Kabanata DisiNuwebe: Sa Concepcion del Antigo

1232 Words
Gapan, Present Day Mariposa’s Point of View “Lintek talagang drayber na iyon. Napakatsismoso. Aba! Aba! Siningil ako ng 300 pesos hanggang munisipyo?” buwelta ko sa aking sarili nang makaalis sa aming harapan ang traysikel. “Ano ang iyong ikinagagalit, Mariposa?” nakalimutan kong kasama ko pala si Isagani at ngayon nga ay nasa malawak na parke kami, malapit lang din sa munisipyo. Saka ko na poproblemahin ang paghahanap at pagbibili ng mga kasuotang nababagay sa kaniya. “Kuya! Kuya! Artista ka ba?” “Kuya, baka puwede magpa-picture. Ang pogi po ninyo.” “Isa lang po, please kuya?” Aba! Aba! Ang babata pa ay kumekerengkeng na sa harapan ni Isagani. At may patulak pa sa akin? Hindi ako nakikita ha? Puwes! Humanda kayong mga bata kayong malalandi. “Hoy! Hoy! Hoy! Excuse me?” Naglakad ako patungo sa kanila at isa-isang hinawi sila para makadaan ako at nang makalapit kay Isagani na halos mapunit na ang damit at mahubaran ay doon ko sila pinamaywangan at pinandilatan. “Hands off. Okay? Ang babata pa ninyo para maging mga kabit ko sa lalaking ito,” sagot ko. Nakataas pa ang mga kilay kong isa-isa silang pinanlilisikan. “Excuse me rin po, manang. Sino ka ba at bakit ka nakaharang kay kuya?” pagtataray ng isang nasa harapan ko. Nakapamaywang din ito. Mukhang hindi nga naglibag ito kasi halata ang itim sa leeg. “Oo nga. Akala mo naman asawa e mukhang mas bagay pa kami ni kuya. Hindi ba kuya?” dugtong naman ng isa pang sunog na sunog ang pagmumukha. “Hepheo! Hooray! For your information. Kung hindi kayo nakakaintindi, pwes ipapaliwanag at ipapakilala ko kung sino ako sa inyong harapan at kung ano ang relasyon ko sa lalaking ito ha? Makinig kayong maigi!” Tinuro-turo ko pa sila isa-isa at taas-noong nagpakita ng aking alindog. Umikot pa ako ng dalawang beses at humakbang paurong at pasulong saka saglit na gumiling at nag-flip ng hair. “He is my husband. In Tagalog...” “Asawa pala niya. Wrong move tayo mga sis. Sibat na tayo baka makalbo ko pa siya nang wala sa oras,” dinig kong bulong ng naunang tumalikod sa akin. Napataas tuloy ang aking kilay at lalong lumapad ang aking tainga sa pakikinig. “Oo nga. Hindi talaga sila bagay. You know, she’s kind of weird and a bit ugly,” taray naman. May pa-Ingles ang ferson? “Let’s go, s**o!” pagyaya ng huling nagsalita at ako naman ay napanganga nang hindi na pa nila tinapos na pakinggan ang huling sasabihin ko. Ita-translate ko lang naman sana ang mga sinabi ko. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil palayo nang palayo na sila sa aking paningin. Nang hindi ko na nga mahagilap pa sa layo ay ibinalik ko ang aking paningin kay Isagani. Kanina pa kasi ito walang imik at hindi man lamang ako ipinagtanggol. Pero naalala kong, hindi nga yata nito naintindihan ang mga salita ng mga dalagang iyon. “Ano ang kanilang mga tinuran, Mariposa? Bakit sila nagsialisan?” napukaw yata ang kuryusidad ni Isagani o baka naintindihan niya ang ilan sa mga salitang binigkas ng mga bata. “Wala iyon, Isagani. Halika na at samahan mo akong pumunta sa isang antique shop na malapit lang dito. Mga dalawampung hakbang ang bibilangin mo bago natin marating ang antique shop. Naintindihan mo naman ako, hindi ba?” sinagot ko naman siya pero biglang shift ang topic sa ibang bagay. “Antique shop? Ang ibig mong sabihin ay tienda de antigüedades o antigong tindahan? Mayroon bang ganito sa inyong panahon, Mariposa?” mabuti naman at naintindihan niya. Ang talino naman ng ferson na itong si Isagani. Mukhang kailangan ko na ngang bakuran siya. “Tumpak. Siyang tunay Correct. May tama ka! Gusto mo akin ka na lang?” wala sa wisyong sagot ko sa kaniya. Nang mapagtanto ko ang huling salitang binitiwan ko ay sinabihan ko na lamang siyang sundan niya ako. “Sundan mo na lang ako, Isagani at tayo ay magsimula nang magbilang.” Nauna na akong maglakad habang siya naman ay sinasabayan ang aking paglalakad. Hindi ko na rin pinansin muna siya dahil alam kong susundan naman niya ako. Nagsisimula na ring ngumiti si Haring Araw sa aming dinadaanan kaya, ramdam ko na rin ang init ng panahon nang mga oras na iyon. Binilisan ko na lamang ang paglalakad. “Okay ka lang ba, Isagani?” tanong ko habang hindi siya nililingon sa aking likuran. “Maayos naman ako, Mariposa. Magpatuloy ka sa iyong paglalakad,” mariing sagot niya. Dahil okay naman siya ay binilisan ko pa ang paglalakad. Wala namang masyadong tatawiran dahil wala namang mga padyak o traysikel na dumaraan sa aming dinaraanan. Nasa gilid lang naman ng kalsada kami dumaan nang walang may mangyaring masama sa amin. Nahagip din ng aking paningin ang pananahimik ni Isagani at ang ikinagulat ko ay nang marinig kong nagbibilang ito. “Susko po. Tama ba ang naririnig ko o masyado lang malakas ang aking pandinig? Sineryoso ni Isagani ang pagbibilang?” Napailing na lamang ako at hindi siya nilingon. Nakikita ko na rin kasi ang antique shop sa hindi kalayuan. Nang marating namin ang pintuan ng antigong tindahan ay nilingon ko si Isagani. “Maligayang pagdating sa Concepcion del Antigo, Isagani. Ang lugar kung saan dadalhin ka sa iyong nakaraan!” nakangiti kong sabi. May pa-introduction pa ako habang si Isagani naman ay iba ang sinabi. “Tumpak ang iyong mga tinuran, Mariposa. Mga dalawampung hakbang nga bago tayo nakarating dito. Bilang na bilang ko simula sa plazuela.” Napa-roll na lang ako ng aking mata at naunang pumasok sa loob. Binati ako ng may-ari ng tindahan. Pinagbuksan ko naman si Isagani hanggang sa pareho na nga kaming nasa loob. “Igagala ko lamang muna ang aking kaibigan sa loob ng inyong shop,” bati ko sa staff na naroon. “Isaga... Isagani?” Hindi ko namalayang nawala nang bigla si Isagani sa aking tabi at humingi na lamang ako ng paumanhin upang hanapin siya. Medyo may kadiliman ang loob. Para kasi itong library ng mga old books. At malawak din sa loob. Nakailang ikot na ako left at right at iniwasan na huwag lumikha ng ingay sa loob dahil policy sa loob na bawal ang maingay. Nang makita ko ang aking hinahanap, may hawak itong lumang telepono. “Isagani? May problema ba?” tanong ko sa baritonong boses. “May narinig akong boses sa teleponong ito, Mariposa. Siyang-siya. Hindi ako maaring magkamali sa kaniyang tinig. Ngunit nang aking balikan at muling pakinggan ay nawala na ito sa kabilang linya,” sagot nito sa akin na halata ang pagkagulat sa mukha. Hindi ako umimik. Bagkus ay kinuha ko ang handset ng telepono at nang tingnan ko ay isang lumang telepono itong old rotary dial na klase ng telepono. Nang aking suriin pa ay napamulagat ako nang mapag-alamang hindi naman pala ito nakasaksak. Bagay na ipinagtataka ko na naman. “Isagani, ang teleponong ito ay luma na at imposibleng may sasagot sa kabilanglinya dahil hindi ito nakasaksak sa kuryente.” ... SAMANTALA sa loob ng Concepcion del Antigo... “Nagsimula na ang koneksyon mo mula sa kasalukuyan, Isagani patungo sa iyong nakaraan.” ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD