Farmhouse, Parcutela
Gapan Present Day, 2023
Mariposa's Point of View
Pagkatapos kong basahin ang mga nakasulat sa nakatuping papel ay pinahiran ko naman ang aking mga luhang kanina pa sunod nang sunod sa aking pagbabasa ng liham ni Isagani para sa kaniyang mahal na Corazon.
“Ngayon naniniwala ka na ba sa akin, Mariposa?” biglang tanong nito. Ako naman ay parang adik na singhot nang singhot sa pinipigilan kong sipon.
Paniwalaan ko man siya o hindi, malinaw na malinaw ang nakasulat na petsa sa papel na iyon. Ang hindi lang malinaw sa akin ay kung bakit kinailangan niyang wakasan ang kaniyang buhay. Hindi kaya ang lalaking binanggit na pangalan ni Corazon sa panahong napuntahan ko ay walang iba kung hindi si Isagani na napadpad sa aking panahon? OMG! Hindi ko talaga kinakaya ang mga natutuklasan ko sa maikling panahon lamang. Puwede bang matulog at huwag na munang magising?
“Mariposa.”
“Isagani.”
Sa umagang iyon ay pareho kaming napatingin ni Isagani. Pansamantala naming nakalimutan ang aming pinag-uusapan dahil sa boses na aking narinig. Alam ko ring narinig din iyon ni Isagani dahil pangalan niya rin ang tinatawag.
“Tinawag mo ba ang aking pangalan, Mariposa?” tanong nito sa kaniyang habang nakatingin sa akin.
Napailing pa ako saka sinagot ang tanong niya. “Hindi kita tinawag, Isagani. May tum---”
Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla ko na lamang nakitang unti-unting nag-iiba ang paligid. Napapikit na lamang ako dahil nahihilo ako sa paikot-ikot na galaw ng mga bagay na aking nakikita.
“Ibinalik tayo sa Lumang Gapan, Mariposa,” komento ni Isagani at ako naman ay marahang iminulat ang aking mga mata.
Nang tuluyang buksan ang bintana ng aking paningin ay napahawak pa ako sa aking sentido at dahan-dahang tumayo. Muntikan pa akong matumba kung hindi ako nakahawak sa kaliwang kamay ni Isagani.
“Anong ginagawa natin rito sa harapan ng puno ng Haribon?” muling tanong nito. Kanina pa ito tanong nang tanong ha? My goodness. Kung hindi lang ‘to handsome baka nabigyan ko na ito ng isang karate kick.
“Ikinagagalak kong makita kayong dalawa. Isang nagmula sa napakalayong panahon, sa taong labingwalo at siyamnapu at siyam, at isang nasa kasaluyang may kinalaman sa nakaraan.”
Isang tinig na naman ang aming narinig at nang lingunin namin ito ay nagulat kami sa aming nakita. Isang matanda ang nakaupo sa gitna ng maliit na entabladong naroon sa loob ng Lumang Gapan. Kung ang paglitaw namin dito ay isang palaisipan, paano pa kaya ang nasa harapan naming parang magician pa na hindi ko malaman. Ang weird pa ng smile. Parang sa pelikula lang na puro magic ang eksena. Kulay itim pa ang suot nito mula sa sumbrero hanggang sa hawak nitong payong. Tumayo ito at muling nagsalita sa harapan namin. Iginala ko pa ang aking mga mata upang tingnan kung may mga tao pa sa paligid nang bigla na lamang...
“Huwag mong pagtuunan nang pansin ang mga bagay na nakikita mo sa iyong paligid, Mariposa. Ibaling mo ang iyong tingin sa iyong hinaharap pagkat nagsimula na ang iyong tunay na koneksyon sa lalaking nasa iyong tabi,” pagsasalita nito na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Teka. Teka. Teka. Hindi ko keri ang mga sinasabi mo, lolo este manong, kuya o kung ano pa mang ang magustuhan mong itawag ko sa iyo. Masyadong malalim ang iyong mga salita. Nasa present ka po at year 2023 po ito, heller?” Pumipilantik pa ang aking mga daliri at pinamaywangan siya dahil hindi ko talaga alam ang sinasabi niya. “Saka, maaari po bang magpakilala ka muna sa amin?”
“Binibini, ika’y naiiba sa iyong dating ikaw. Masyadong magaspang at walang respeto ang paraan ng iyong pananalita. Bakit hindi mo tanungin ang nasa iyong tabi kung ano ang aking ibig sabihin?” mukhang rumesbak siya sa akin at ako pa ngayon ang walang respeto ha? Aba. Aba!
“Paumanhin, ginoo. Ngunit, maari mo bang ipaliwanag sa akin kung ano ang ibig mong sabihin na koneksyon ni Mariposa sa aking nakaraan?” ay bet ko itong si Isagani. Naintindihan ang sinabi ng hindi nagpapakilala at may attitude na matanda.
“Magagalit at iiyak ang langit. Sa dalawang pusong pinaglayo, pagtatagpuin ng isang bagay sa kasalukuyan. May masasaktan. May magpaparaya ngunit sa huli, ang nasa nakaraan ay magdurusa at masasaktan sa iyong pagkawal,” muli na namang ginulo ang utak ko sa lalim ng mga salitang sinambit ng matanda. Kaunti na lamang ay magma-manang biday ako dito na hindi siya uurungan.
“Excuse--” magkokomento na sana ako nang biglang inilagay ni Isagani ang kaniyang kaliwang palad sa bibig ko. More like tinakpan niya ito para hindi ko maituloy ang aking susunod na sasabihin.
“Hindi ko maintindihan ang iyong mga tinuran. Anong ibig mong sabihin na may magdurusa sa nakaraan?” nakatitig lang ako sa mukha ni Isagani na halata na ang pamumula ng tainga nito. Galit na ba siya?
“Ingatan ang puso. Huwag umibig sa kasalukuyan. Darating ang panahong kapag iyong natuklasan ang katotohanan, hindi mo nanaising mawalay sa kaniya kapag oras mo nang bumalik sa iyong pinanggalingan. Hanggang dito na lamang ang aking pagbibigay impormasyon sa inyo. Ako nga pala si Don Lucio, ang susi na magdadala sa inyo sa katotohanang hinahanap ninyo. Ako ay nagugutom na at kailangan munang kumain. Hanggang sa muli nating pagkikita, Mariposa, Isagani.”
Pagkatapos sabihin ng nagpakilalang si Don Lucio daw ay lumitaw ang maliit na ipu-ipo sa aming harapan dahilan para mapapikit kaming pareho. Nang mawala ito sa aming harapan, natagpuan na lamang namin ang aming sarili na nakaupong muli sa damuhan sa harapan ng malawak na palayan.
“Oh my gulay! Totoo ba iyon o isa na namang ilusyon ng aking malikhaing isipan? Teleportation is real kung totoo nga ang aking mga nakita.”
Nakaharap ako kay Isagani pero siya naman ay ibinalik ang tingin sa malawak na palayan. Tila iniisip ang mga nakita nito sa Lumang Gapan at ang mga salitang binitiwan ng matandang nagngangalang Don Lucio. Ako naman ay biglang switch ng mood at hyper na hyper dahil sa nangyari. Ayaw lang kasing mag-sink in sa aking utak ang mala-fantasy na inakala kong sa pelikula lang nangyayari.
“Papasok na muna ako sa loob, Isagani. Malapit na ang tanghalian. Ako naman ang maghahanda ng pagkain para sa iyo dahil ikaw ay aking bisita. Sana naintindihan mo ang aking mga sinabi. Kung hindi man, I’d better go now. Bye.”
...
DISCLAIMER:
Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.