Kabanata DisiSiyete: Saglit Na Pagkikita

1159 Words
Gapan City Present Day, 2023 Isagani’s Point of View “Saan tayo pupunta, Mariposa?” tanong ko sa kaniya. Gayak na gayak na kasi ito at handa nang umalis. “Bakit kailangan kong sumama?” Hindi mapakali ang aking isipan pagkat ang kasuotan ko ay hindi akma sa aking panahon. Ngunit ang sabi kasi ni Mariposa ay ganoon daw ang dapat na aking suotin. Isang puting damit na parang kamisa chino kung aking titingnan. Ang aking pang-ibaba naman ay simpleng corto o short na hanggang tuhod ang haba. “Dahil kailangan nating mamimil ng mga kasuotan mo, Isagani. Hindi puwedeng pare-pareho lang sa isang linggo ang susuotin mo. May mga kasuotan sa aming panahon na kailangan mong ibagay ang iyong sarili, Isagani. Lalo pa at lalong lilitaw ang iyong kagandahang lalaki kapag magsusuot ka ng mga hip or retro style na damit. Malalaman natin iyan kapag makahanap na tayo ng babagay sa iyo mayamaya,” aniya. Wala naman akong imik. Bagkus ay napakamot na lamang ako sa aking ulo at iwinaksi na lamang sa aking isipan ang mga narinig ko. Nagpasalamat na lamang ako sa kaniya sa mga salitang hinabi niya na agad kong naintindihan. “Maraming salamat sa mahusay na pananalita mo. Naintindihan ko ang mga iyon, Mariposa,” sabi ko at nauna nang lumabas sa pintuan. Sumunod na rin ito at kaming dalawa ay naglakad palabas ng garahe ng kaniyang bahay. Mula sa garahe ay naglakad pa kami hanggang sa labasan. Sa paglalakad kong iyon kanina ay nahagip rin ng aking mga mata ang mga taniman , palayan, maging ang patubigan sa lugar na iyon na hindi rin naman pala nalalayo sa aking pinagmulan. Nang marating naman ang labas ay tumawid kami at naghintay sa isang hintayan. “Dito muna tayo sa waiting shed mag-abang ng masasakyang traysikel, Isagani,” sabi niya at ibinaling ang kaniyang atensyon sa kalsada. Ako naman ay hinanap ang sagot sa aming kinatatayuan at pinagmasdan ang sinasabi niyang waiting shed. Na ang ibig pala nitong sabihin ay cobertizo de espera. Bihira kung makita ang ganito sa aking panahon o baka hindi lang talaga ako nabigyan ng pagkakataong magliwaliw noon. “Manong para!” sigaw ni Mariposa. Nakita ko itong pumagitna at muntikan nang masagasaan kung hindi lang ako mabilis na tumakbo sa kinaroroonan niya at hinila ang kaliwang kamay nito pabalik sa akin. Tila tumigil ang takbo ng oras nang mga oras na iyon habang dahan-dahang umiikot patungo sa akin si Mariposa. Nang mapagtanto kong sobrang lapit naming dalawa at nahawakan ko ang aking kamay. Isang pangyayari na naman ang nagdala sa amin sa na hindi ko inasahang masisilayan ang babaeng pinakamamal kong si Corazon. “Ikaw! Nagbalik ka, binibini,” ang tinig na iyon ang nagpatigil sa aking mundo. At ang tinutukoy niyang babae ay walang iba kung hindi ang katabi kong si Mariposa. “Paumanhin, binibini. Hindi ko alam na ibabalik ako rito sa iyo. Kumusta ka?” sagot naman ni Mariposa at naglakad ito patungo sa kaniya. “Mahigit dalawang linggo na kitang inaabangan dito sa aking silid, binibni. Nagbabakasakaling sa muli nating pagtatagpo ay malaman ko ang iyong ngalan,” sagot ni Corazon. Ako naman ay hindi makapaniwala sa aking nakikita. “Mariposa Corazon. Kapangalan mo,” sagot ni Mariposa. “At paumanhin kong may kasama ako. Kilala mo naman marahil siya, hindi ba?” Pagkatapos sabihin iyon ni Mariposa ay napalingon sa akin si Corazon. Tila sinusuri ang aking kabuuan at tinitiyak na makikilala niya ako. Ako naman ay naurong pa rin ang dila nang mga oras na iyon at hindi alam ang gagawin. Ngunit, ang inaasahan kong marinig na kasagutan mula sa kaniya ay hindi ko narinig. Bagkus naging isang palaso itong tumagos sa aking puso. “Paumanhin, Mariposa. Ngunit hindi ko matandaang nakikilala ko ang iyong kasama. Wala rin akong alam sa iyong pinagmulan. Kaya, kung maaari ay nais kitang makausap,” sagot niya hindi ko inasahan. Nagtama pa ang aming paningin ni Mariposa nang marinig ang mga katagang iyon mula sa babaeng ninanais kong masilayang muli. Nang hahawakan na ni Corazon si Mariposa ay mabilis ang paggalaw ng aking mga kamay at hinila ang kamay ni Mariposa. Ilang sandali pa ay naglaho kami sa silid ni Corazon at natagpuan ko ang aking sariling binitiwan na ang kamay ni Mariposa nang marinig namin ang tinig ng isang estranghero. “Sasakay ba kayo o maghaharutan na lang? Para kayong nagpa-practice ng sayaw sa entablado o naghahandang halikan ang isa’t isa?” Wala akong maintindihan sa sinabi ng may-ari ng traysikel na tumigil na sa harapan namin. Si Mariposa naman ay mabilis na inayos ang sarili at pinamaywangan ang lalaki. “Excuse me, manong. Tolits ka ba? Dahil kung oo, inggit ka lang. If hindi, sasakay na kami ng asawa ko. Isagani, halika na at sumakay ka na sa harapan. Ako naman ay dito lang sa likuran ng drayber dahil baka mapadpad na naman tayo sa iyong panahon nang hindi nating namamalayang dalawa,” sagot ni Mariposa. Mukhang epektibo ang mga sinabi nito dahil pansamantalan itong nanahimik. Ako naman ay tumango at naglakad na patungo sa harapan ng traysikel at doon umupo. Si Mariposa naman ay nasa likuran na rin ng drayber. Nang paaandarin na nito ay narinig ko pa ang mahinang sabi ng lalaki sa kaniya. “Husband mo pala? Hindi kayo bagay,” alam ko ang salitang husband na ang ibig sabihin sa aking wika ay esposo. “Buti alam mo, manong dahil hindi rin kayo bagay. Sa Gapan City po tayo ha? Maghahanap kasi ako ng ipanggagayuma ko sa mga tsismosong kagaya mo,” ang mga sinabi nito ay hindi ko na naintindihan pa. “Suplada mo naman,” iyon na lamang ang aking narinig na sagot mula sa may-ari ng traysikel na hindi pa nakikita sa aking panahon. Pagkatapos ng mga sagutang iyon ay umandar na ang sinasakyan namin at ako naman ay muli na namang umalog ang utak dahil sa bilis ng pagmamaneho nito. Nasa butas-butas na namang daan pinapadaan nito ang dalawang gulong, kaya mahigpit na naman ang pagkakakapit ko. Habang mahigpit ang pagkakapit ko sa loob ay naalala ko ang mukha ni Corazon na saglit ko lamang muling nasilayan. Hindi ko mawari kung bakit sa tuwing nahahawakan naming dalawa ni Mariposa ang aming mga kamay ay binabalik ako kasama siya sa lugar kung saan ako nagmula. Ngunit, hindi naman ako nagtatagal roon. Hindi kaya ay patay na talaga ako at isa na lamang akong multong nakikita sa aking panahon? “Bakit ko nakikita si Corazon? Bakit ganoon ang kaniyang sagot na hindi niya ako kilala? Ano nga ba ang papel ni Mariposa sa aking panahon at kung bakit ibinabalik kami roon? Hindi kaya, ito na ang sinasabi ng nagngangalang Don Lucio na kailangan kong tuklasin at ingatan?” ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD