Kabanata Onse: Naliligo Sa Poso

1264 Words
Farmhouse, Parcutela Gapan 2023 Mariposa’s Point of View Kanina pa ako rito sa loob ng banyo. Nakatingin lang sa maliit na salamin. Nag-iisip. Parang mababaliw. Katatapos ko lang din namang maghilamos. Hindi ko alam kung bakit ako natutulala habang pinagmamasdan ang aking mukha sa salamin. At napansin ko ang suot kong kwintas. “I miss you,” iyon lang ang mga salitang nasabi ko. Hinawakan ko pa ito at saka hinalikan. Matagal na panahon na rin nang muli kong maalala ang tungkol sa kuwintas na ito pero it’s not the time for me to reveal what exactly this necklase is for. Ayaw kong maaalala ang mga bagay na nagpapaalala sa akin at magbabalik sa akin samundo ng kalungkutan. Kinuha ko na lamang ang face towel at saka pinunasan ang aking mukha. Lumabas na ako ng banyo at saka ng kuwarto. “Tapos na siyang maghugas? Matagal ba ako sa loob ng banyo kaya, nakaligtaan ko ang oras?” Napapakamot ako sa ulo saka nagtungo muna sa lababo para tingnan ang mga pinaghugasan nito. Nang makalapit ako ay para akong nakakita ng kumikinang na bagay. Malinis. Walang bakas ng kahit basang tubig na nagkalat. Nakaayos din sa rack ang mga hinugasan niya. Nasa tamang lagayan din ang kubyertos at iba pa. “In fairness naman ha? Marunong pala siyang maghugas? At ano ang amoy na iyon?” Bigla na lamang pumasok sa aking ilong ang masarap na amoy ng pagkain. Nang sundan ko ang amoy na iyon ay nakita ko ang mesang may nakatakip na mga plato. Nagtungo ako roon at agad na binuksan ang mga may takip at nakita ang nilutong hotdog, bacon, at itlog. “Wow ha? May bacon din siguro sa panahon nila, kaya alam niya lutuin ang mga ito? Good job, Isagani. May sinangag pa? Aba, ang suwerte naman pala ng Corazon na iyon kung si Isagani ang nobyo,” papuri ko nang mga sandaling iyon. Nang makaramdam ang aking tiyan ng pagkagutom ay bigla kong hinanap si Isagani. Wala kasi siya sa loob ng bahay ko at hindi ko alam kung saan ito pumunta. Nang ibaling ko rin ang aking tingin sa sala ay laking gulat ko nang makitang nakaayos na rin ang mga throw pillow at mga unang naroon. Maging ang kumot na kagabi ay gamit niya at ikinumot naman sa akin ay nakatupi na rin nang maayos. “Nasaan siya? Nandito naman ang tuwalya at mga damit niyang inihanda ko para sa kaniya kagabi. Baka lumabas?” Nakailang tanong na ako sa aking isipan. Hinahanap pa rin ng aking paningin ang presensya ni Isagani. Siyempre, bisita ko iyon at wala itong alam sa pasikot-sikot sa loob at labas ng bahay. Naglakad na lamang ako papunta sa pintuan at lumabas mula roon. Para akong batang naglalaro ng taguan. Sa likuran muna ako ng bahay naghanap kung saan makikita ang malawak na taniman ng palayan. “Masarap talagang mag-moment sa parteng ito ng aking bahay. It brings back memories. Pero ayokong mag-moment ngayon. Gutom na ako e.” Wala akong makitang imahe ni Isagani sa likuran ng bahay kaya, bumalik ako sa harapan at tinungo ang maliit na gulayan ko. Nang madaanan ko ang mga maliliit kong flower pot ay nag-wave muna ako pati na ang mga wild orchids kong naghe-hello sa akin. May pa-flying kiss pa ako sa kanila bago narating ang aking maliit na gulayan. “Annyeonghaseyo (Hello),” binati ko ang aking mga tanim na okra, talong, at mga sitaw saka naalala ang aking pakay na paghahanap kay Isagani. Hindi ako nagtagal doon dahil parang may narinig akong may naliligo. At alam ko kung saan iyon. Isa lang naman ang poso dito kaya, agad akong nagtungo roon. Tinatawag ko na rin ang pangalan niya pero parang hindi ako naririnig. “Isagani! Isagani ikaw ba ang naliligo sa poso?” Wala pa rin akong makitang sagot mula sa kaniya, kaya nagpapadyak na akong nagmamadaling puntahan ito sa loob ng poso. Hindi ko kasi makita ang tao sa loob dahil may nakaharang na maliit na kubo. Makikita mo lamang kung may tao o wala kapag nasa harapan ka nito kung saan may isang puno ng mangga na nakatayo. “Gutom na ako, Isagani. Baka lumamig ang niluto mo sa loob. Halika na at... Oh my god! Isagani?” Nang makarating ako sa misming entrance ng posong nakaharap sa puno ng mangga ay hindi ko napigilan ang magulat sa aking nakikita. My innocent eyes can’t close on what I am seeing now. Si Isagani ba talaga ang naliligo? “D@mn that muscles and...” Napapa-ingles na ako nang mga oras na iyon at hindi pa rin inalis ang pagkakatingin ko sa kaniya. Hindi yata ako narinig o nakikita kasi abala ito sa pagbubuhos ng tubig at halatang nag-e-enjoy sa kaniyang paliligo. Ako naman ay parang wala sa sariling naging spectator lang at nanonood nang bigla kong marinig ang sigaw niya. “Mariposa? Anong ginagawa mo rito?” Hindi ako sumagot. Ang mga mata ko ay bumaba pa sa kaniyang dibdib at napapakagat-labi na nang mga oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong ma-miss ang oportunidad na iyon, ngunit sa pangalawang tawag nito sa aking pangalan ay bumalik ako sa aking wisyo. “Mariposa!” Malakas na ang sigaw ni Isagani kaya, napailing ako at ibinaba ang tingin sa lupa. Nagkunwari pa akong parang wala akong nakita sa katawan ni Isagani. “Ano. Kasi. Kuwan. Isagani. Kasi ano.” Luh! Hindi ko maituloy-tuloy ang aking susunod na sasabhin. Parang may bumara sa lalaluman ko’t pinigilan akong magsalita. Kasi naman ang katawan bakit may pa-ganoon? “Paumanhin, Isagani. Kanina pa kasi kita hinahanap e. Lalamig na kasi ang pagkain na niluto mo. Ang breakfast na inihanda mo ay baka kuwan hindi na masarap kapag lumamig,” todo depensa pa ako sa aking sariling wala akong nakita sa kaniya. “Puwede namang initi kapag lumamig na, Mariposa. Ngunit ang iyong mga titig kanina sa aking katawan ay tila hindi ko nagustuhan. Wala bang ganito sa inyong panahon?” tinamaan ako sa mga salita niya at hindi na agad makabuwelo saka naalala ang tuwalya at mga damit na nakahanda pala sa kaniya kagabi. Naalala ko ring kagagaling lang niya sa lagnat kagabi at doon ako rumesbak. Siya naman ang pinagalitan ko para lang maiwasan niyang banggiting muli ang tungkol sa mga nakita ko. “Hoy! For your information, Isagani, ako dapat ang nagtatanong sa iyo ngayon. Bakit ka naligo ha?” Mulagat ito nang marinig niya ang pagtaas ng aking boses at nakitang nakapamaywang na ako sa kaniyang harapang nakaarko na ang kilay kong handa nang magalit sa kaniya. Nakakunot na rin ang aking noo at ipinagpatuloy ang hindi ko pa natatapos na sasabihin. “Hindi mo ba alam na buong gabi akong nagbantay sa iyo nang apuyin ka ng lagnat? Tapos malalaman ko lang maliligo ka ngayon? Akala ko ba sakitin ang katulad mo sa panahon mo? Bakit bigla kang lumakas, aber? Hay naku. Maiwan na nga lang kita. Tawagin mo na lamang ako kapag kailangan mo na ng tuwalya at pamalit. Makabalik na nga sa loob ng bahay ko. Diyan ka na nga.” Nagdadabog pa akong umalis sa harapan niya pero sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko pagkatapos niyon. Kasi naman that shining shimmering muscles and chest are worth watching. Muntik na akong mag-init este matunaw sa kaniya. I need cold water. Now na! ... DISCLAIMER: Ang akdang ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malilikot na imahinasyon ng manunulat. Anumang pagkakahalintulad sa pangalan, lugar, negosyo, pangyayari, at ibang kaganapan ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD