanggang sa maalala mo ako at maniwala ka na asawa kita."

chap-preview
Free preview
01
Chapter 01 3rd Person's POV "Hindi ako makakauwi this week. Kung may mga kailangan ka sabihin mo lang kina Eos," ani ni Silver habang inaayos ang wrist watch niya at tinataas ang dulo ng sleeve hanggang siko. "Okay," sagot ni Adara Vegas Blood habang nakaupo sa gilid ng kama at nakayuko. Lumingon si Silver. Ibubuka niya ang labi— agad din iyon sinara at umiwas ng tingin. Kinuha niya ang coat sa closet. Tumayo si Adara para ihatid si Silver palabas katulad ng palagi nitong ginagawa this past few years. "Huwag mo na ako ihatid. Maghanda ka na papunta ng school mo," ani ni Silver na tinungo ang pinto. Napatigil si Adara— hinawakan ang laylayan ng suot niyang puting dress at nakatingin sa nakatalikod na si Silver. "Okay," sagot ni Adara. Binuksan ng binata ang pinto— naglakad palabas at sinara muli iyon. Nakatayo lang sa gilid ang personal maid ni Adara na si Eos. In some reason naaawa siya sa babae. Para itong manika na hindi ma-explain ni Eos. Minsan napagkakamalan niya itong robot— kung hindi lang nakikita ng dalaga ang kakaibang kislap ng mata ni Adara kapag naririnig na bumalik ang pinuno niya na si Silver ay siguradong hindi siya magdududa na hindi na ito tao. Sa almost 8 years na kasal nina Adara at Silver bilang lang sa daliri kung ilang beses umuuwi sa isang buwan ang lalaki. Kung uuwi ito ay makalipas lang ang apat o limang oras aalis ulit ito. Nakatayo lang doon si Adara— hinawakan ang braso niya at hinawakan iyon ng mahigpit. "Lady Adara," ani ni Eos. Umupo si Adara sa gilid ng kama at hindi doon gumagalaw. "I'm scared," bulong ni Adara. Napatigil si Eos at napalingon. Sa walong taon na pagbabantay niya sa babae ngayon lang ito nagsalita ng ibang words bukod sa okay. Si Adara Vegas, pamangkin ito ng isang loyal costumer sa isang casino na pagmamay-ari ng mga Blood. Sa laki ng pagkakautang nito ay naibenta na din nito ang pamangkin niya na si Adara. Tinanggap ito ni Silver at pinakasalan dahil nagkataon din na kailangan ni Silver ng mapapangasawa dahil isa iyon sa requirement para makuha niya ang posisyon bilang head master ng mga Blood. Kailangan lang naman ay ang pirma ni Adara then tapos na ang responsibilidad niya bilang asawa ngunit hindi iyon sapat para pakawalan siya ni Silver Shawn Blood. Almost 34 billion ang utang ng tito niya at kahit yata buhay niya kulang pa para mabayaran iyon. Wala siyang lakas ng loob sabihin kay Silver na gusto niya magtrabaho para mabayaran iyon— ayaw niya na doon. Ngunit katulad ng sinabi niya wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon lalo na at hindi siya sigurado kung mababayaran niya iyon kahit pa 24/7 siya magtrabaho. Nanatili si Adara sa mansion na iyon. Nakaupo sa sofa at nanonood ng t.v. Ganoon lang naman ang ginagawa niya pagdating sa school. Pinalipat-lipat ni Eos ang t.v para kay Adara. Nang itaas ni Adara ang kamay binaba na ni Eos ang remote. Balita iyon at nandoon ang mukha ni Silver. Hindi naman nakakagulat iyon para kay Eos since kapag nanonood si Adara talagang hinahanap nito ang channel kung nasaan ang mukha ni Silver. May kasama si Silver na magandang babae. Hawak ni Silver ang bewang ng babae habang nakikipag-usap sa mga reporter. Isa sa dahilan kung bakit gusto umalis doon ni Adara ay dahil may girlfriend talaga si Silver. Isa ito sa kilalang movie actress at maikukumpara sa isang diyosa ang ganda. Tuwing nakikita iyon ni Adara parang pinipiga ang puso niya ngunit wala siyang choice. Sa t.v at magazines niya lang nakikita ng malinaw ang mukha ni Silver at nagkakaroon ng balita dito. Ayaw niya 'man makita na nakikipaglampungan ito sa ibang babae ay wala siyang magawa. Kailangan niyang tanggapin na hanggang doon na lang siya. "Shawn," bulong ni Adara. Napatingin si Eos— nakita niya si Adara na sobra ang titig sa mukha ni Silver. Minahal ni Adara si Silver kahit pa hindi ito nagpapakila ng kahit anong interes sa babae. Sa side kasi ni Adara si Silver lang iyong taong nagpakita sa kaniya ng mabuti. Kahit pa bayad utang lang siya ay hindi siya nito tinatrato ng masama. Kahit mag-asawa lang sila sa papel at wala na itong kailangan sa kaniya ay hinahayaan siya manatili doon— pumupunta pa din ito doon kahit pa may iba pa itong babaeng kinakasama. Para kay Adara sapat na iyon para palihim niyang mahalin at hangaan ang lalaki. Hinawakan ni Adara ang braso— ngunit hindi nakikita ni Adara na sapat na dahilan ang pagmamahal niya na iyon para hayaan niya ang sariling makulong doon. Ayaw niya manatili habang buhay sa mansion na iyon dahil in future alam niya na iiwan din siya ni Silver at kakailanganin niya umalis doon para sa babae. Maaring may espasyo sa buhay niya si Silver ngunit sa mansion na iyon at kay Silver— wala siyang espasyo at hindi siya pwede maging selfish. Puno ng lungkot na binaba ni Adara ang paningin. Katulad ng sinabi ni Silver hindi nga ito umuwi sa mansion ng isang linggo. Nalaman na lang ni Adara na nasa hongkong si Silver kasama ang 3 yeara girlfriend nito na si Beatrice. Nakasakay si Adara sa kotse. Galing siya sa school at papauwi na. Hawak ni Adara ang phone niya habang nakatingin sa picture nia Silver at Beatrice na magkasama. Doon pinakita pa ni Beatrice ang bracelate na binigay sa kaniya ni Silver. Nakita niya pa sa caption na birthday gift iyon ni Silver. Tuwing birthday niya marami din siya natatanggap na gift kay Silver like signature bags, dresses, jewelries at shoes ngunit wala doon ang mismong binigay sa kaniya ni Silver. Pinadadala niya lang iyon at nalama ni Adara na secretary lang ni Silver ang bumibili ng gift para sa kaniya. In some reason kahit bracelate lang iyon naiinggit siya kay Beatrice. Sinandal niya ang ulo sa salamin ng bintana. Sa isip ni Adara kahit cheap na bracelate at singsing lang— magugustuhan niya iyon at iingatan as long as galing iyon sa asawa. "Tama na Adara ang page-expect. Tino-torture mo lang ang sarili mo," bulong ni Adara. Napatigil si Adara at biglang lumakas ang t***k ng puso niya. Biglang nag-pop ang name ni Silver sa phone ni Adara. Napaayos ng upo si Adara at kinusot ang mata sa pag-aakala na panaginip lang iyon. Ngunit nang makita niya pa din ang pangalan ni Silver ay agad niya iyon sinagot. Pinindot niya ang answer. Kinakabahan siya dahil iyon ang unang pagkakataon na tianwagan siya ni Silver. Nilapit niya iyon sa tenga. Hindi narinig ni Adara ang sinabi ni Silver sa kabilang linya matapos siya makarinig ng malakas na busina. Lumingon si Adara at doon may nakita siyang four wheeler truck. Nabitawan ni Adara ang phone matapos sumalpok iyon sa kotse. Nag-black out ang lahat— sandaling nagising si Adara matapos marinig ang tunog ng ambulansya. Sobra ang sakit na nararamdaman niya sa katawan niya. Naririnig niyang sumisigaw si Silver sa kabilang linya. Kahit nanlalabo ang paningin ni Adara dahil aa dugo na nanggagaling sa ulo niya at katawan ay pilit niyang inabot ang cellphone. Nababasa niya pa din ang pangalan ni Silver. Paulit-ulit na tinatawag ni Silver ang pangalan niya. Sobrang ingay sa kabilang linya. Hindi na alam ni Adara kung sino ang kausap ng asawa. "Shawn," bulong ni Adara. Nanghihina na siya. "I'm sorry. Hindi— hindi ako naging mabuting asawa." Hindi na ni Adara narinig ang sinabi ni Silver. Hindi niya din alam kung nandoon pa ito 'nong sinabi niya iyon dahil biglang natahimik. Tumulo ang luha ni Adara. Sana magkaroon pa siya ng pangalawang pagkakataon. Mabago ang relasyon nila ni Silver. Isang pagkakataon na lang at iyon lang ang kaisa-isang hiniling ni Adara bago siya tuluyang mawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
587.0K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
441.6K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
326.3K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
504.1K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

SILENCE

read
386.6K
bc

YOU'RE MINE

read
901.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook