"NERRIE Lazaro? Hindi ba nagresign na siya bago siya ikinasal?" Ani Ezekiel ng may pagtataka.
Tumango naman si Agent Ria at Director R.
"Sa sampung taon niya dito sa Escobar Intelligence Agency, may mga na-solve siyang mga mahihirap na kaso." Ani Director R.
"That's true. And she have a unique skill in solving a big case." Segunda naman ni Agent Ria.
Napailing si Ezekiel. "I think she's not going to come back here in the Agency. Mayaman ang asawa niya at doktor pa. At sa tingin ko hindi siya papayagan ng asawa niya na magtrabaho pa as secret agent."
"You have a point there, brother." Ani Director R.
"But Agent Nerrie are one of the agents here in Escobar Intelligence Agency have the capability to handle big and confidential cases." Agent Ria said.
Napabuntong-hininga naman si Ezekiel. "Ano ba ang meron sa kasong 'to?" Tinignan niya ang mga files na nasa loob ng envelope.
Lahat ay mga unsolved cases tungkol sa pagkawala ng mga bata. Karamihan sa mga nawawala ay mga street childrens at misteryo ang pagkamatay ng mga ito.
Cause of death: Unknown
Halos lahat ng files ay magkakapareho na 'unknown' ang pagkamatay ng mga batang natatagpuan. Sa loob ng envelope ay mga nakalagay pang CD's at USB.
"Mga CCTV footage ang laman ng mga 'yan. Pag-aralan niyo." Ani Director R.
"Okay. We will start now our work, Director." Sabi ni Ezekiel at nauna ng lumabas ng opisina ng Director. Nakasunod naman si Agent Ria sa binata.
Pinanood nila ang mga footage. Habang pinapanood ni Ezekiel ang mga CCTV footage, nakaramdam siya ng kilabot at tumataas rin ang balahibo niya sa katawan.
"Sino ang mga naka-cloak na kumukuha ng mga bata?" Nagtatakang tanong ni Agent Ria.
Umiling si Ezekiel. "I don't know."
"And they even have swords. Swords? May gumagamit pa ba ng swords na kidnapper ngayon?" Nakakunot ang nuo ni Agent Ria.
Napatitig si Ezekiel sa screen ng computer. Pinagmamasdan niya ang hitsura ng mga kidnapper. Actually, hindi naman niya makita ang hitusra ng mga ito dahil nakasuot ang mga ito ng itim na cloak. Kumunot ang nuo ni Ezekiel habang pinapanood ang huling footage. Sa footage, malinaw niyang nakita ang isa ring naka-cloak na nagligtas sa mga bata at walang hesitasyon na pinatay nito ang mga taong kumukuha ng mga bata.
At may hawak rin itong sword.
Napailing si Ezekiel at tinampal ang nuo. "Kung hindi 'yan kuha ng CCTV, hindi ko pa 'yan papaniwalan."
"Same here, Agent Zek." Agent Ria tapped his shoulder.
"Now I understand why this case was confidential. Dahil kung malalaman ito ng publiko baka pagtawanan ang mga alagad ng batas."
Tumango si Agent Ria. "You're right, Agent Zek. Maganda na confidential ang kasong 'to dahil alam kong mahihirapan tayo kung ano ba talaga ang nasa likod ng mga pagkawala at pagkamatay ng mga bata ng walang dahilan."
Muling tinignan ni Ezekiel ang mga files. Isang file ang nakakuha ng atensiyon. Ibinigay niya ito kay Agent Ria. Tumaas ang kilay ni Agent Ria.
"So we are going to start here. This is a fresh and new case."
"Yeah."
"Okay." Agent Ria shrugged. "Then let's go."
Tumango si Ezekiel at pinatay ang monitor. "Let's go." Ezekiel grabbed his leather jacket and his keys.
Lumabas sila ng Headquarters.
"Which car?" Tanong ni Ezekiel.
Kaagad namang itinuro ni Agent Ria ang itim na kotse na nakaparke sa gilid ng parking lot.
Napailing si Ezekiel at tumigin sa CCTV na nasa parking lot. Kumaway siya roon. Alam niyang pinapanood sila ni Director R. Palagi itong naka-monitor sa kanila.
Then his phone beeped.
From: Director R
'Use it but don't scratch it. That's my baby.'
Muling tumingin si Ezekiel sa CCTV at ngumisi. "Let's go." Aniya kay Agent Ria.
Kaagad namang sumakay si Agent Ria. Sumakay naman si Ezekiel sa driver seat. He started the engine and drove the car outside the parking lot. Kaagad niyang pinaharurot ang kotse ng makalabas sila ng parking lot patungo sa isang hospital.
Nang makarating sila Anderson's Medical Hospital, nagtungo si Ezekiel at Agent Ria sa morgue ng hospital. Ipinakita nila ang ID sa taong naroon na nagbabantay. Nang tumango ang nagbabantay, kaagad silang pumasok at natigilan pareho si Agent Ria at Ezekiel ng makita na naroon si Dr. Anderson at ang asawa nito.
Magsasalita sana si Ezekiel pero pinigilan siya si Agent Ria. Umiling ito.
Mukhang hindi naman sila napansin ng mag-asawa at patuloy ang mga ito sa pag-uusap.
"I don't see any sign that this kid was kiled by weapon or what. Hindi naman siya nalason." Ani Dr. Anderson.
"Sa tingin ko hindi tao ang gumawa nito, D, and worst hindi nga namatay ang batang 'to sa lason o ano pa man. Look at her. Hindi siya payapa. I'm afraid that this has something to do with Erosho." Ani Nerrie.
Nagkatinginan si Agent Ria at Ezekiel at sabay na tumikhim. Napatingin naman sa kanila ang mag-asawa. Halatang nagulat naman ang mga ito ng makita silang dalawa.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Nerrie sa dalawang agent.
Ipinakita naman kaagad ni Agent Ria ang isang dokumento kay Dr. Anderson. "Our document."
"Even I won't read it. Alam ko na kung ano ang nakalagay sa dokumento na 'yan. You can now examine the body." Ani Dr. Anderson.
"Okay. Thank you, Doc." Ani Agent Ria at tinupi ang papel at ibinulsa.
Nilapitan naman ni Ezekiel ang katawan ng bata. He wear gloves before he examined the body. Ganun din ang ginawa ni Agent Ria.
"Tama ang mga nakalagay sa mga reports na dumating sa ahensiya. Walang senyales kung ano ang ikinamatay ng batang 'to. But I noticed that her face wasn't peaceful." Ani Ezekiel habang pinagmamasdan ang mukha ng bangkay.
Tumingin naman si Dimitri kay Nerrie. Umiling naman si Nerrie, senyales na huwag siyang magsalita. Tumango si Dimitri at tumingin sa dalawang agent. Humawak si Nerrie sa braso ng asawa. "Mukhang ito ang dahilan kung bakit kami pinapauwi ni Melissa sa probinsiya."
"Magtatagal ka ba?" Tanong ni Dimitri.
Umiling si Nerrie. "Hindi naman siguro. Babalik naman ako kaagad."
"Okay."
Ezekiel looked at Dr. Anderson. "Do you have any opinion kung ano ang dahilan kung bakit namatay ang bata. Don't worry, Doc, tayo lang naman ang nandito. We will keep it as confidential."
Umiling si Dimitri. "Wala kaming nakitang internal fracture o ano pa man. Wala ring sakit ang bata. Kaya pati ako nagtataka rin kung ano ang ikinamatay ng bata."
"They are street childrens, posible kaya na ang dahilan ng pagkamatay nila ay food contamination." Agent Ria sighed. "Mahirap ang kasong 'to dahil para tayong naghahanap ng karayom sa bukid. Anyway, tapos na tayo dito, Agent Zek. Subukan nating pumunta sa mga parke at mahgtanong sa mga bata doon para malaman natin kung sino ang mga kumukuha ng mga bata."
"Okay." Sagot ni Ezekiel at hinubad ang suot na gloves at itinapon sa trash bin.
Nagpaalam na ang dalawa sa mag-asawa.
Napabuntong-hininga naman si Nerrie habang nakatingin sa dalawang agent na paalis na. Nang makalabas ang dalawa, tumingin si Dimitri sa asawa.
Nilapitan ni Nerrie ang bankay ng bata at itinapat ang kamay sa ulo nito.
"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Dimitri sa asawa.
Hindi sumagot si Nerrie kaya pinanood na lang ni Dimitri ang ginagawa ng asawa. May lumabas na kulay lilang usok sa kamay nito at pumasok 'yon sa ulo ng bata.
Biglang napaatras si Dimitri ng biglang nagdilat ang mata ng bata.
Tumawa naman si Nerrie sa reaksiyon ng asawa. Pumikit rin ang mata ng bata kasabay nito ang pagkawala ng kulay lilang usok sa kamay ni Nerrie.
"Okay ka lang?" Natatawa niyang tanong kay Dimitri.
Dimitri shooked his head. "Next time, please, inform me when you do this. Ayaw ko ng makakita ng bangkay na biglang didilat ang mata."
Nerrie chuckled. "Sorry, D. But I think alam ko na kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng batang 'to. Tama ang hinala ko."
"What is it?"
"His spirit was gone. Kaya madali kong nakontrol ang katawan niya."
PALAKAD-LAKAD si Agent Ria at Ezekiel malapit sa mga batang lansangan. Pasimple silang nag-oobserba sa paligid. Wala namang makita si Ezekiel na kahina-hinala sa mga taong nasa paligid nila. Ezekiel sighed. Kailangan nilang ma-solve ang kasong hawak nila. Pero ang ipinagtataka talaga ni Ezekiel ay ang pagkawala ng mga bata at matatagpuan na lang ang mga ito na bangkay na lang. At ang nakakapagtaka, hindi malaman ng mga dalubhasa kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng mga batang namamatay. Wala naman ang mga itong internal injury o ano pa naman.
"Let's split. Titingin ako sa kanan, ikaw na sa kaliwa." Ani Ezekiel.
"Okay."
Naglakad si Ezekiel patungo sa karamihan ng tao. Tahimik na pinagmamasdan ni Ezekiel ang paligid hanggang sa may makita siyang tao na nagtatago sa likod ng isang malaking puno. At nararamdaman niyang may mga matang nakatingin sa kaniya. Pasimple siyang tumingin sa paligid. Wala naman siyang makita na nakatingin sa kaniya.
Natigilan si Ezekiel ng maramdaman na iba ang ihip ng hangin.
Ano 'yon? Tanong niya sa sarili.
Iba talaga ang pakiramdam niya sa paligid niya. Ezekiel crossed his arms and walk towards the kids playing. Napatigil sa paglalakad si Ezekiel ng may mapansin siya sa halamanan. Naglakad siya patungo sa halamanan pero wala naman siyang nakitang kakaiba ... maliban sa isang bagay na nakakalat sa damuhan. Isang owl keychain.
Pinulot ni Ezekiel ang keychain at pinagmasdan. Maganda ang keychain, it's a glass keychain. Naalala niya si Dayne dahil sa keychain. Napangiti si Ezekiel at ibinulsa ito. At naglakad pabalik sa pinanggalingan niya kanina. Baka naroon na si Agent Ria at hinihintay siya.
Nang makaalis si Ezekiel, lumundag paibaba si Prinsesa Dayne mula sa itaas ng puno. Tumingin siya sa paligid at wala namang nakatingin sa kaniya. Tinignan niya ang likuran ni Ezekiel na naglalakad palayo. Mabuti na lang at sinundan niya ang binata sa pagpunta nito sa park.
Tumalim ang mata ni Prinsesa Dayne habang nakatingin sa mga alagad ni Erosho na nasa hindi kalayuan. Alam niyang si Ezekiel ang pakay ng mga ito. Naglaho si Prinsesa Dayne at lumitaw sa likuran ng mga alagad ni Erosho. Hindi na niya binigyan ang mga ito ng pagkakataon na lumingon pa sa kaniya. Lumitaw ang sandata niya sa kamay at mabilis na pinaslang ang mga alagad ni Erosho.
Naging abo ang mga ito at kumalat sa lupa ang abo. Napailing si Prinsesa Dayne at napatingin sa alaga niyang kwago na nasa sanga ng puno. "Kaibigan, aalis ako at uuwi ng probinsiya. Ikaw na muna sanang bahala kay Ezekiel."
"Huwag kang mag-alala, mahal na prinsesa. Babantayan ko siya." Sagot nito.
Tumango si Prinsesa Dayne at ngumiti. "Salamat, Kaibigan."
Aalis na sana si Prinsesa Dayne pero natigilan siya ng may maisip siyang ideya. Nilingon niya ang alaga. Nagsambit siya ng inkantasyon at sabay silang naglaho. Lumitaw sila sa loob ng bahay ni Prinsesa Dayne.
"Bakit mo ako isinama?" Tanong ng alaga niya.
Ngumisi si Dayne at humawak sa kaniyang baba. "May naisip akong magandang ideya para makapag-enjoy ka habang binabantayan mo si Ezekiel."
Kumurap ang kwago. "Anong ideya, mahal na prinsesa?" Tanong nito at lumapat ang paa sa sofa.
Ngumisi si Prinsesa Dayne at lumitaw sa kamay niya ang isang staff. Itinuro ni Prinsesa Dayne ang staff sa alagang kwago. Biglang nagbago ang anyo ng kwago at naging isa itong magandang batang babae. Napangiti si Prinsesa Dayne at lumuhod para magkapantay sila ng alaga-este ng bata.
"Ano ang itatawag ko sa 'yo?" Tanong ni Prinsesa Dayne.
Tumingin naman ang bata sa sarili nito.
"Hmm...siguro, tatawagin na lang kitang Diana. Gusto mo ba?" Nakangiting sabi ni Prinsesa Dayne.
"Oo, mahal na prinsesa. Maraming salamat."
Ngumiti si Dayne. "Magiging tao ka tuwing umaga at babalik ka sa dati mong anyo tuwing sasapit ang gabi."
Tumango ang batang Diana. "Oo, mahal na prinsesa."
Inilahad ni Prinsesa Dayne ang palad at lumitaw doon ang isang bracelet. Isinuot niya ito sa bata. "Ito ang magsisilbing proteksiyon mo at kung anuman ang hiling mo, ibibigay ng porselas na ito. Magagamit ako habang wala ako. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik pero sa tingin ko hindi kaagad ako makakabalik dahil mukhang seryoso ang pag-uusapan namin dahil pinapauwi kami ni Melissa sa probinsiya."
"Huwag kang mag-alala, mahal na prinsesa. Babantayan ko ang lalaking itinakda sa inyo."
"Salamat, Diana." Hinawakan ni Prinsesa Dayne ang ulo ng alaga.
Ngumiti si Diana bago naglaho.
KINABUKASAN.
Napabuntong-hininga si Prinsesa Dayne at naglaho. Lumitaw siya sa living room ng mansyon nila Prinsesa Nerrie. And it so happen na nakaupo ang asawa nito sa pang-isahang sofa habang nagbabasa ng newspaper.
She tsked. "Hindi na uso 'yan ngayon."
Mabilis na tumingin sa kaniya si Dimitri. Ngumisi si Prinsesa Dayne. "Surprise."
Napailing si Dimitri. "Hintayin mo si Nerrie. Bababa na 'yon."
She shrugged her shoulder. "Okay."
Itinupi ni Dimitri ang newspaper na hawak at inilapag sa center table. "Refreshment?" Tanong niya sa kaibigan ng asawa.
Umiling si Prinsesa Dayne. "I'm good. Huwag ka ng mag-abala pa."
"Okay."
"Dayne!" Tawag sa kaniya ni Prinsesa Nerrie habang pababa ng hagdan.
"Nerrie, carefule. I told you not to run while descending at the stair case." Ani Dimitri sa asawa.
"Sorry." Nerrie smiled and looked at her friend. "Let's go?"
Tumango si Prinsesa Dayne at tumayo. "Let's go."
Ibinato ni Nerrie ang susi kay Dayne na kaagad namang sinalo ng huli. Kumunot ang nuo ni Prinsesa Dayne. "Anong gagawin ko dito?"
Umirap si Prinsesa Nerri at balak sanang piloso[ohin ang kaibigan pero pinili niyang huwag na lang at sinagot na lang ito ng matino. "Ikaw na magmaneho."
Si Prinsesa Dayne naman ang umirap. "I'm lazy today to do driving. Let's just use our magic." Ibinato niya ang hawak na susi sa asawa ni Prinsesa Nerrie na mabilis namang nasalo ni Dimitri. "We're leaving." Inakbayan niya ang kaibigan at nginitian si Dimitri. "Hihiramin ko muna ang asawa mo, Doc. Ibabalik ko rin siya. So..." Ngumisi si Prinsesa Dayne at naglaho silang dalawa ni Prinsesa Nerrie.
Napailing naman si Dimitri.
Lumitaw si Prinsesa Dayne at Prinsesa Nerrie sa labas ng mansyon ng kanilang Tatay Abellardo. Sabay silang pumasok sa loob at si Prinsesa Phyllis pa lang ang naroon.
"Nasaan ang iba?" Tanong ni Prinsesa Nerrie.
"Wala pa." Sagot ni Prinsesa Phyllis habang abala sa paglalagay ng bulaklak sa plorera.
Umupo si Dayne at Nerrie sa mahabang sofa.
"How's life?" Tanong ni Phyllis sa dalawa.
Ngumiti si Nerrie. "Happy."
Dayne tsked. "Miserable."
"Why?" Magkasabay pang tanong ni Phyllis at Nerrie.
"Wow, ah. Parang hindi niyo alam ang dahilan." Inirapan ni Prinsesa Dayne ang dalawang kaibigan.
Ngumiti naman si Prinsesa Nerrie at hinawakan ang kamay niya. "Magiging okay din ang lahat, Dayne. Napagdaan ko na 'yan. Mahirap talaga pero malalagpasan mo din 'yan."
"Kung tatanggapin niya ako." Ani Prinsesa Dayne.
"Of course, tatanggapin ka niya." Sabad ni Prinsesa Phyllis.
"Wow, ah. Sigurado ka?"
"Oo naman. Tanong mo kay Melissa."
"Ano ba 'yon? Narinig ko ang pangalan." Sabi ni Melissa habang pababa ng hagdan.
"Alam mo na 'yon." Sabi ni Prinsesa Nerrie.
"Oh." Melissa reacted. Tumingin siya kay Prinsesa Dayne. "Akong bahalasa lovelife mo. Katulad kay Prinsesa Nerrie na pinakialaman ko. Papakialaman rin kita."
Dayne shrugged. "Bahala kayo basta walang mapahamak."
Ngumiti si Melissa. "Lalabas ako saglit. Babalik ako kapag nandito na kayong lahat."
"Okay." Sagot ng tatlo.
At pinakialaman ni Dayne at Nerrie ang mga bulaklak na inaayos ni Prinsesa Phyllis.