Kabanata Disisais: Nagtatangis na Puso

1389 Words
Parcutella, Gapan 23 de julio de 1899 Corazon’s Point of View Muling lumipas ang isa na namang linggo at hindi ko pa rin nasilayan ang mukha ng dalagang iyon. Sa isang linggong nakaraan ay unti-unting nawaglit sa aking isipan ang sakit. Ang pagdurusa at ang kalungkutan. Dahil din sa pangyayaring iyon ay unti-unti ring nanumbalik ang aking sigla. Sa paghahalaman, sa pagdidilig, sa pag-awit, at ang huli ay sa pagsusulat ko ibinuhos ang aking mga oras. Hindi ko man maibabalik ang oras na nawala ay makagagawa naman ako ng bagong alaalang hindi ko na siya kasama. Ngunit may parte pa rin sa aking isipan na nasasabik akong muli siyang makita. Na masisilayan kong muli ang kaniyang mga ngiti kahit siya ay kasal na. Na maririnig ko mula sa kaniya ang katotohanan kung bakit hindi niya sa akin ipinaalam na siya ay itinakdang ikasal sa unica hija ng mga Delos Reyes. Ang lahat ng iyon ay aking inaabangan. Hinihintay. At nagbabakasakaling sana dumating ang araw na masagot ang lahat ng mga katanungan sa aking isipan at bumabagabag sa aking puso. Nais kong masagot ang lahat ng bakit at mga saloobing nadarama nang hindi sinisisi sa kaniya ang pagkakamaling alam kong hindi naman siya ang may gawa. Sa ngayon, narito ako sa aming tipanan o tagpuan. Na kahit mahigit dalawang linggo ko na siyang hindi nasisilayan ay hindi ko rin naman isinasara ang alaalang binuo namin sa lugar na ito. Dala-dala ko ang aking maliit na pluma at papel at ibig kong magsulat ng aking nais na sabihin sa aking pinakamamahal na si Isagani. Tanaw-tanaw ang malawak na taniman ng palayan habang nakaupo sa nakalatag na mahabang tela ang aking sinulsi ay sinimulan ko ang pagsusulat sa wikang Espanyol na mayroong salin sa wikang Filipino. ¿Cómo estás? ¿Me recuerdas? ¿O está mal mencionar las palabras todavía te recuerdo? ¿Has comido? ¿Tu amada esposa prepara correctamente tu comida matutina favorita? Si me preguntas, estoy bien. En buena condición. Sonriendo incluso en el dolor. A veces me preguntan qué he hecho mal. Pero eso ya no importa porque sé que lo que he escrito no lo leerás más. Solo quiero transmitir mi mensaje escribiendo esto, no te preocupes por mí porque mi corazón está tratando de ser feliz a pesar de que no estás. Que aunque no sé nada de tu pecho único con la única hija de los Delos Reyes, mis sonrisas son tan amplias que nunca más las volverás a ver en mis labios. Estoy aquí hoy en nuestro lugar de reunión. En una pequeña finca con una pequeña montaña. Una vista de la gran finca de los Isidro en el otro pueblo. Aquí también en este pacto canto canciones que solo te canto a ti. Es como tu canción favorita para escuchar de mí, te amo, Isagani . Al menos recordar los recuerdos de nosotros dos me hará sonreír de nuevo. Aunque cada vez que los miro me duele el corazón, sonrío. Solo así puedo liberar la tristeza que se agolpa en mi corazón y en mi mente. Si no fuera por una mujer con un collar que se parece al mío, no podría escribir así ni cantar tus canciones favoritas de mí. Podía sentir la brisa fresca detrás de esta pequeña cabaña por todas partes. También han crecido malas hierbas y malas hierbas en partes de los arrozales. Si estuvieras aquí, te habrías unido a mí para sacarlos y mi día se habría completado con una sonrisa en mis labios. Es triste porque no volverá a suceder. Tienes tu propia familia y sé que llegará el día en que tendrás un hijo y te llamaré padre. Esta es la única carta que he escrito hasta ahora. cariñoso, María Corazón Parcutella, Gapan 23 de julio de 1899 Isinalin sa wikang Filipino: Kumusta ka? Naalala mo ba ako? O mali bang banggitin ang mga katagang naaalala pa kita? Kumain ka na ba? Naihahanda ba ng maayos ng iyong mahal na asawa ang iyong paboritong kakanin sa umaga? Kung ako ang iyong tatanungin, mabuti naman ako. Nasa mabuting kalagayan. Nakangiti kahit nasasaktan. Tinatanong din minsan kung ano ang aking nagawang kasalanan. Ngunit, hindi na iyon mahalaga pa dahil alam kong ang naisulat kong ito ay hindi mo na rin naman mababasa pa. Nais ko lamang ipaabot sa pagsusulat kong ito ang aking mensaheng huwag mo akong alalahanin pagkat sinusubukan ng aking puso na maging masaya kahit wala ka na. Na kahit wala akong alam sa iyong pag-iisang dibdib sa unica hija ng mga Delos Reyes, kay lapad naman ng aking mga ngiting hindi mo na makikita sa aking labi. Nandito nga ako ngayon sa ating tipanan o tagpuan. Sa maliit na sakahang may maliit na bundok. Na tanaw ang malawak na sakahang pagmamay-ari ng mga Isidro sa kabilang bayan. Dito rin sa tipanang ito ako umaawit ng mga awiting sa iyo ko lamang inaawit. Katulad na lamang ng paborito mong marinig sa akin na awiting Mahal Kita at Isagani ko. Kahit man lamang sa pagbabalik-tanaw sa mga alaala nating dalawa ay mapapangiti akong muli. Kahit na sa tuwing binabalikan ko ang mga ito ay kumikirot ang aking puso, nakangiti naman ako. Sa paraang ito ko lamang nailalabas ang kalungkutan dumudumog sa aking puso at isipan. Kung hindi sa isang babaeng may kuwintas na kahawig ng sa akin ay hindi na sana ako makapagsulat ng ganito o makaka-awit ng paborito mong mga awiting mula sa akin. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin sa likuran ng maliit na kubong ito sa paligid. Malalaki na rin ang mga talahib at mga damo sa mga parte ng palayan. Kung siguro ay nandito ka, sasamahan mo sana akong magbunot ng mga ito at mabubuo na naman ang araw kong may ngiti sa aking mga labi. Nakakalungkot nga lang dahil hindi na ito mangyayari pa. May sarili ka ng pamilya at alam kong darating ang araw na magkakaroon ka ng anak at tatawagin kang ama. Hanggang dito na lamang ang liham na itong aking naisulat. Nagmamahal, Maria Corazon Parcutella, Gapan 23 de julio de 1899 Pinutol ko na ang aking pagsusulat pagkat bumibigat ang nilalaman ng aking puso. Na kahit pilitin kong iwaksi sa isipan na hindi na mangyayari pang mababasa niya ito, kumakapit ang katiting na pag-asang nananalaytay sa aking puso. Mas mainam na ring sa pagsusulat ko ibinubuhos ang mga nararamdaman kong sakit at kalungkutan. Sa paraang iyon ay masasabi kong kahit paano ay mababawasan ang bigat. Inilapag ko ang aking pluma at papel sa tabi ko at niyakap ang aking mga tuhod saka lihim na lumuha habang niyayakap ng malamig na hanging nasa paligid ko. ... Parcutela, Gapan Present Day, 2023 Isagani’s Point of View Nakatayo ako ngayon sa harapan ng malawak na palayang ito. Nakapikit ang aking mga mata at ninanamnam ang katahimikan. Hinahayaan ang hanging yumakap sa aking katawan at humalik sa aking pisngi. Dahil sa nararamdaman kong pag-iisa ngayon ay naalala ko ang aking irog na si Corazon. Ganitong-ganito rin ang lugar at ipinapaalala nito sa akin ang mga alaala naming dalawa. "Si tan solo hubieras conocido antes el único seno que me fue puesto, no estarías dolorido ahora, mi Corazón. Si hubiera sabido esto antes, te habría dejado y nos habríamos ido muy lejos. Si tan solo estuvieras aquí y escuchando mis explicaciones, espero no quedarme varado en este momento. Quizás la naturaleza o el Señor tiene una razón por la que me trajo al presente y eso es lo que quiero saber. No puedo esperar a verte, Corazón. Te amo." Isinalin sa wikang Filipino ni Isagani: “Kung sana ay nalaman mo nang mas maaga ang pag-iisang dibdib na itinakda sa akin, hindi ka sana ngayon nasasaktan, Corazon ko. Kung nalaman ko rin sana nang mas maaga ang tungkol rito, itinanan na kita at nagpakalayo-layo na tayong dalawa. Kung sana ay narito ka sa tabi at pinapakinggan ang aking mga paliwanag, sana ay hindi ako mapapadpad sa panahong ito. May dahilan marahil ang kalikasan o ang Panginoon kung bakit niya ako dinala sa kasalukuyan at iyon ang nais ko pang malaman. Sabik na kitang makita, Corazon. Mahal na mahal kita.” .... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD