Kabanata Tres: Pagpapakilala Sa Isa't Isa

1365 Words
Lumang Tagpuan Gapan, 2023 Mariposa’s Point of View “Alam mo, sir kanina ka pa e,” inis kong turan. Nakapamaywang na akong nakatayo sa kaniyang harapan. “Kayong mga nanonood pa rito, gumala na nga lang muna kayo, pwede? Hayaan mo na lang muna kaming mag-usap ng aking asawa. Okay?” Imbes na sa akin siya tumingin ay sa ibang direksyon ito tumingin na lalo kong ikinairita. Kusang nagkaroon ng sariling isip ang aking mga kamay at hinawakan siya sa kaniyang baba. Nang iharap ko ang mukha niya sa akin ay natigilan ako. Ang mga titig niya ay parang nanghihigop sa akin dahilan para titigan ko pa ito nang masinsinan. “Ano ang pangalan mo?” iyon lamang ang lumabas sa aking bibig. Mabilis kong binitiwan ang pagkakahawak sa kaniyang baba dahil baka higupin na talaga ako ng mga titig niya. “Isagani. Angelito Isagani Barrios. Nagmula sa taong labingwalo at siyamnapu’t siyam,” magalang na sagot nito. Napakalalim pa rin sa akin ang paraan ng kaniyang pananalita. Ibinaling ko ang aking tingin sa aking mga gamit nang mga sandaling iyon. Nagkunwaring hindi ko narinig ang kaniyang buong pangalan. Abala ako sa pag-aayos ng aking tripod, at cellphone na ilagay sa loob ng aking bag nang mapansin ko siyang tumayo sa tabi ko. Sinundan ko ng tanaw kung saan ito tutungo. Mahirap na at baka mawala na naman siya sa aking paningin. “Kaninong tahanan iyan? Bakit may malaking puno rito sa gitnang ito?” sunod-sunod ang mga tanong na iyon mula sa kaniya at ako naman ay napapakamot sa ulo sa mga pinagsasabi nito. “Baliw ba ito o talagang slow lang? Pero naalala ko ang sabi niyang galing siya sa taong labingwalo at siyamnapu’t siyam. Oh my gulay!” Halos sumigaw pa ako sa naiisip kong totoo nga yata ang mga nabasa ko dati sa libro tungkol sa time travel. “Hindi mo ba sasagutin ang aking katanungan, Binibini? Ako’y nagpakilala sa iyo kanina dahil tinanong mo ako. Siguro naman ay sapat na iyon upang ako ay iyong kausapin?” Tameme ako at tulala sa mga titig niya. Napatakip pa ako sa aking bibig at palipat-lipat ang tingin sa paligid. Pinagmamasdan kung may nakikinig ba o nakapansin sa kabaliwan ni Angelito Isagani Barrios. “Pasikatin ko kaya siya? Isama ko sa mga vlog ko? Nang makapagkuwento siya ng tungkol sa kaniyang pinagmulan? Baka dahil sa kaniya ay sumikat ako.” Kinikilig ako na ewan nang mga oras na iyon sa mga naiisip ko. Baka lang naman magkatotoo ang mga sinabi ng aking isipan. Na baka nga sumikat ako dahil sa kaniyang mula sa nakaraan. 1899 ang sabi niya ibig sabihin lang ay isang taon bago ang pagbaril sa ating pambansang bayani. I-quiz ko kaya siya kung totoo ngang galing siya sa nakaraan. “Hindi ka pa rin ba magsasalita at sasagutin ang aking mga katanungan, Binibini? Kahit pagkakakilanlan mo ay hindi ko pa rin nalalaman,” muli na naman niya akong binato ng mga tanong na iyon. Dalawa na kaming nakatayo sa harapan ng isang malaking punong nasa gitna ng Lumang Tagpuan ng Gapan, na isa sa mga sikat na tourist attraction sa loob. Nagpakawala rin ako ng malalalim na buntong-hininga saka sinagot ang kaniyang mga tanong. “Sandali lang po, sir Angelito ha? May kukunin lang ako sa aking bag,” naisip kong kunin ang aking cellphone at simulan na ang aking pagba-vlog. Mukhang wala naman kasi talaga itong kaalam-alam sa kung saan siya nagmula. Mauuto ko naman siguro ito? Lihim pa akong napahagikgik sa isiping iyon. “Nangangawit na ako ang kanang kamay sa katuturo sa tahanang nasa harapan natin at sa malaking punong ito na nasa harapan din nating dalawa. Kailan kaya bubukas ulit ang iyong bunganga at bigyan ako ng kasagutan?” maigsi pala ang pasensya nitong si sir Angelito. Sa pagkakatanda ko ay masama magalit ang mga tao sa panahong 1899. “Ito na po, sir. May utang ka pang dalawang halik na hindi pa napapanagutan, kaya kumalma ka at sumunod sa akin. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko na patatagalin pa ang iyong paghihintay,” labas sa ilong ang mga salita ko. “Sino ba kasi ang maysabi sa kaniya na huwag ibaba ang mga kamay? Turo nang turo e. Buang lang? Gosh!” “Kung handa mo nang sagutin ang aking mga katanungan, maaari ko na bang ibaba ang aking mga kamay?” aba! Sa akin pa talaga humingi ng permiso? Tusukin ko kaya mata nito? Huwag, Mariposa. Remember how he look at your eyes. Makuha ka sa tingin. Hindi ba at expressive ang mga mata nito? Hinihigop ka pa nga e. “Siya. Maaari mo nang ibaba, okay? Wala naman kasi akong sinabi na hindi mo ibaba ang iyong mga kamay. Parang kasalanan ko pa,” sagot ko na lang at saka hininaan ko lang ang mga huling salitang binanggit ko. Baka hindi naman niya narinig dahil nang ibaling ko sa kaniya ang tingin ko, pisil-pisil nito ang kaniyang mga braso. “Matagal na bang nakatayo ang bahay na batong iyan?” pinaalala na naman niya sa akin ang tanong niya kaya, ako naman ay handa na ang aking cellphone at simulan ang aking vlogging. “Hello, sa mga ka-butterfly! This is Mariposa. Your one and only sexy, gorgeous, and bubbly persona butterfly!” manigas siya sa introduction ko dahil sinundan ko pa iyon ng musika ng ParuParo G. “Nandito ako ngayon sa Gapan. Dito sa Lumang Tagpuan ng Gapan. Kung nakikita ninyo, nasa aking likuran ang malaking puno na kung tawagin ay Haribon. Ibon kasi ang unang tawag sa lungsod na ito. At ang malaking mansiyon na nakikita natin ngayon ay ang dating tahanan ng mga sikat at mayamang pamilya Barrios. At dahil gusto kong e-enjoy ang aking gala dito, puputulin ko na muna ang aking pagbi-video. See you soon, mga ka-butterfly!” In-off ko na ang video at cellphone ko saka hinarap ang nagtataka at kakamot sa ulong si sir Angelito. Wala yata itong naintindihan sa mga sinabi ko kaya, isusunod ko naman ang pagtatanong sa kaniya upang malaman ko kung totoo ngang nasa 1899 siya. “Alam kong wala kang naintindihan sa mga tinuran ko, sir Angelito. Pero bago ang lahat, nais ko ring magpakilala. Ako si Mariposa Corazon Custodio,” panimula ko. “Ako’y humihiling na lamang sa iyo na tawagin na lamang sa pangalawa kong pangalang Isagani. Maaari ba, Binibini? At tama ang mga binanggit mo dahil wala akong naintindihan liban sa puno ng Haribon at mansiyong pagmamay-ari ng mga Barrios. Tama ba ang pagkakarinig ko?” Akala ko ba hindi niya naintindihan lahat? Mabuti naman at may mga salita rin akong halaw sa kaniyang panahon. “Yes. Tama ka po, Isagani? Pero may ilang katanungan lamang ako sa iyo na kailangan mong sagutin. Gagawin kong simple ito nang iyong maintindihan. Okay ba?” nag-thumbs up pa ako sa harapan niya pero mukhang failed ako dahil napailing lang ito. “Unang tanong. Kilala mo si Jose Rizal?” “Ang aking iniidolong bayani. Oo.” “Kailan siya binaril?” “Ika-tatlumpo ng Disyempre, labingwalo at siyamnapu at anim.” “Kilala mo si Heneral Antonio Luna?” “Sinong makakalimot sa isang matapang na heneral na pinaslang sa aking panahon, ika-lima ng Hunyo?” Hindi makapaniwala si Mariposa. Wala na siyang maisip na katanungan pa dahil nakalimutan na niya ang iba pang natutunan niya sa history. Napailing na lamang siya at saka sinampal-sampal pa ng ilang beses ang pisngi para gisingin ang sarili sa katotohanang nagsasabi ng totoo ang kaharap niya. “Mariposa, bakit mo sinasaktan ang iyong sarili?” Hinawakan niya ang aking dalawang kamay nang mga sandaling iyon at muli na naman kaming nagkatinginan. Ang mga tingin niyang iyon ay tila muling hinihigop ang aking buong pagkatao. May kung anong bagay akong nakikita sa mga mata niya pero hindi ko alam kung ano iyon. Nang titigan pa ang mga mata nito, nakaramdam ako ng pagkahilo at nawalan ng malay sa mga bisig niya. ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD