KABANATA 5

2440 Words
                   TAHIMIK na pinagmamasdan ni Dimitri si Nerrie na nakaupo sa malapad na bato sa tabi ng pampang. Pinapanood nito ang sunset. Napailing si Dimitri. Isang linggo ng nasa poder niya ang dalaga at may napansin siyang kakaiba sa kilos nito. Hindi naman sa may masama itong gagawin pero talagang may napansin siyang kakaiba sa dalaga. Tahimik lang ito at parang may malalim na iniisip. Hindi napigilan ni Dimitri na lapitan ang dalaga. "Ang lalim yata ng iniisip mo." Aniya at umupo sa tabi nito pero may distansiya ang pagitan nila. Nerrie glanced at him. "Tama ka. Malalim ang aking iniisip." "Pwede mong sabihin sa akin. Baka matulungan kita." Aniya sa dalaga. Ngumiti si Nerrie at umiling. "It's personal." Tumango si Dimitri. "Anyway, natawagan mo na ba ang susundo sa 'yo dito sa isla?" Tanong niya. Nerrie nodded. "Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin." Sa sinabi ng dalaga, naalala ni Dimitri ang tungkol sa mabilis na paghilom ng sugat nito at ang pagkislap ng mata nito. Alam ni Dimitri na hindi niya namamalik mata lang. Pero pinili na lang niyang huwag ng pakialaman ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi naman obligasyon ng dalaga na sabihin sa kaniya kung ano ang tunay na nangyari dito. "You're a doctor." Sabi nito maya maya. Tumango si Dimitri at tumingin sa araw na papalubog na. Dusk is coming. "Yeah. Why?" Umiling si Nerrie. "Wala naman. Nasabi ko lang." "Ikaw ba?" Tanong ni Dimitri. Ngumiti si Nerrie. "Hindi ko sana pwedeng sabihin sa 'yo pero dahil tinulungan mo naman ako. Sige sasabihin ko, isa akong secret agent.  May misyon kami ng kasama kong agent pero nakita nila kami kaya hinabol nila kami." "Buwis-buhay naman pala ng trabaho mo." Aniya. Nerrie chuckled. At hindi maiwasan ni Dimitri na mapatitig sa dalaga. Masarap pakinggan ang pagtawa nito. Pasimpleng napahawak si Dimitri sa tapat ng kaniyang puso dahil bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya. He's a doctor. Pero hindi niya maiwasang isipin na baka may sakit na siya sa puso. Napailing si Dimitri sa sarili. Kung anu-ano ang pinag-iisip niya. He came back to his reverie when he felt that Nerrie hold his wrist. "This is my thank you gift to you." Sabi ni Nerrie at isinuot sa binata ang bracelet niya. Nagtaka si Dimitri. "Bakit mo binibigay sa akin 'to?" Ngumiti lang si Nerrie at tumayo. "That's my gift to you." Napatitig si Dimitri sa bracelet na nakasuot sa pulsuhan niya. He should be embarassed because of the girly color, pero hindi 'yon ang nararamdaman niya. He's happy. Masaya siyang may natanggap siyang regalo mula sa dalaga. Hindi niya alam pero para siyang espesyal sa dalaga dahil sa ibinigay nito. Gustong kutusan ni Dimitri ang sarili dahil sa mga iniisip. It's just a 'thank you gift' and nothing more. "It's heavy." Dimitri commented. Ngumiti lang si Nerrie. "Mauuna na ako." Paalam nito at iniwan ang binata sa batuhan. BAGO PUMASOK si Prinsesa Nerrie sa kabahayan, nilingon niya si Dimitri. Naalala niya ang sinabi noon ni Melissa. 'Mararamdaman niyo ang pagbilis ng t***k ng inyong puso. Sa oras na maramdaman niyo ito sa isang mortal na nilalang, ibig sabihin ay kailangan niyong timbangin ang lahat. Alamin ninyo kung dapat ba siyang pagkatiwalaan o hindi. Hindi magkakapareho ang isip ng tao, iba-iba sila kaya dapat kayong mag-ingat, mga kamahalan ko. Ang mundo ng mga tao ay puno ng mga pangahas na nilalang, masasama ngunit marami rin ang mabubuti. Sinasabi ko marami kayong matutunan sa mundo ng mga tao.' Ngumiti si Nerrie. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Umiibig siya. Ang bilis. Ganun pala makapangyarihan ang pag-ibig. Hindi buwan o taon ang basehan para sabihin na gusto mo ang isang tao dahil kung gusto mo ang isang tao, ang puso mo mismo ang magsasabi. Nerrie let out a blissfull sighed and smiled. Dimitri was a good man. Nerrie can say it. Isang linggo na siya dito sa Vitalis' Island at nabawi na niya ang lakas niya. Na-inform na rin niya ang Director niya kung nasaan siya at bukas ay susunduin siya ng helicopter nito. "Princess Nerrie ..." Napatigil si Nerrie ng marinig ang boses na 'yon. Bagaman parang bulong lang pero kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Mabilis na naglakad si Nerrie palabas ng kabahayan at tinungo ang tagong parte ng isla. Nakita niya sa dalampasigan ang isang sirena na may kulay asul na buntot. "Airene." "Andito ka lang pala." Sabi nito. "Isang linggo ka na naming hinahanap. Ano bang nangyari sa 'yo?" Tanong ng kaibigang sirena. Umupo si Nerrie sa buhanginan. "Mahabang kwento pero ang mahalaga ay ligtas ako. May tumulong sa akin." Nakita niyang nakahinga ng maluwang si Airene. "Nagparamdam kay Melissa na may masamang nangyari sa 'yo at inutusan niya kami na hanapin ka." Ngumiti si Nerrie. "I'm fine, Airene. Bukas ay makakauwi na ako. Susunduin ako ng Agency." "Mabuti naman kung ganun. Sobra kaming nag-alala para sa 'yo." Kapagkuwan kumunot ang nuo ng kaibigan. "Sino ang tumulong sa 'yo?" Bago pa makasagot ni Nerrie. Narinig niya ang pagtawag ni Dimitri sa pangalan niya. "Nerrie!" Nagkatinginan ang dalawang prinsesa. Mabilis na lumangoy si Airene palayo sa kaibigan at ng alam niyang hindi na siya makikita ng taong tumawag sa pangalan ng kaibigan. Inilitaw niya ang kaniyang ulo. Airene saw a very handsome man walking towards Nerrie. And Airene saw with her own two eyes how Nerrie's face softened while looking at the handsome man. Tumaas ang sulok ng labi ni Airene. Mukhang malapit ng mahanap ni Nerrie ang lunas sa kaniyang sumpa. Inilubog ni Airene ang ulo sa tubig at lumangoy palayo. Kailangan niyang bumalik sa resort na pinagtatrabahuan niya. May trabaho pa siyang kailangang tapusin. Kumunot ang nuo ni Dimitri kay Nerrie. Nakita niya ang dalaga kanina na lumabas ng mansiyon. Nag-alala siya para rito. Lalo na at papadilim na ang buong paligid kaya sinundan niya ito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa dalaga. "Madilim at delikado." Ngumiti ang dalaga. "May tinignan lang ako." "Bumalik na tayo sa mansiyon." Hinawakan niya ang braso nito at iginiya pabalik sa mansiyon. "Sige." Bumalik sila sa mansiyon at nakahanda na ang kanilang hapunan. Kumain sila at pagkatapos ay nagtungo na sila sa kaniya-kaniyang kwarto para magpahinga. Habang nakahiga sa kama. Napatitig si Dimitri sa suot na bracelet na bigay ni Nerrie. Iniangat niya ang braso at pinagmasdan ang porselas. Mabigat ito at may mga diyamante pang nakadiseniyo. Iba ang naramdaman ni Dimitri sa bracelet. Hindi alam ni Dimitri pero may kakaiba talaga lalo na sa nagmamay-ari nito. Dimitri sighed and closed his eyes. Kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya. It's just a bracelet and nothing more.                     NAKAHIGA sa buhanginan si Dimitri habang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. Noong isang araw pa nakaalis si Nerrie sa isla at bukas naman ang balik niya sa Maynila. Hindi mawala sa isipan niya ang dalaga. Pabalik-balik sa isipan niya ang maganda at maamo nitong mukha. Nagayuma na ba siya nito? Napailing si Dimitri. Hindi niya alam pero parang may tumutulak sa kaniya na sundan ang dalaga, which he find it weird. Kakikilala niya pa lang kay Nerrie pero bakit ganito na ang nararamdaman niya sa dalaga? He wanted to see her. Damn! Marahas na napabuga ng hangin si Dimitri. Ano ba talagang nangyayari sa kaniya at hindi mawala-wala si Nerrie sa isipan niya? Itinaas ni Dimitri ang kanang braso at tinitigan ang bracelet na binigay sa kaniya ni Nerrie. It's really beautiful. Dimitri can't help but to smile. Kumislap ang bracelet ng matamaan ito ng sinag ng buwan. Ibinaba ni Dimitri ang braso at napabuga ng hangin. Nerrie Lazaro, what the hell did you do to me? Dimitri sighed and get up. Naisipan na niyang bumalik sa mansyon. Pero napatigil siya ng makita niyang gumalaw ang halamanan sa hindi kalayuan. Kumunot ang nuo ni Dimitri. Sa pagkakatanda niya ay walang alagang hayop ang caretaker ng mansyon ng kaibigan niyang si Stanley. Maliwanag ang paligid kahit gabi dahil sa tanglaw ng buwan. Hindi alam ni Dimitri pero parang may kung anong humahatak sa kaniya patungo sa halamanan. Ngunit hindi pa man siya nangangalahati sa paglalakad ng may biglang bumagsak sa kaniyang harapan na galing sa malaking sanga ng puno sa kaniyang tapat. Nagulat si Dimitri sa nakitang bumagsak sa kaniyang harapan. Napaatras siya at nakaramdam ng kaba. Dimitri gulped. He can feel his heart beating so fast. Natulos siya sa kinatatayuan at hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan dahil sa gulat. What kind of species is this? He can't help but to asked himself. Isang nakakatakot na nilalang, kung ilalalarawan niya ito, may sungay ito at buntot, at nagbabaga ang kanilang mga mata. May hawak ang mga itong ... scythe? Iyon ang alam niyang tawag sa ganoong weapon. Ang may karit sa dulo. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakakita ng ganitong nilalang at kahit lalaki siya normal naman yatang makaramdam siya ng takot di'ba? Hindi alam ni Dimitri kung ano ang dapat niyang gawin sa ganitong sitwasyon. Sabihin man niyang panaginip ito pero hindi. Totoo itong nakikita niya. "Ang lalaking nakatakdang iibig sa prinsesa ng mga necromancer." Sabi ng kaharap niya sa nakakatakot na tinig na para pang nagmumula sa ilalim ng lupa. Napalunok si Dimitri at hindi na binigyan ng pansin ang sinabi ng nilalang. Ang pinagtuunan niya ng pansin ay ang mga yabag na naririnig niya na mukhang papalapit din sa kaniya. At hindi nga siya nagkamali dahil pagtingin niya sa kaniyang magkabilang gilid, may apat na katulad ng nilalang na nasa kaniyang harapan ang papalapit at may hawak din ang mga itong scythe. "Wala kang takas sa amin taong taga-lupa!" Hindi makuha ni Dimitri ang magsalita. Anong gagawin niya? "Huliin niyo siya!" Utos ng nilalang na nasa harapan ni Dimitri sa mga kasamahan nito. Ngunit hindi sila nakalapit dahil may harang ang biglang pumalipot sa binata. Nagulat ang mga alagad ni Erosho dahil sa nakitang harang na pumalibot sa utos nitong papaslangin nila. Utos nitong patayin nila ang mga nakatakdang lalaking iibig sa mga isinumpa nitong prinsesa ng tapat. Hindi dapat malunasan ag sumpa na iginawad ni Erosho sa mga prinsesa. Ngunit sa kanilang nasaksihan, ang harang na promotekta sa lalaking papaslangin nila, isa lang ang ibig sabihin nito. May ingkantasyon ng ginawa si Prinsesa Nerrie sa lalaking kaharap nila ngayon. Nagulat si Dimitri ng biglang nawala ang mga nakakatakot na nilalang na nakapalibot sa kaniya. Pakiramdam ni Dimitri ay tinakasan siya ng lakas dahil sa nangyari. Napaupo siya sa buhanginan. Ngunit agad din siyang naging alerto ng may narinig siyang yabag sa kaniyang likuran at paglingon niya ay biglang nagdilim ang paningin niya. Mabilis na sinalo ni Prinsesa Nerrie ang katawan ni Dimitri. Hindi dapat maniwala ang binata na totoo ang mga nasaksihan nito kanina. Hindi pa ito ang tamang oras. "I'm sorry, Dimitri." Bulong ni Prinsesa Nerrie. Itinapat niya ang bibig sa tenga ni Dimitri. "Kalimutan ang nasaksihan at maniwalang ito'y isang panaginip lamang ..." "Doc!" Maingat na ihiniga ni Nerrie ang binata sa buhanginan at mabilis na umalis, nagtago siya sa isang malaking puno at tinignan ang caretaker ng mansyon na patungo sa kinaroonan ni Dimitri. Isang sulyap ang ginawa ni Prinsesa Nerrie bago umalis. Itinalukbong niya ang hood ng suot niyang cloak sa kaniyang ulo at mabilis na sinundan ang mga alagad ni Erosho na alam niyang nasa paligid lang at minamatyagaan si Dimitri. Naramdaman niya ang paglapit ng mga ito kay Dimitri dahil sa bracelet niyang suot nito. Kahit ibinigay na niya kay Dimitri ang bracelet para sa proteksiyon nito. Konektado pa rin ito sa kaniya. "Hindi niyo siya mapapaslang hangga't nandito ako." Aniya ng makita niya ang mga ito sa tagong parte ng isla na kinaroonan ng mga ito. Naging alerto ang mga ito at itinutok sa kaniya ang hawak ng mga itong scythe. Tumaas ang sulok ng labi ni Prinsesa Nerrie at inilabas din ang sariling sandata. "Binabalaan ko kayo ... bumalik na lang kayo sa Arwood at manatili sa Aholor!" Ang ipinagtataka niya kung paano ang mga ito nakalabas sa Arwood. Isa lang ang alam niyang lagusan patungo sa mundo ng mga tao, ang lagusan na dinaanan nila noon kasama si Melissa at may ingkantasyon ang lagusan na tanging silang walong prinsesa na pinahintulutang tumawid sa lagusang 'yon, maliban na lang kung gumawa si Erosho ng bagong lagusan para sa mga alagad nito. Kung ganoon man, kailangan niyang ipaalam ito sa mga kapwa prinsesa at kay Melissa pero bago ang lahat, ang kalaban niya muna ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin. "Ipinagutos ng Mahal na Erosho na aming paslangin ang mga nakatakdang lalaki na iibig sa inyong mga prinsesa!" Napailing si Prinsesa Nerrie. Kahit kailan talaga si Erosho. Gagawin nito ang lahat para manatili ang sumpa nito sa kanilang mga prinsesa. "At iyon ang hindi naming hahayaang mangyari. Patawad sa inyong mga alagad ni Erosho." Mabilis na nagpaikot-ikot ang scythe ni Prinsesa Nerrie sa ere at walang mintis na tinagpas nito ang ulo ng mga kalaban. Bumalik sa kamay ni Prinsesa Nerrie ang scythe at agad din itong naglaho. Napabuntong-hininga ang prinsesa at tumingin sa kalangitan. Malapit na naman ang kabilugan ng buwan. Mararanasan niya na muli ang sumpa. Naglakad si Prinsesa Nerrie sa dalampasigan at hinayaan ang paa na mabasa ng tubig. "Subukan mo kayang sumisid." Napatingin si Prinsesa Nerrie kay Prinsesa Airene na nasa hindi kalayuan. Ngumiti si Nerrie at hinarap ang kaibigan. "Matanong kita ... ilang oras ka ba nakababad sa tubig alat?" "Hmm ... depende." Sagot ng kaibigan at lumangoy palapit sa dalampasigan. Kumislap ang buntot ni Airene ng matamaan ito ng liwanag ng buwan. Gumapang ang kaibigan patungo ng buhanginan at humiga ito doon. Nanatili naman si Nerrie sa kinatatayuan. "Mukhang umiibig ka na, Nerrie." "Ang tanong ay kung iibigin niya rin ba ako ng tapat at dalisay ..." Ani Nerrie sa kaibigan. Ngumiti si Airene. "Who knows? Baka gusto ka niya ngayon pa lang. I saw the two of you, the moment you gave him your bracelet. Well, not bad. Mukha ngang may gusto siya sa'yo. I saw the happiness written in his face while he's looking at you." Airene said. Nerrie smiled a little. "Speaking english now, Airene." Nagkibit ng balikat si Airene. "I need to. Alam mo naman na mga dayuhan ang mga turistang pumupunta sa resort na pinagtatrabahuan ko." Tumango si Nerrie at naglakad palapit sa kaibigan. Umupo siya sa buhanginan, sa tabi ni Airene at nag-isip. "How can I prove that he's the one, Airene? The cure of this curse." Nerrie said out of nowhere. Airene shrugged. "Find out." Napabuntong-hininga si Prinsesa Nerrie. "I wish he's really the one."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD