Sa Kasalukuyang Panahon
Taong 2023
Mariposa’s Point of View
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang lalaking nagmula sa labingwalo at siyamnapu’t siyam ay walang ibang matutuluyan kung hindi ang sa akin. Hindi ko alam kung papayag ba ako pero mas kailangan ko munang unahin ang pagkulo ng aking tiyan.
“Gutom ka na ba, sir Isagani?” tanong ko sa kaniya habang sinusundan na itong naglalakad palabas sa makasaysayan este tourist attraction na Little Vigan of the Philipines sa kalye Delos Reyes.
Hindi ako nililingon. Manghang-mangha ang mga mata niya sa katitingin sa mga antigong bahay na ang iba ay gawa sa bato at ang iba naman ay ni-reconstruct lang. Habang nakatalikod ito na akin namang sinusundan ay hindi ko mapigilang mag-isip kung ano talaga ang nangyayari sa akin. Lalo na ang naganap kanina sa puno ng Haribon.
Was it a coincidence? Was it related to my past? Was it me? Was it the real me? Yow Yow. It wasn’t me.
Nagtanong pa ako sa isipan ko pero dinaan ko na naman sa katatawanan. Napapailing na lamang ako sa isiping iyon kung ano ang mga nakita ko. Kung totoo ba o hindi. Kung panaginip ba o hindi. Kung panaginip naman, aba e nakapagtataka ang theme song kasi halos takipsilim na nang mangyari iyon no. I can’t take it anymore. Napaubo pa ako habang kunwaring kinakanta sa isipan ang liriko ni Sarah G.
“Sir? Are you okay? Hindi po ba kayo nagugutom? Hindi po ba ninyo nara---”
Hindi ko natapos ang aking susunod na sasabihin dahil nabangga na naman ako at ang matangos kong ilong ay nauntog sa matikas nitong likuran este sa likuran ni Isagani.
“Sir, bakit naman kayo basta na lamang tumitigil? Nauntog tuloy ako. Kapag iyan gagawin ninyo ulit, sisingilin ko na kayo ng kasal sa panghahalik mo sa akin ng dalawang---” tumunog na nga ang aking tiyan at nagsasabi na itong tigilan na ang kadadaldal ko. “Sorry, gutom na rin nga pala ako.”
“Ganito ba talaga ang lugar dito, Mariposa?” hindi yata narinig ang tanong ko o sadyang iniwasan lang? Baka naman kasi hindi pa gutom itong galing sa nakaraan.
“Puwede ko pong sagutin ang mga katanungan ninyo kung papayag kayong sumama sa akin na kumain na muna tayo. Maaari ba, sir Isagani?” titig na titig na ako sa mga mata niya pero mukhang waepek ito dahil ako ang nahihigop sa mga titig niyang nanununaw.
“Kung... kung iyan ang iyong nais, ikinagagalak kong---” dinig ko na rin ang ingay ng kaniyang tiyan nang mga oras na iyon dahil nga sa magkalapit lang kami.
Nagkakagulo ang aking tiyan at sumasabay rin ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Jusko. Bakit ganito ang feeling ko na kapag matagal ko siyang tinitigan ay parang matagal ko na siyang nakilala o nakita. Baka konektado sa isa’t isa ang aming mga nakaraan? Parang katulad ng nangyari sa amin kanina nang askidente kong hawakan ang kaniyang mga kamay. Dahil nga sa nangyaring iyon na baka maulit pa ay kailangan kong mag-ingat na mahawakan ang kaniyang kamay dahil baka dalhin na naman ako sa nakaraang pangyayari.
“Binibini, kung maaari ay huwag mo na akong tawaging sir. Isagani na lamang. Natutunugan ko kasing mas nagmumukha akong bata kapag sa pangalawang pangalan mo na lamang ako tatawagin.”
Ngumiti ito. Sa pagsilay ng kaniyang mga ngiti ay siya namang pagkilos ng aking labi para ngitian din siya. Bagay na kusa kong ginawa nang hindi bukal sa aking kalooban. Napasinok pa ako nang mga oras na iyon.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag sumisinok ako ay isa lang ang ibig sabihin nito. Love at first sight ba ito o kanta lang na may titulong Nadarang?
“Okay, Isagani. Walang problema. Tawagin mo na lang din akong Mariposa o ‘di kaya ay paruparo,” sagot ko naman na sinamahan pa ng pagbibiro.
“Paruparo? Bakit paruparo e hindi ka naman ganoon kaganda kung ihahambing sa makukulay na nilalang na nilikha ng Panginoon,” aray! Nagkamali ako ng sinabi sa kaniya. Sarap pektusan to sa singit este kurutin ang singit. “Mas bagay sa iyong tawaging Mariposa sa iyong panahon. Kung Corazon kasi ay baka maalala ko lamang ang aking irog.”
“Sige... Mariposa na lang ang itawag mo sa akin,” matipid kong sagot. “Halina at sundan mo na lamang ako sa aking paglalakad nang makauwi na tayo at makakain sa aking tahanan.”
“Mauna kang maglakad at susundan naman kita, Mariposa.”
Hindi na ako nagsalita pa. Parang nanlumo ako nang sabihin niyang hindi niya ako puwedeng tawagin sa pangalang Corazon dahil magpapaalala lamang ito ng kaniyang nakaraan sa piling ng kaniyang dating irog. Ibig sabihin ba ay kapangalan ko rin ang babaeng iniwan niya sa taong labingwalo at siyamnapu at siyam?
“Saan po kayo, Ms?” narinig kong tanong sa akin ng drayber ng traysikel. Bumalik ako sa wisyo at hinarap si manong drayber.
“Sa Farmhouse po, manong sa Bulualto lang po sa Parcutela,” sagot ko na lamang.
“Ikaw lang ba o kasama ang iyong boyfriend na mestizo?” Kumindat-kindat pa itong nagbibiro sa akin si manong drayber. Tolits na tolits e. Kung may marites sa babae, may tolits sa lalaki. Ganern.
“Naku, manong. Hindi ko boyfriend ang kasama ko. Turista po siya rito,” pagsisinungaling ko pero mahina kong ibinulong sa kaniyang tainga ang mga katagang.... “Kung puwede nga ano? Bagay ba kami?”
“Aba, siyempre naman. Pareho kayong magaganda. Guwapo siya at ikaw naman ay seksi,” naku ang banat ni manong na alam ko na ang ibig sabihin niya sa mga salitang seksi. Kanina ko pa napansing nasa cleavage ko nakatingin ang mga mata nito. “Isagani, sakay ka na rito nang makauwi na tayo sa aking bahay.”
“Dito tayo sasakay? Wala bang kalesa o auto sa panahon ninyo?” napanganga ako sa tanong ni Isagani.
Nagkatinginan pa kami ni manong drayber. Pinipigilan naming huwag matawa pero hindi talaga puwedeng hindi kami humalakhak.
“May mali ba sa aking katanungan, Mariposa? At bakit umaandar at umuusok ang bagay na iyan? Nakakasira pa sa kalikasan ang buga niyan. Baka magkasakit tayong dalawa kapag sumakay tayo riyan.”
Bumanat pa ito ng pangalawa kaya, naman bago pa ako manggigil ay sapilitan este nilapitan ko na lamang siya at hinila nang dahan-dahan saka binulungan ng mga salitang ikatatahimik niya.
“Kung hindi ka sasakay ay ako naman ang hahalik sa iyo sa harapan ng taong ito na nakasakay sa traysikel. Mamili ka, Isagani.”
...
DISCLAIMER:
Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.