KABANATA 4

2418 Words
                            DIMITRI INHALED the warm breeze coming from the ocean. Kararating lang niya dito sa Vitalis' Island na pagmamay-ari ng kaibigan niya. He was stressed in work, and Stanley, his friend, who owned the island, advice him to have a vacation even just for two weeks. "Welcome, Doc." Bati sa kaniya ng caretake ng mansiyon. Nginitian niya ito. "Salamat po." "Pasok ho kayo sa loob at ipaghahanda ko kayo ng meryenda." Sabi ng matandang katiwala. "Sige po. Salamat." Pumasok silang dalawa sa loob ng mansiyon. Inilapag ni Dimitri ang bag na dala sa sofa at ibinagsak ang sarili sa sofa. He cracked his neck and slightly massaged it to relax. Dumeretso ang matandang katiwala sa kusina at naghintay naman si Dimitri. Nagutom siya sa biyahe. His phone rang. Stanley Vitalis calling... "What?" Bungad niya. "Gandang bungad, Dimitri." His friend from the other line tsked. "Eh, ano ang gusto mong sabihin ko?" Tanong niya. Stanley, from the other line, rolled his eyes. "Whatever. By the way, nakarating ka na ba sa isla ko?" "Yes. Maybe this vacation will help me to relax." "Good. Relax yourself, Anderson." Sabi ng kaibigan. "Thanks." "Yeah. By the way, your parents contacted me." "What did they say?" Dimitri asked. Kahit alam na niya ang dahilan kung bakit. Stanley sighed. "Wala ng bago. They're asking me  where are you." "What did you say?" Tanong niya. "Ano pa ba? Sinabi kong hindi ko alam. Alam ko naman na hindi sila naniniwala na hindi ko alam kung nasaan ka. We're bestfriends, Dimitri. Kilala mo naman ako. Kung ayaw kong magsalita, hindi talaga ako magsasalita." "Thanks, Stan. My parents nagging me non-stop, lalo na si mommy na gustong i-meet ko daw ang babaeng nagugustuhan niya para sa akin. You know that I don't like." Dimitri said. "Doc, ito na po ang meryenda." Sabi ng matandang katiwala at inilapag ang hawak na tray sa center table. "Thank you, Mang Danny." Tumango lang naman ang matandang katiwala at umalis, bumalik ito sa kusina. "Magkaibigan nga tayo." Natatawang sabi ni Stanley. Dimitri picked the glass of juice and sipped it. "Bakit?" Tanong niya. "You know, my parents also telling me that I need to settled down because I'm already 30 years old and near to say goodbye to the calendar. My mom is setting me blind date with someone which i always decline." Stanley said, clearly annoyed. Dimitri chuckled. Magkaibigan nga sila. "Good thing that we have a business now that was came from our own sweat, dahil baka matagal na nila tayong itinakwil sa katigasan ng mga ulo natin." "Yeah. Anyway, D? Can I ask a favor?" "Sure." Kaagad na sabi ni Dimitri but then quickly added, "if it's illegal, I'm out." "f**k you!" Mura sa kaniya ng kaibigan. "I'm not into illegal business." "Okay. Ano bang pabor 'yon?" "Pwede bang kapag may nakita kang kakaiba sa isla ay sabihin mo sa akin?" Kumunot ang nuo ni Dimitri. "Anong klaseng kakaiba?" "Basta." Sabi ni Stanley. "Bye." At pinatay na nito ang tawag. Nagtaka naman si Dimitri. Ano naman ang kakaiba sa islang 'to? Naiiling na ipinagpatuloy ni Dimitri ang pagkain. Pagkatapos ay nagtungo siya sa nakalaang kwarto para sa kaniya na nasa second floor at nagpahinga. THE NEXT DAY. NAISIPAN ni Dimitri ang maligo sa dagat. Masarap ang maligo sa dagat lalo na kung maaga pa at malamig ang tubig. Inilubog niya ang katawan sa tubig pero bago 'yon at nag-ipon muna siya ng hangin bago inilubog ang buong katawan pati na ang kaniyang ulo sa tubig. Dimitri lasted for thirty-second under the water, at umahon pagkatapos. He's enjoying swimming when he sight something just far from him. Kumunot ang nuo ni Dimirtri. It's a black thing. Hindi niya lang maaninag kung ano ang bagay na 'yon dahil malayo ito sa kaniya. Napagdesisyunan niyang lapitan na lang ito. Lumangoy si Dimitri palapit sa bagay na nakita niya at habang papalapit ay naaninag niyang isang taong nakalutang ang nakita niya. Mabilis na lumangoy palapit si Dimitri sa taong nakalutang at ng makalapit, agad niya itong pinulsuhan. Buhay pa ito ngunit mahina na ang pulso ng babae. Hinila ni Dimitri ang katawan ng babae at inilangoy ito patungo sa dalampasigan. At nang makarating sa dalampasigan, agad niyang binigyan ng CPR ang babae. Nailabas man ng babae ang tubig-alat na nainom nito ngunit walang nangyari. Walang malay ang babae kaya ang ginawa ni Dimitri, binuhat niya ang babae at naglakad pabalik sa mansiyon. Pagdating niya doon ay nagulat pa ang matandang katiwala ng makita ang walang malay na babae na buhat niya. "Mang Danny, pakibukas ang guest room." Mabilis namang sumunod ang matandang katiwala. Binuksan nito ang pinto ng guest room at mabilis na pumasok doon si Dimitri. Inilapag niya ang babae sa kama at ininspeksyon kung may sugat ba ito o wala. "Mang Danny, pwede po bang pakikuha ang first aid kit?" "Sige ho, Doc." Mabilis na tumalima ang matandang katiwala. Si Dimitri naman ay hinubad ang leather jacket na suot ng dalaga dahil basang-basa ito. Napansin niyang nagkukulay pula ang suot nitong puting damit kaya itinaas niya ang manggas nito. Nakita ni Dimitri na may sugat ito sa tagiliran. Sa tingin niya ay bala ang dumaplis sa tagiliran ng babae. Dimitri was a surgeon doctor, kaya kabisado na niya ang mga ganitong sugat. "Doc, ito na ang first aid kit." "Salamat, Mang Danny. Maayos na po ba ang lagay ng asawa niyo?" Tanong niya. Nalaman niya kasi kahapon na may sakit ang asawa ng matandang katiwala kaya ito ang sumalubong sa kaniya. "Oo, Doc. Bakit ho?" "Pwede po bang pakitawag ang asawa niyo?" "Sige, Doc." Umalis ng matandang katiwala para tawagin ang asawa nito. Agad namang ginamot ni Dimitri ang babae at binalutan niya ng benda ang sugat nito. Katatapos niya lang itong gamutin ng pumasok ang asawa ni Mang Danny at may dalang damit. "Manang, pakipalitan naman po siya, oh." Aniya. "Sige ho, Doc. Ako na ang bahala sa kaniya." Tumango si Dimitri at inayos ang mga gamiy at lumabas. Nagtungo siya sa sariling kwarto at naligo. Napaisip siya? Ano kaya ang nangyari sa babaeng nakita niyang nakalutang sa dagat? Alam niyang nabaril ito pero sa anong dahilan? Dimitri sighed. After bathing and putting his clothes, lumabas siya ng kwarto at bumalik sa kwarto kung nasaaan ang babaeng tinulungan niya. Tapos na itong bihisan ng asawa ni Mang Danny at nagpaalam itong magluluto ng kanilang tanghalian. Naghalumikipkip si Dimitri at sumandal sa hamba ng pinto. Pinagmamasdan niya ang babaeng walang malay na nakahiga sa kama. Parang may sariling isip ang mga paa ni Dimitri at kusang naglakad palapit sa babae. Patag ang paghinga nito. Dimitri can't help but to stare at the woman's face. "She's beautiful." Hindi mapigilang masabi ni Dimitri. Totoo naman 'yon. Marami na siyang babaeng nakitang babae na maganda pero ang isang 'to ay kakaiba ang ganda para sa kaniya. The woman have long eyelashes, pointed nose, rosy cheeks and kissable lips, na para bang mahimbing lang itong natutulog. Dimitri wondered kung ano ang kulay ng mata ng babae. To answer Dimitri's question, bigla na lang itong nagmulat ng mata na ikinagulat ni Dimitri, pero agad din itong pumikit, but he saw the woman's eyes color. It's violet.                            NAGKATINGINAN SI Agent Nerrie at Agent Ria nang makapasok sila sa loob ng mansiyon ng walang nakakapansin at makita ang sinasabi ng kanilang Director na kakaiba dito sa Yakuza's Island. Lahat ng nangyayari sa isla ay labag sa batas. " What did you saw?" Tanong ng kanilang Director. Napalunok si Agent Ria. "This is a drug labolatory." "And we think that they are also experimenting some humans. We saw that they're injecting something." Agent Nerrie said and took a picture. Humawak siya sa railing. Nasa itaas sila at nasa baba ang mga tao. Napailing si Nerrie. Sa mundo nila bagama't may mga masasama katulad ni Erosho, hindi naman nila ginagawa ang mga ganitong bagay. Hindi sila gumagawa ng masama sa kanilang kapwa. Iginagalang nila ang bawat isa sa Arwood at nirerespeto ang mga nakakataas sa kanila. "Let's go." Aya ni Agent Ria. Ang misyon nila ay alamin lang kung ano ang mayroon dito sa Yakuza's Island. Pero nasilip ni Agent Nerrie ang pagdating ng dalawang yate. Tinanguan niya si Agent Ria para umalis na sila. "I saw two yacht just arrived." Sabi niya sa kasama. "Then let's look what's in it." Agent Ria said. Lumabas sila ng mansiyon na wala pa ring nakakapansin at bumalik sila sa dalampasigan. Dumaong ang yate sa wooden path at lumabas doon ang sampung kalalakihan na may mga hawak na rifle. Nakatingin ang mga ito sa yate na ginamit nila ni Agent Ria. "Director," tawag niya. "Yes?" "Mukhang napansin na nila ang yate." "Then umalis na kayo diyan. Oras na malaman nilang may mga nakapasok na kalaban sa isla. Baka hindi na kayo makakaalis pa diyan ng buhay." Utos ng Director. "Pero paano ang mga nasa loob ng dalawang yate? Alam kong hindi lang darating ang dalawang yate dito sa isla na walang kargamento—" napatigil sa pagsasalita si Agent Nerrie ng makita ang sumunod na lumabas sa yate pagkatapos ng mga kalalakihan kanina She breath out. "Punong-puno ang islang 'to ng mga masasamang nilalang!" Galit na sabi ni Agent Nerrie. Mula sa isang yate ay nasa mga sampung bata ang lumabas, mga batang babae at batang lalaki. At mula naman sa isang yate ay pawang mga babae ang lumabas. "This is cyber and prostitution." Sabi ni Agent Ria. "And organ harvesting." Dagdag ni Agent Nerrie. Sa limang taon sa pagiging secret agent ay marami  na siyang mga nakitang krimen na hindi niya naisip na magagawa ng mga tao sa kanilang kapwa. Napailing siya at kinalma ang sarili. "Director, this island have to raid immediately." Aniya. "I already contacted the government, police and military, even navy are on their way. Umalis na kayo diyan." "Yes, Director." Paalis na sila ng makarinig si Agent Ria at Agent Nerrie ng putok ng baril at kasabay nito ay pinaulanan sila ng bala. Mabilis na nagtago ang dalawa sa malaking bato. Kung sa ganitong sitwasyon ay madali lang na makaalis si Nerrie pero hindi naman niya pwedeng iwan na lang ang kasama. Pwede naman niya itong isama sa kaniyang paglaho pero hindi naman niya gustong malaman nito na hindi siya tao. Ayaw niyang katakutan siya. Bumuntong-hininga si Nerrie habang patuloy pa rin ang pagpapaulan sa kanila ng bala. "Paano tayo makakaalis dito, Agent Nerrie?" Nag-aalalang tanong ni Agent Ria sa kaniya. "Nasa malayo ang yate at..." "Makakaalis tayo." Aniya at tumingin sa hindi kalayuan. May nakalagay na speed boat sa dalampasigan. Magagamit nila ito. "Paano?" "Go." Aniya. "Ano?" "Mauna ka na." Sabi ni Nerrie at hinugot ang katana sa kaluban nito. "Anong iniisip mo?" Ngumiti si Nerrie. "Magtiwala ka sa akin, Agent Ria. Sige na, tumakbo ka na." "Pero..." itinulak niya ito at agad siyang humarang para hindi ito tamaan ng bala. Isinangga niya ang hawak na katana sa mga bala habang umaatras patungong dalampasigan. Hindi tumigil ang mga kalaban sa pagpapaulan sa kanila ng bala kaya  patuloy na isinasangga ni Nerrie ang hawak na katana sa mga bala. "Agent Nerrie!" Narinig niyang sigaw ni Agent Ria. Lumingon siya dito at nalingat siya kaya nadaplisan siya sa tagiliran. Kaagad na sinapo ni Nerrie ang sugat at mabilis na tumakbo patungo kay Agent Ria at sumakay sa speed boat. "May sugat ka." Anito ng medyo malayo na sila sa dalampasigan. "Ayos lang ako." Sabi niya. "I'll live." "Damn!" Mura ni Agent Ria ng makitang sampung speed boat ang sumusunod sa kanila. "Sa yacht." Kaagad na sabi ni Nerrie. Pagdating nila sa yate ay agad silang sumakay doon. Agent Ria quickly manuever the yacht. Tinanggal ni Nerrie ang suot na earpiece kaya si Agent Ria na lang ang nakikipag-usap sa Director nila. Mabilis silang napakubli ng muli silang paulanan ng bala ng mga kalaban. "Drive fast, Agent Ria." Aniya. Mas lalo pang binilisan ni Agent Ria ang pagpapatakbo sa yate habang pakubli-kubli para hindi sila tamaan ng bala hanggang sa makarating sila sa Vitalis' Port. Pero tinamaan ulit siya ng bala sa tagiliran. Napakagat si Nerrie sa labi. "Mauna ka na, Agent Ria." Sabi ni Nerrie at siya ang pumalit sa pwesto ni Agent Ria kanina. "Agent Nerrie!" She quickly maneuver the yacht, palayo sa Vitalis Port para siya ang sundan ng mga kalaban. Ininis siya ng mga ito, eh. Pagdating nila sa parte ng dagat na alam ni Nerrie na walang madadamay. Itinigil niya ang yate. Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa ng kalaban. Pinasabog ng mga ito ang yate. Nahulog sa tubig si Nerrie. Malakas ang impact ng pagsabog kaya nawalan ang ng malay ang dalaga at lumubog ang katawan nito. NAGISING si Nerrie at puting kisame ang bumati sa kaniya. "You're awake." Said the voice beside her. And when Nerrie looked who's beside her. It was a very handsome man. And her heart started to beats fast. "You are unconscious for two days. I'm glad that you're awake." Sabi ng lalaki. Nerrie blinked. Mabilis ang t***k ng kaniyang puso. "Nakita kitang nakalutang sa dagat at may sugat ka sa tagiliran kaya tinulungan kita. Pero nakapagtataka na naghilom na ang sugat mo ng ganun kabilis. Malalim ang isang sugat mo at aabutin 'yon ng ilang linggo bago maghilom pero nawala na. Naghilom na ang mga sugat mo." Sabi nito habang nakakunot ang nuo. That's because I'm not human. "Hey, miss, magsalita ka naman. Pwede mo bang sabihin sa akin na bakit ganun na lang kabilis naghilom ang sugat mo?" Napabuntong-hininga si Dimitri nang hindi pa rin nagsalita ang babae. Pero ang ganda ng mata nito. "I'm Dimitri Anderson and I'm a lisenced doctor. What's your name?" "N-Nerrie,"mahina ang boses ng babae. "Nerrie... L-lazaro." Dumitri nodded. "Are you hungry? Want to eat something?" Pero nakatingin lang na naman sa kaniya ang dalaga na parang binabasa ang kaluluwa niya. "Anyway, nasa bedside table ang mga gamit mo." Agad na napabaling doon ang atensiyon ni Nerrie. Inabot niya ang bracelet niya at isinuot. Pagsuot ni Nerrie sa bracelet, pakiramdam niya ay unti-unti ng bumabalik ang lakas niya. "Salamat sa pagtulong mo sa akin." Dimitri nodded. "Walang anuman. Gusto mo bang kumain?" Umiling si Nerrie at ipinikit ng mata. "I'll rest." Napatitig si Dimitri sa maamong mukha ng dalaga. Hindi lang guni-guni ang nakita niya kanina. Kumislap ang mata nito nang maisuot nito ang bracelet na kulay lila. Kumunot ang nuo ni Dimitri. Hindi siya naniniwala sa mga supernatural pero pakiramdam niya ay kakaiba si Nerrie. Para itong hindi tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD