Farmhouse Parcutela
Gapan 2023
Mariposa’s Point of View
Sa wakas ay nakauwi na rin kami. Hagardo bersoza na ang peg ko pero keri lang dahil mas maganda ako kapag nakikita ng ilaw sa gabi. Charot.
“Ayaw mong pumasok, Isagani?” tanong ko sa kaniya na tila nagdadalawang-isip pang pumasok. “Bukas po ang pintuan, Isagani. Sa pagkakaalam ko ay kapag inimbitahan kang pumasok sa loob ng may-ari ay hindi naman masamang paunlakan mo ito, hindi ba?”
Hindi ko alam kung bakit tuwid ang pananalita ko ng Tagalog nang mga oras na iyon. Nakapamaywang pa ako at nakaawang pa rin ang pintuan habang si Isagani naman ay alinlangan pa rin ang nasa isipan. Ang lalim naman nito. Hindi ko keri mag-straight Tagalog. Enebeyen!
“Paumanhin, Mariposa, ngunit...” naputol ang kaniyang susunod na sasabihin dahil dinugtungan ko ito.
“Ngunit, subalit, datapwa’t ba ang susunod mong sasabihin sa akin, Isagani?” pagbibiro ko at titig na titig pa ako sa kaniyang mukha nang mga sandaling iyon.
“Giniginaw ako...” at muntik pa akong matapilok sa sagot nito. Pinigilan ko na lamang na hindi matawa sa narinig ko dahil ang mga mata nito ay nagmamakaawa sa akin at nakikita ko na ring nangangatog na ang mga paa niya at nangangatal na rin ang bibig na hindi makapagsalita. “Sandali lang at... Isagani!”
Napasigaw ako sa pangalan niya nang muntik nang masubsob ang mukha sa sahig. Mabuti na lamang nagkaroon agad ako ng adrenaline rush at nasalo ko siyia. Iyon nga lang ay ang awkward ng position ko. Para akong nanay na magpapadede. Napasubsob kasi sa aking cleavage ang mukha nito.
Naku. Naku na lang, Isagani. Kung hindi ka lang pogi baka mabilis na kitang nasampal o ‘di kaya ay hinayaan na lamang kitang masubsob sa sahig. Pero parang ang pangit naman yata na masira ang maganda mong mukha, kaya pasalamat ka at hindi ako ganoon ka malisyosa. Deliciosa lang. Ganern.
Napailing na lamang ako sa mga naiisip na salita ng aking utak at agad na pinatayo si Isagani para dalhin sa sofa at pahigain muna. Susko, basang-basa ito at parang inaapoy pa ng lagnat. Kasalanan ng drayber ng trike kanina. Hindi naman ako na-inform na very sensitive pala ang mga nagmula sa panahon ng mga mestizo? Mabilis pa silang lagnatin. Kahit mabigat ito ay buong lakas ko pa rin siyang binuhat at inihiga sa sofa.
“Dyusmiyo marimar, bakit napainit mo na ha, Isagani?”
Nagmamadali akong nagtungo sa pridyider at naghanap ng kool fever na alam kong mayroon pa. Ito kasi ang ginagamit ko para bumaba ang temperatura. Nang makita ko ang aking hinahanap sa pridyider ay binalikan ko si Isagani at inilagay iyon sa kaniyang noo. Hindi pa roon nagtatapos ang aking ginawa dahil nagpakulo na rin ako ng tubig para gamitin naman ang nalalaman ko sa traditional na pagpapababa ng temperatura. Dahil puro de-kuryente naman ang mga gamit sa loob ay nakagpapakulo na ako ng tubig. Pagkatapos niyon ay nagtungo naman ako sa aking silid upang kumuha ng malinis na bimpo, tuwalya at pamalit na mga damit para kay Isagani.
“Paktay na. Puro babae pala ang mayroon dito sa closet ko. Wait parang may malaki naman na pajama at loose na tshirt dito na unisex. Ito na lang ang kukunin ko para mabihisan siya. Pero paano naman ang kaniyang...”
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong napahagikgik sa naiisip kong iyon. Pero mabilis ko namang iwinaksi iyon sa isipan at kinuha na lamang ang lahat ng bagay na gusto kong kunin kasama na ang kumot at unan para panlaban sa lamig kung lalamigin pa ito. Lumabas na ako ng silid at agad na pinuntahan ang naiwang si Isagani sa sofa at sinuri ang noo at leeg nito.
“Mukhang bumaba naman kahit paano. Kinabahan naman ako doon a. Balikan ko na lamang ang heater at tingna kung mainit na ang pinapakuluan kong tubig.”
Hinanda ko na rin ang maliit na palanggana at bimpo saka ko binunot ang naka-on na heater para isalin na ang mainit na tubig sa palanggana. Nilagyan ko rin ng malamig na tubig mula sa gripo sa kusina at siguraduhing maligamgam na ito bago dinala ang palanggana sa kinaroroonan ni Isagani para punasan ang kaniyang katawan.
Ano na naman ang iniisip mo, Mariposa? Huwag kang green ha?
Umiling na lamang ako ulit para alisin sa isipan ang mga kalokohan kong nangyari lang naman sa isang buong araw dahil kay Isagani. Nang makalapit ay lumuhod ako at inilagay sa sahig ang palangganang may maligamgam na tubig. Nakababad na ri ang malinis na bimpo at dahan-dahan ko itong piniga saka sinimulang punasan ang mukha ni Isagani. Habang ginagawa ko ito ay lihim akong napahanga sa kaniyang kagandahang lalaki.
Paano ba makahanap ng isang katulad mo sa panahong ito, Isagani? Bakit bigla-bigla ka na lamang sumulpot sa buhay ko nang hindi nagpapaalam? Totoo ka bang talaga? O baka naman guni-guni ko lang ang lahat ng ito? Gawa-gawa lang at hindi totoo?
Muli na namang nilamon ang utak ko ng mga katanungang hindi ko pa mahanap-hanap ang kasagutan sa ngayon. Natapos na ang isang araw at ngayon ay patapos na rin ang gabing kasama ko ang lalaking ito. Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon at punasan ang kaniyang mukha ay ibinalik ko muna ang bimpo sa palanggana. Nakatuon na naman ang aking mata sa basang kasuotan nitong kamisa chino.
“Bakit mo ba ako pinapahirapan, Isagani? Kanina ka pa. You stole my kiss, you ruined my mind, and now you are sick. Then, what? Are you letting me undress you then play versace on the floor in my mind? Omo talaga. Oh em ge!”
Napahawak pa ako sa aking dibdib at ilang beses na umiling. Sa huli ay naisipan ko na lamang na unahin ang kaniyang kamay. Kinuha ko ulit ang bimpo at piniga iyon. Handa na ang aking kanang kamay para punasan siya habang ang aking kaliwa naman ay kinuha na ang kamay ni Isagani. Ngunit nang hawakan ko na ito ay huli ko nang maalala na sa paghawak ng kamay niya ay ipapakita na naman sa akin ang isang nakaraan ng babaeng nagngangalang Corazon.
“Kung kamatayan na lamang ang magiging kasagutan sa aking nadurog at sinaktang puso, mas nanaisin kong wakasan na lamang ang lahat ng ito nang hindi ko na maramdaman ang sakit na mawala sa akin ang pinakamamahal kong si Isagani.”
...
DISCLAIMER:
Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.