Kabanata Trese: Sulat Ng Nakaraan

1127 Words
Farmhouse, Parcutela Gapan 2023 Mariposa’s Point of View Hindi ako alam kung anong masamang hangin ang nagdala sa akin dito sa harapan ng palayan. Sa lilim ng isang puno kung saan may maliit na hugis kwadradong upuan ay nakaupo ako at pinagmamasdan ang kapaligiran. “This is what I wanted the most. Peace and quiet.” Naisiwalat ko na lamang ang mga salitang iyon sa aking isipan. Pansamantalang kinalimutan ang ilang araw nang mga nagdaan. Heto ako at susuriing muli ang aking sarili sa pag-iisa. Nagmumuni-muni sa mga bagay na dati ay masaya lang ako at walang ibang pinoproblema. Kung ikukumpara naman ako noon kaysa ngayon ay masasabi kong mas masaya pa ako ngayon. “May mga bagay sa panahon mo, Mariposa na hinding-hindi mo na maibabalik pa. Mas mabuting kalimutan at ibaon mo na lamang ang lahat ng iyon sa iyong isipan.” May oras ng pagngiti. May oras ng pag-iyak. May oras ng pag-iisa at heto nga ako ngayon, pinipiling mag-isa. Sinasamyo ang bawat preskong hanging humahalik sa aking pisngi, nanunuot sa aking balat. Dahil sa masarap na pakiramdam na iyon ay hindi ko rin mapigilan ang aking emosyon. Bigla na lamang akong napayakap sa aking mga tuhod at tahimik na umiyak. “Anong ginagawa mo rito, binibini?” Napaangat agad ako ng mukha at nakalimutang pahiran ang aking mga luha nang makita ko ang nagtatakang si Isagani. “Mariposa? Ano ang dahilan ng iyong pagluha?” Mabilis kong pinahiran ito nang mapagtantong umiyak nga pala ako. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko namalayang nakaupo na pala siya sa aking tabi. “May kailangan ka ba, Isagani?” “Napakasarap pagmasdan ng tanawing nakikikita ko ngayon, Mariposa. Ikaw ba?” bigla na lamang siyang nagkomento sa kaniyang nakikita. Ako naman ay saglit na napangiti sa kaniyang katanungan. “Yes. Tama ka,” matipid na sagot ko na lamang. “This is the most fulfilling and my remedy, Isagani.” “Naiintindihan ko ang iyong mga tinuran sa wikang Ingles, Mariposa. Ganito ka ba sa iyong panahon? Na kapag nalulungkot ay pumupunta sa isang lugar o tahimik na lugar at mag-isa?” Sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ko siyang naiintindihan niya ako. Napangiti naman ako sa mga narinig ko at dahil sa atmosphere na namamagitan sa aming dalawa nang mga oras na iyon ay sinubukan kong ilabas ang bigat na nararamdaman ko. “Yes, Isagani. Tama ka. Dito ako malimit na dinadala ng aking mga paa kapag nakakaramdam ako ng kalungkutan,” pagsisimula ko. Subok lang naman. Baka sakaling mabawasan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Panandaliang katahimikan ang namayani nang mga oras na iyon. Pinanonood lang namin ang mga mala-along gawa ng hangin sa mga palay na nakatanim sa bawat kahon ng mga palayan. Lihim ko lang na pinagmamasdan si Isagani. Then, what he said happened to be the reason I started talking about how I feel that day. “Ang kalungkutan, Mariposa ay bahagi ng ating buhay. Kung sa iyong panahon, ang pag-iisa ay isang paraan upang itago ang kalungkutang nadarama, binabati kita. Sa aking panahon, ang kalungkutan ay kahinaan para sa amin. Wala pa kaming kakayahan kung paano harapin ito. Kagaya na lamang ng sinapit ko.” Naging interesado ako sa kaniyang susunod na sasabihin. Ultimong pangalawang araw pa lamang namin bilang acquaintances ay nakita ko ang pagiging seryoso niya. Ang inaasahan kong ako ang magkukuwento ay biglang liko at ako ang naging tagapakinig niya nang mga oras na iyon. “Ang pag-ibig sa aking panahon sa hindi itinakda ng iyong pamilya ay isang malaking kasalanan. Kasalanan para sa isang lalaking umibig sa tunay na minamahal ng iyong puso na hindi aprubado ng iyong ama at ina o ng iyong magulang,” pagtutuloy niya. Ramdam ko ang bigat ng mga salitang iyon. Sinong mag-akalang nag-e-exist pala talaga ang arranged marriage sa panahong iyon? “At ano ang koneksyon ng kalungkutang sinasabi mo, Isagani?” sinubukan ko lang namang pagaanin ang kaniyang loob at sumingit. “Bawal na pag-ibig ang nangyari sa akin. At walang alam ang aking magulang sa babaeng inibig ko. Nagising na lamang ako isang araw sa balitang, matagal na pala akong itinakda ng aking ama na ipakasal sa isang babaeng hindi ko mahal.” Hindi ko alam ang sasabihin ko nang mga oras na iyon. Masyadong mabilis para sa akin na marinig ang katotohanang iyon ni Isagani. Ngunit may parte sa aking isipan na hindi kaya, ang tinutukoy niya ay walang iba kung hindi ang babaeng nagngangalang Corazon sa panahon niya na ipinakita sa akin? “Ang katotohanang ikakasal ako sa babaeng hindi ko mahal ang siyang dahilan kung bakit ko tinangkang magpakamatay. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ako napadpad sa panahon mo. Pero kung hindi ka naniniwala ay may ipapabasa akong ebidensiya na nanggaling ako sa nakaraan. Naalala mo ang hinahanap kong nakatuping papel?” Kinabahan naman agad ako at napahawak pa sa aking dibdib. Baka kasi luwang-luwa na at makita ni Isagani kaya, inayos ko lang naman. Sinadya ko talagang magbiro nang mga oras na iyon. Wala lang. Para maiba lang. Tiningnan ko lang siyang may kinukuha sa kaniyang bulsa at nang may hinugot ito ay ibinigay niya ito sa akin. “Heto, Mariposa,” abot niya sa akin habang nakatitig sa akin. Napansin ko ang kakaibang lungkot sa expressive eyes niya. “Sure ka? I mean sigurado ka bang ipapabasa mo sa akin ang nakasulat sa papel na ito, Isagani?” pagkukumpirma ko. “Binibigyan kita ng permiso. Iyan lang ang pruweba ko sa iyo na ako ay nagmula sa ibang panahon,” sagot naman niya. Halata namang nagsasabi ng totoo. Kinuha ko ang inabot niyang nakatuping papel at dahan-dahan ko itong binubuklat at unang tumambad sa akin ang petsa sa baba kung kailan ito nakasulat. Mahal kong Corazon, Alam kong hindi lingid sa iyong kaalaman ang aking pag-iisang dibdib sa angkan ng mga Delos Reyes na isa sa makapangyarihan sa calle na ito. Gustuhin ko mang tutulan ang pagpapakasal sa isang binibining hindi ko kailanman minahal o nakikita pa ay wala akong magagagawa. Ipinagkanulo na ako ng aking ama bilang kabayaran sa pamilya Delos Reyes. Masakit para sa akin na mawalay sa iyo. Na hindi ka masilayan. Ngunit, irog ko, mahal kong Corazon, matuloy man ang pag-iisang dibdib, o mawala man ako sa iyo, asahan mong babalikan kita. Kung mabuhay man akong muli, hahanapin kita at pakakasalan. Hanggang dito ko na lamang tatapusin ang liham ko sa iyo, irog ko pagkat hindi kaya ng aking puso na magpatuloy pa. Nagmamahal, Angelito Isagani Barrios 7 de Hulyo de 1899 ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD