TUMINGIN SI PRINSESA Nerrie sa bilog na buwan na nakatanglaw sa kalangitan. Oras na naman. Napabuntong-hininga siya at tumingin sa orasan na nakasabit sa dingding ng kaniyang kwarto. Ilang minuto na lang ay maguumpisa na naman ang sumpa. Sumpa na nagpapahirap sa kaniya-sa kanilang mga prinsesa.
Binuksan niya ang malaking bintana at pumasok ang malamig na hangin ng gabi. Ipinikit ng prinsesa ang kaniyang mata at hinayaan ang sarili na tamaan ng tanglaw ng buwan.
Nang may naramdaman siya sa kaniyang katawan. Iminulat niya ang kaniyang mata at nakita niyang nagbabago na naman ang kaniyang hitsura. Nagiging isang kalansay na naman siya.
Sampung taon na niyang dinaranas ito. At ganun din ang pito pang prinsesa na sa mga oras na ito ay dinadanas na rin nila ang sumpa. Ganito ang nangyayari sa kanila tuwing kabilugan ng buwan at tatagal ang sumpa ng tatlong oras.
Tumingin si Prinsesa Nerrie sa kalansay nitong kamay. May lumalabas ditong violet mist. At kumikislap din ang porselas na suot. Gawa ito sa ginto kaya may kabigatan pero ginawa itong kulay lila para umakma sa kulay ng kaniyang mata. Ibinigay ito ng kaniyang ama na galing pa sa kanilang kanununuan. Ang kulay lilang porselas ay simbolo sa kanilang mga necromancer. May nakadisenyong skull sa porselas at may nakalagay na maliit na gems sa palibot nito.
Princess Nerrie missed her parents, kahit pa pinagkakait ng mga ito ang kalayaan niya. She misses Arwood. Makikita niya pa kaya ang mundong pinagmulan o hindi na?
KINABUKASAN.
MAGANANG kumakain si Princess Nerrie kasama ang mga kaibigang prinsesa at kasalo rin nila si Melissa at Abellardo.
"Kumusta ang nagdaang gabi, mga prinsesa?" Tanong ni Melissa sa kanilang walo.
Lahat sila ay nagkibit-balikat at nagpatuloy sa pagkain.
"Paano 'yan? Babalik na ulit kayo sa inyong mga trabaho?" Tanong ni Abellardo.
"Opo." Sagot ni Prinsesa Gabril.
Napabuntong-hininga ang mag-asawa.
"Dadalawa na naman kami ni Melissa dito." Sabi ni Abellardo.
Itinuring na niyang anak ang walong prinsesa kaya malungkot siya tuwing aalis ang mga ito. Bumibisita naman ang mga ito paminsa-minsan.
"Bibisita naman po kami." Sabi ni Airene.
"Huwag po kayong mag-aalala, tay." Sabi ni Dayne.
Tatay na kasi ang tawag nila kay Abellardo dahil parang ama na ito sa kanila.
Napangiti si Prinsesa Nerrie. "Ayaw niyo naman po kasing sumama sa amin sa syudad."
Bumuntong-hininga ito. "Gustuhin man namin ni Melissa. Hindi naman namin pwedeng iwan ang mansyon at ang farm."
"Lalo na ang isa diyan, mahilig sa dugo." Sabi ni Melissa na ikinatawa nilang lahat maliban kay Prinsesa Renesmee.
"I'm a vampire." Sabi lang nito na walang kaemo-emosyon ang boses.
Sanay na sila dito. Princess Renesmee have a cold demeanor but she's nice. Malamig lang talaga ang pakikitungo nito. Ni hindi nga ito ngumingiti. Palaging walang emposyon ang mukha.
"Renesmee, my friend," Princess Nerrie said. "Dapat huwag naman palaging walang emosyon ang boses mo, and try to smile." Aniya sa kaibigan.
"Tss!" Nasabi lang ni Princess Renesmee at nagpatuloy sa pagkain.
"I bet, ngingiti lang ang kaibigan nating bampira kapag nahanap na niya ang 'the one'." Princess Mavielyn said while chuckling.
"And speaking of that ... kailan naman kaya natin mahahanap ang lunas sa sumpa natin?" Sabi ni Princess Nekiel.
"Why don't you look for it, Nekiel?" Sabi ni Phyllis na kanina pa tahimik.
"Eh, ikaw, bakit hindi mo hanapin? You're always looking for your flower plantation." Said Nekiel.
Phyllis shrugged. "Don't want to."
"Pero sino naman kaya sa atin ang unang makakahanap ng kaniyang lunas?" Sabad ni Prinsesa Mavielyn.
Nagkatinginan silang lahat at umiling.
"Hindi ko pa naranasan ang sinabi ni Melissa na senyales." Sabi ni Prinsesa Dayne.
"Same." Princess Nerrie said.
"Hintayin niyo lang." Sabad ni Melissa sa usapan ng mga prinsesa. "Kusa silang darating sa buhay niyo. But may i remind you again, kiss is very—"
"—sacred." Pagtatapos nilang lahat sa sasabihin ni Melissa.
"Melissa, sampung taon mo ng sinasabi sa amin 'yan. Don't worry, okay?" Princess Airene said.
"Pinapaalala ko lang, mga kamahalan ko." Sabi ni Melissa.
"Okay." Nasabi na lang nilang lahat.
Napaisip si Prinsesa Nerrie habang tahimik na siyang kumakain. Sampung taon na sila dito sa mundo ng mga tao. At sa sampung taon na 'yon ay marami silang mga natutunan at nakita na wala sa kanilang mundo.
Human realm is full of violence, crimes are everywhere and many other things.
That's why Nerrie decided to become a secret agent and now she's already five years in service. At sa pagpasok niya sa larangang 'yon, marami pa siyang nakita na iba't-ibang klase ng karahasan. r**e, murder, k********g, involvements of drugs and many other bad things.
Princess Nerrie sighed.
Napatingin silang lahat kay Renesmee ng tumunog ang cellphone nito. Yes, lahat ng mga bagay na mayroon sa mundo ng mga tao ay inalam nila at inaral.
"Excuse me." Sabi ni Renesmee, umalis ito sa hapag-kainan at sinagot ang tawag.
Nang matapos na kumain si Nerrie, lumabas siya ng kusina at nagtungo sa hardin na nasa gilid ng mansiyon.
Umupo siya sa kubo na naroon at napasin niya ang bulaklak na halatang kamumukadkad lang. Namangha siya sa ganda ng bulaklak. Inabot niya ito at hahawakan na sana ng may narinig siyang sumigaw.
"Huwag mong hahawakan 'yan!"
Hindi niya itinuloy ang paghawak niya sana sa bulaklak at tinignan si Prinsesa Phyllis na sumigaw. "I'm just going to touch it."
"No." Tinignan siya nito ng masama. "Hindi pwede. Hindi ako papayag. Alam mo ang nangyari sa mga bulaklak ko dito noong humawak ka ng isa sa kanila. Katulad ng nangyari noong pumitas si Renesmee ng bulaklak, bigla na lang itong nalanta at natuyo."
Ngumuso si Nerrie at napatingin sa kaniyang kamay. "Hindi naman ito nangyayari noon. Noong hindi pa tayo isinumpa ni Erosho."
Masuyong ngumiti si Phyllis at tumabi ng upo sa kaniya. "Mahahanap din natin ang lalaking para sa atin na siyang lulunas sa sumpa ni Erosho."
"Sana nga." Ngumiti si Nerrie at yumakap kay Phyllis. "Gusto kong makita ang flower plantation mo."
"Hindi maaari!" Sabi ni Prinsesa Phyllis. "Please, huwag kang pumunta doon."
Natawa si Prinsesa Nerrie at tumayo. "Sige, maghahanda pa ako para sa pagbabalik ko sa trabaho ko bukas."
Napabuntong-hininga si Prinsesa Phyllis. "Aalis din si Nekiel patungong ibang bansa sa susunod na buwan para sa training at sa tournament niya."
"Ikaw na ang sikat." Natatawang sabi ni Nerrie at iniwan ang kaibigan sa kubo.
Bumalik siya sa loob ng kabahayan.
Nadaanan niya ang iba pang prinsesa sa sala at abala ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa.
Umakyat si Nerrie sa ikalawang palapag at nagtungo sa kaniyang kwarto. Kinuha niya ang bag at naglagay ng kaniyang mga damit.
Babalik na naman siya sa kaniyang trabaho.
Isang linggo ang leave niya sa trabaho dahil kailangan niyang paghandaan ang sumpa at alam niyang misyon ang sasalubong sa kaniya pagbalik niya sa Maynila.
PAGDATING niya sa Maynila, misyon agad ang sumalubong sa kaniya.
"Makakasama mo si Agent Ria sa misyong 'to, Agent Nerrie." The Director said.
"Okay, Director." Said Nerrie.
Napatingin ang Director at Nerrie sa pinto ng bumukas ito at pumasok si Agent Ria.
"I apologized for being late." Kaagad na sabi ni Agent Ria.
"It's okay, Agent Ria. You are just in time." Said The Director.
Nginitian naman ni Agent Nerrie ang bagong dating. Tumango si Agent Ria kay Nerrie. Umupo sila sa sofa.
"Now that the two of you are here already. Let's talk about your mission." Sabi ng Director.
Kinuha ng Director ang remote na nasa mesa nito at i-on ang malapad na monitor na nasa gilid. Bumungad sa kanila ang isang isla.
"That's the Yakuza's Island." Umpisa ng Director.
"Yakuza's Island?" Tumaas ang kilay ni Agent Ria at bumaling kay Agent Nerrie. Nagkibit-balikat lang naman ang dalaga.
"The owner is a Japanese, that's why he named his island Yakuza. Though he's really a Yakuza. Isa siya sa mga Japanese gangster at may protection siya mula sa isang Triad." Sagot ng Director.
"Okay."
"His name? Unknown. Ang misyon niyo ay alamin kung ano ang nasa loob ng islang 'yan."
"Director, you have said that he's a Yakuza and that means, crimes and illegal business are happening in that island. Number one is drugs." Nerrie said.
"According from my source, it's more than that, Lazaro. It's not just drugs are in that island. Kaya kayo ang inutusan ko dahil alam kong magagawa niyo ng maayos ang misyon. The yacht is ready at the port."
"Where we can find that island, Director?" Tanong ni Agent Ria.
"The coordinates will be send for the both of you."
Sabay na tumango si Agent Nerrie at Agent Ria. Tumayo ang mga ito.
"Permission to leave, Director." Sabay na sabi ng dalawa.
"Go." Sagot ng Director.
Lumabas ang dalawa sa opisina ng Director at nagtungo sa weapon's room. Kumuha ng baril si Agent Ria at si Agent Nerrie naman ay isang katana ang kinuha.
"You love katana's." Agent Ria commented.
"And you love gun's." Nerrie commented back.
The both chuckled.
Pero napaisip si Agent Ria. I never saw her used a gun, not even once.
Pagkakuha ng sariling armas. Lumabas ang dalawa sa weapon's room at tinungo ang elevator. Agent Nerrie pushed the first floor button.
When the exited from the elevator, one of their co-agents waiting for them.
"Here's the key." Sabi nito. "That car," itinuro nito ang kulay itim na kotse, "is the fastest car we have invented. Please, huwag niyong gasgasan." Pakiusap nito.
"Can't promise it, Agent Rey. I'm sorry." Kaagad na sabi ni Agent Ria na ikinatawa ni Nerrie.
Napailing si Agent Rey at iniwan na ang dalawang babae. Kailangan na niyang ihanda ang mga gamit na kakailanganin niya dahil alam niyang magkakaroon ng gasgas ang kotse na gagamitin ng mga ito.
"So who will drive it?" Tanong ni Agent Ria.
"Ikaw na." Sagot ni Agent Nerrie.
"Okay."
Hindi naman sa ayaw niya. Hindi niya kasi alam kung papaano ang magmaneho. 'yon ang isa sa mga tinamad niyang aralin. She don't need it. Even though Abellardo adviced her that she need it. Hindi naman niya talaga kailangan ng kotse dahil kaya naman niyang maglaho at pumunta sa mga gusto niyang puntahan kung gugustuhin man niya. But Melissa forbid her. Kalamangan daw 'yon sa mga hindi katulad nilang hindi ordinaryong nilalang.
They both hopped in the car. Agent Ria started the engine.
"Woah!" Agent Ria exclaimed like she was amazed. "This car is smooth. I love it." Pinausad nito ang kotse palabas ng parking lot at ng makalabas sila ng compound ng Headquarters, agad nitong pinaharurot ang kotse.
They reached the Vitalis' port. May mga malalaking cruise ship ang nakadaong.
Kaagad silang sumakay sa yate na may naka-engraved na Director R.
And Agent Ria manuever the yacht towards the said coordinates.
The yacht travel for thirty-minutes before they reached the Yakuza's Island, pero sa medyo malayo sa isla itinigil ni Agent Ria ang yate.
"We need to swim to reach the island." Agent Ria said.
Nerrie sighed. "Good thing that we have a waterproof gadgets. We won't lose our connections in the HQ."
"Yeah." Sang-ayon ni Agent Ria.
They put their earpiece.
"It's 200 meters away from the Yakuza's island." Said The Director in their earpiece. "Can the two of you will make it?"
"Yes, Director." Sagot ni Nerrie.
"I think." Sabi naman ni Agent Ria.
Nerrie chuckled. "You're the one who suggested it."
Agent Ria sighed. "I'm actually regretting it now."
Napailing si Nerrie.
"Don't push it, Agents. I don't want to lose good agents." Sabi ng kanilang director.
"We can do this." Sabi ni Agent Ria at nauna ng tumalon sa tubig, after she put her goggles.
Nerrie did the same.
They swam towards the Yakuza's Island. Pero paminsan-minsan ay umaahon silang dalawa para huminga.
Nang makarating sila sa dalampasigan ay nagtago sila ni Agent Ria sa batuhan. Sabay silang sumilip at nakita nilang maraming mga nagbabantay sa paligid.
Inilapat ni Princess Nerrie ang palad niya sa lupa.
"What are you doing?" Nagtatakang tanong ni Agent Ria kay Nerrie.
Ngumiti lang si Princess Nerrie at pinakiramdaman ang mga nasa loob ng lupa. Tumaas ang sulok ng labi ni Nerrie ng maramdaman na marami ang mga kalansay. Marami na palang namatay sa islang 'to. Its a good thing. I can make them as my servant.
Habang si Agent Ria ay nagtataka sa ginagawa ni Agent Nerrie.
"Let's go." Sabi nito at tumayo.
Kumunot ang nuo niya. "Maraming mga bantay." Aniya.
"Alam ko pero sa daan na walang mga bantay tayo dadaan." Sabi nito.
"Nasa gitna ng isla ang mansion ng Yakuza." Sabad ng Director sa suot nilang earpiece.
Nauna ng naglakad si Agent Nerrie sa gilid ng mga batuhan.
"Director, napansin niyo bang medyo may pagka-weird si Agent Nerrie?" Hindi niya mapigilang maitanong sa Director.
Ria heard The Director sighed. "Napansin ko na noong una pa lang. May napansin akong kakaiba sa kaniya pero hinayaan ko na lang, inisip ko na lang na may kakaiba sa kaniya dahil sa kulay ng mata niya. Though talagang may kakaiba sa kaniya. I just can't pinpoint what is it."
"She have a violet eyes." Agent Ria said.
"Yeah and I feel that there's something different everytime I looked at her in the eye."
Napailing si Agent Ria. Pareho pala sila ng Director ng naramdaman kay Agent Nerrie. She sighed and followed Agent Nerrie.
Patuloy lang sa paglalakad si Agent Nerrie hanggang sa makarating sila sa likuran ng mansyon na nasa gitna ng isla na hindi napapansin ng mga armadong tauhan ng Yakuza.
Tumingin si Nerrie kay Agent Ria. "Be careful. They might see us."
Tumango si Agent Ria. There is something different about Agent Nerrie. I just can't say what it is. But there's really different about her.
At hindi alam ni Agent Ria kung guni-guni lang ba ang nakitang pagkislap ng mata ni Agent Nerrie.