Kabanata Nuwebe: Corazon Sees Corazon

1254 Words
Lumang Gapan 1899 de Julio Mariposa’s Point of View Isang hindi inaasahang pangyayari ang masasaksihan ko. Hindi ko alam kung paano na naman ako napadpad dito maliban sa nahawakan ko ang kamay ni Isagani na kani-kanina lang ay pinupunasan ko pa siya sa sofa, sa aking bahay. “Corazon! Nakikiusap akong buksan mo ang pintuan. Ngayon din!” Nasa loob ako ng isang bahay. Hindi ko mawari kung paano ako nakapasok pero narinig ko na naman ang pangalan ng babaeng kapangalan ko pa man din. As usual hindi pa rin ako nila nakikita. Isang malaking bahay na hindi ko alam kung ilang daang taon na itong nakatirik. Mula sa mga muwebles, kisame, at maging sa estilo ng pundasyon ng bahay, masasabi kong gawa ito sa bato. “Anak, kung anuman ang pinaplano mo ay huwag na huwag mong ituloy. Maawa ka sa amin ng iyong ina,” muli ko na namang narinig ang pagmamakaawa ng isang matandang nasa harapan ng pintuan. Ako naman ay parang timang na walang kaalam-alam sa pinasok ko at lumapit pa sa tabi ng matanda at ihilig ang aking ulo sa pader. Tsaka. Bakit ko ginawa iyon e hindi ko naman maririnig kong bato man? ‘Di ba? I kennot. Obob ako rito sa panahong ito. My gulay! “Trining! Kunin mo ang susi ng silid ng iyong ate. Ngayon din! Magmadali ka!” sigaw nang sigaw ang matanda. Ako naman ay napahawak na sa dibdib at naaawa na sa nakikita. Kung lumusot kaya ako rito sa pader? Wow, e di, magic? Pero walang masama kung susubukan kasi hindi naman ako nila nakikita. And besides, I’m just a pieces of a woman I used to be. Too many bitter tears are raining down on me. Peste! Bakit Too much love will kill you ang kinakanta ko. May oras pa talaga akong magloko ano? Masubukan na ngang lumusot. Inuna kong idikit ang aking kanang kamay sa dingding at nang makita kong gumagana na parang bubble lang na fluppy ay napangiti ako. Dahil puwede naman pala, tinodo ko na ang paglusot sa pader para makapasok sa silid ng babaeng nagngangalang Corazon. Pumikit pa ako at nag-sign of the cross saka tumalon sa pader at viola! Nakapasok ako. “Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito sa aking silid?” Oh em ge! As in oh my gulay. Nakikita niya ako? Subukan ko ngang magkunwari. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Tingin sa harapan. Tingin sa likuran. Ayun, sumunod ang mga mata niya. Ibig sabihin lang ay nakikita niya ako? Bakit? “Sumagot ka, binibini. Ano ang pangalan mo ha? May balak ka bang pigilan ako?” tanong niya sa akin at ako naman ay umiling lang. Sumipul-sipol pa ako para lang iparating sa kaniya na wala akong balak na pigilan siya sa kaniyang balak na pagpapakamatay. Hindi ko nga alam kung bakit nakikita niya ako ngayon e. Ano na ang gagawin ko? “Kung wala kang balak na ako ay pigilan sa aking pagpapatiwakal, iisipin ko na lamang na isa kang anino sa aking likuran o isang panauhing pandangal na makakasaksi sa aking gagawing pagpapakamatay.” Ay ang taray ng Corazon na ito. In fairness, from the looks of her, she’s not just ordinary morena beauty lady. Parang nakikita ko nga ang sarili ko sa kaniya e. Saglit ko lang napagmasdan ang mukha niya dahil bigla itong bumalik sa ginagawa niya. “Corazon, anak! Huwag na huwag mong gagawin ang anumang binabalak ng iyong isipan. Trining! Nasaan na ang susi?!” muli ko na namang narinig ang boses sa labas. Sigurado akong ama niya iyon. Nang ibaling ko ang aking tingin sa nagngangalang Corazon ay nakita kong dahan-dahang umangat ang kanang paa niya kasunod ang kaliwa nito na tumayo sa isang kuwadrado at mukhang antigo para sa akin na upuan. Napadako pa ang aking tingin sa babae nang tumingin siya sa kisame at doon ko naman natagpuan ang nakalambitin na lubid na nakatali pa sa isang matibay na hugis parihabang kahoy bago ang kisame. Nang dahan-dahang hawakan ng mga kamay nito ang lubid at ipinasok ang ulo ay nagbitiw muna ito ng mga katagang kanina lamang ay narinig ko bago ko makita ang lahat. “Kung kamatayan na lamang ang magiging kasagutan sa aking nadurog at sinaktang puso, mas nanaisin kong wakasan na lamang ang lahat ng ito nang hindi ko na maramdaman ang sakit na mawala sa akin ang pinakamamahal kong si Isagani.” Isagani. Pamilyar ang pangalan. Kapangalan ng lalaking kani-kanina lang ay pinupunasan ko pa ng bimpo sa sofa sa aking bahay. Ngayong binibgkas ng babaeng nagngangalang Corazon ang pangalan niya ay isa lamang ang ibig sabihin nito. Siyempre, karugtong ito ng nauna kong nakita sa labas ng isang malaking bahay din sa parehong panahon. Kasama ni Corazon ang tatay niya nang palayasin siya ng hindi ko maalala ang pangalan ng lalaking may histura pa rin kahit may edad na. Dahil sa mga nakikita ko ngayong gagawin ni Corazon ay doon ko na napagtanto ang dahilan kung bakit ako nakita ni Corazon. At ito ay walang iba kung hindi ang pigilan siya sa kaniyang pagpapatiwakal. Ang aking isipan ay walang ibang naiisip kung hindi ang pakalmahin si Corazon at pigilan ang kaniyang gagawin. “Corazon, este binibini. Paumanhin, narinig ko lamang ang iyong pangalan sa labas. Isang kasalanan sa Maykapal ang gagawin kong pagkitil sa iyong buhay na Siya rin ang nagbigay,” pagsisimula ko at saka nakita ang babae na lumingon sa akin. “Walang karapatan ang isang tulad mo na pangaralan ako, binibini dahil malabo sa akin ang iyong pagkakakilanlan,” ay palaban ang other self ko este kapangalan kong si Corazon. I must do this. Kaya ko ‘to este siyang pigilan. “Kung lalaki ang dahilan ng iyong pagpapatiwakal, hindi mo ba naiisip ang posibleng maging epekto ng iyong pagpapakamatay sa lahat ng taong mahal ka dito sa tahanang nagpalaki sa iyo? Kung ang pangalan ng lalaking sinasabi mo ay Isagani, baka matulungan kita. Hindi ko man alam sa ngaon ang paraan pero mukhang kilala ko ang tinutukoy mo. Kaya, kung maaari ay bumaba ka na lamang riyan at mag-usap tayo,” enebe, saan galing ang mga tuwid kong pananagalog? Titig na titig ang mga mata ni Corazon sa akin habang ako naman ay naghihintay lang ng kaniyang susunod na gagawin nang biglang bumukas ang pintuan ng silid niya at nagtatakbong binuhat ng kaniyang ama si Corazon upang hindi matuloy ang kaniyang pagpapakamatay. Habang nakatingin siya sa akin na puno ng kalungkutan ang mga mata, nginitian ko siya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay unti-unti akong naglaho sa kanilang harapan hanggang sa... “Aray!” Bumagsak ang puwetan ko sahig at nang tingnan kung nasaan ako ay nakahinga ako nang maluwag dahil nasa loob pa rin ako ng aking bahay. Dahil masakit ang puwet ko ay gumapang na lamang muna ako para lapitan ang nakatulog pang si Isagani. Nang makalapit sa sofa ay agad kong idinikit ang palad ko sa noo niya at napabuga nang malalim na buntong-hininga nang mapagtantong bumaba na nga ang lagnat ni Isagani. Hindi ko alam kung ikaw at ang tinutukoy ng nagngangalang si Corazon sa panahong napuntahan ko ay iisa pero ipinapanalangin kong tama ang aking ginawa. Sana hindi itinuloy ni Corazon ang kaniyang pagpapatiwakal nang sa ganoon ay muli pa kaming magkita at magkausap na dalawa. ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD