KABANATA 25

2578 Words
                    HINDI pumasok si Dayne sa restaurant niya sa mga sumunod na araw at ang isang chef muna ang namamahala. Abala sa isang importanteng bagay. Nakatingin si Dayne kay Ezekiel habang nasa itaas siya ng isang malaking puno. Pinagmamasdan niya ito habang abala ito sa isang misyon. Nasa isang parke. May kasama na babae si Ezekiel. Dayne wondered who's that woman? Siguro katrabaho ito ng binata. "Alam mo kaysa tinitignan mo siya sa malayo. Bakit hindi ka magpakita sa kaniya?" Napatingin si Prinsesa Dayne kay Prinsesa Phyllis na nakaupo sa isang puno. Kumunot ang nuo ni Prinsesa Dayne. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka niyang tanong. Nagkibit ng balikta si Prinsesa Phyllis at kumuha ng isang dahon. "Wala. Naisipan ko lang na sundan ka." Napabuntong-hininga si Prinsesa Dayne at muling tumingin kay Ezekiel na abala sa pakikipag-usap sa mga kasamahan nito. "Isang makising na nilalang." Ani Prinsesa Phyllis habang nakangiti. Tahimik lang naman si Prinsesa Dayne at napansin 'yon ni Prinsesa Phyllis. "Ayos ka lang ba, Dayne?" Umiling si Prinsesa Dayne habang nakatingin kay Ezekiel. "Aaminin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko." Ngumiti si Prinsesa Phyllis at binitawan ang dahon na hawak. "Sa ating mga prinsesa, kayo nila Prinsesa Renesmee, Prinsesa Nekiel, at Prinsesa Mavielyn, wala kayong kinatatakutan pero hindi ko inisip na darating ang araw na 'to na sasabihin mong hindi mo alam ang gagawin mo. Lahat ng problema nabibigyan niyo ng solusyon." Dayne sighed. "Kapag nakita mo na ang nilalang na magpapatibok ng iyong puso. Maiintindihan mo ako at alam kong ganito rin noon ang nararamdaman ni Prinsesa Nerrie." Ngumiti lang si Prinsesa Phyllis at tinignan si Ezekiel. Pumutol siya ng maliit na sanga. "Phyllis, huwag mong ituloy ang nais mong gawin." Babala ni Prinsesa Dayne. Napatigil ang kamay ni Prinsesa Phyllis na nakaangat sa ere. Balak niya sanang ibato ang sanga kay Ezekiel. "Phyllis." Dayne warned. Napabuntong-hininga si Prinsesa Phyllis at binitawan ang sanga, nahulog ito sa lupa. Nakaisip naman ng isang kalokohan si Prinsesa Phyllis. Naglaho siya sa kinauupuan na sanga at lumitaw sa likuran ni Prinsesa Dayne. Bigla niyang itinulak ang kaibigan kaya nahulog ito pero sinuguro naman niyang hindi ito nasaktan sa pagbagsak nito sa lupa. Pinalago niya ang mga halaman na kinabagsakan nito. Biglang tumingin si Ezekiel sa malaking puno na nasa malapit. Parang may nahulog kasi doon. Tinignan naman ni Prinsesa Dayne ang kaibigan ng masama. Ngumiti lang naman si Prinsesa Phyllis at kumaway. Tatayo na sana si Dayne ng may naramdaman siyang nilalang sa kaniyang likuran. "Let me help you." Nanlaki ang mata ni Dayne ng makilala ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Bumilis rin ang t***k ng kaniyang puso. Mabilis niyang nilingon si Ezekiel. Nagulat naman si Ezekiel ng makita si Dayne. "Dayne?" Tinulungan niya itong tumayo. "Ayos ka lang ba? Anong nangyari? May narinig ako kaninang bumagsak dito. Hindi ko alam na ikaw pala 'yon." Tumingin si Ezekiel sa itaas ng puno. "Umakyat ka ba? Huwag mo ng ulitin." "Salamat. Hindi ako umakyat. Hindi ako marunong na umakyat." Tumingala rin siya itaas at nakita niyang nakangisi si Prinsesa Phyllis. Hindi ito nakikita ni Ezekiel dahil isa itong mortal. Tumingin si Ezekiel kay Dayne. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa dalaga. Ngumiti ng tipid si Dayne. "Namamasyal lang ako." Napatango si Ezekiel at nag-iwas ng tingin. Doon naman napuna ni Dayne ang pamumula ng binata. Pinigilan ni Dayne ang ngiti na gustong kumawla sa kaniyang labi at tumikhim na lang. "Mauuna na pala ako sa 'yo, Kiel. May gagawin pa ako sa restaurant ko." Paalam ni Dayne sa binata. Hindi niya kayang makasama ito ng matagal dahil walang tigil ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. "A-anong itinawag mo sa akin?" Tanong ni Ezekiel. Ngumiti si Dayne. "Wala. Sige. Mauna na ako." "Wait!" Pigil ni Ezekiel sa dalaga. "Hmm? Ano 'yon?" Dayne acted normal. Kahit pa na nasa loob niya ay hindi siya mapakali. "Papunta ka sa sabi mo sa restaurant mo. Ihatid na kita." Ezekiel offered. Napapangiti naman si Agent Ria na nakikinig sa usapan ng dalawa. Actually, kanina pa siya sa malapit ng mga ito pero mukhang hindi siya napansin. Mukhang inlove si Agent Zek. Nakikita niya ito sa kislap ng mga mata nito ang paghanga nito sa babaeng kausap nito. Maganda ang babae pero para kay Agent Ria, kakaiba ang ganda nito. She's a woman pero masasabi niyang ngayon lang siya nakakita ng babaeng kakaiba ang ganda. Hindi niya alam pero she finds the woman different. Hindi niya rin masabi kung bakit. "Hindi na kailangan. Mukhang abala ka sa trabaho mo." Ani Dayne. "Tumanggi ka pa talaga." Ani Prinsesa Phyllis. Si Prinsesa Dayne lang ang nakarinig sa sinabi nito at hindi ito narinig ni Ezekiel. Pasimpleng tumingin sa itaas ng puno si Prinsesa Dayne at tinignan ng masama ang kaibigan na pangisi-ngisi lang at naglaho. "I insist and besides tapos naman na ang trabaho namin dito ni Agent Ria. Halika ka na." Hinawakan ni Ezekiel ang siko ni Dayne para alalayan ito. Kaagad na nakaramdam si Dayne ng kuryente. "Sandali. Paano ang kasama mo?" Tanong ni Dayne habang nakatingin kay Agent Ria na nasa malapit lang. Kumaway naman si Agent Ria. "I'm okay, Darling. Hayaan mo na lang si Agent Zek. Ngayon lang siya nagpakita ng pagsuyo sa isang babae." Kumindat si Agent Ria kay Agent Zek. "Agent Ria, tumahimik ka diyan." Ani Ezekiel sa co-agent nito. "Halika ka na, Dayne. Iwan na natin ang isang 'yan. Naka-drugs yata kaya hindi niya alam ang kaniyang sinasabi." Agent Ria just chuckled. Iginiya naman ni Ezekiel si Dayne patungo sa sasakyan. Hindi alam ni Ezekiel ang nararmdaman habang kasama niya sa loob ng sasakyan si Dayne. Mabilis ang t***k ng puso niya at hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Ezekiel sighed and focused himself on driving. Mahirap na kung hindi siya mag-iingat sa pagmamaneho may kasama pa naman siya. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa hanggang sa makarating sila sa Dayne's Restaurant. Ngumiti si Dayne. "Salamat sa paghatid." Tumango si Ezekiel. "Wait. I'll open the door for you." "Thank you."  Ezekiel smiled and stepped outside the car and opened the door beside Dayne. Bumaba ng sasakyan si Dayne. "Have you eat your lunch?" Dayne asked and smiled. Wala naman sigurong masama kung siya ang gagawa ng first move di'ba? And besides siya rin lang ang makikinabang sa huli. She need Ezekiel to cure her curse. Umiling si Ezekiel. "Hindi pa nga." "Okay. As my p*****t. Treat ko na ang lunch mo." "Ikaw ang magluluto?" Dayne nodded. "Okay. Let's go." Pumasok silang dalawa sa loob ng restaurant. "Sa office ko na lang." Ani Dayne. Tahimik naman na sumunod si Ezekiel sa dalaga. Pumasok sila sa opisina nito. Inside there was a kitchenette. "Umupo ka na lang muna diyan." Ani Dayne habang nagsusuot ng apron. Pinagmasdan naman ni Ezekiel ang loob ng opisina ni Dayne. Isang figurine ang nakaagaw ng atensiyon niya. Ang isang glass owl figurine na nasa desk nito. Nilapitan ni Ezekiel ang figurine. "That glass owl figurine is one of my favorite." Sabi ni Dayne habang nakaharap ito sa stove. "It's beautiful." Komento ni Ezekiel. "Thanks." Dayne smiled. "Mahilig rin si Tita Rina ng mga figurine. Ang dami nga niyang collection." Ani Ezekiel habang pinagmamasdan pa rin ang glass owl figurine. "Tita? Bakit hindi ba mommy mo?" Tanong ni Dayne. Natigilan si Ezekiel at napabuntong-hininga. "Patay na ang pamilya ko." Nilingon ni Dayne ang binata. "I'm sorry." "It's okay. Matagal naman na 'yon." Matagal na nga 'yon pero hanggang ngayon, hinahanap niya pa rin ang hustisya sa pagkamatay ng pamilya niya at hindi siya titigil hangga't hindi niya nahahanap ang mga taong pumatay sa pamilya niya. Actually, may lead na sila. But they needed to comfirm it first. Ezekiel sighed. "May I ask something?" "What is it?" Dayne asked. "Buhay pa ba ang parents mo?" "Oo pero nasa malayong lugar sila." Sa Arwood. "Natitiis mo ang malayo sa kanila?" Tanong ni Ezekiel. Nagkibit ng balikat si Dayne. "What's the use kung magkakasama kami kung hindi rin nila ako bibigyan ng kalayaan na gusto ko. Mula bata sila ang nagdedesisiyon para sa akin. At isa pa ayaw ko ang patakaran sa mundo--" napataigil sa pagsasalita si Dayne. It's not time yet para malaman ni Ezekiel ang tungkol sa Arwood."--ng mga magulang ko." "Oh. That bad." Komento ni Ezekiel. Wala sa sariling napapatitig siya sa likod ni Dayne. Kumunot ang nuo ni Ezekiel habang pinagmamasdan ang dalaga. Dayne's back is somewhat familiar to him. Parang nakita na niya ito dati pero hindi naman niya maalala kung saan. Ezekiel sighed and sat on the sofa. He leaned on the sofa and he closed his eyes. But he just saw a blood. Kaagad na nagmulat ng mata si Ezekiel at huminga ng malalim. Hindi talaga siya titigilan ng nakaraan niya.                     DIRECTOR R was looking at the picture of a tattoo, a tattoo of black snake. Ito ang larawan na nakita niya noon na nasa study table ni Ezekiel. "Ang black snake tattoo ay simbolo ng tattoo ng isang gang, Director." Agent Ria said. Reigo nodded. Kumunot ang nuo niya. "Where's Zek?" Ngumisi lang si Agent Ria. "Busy sa lovelife niya." Napailing si Reigo. "Mas mabuti na 'yon, Director, para naman kahit papaano malibang si Agent Zek." Reigo sighed. "Sino ba 'yong babae? I bet maganda 'yan." Though kilala na niya kung sino ang babae ni Ezekiel. Agent Ria smiled. "Hindi ko kilala, Director, pero... isa lang ang masasabi ko. Ang ganda niya. Sobra." Reigo chuckled and shooked his head. "Okay. Let's get back to work." Agent Ria sighed. Nagseryoso ito at tumingin sa Director. "Director, ang blake snake tattoo ay ang simbolo ng black snake gang. Isa sila sa mga gang dito na bansa na pinaghahanap ng batas." Director R sighed. "May koneksiyon kaya sila sa mga taong pumatay sa pamilya ni Ezekiel?" "I don't know, Director. 'Yon ang inaalam namin ni Agent Zek but he's busy with his lovelife so I guess ako muna ang magtatrabaho sa ngayon, Director." Director R smiled. "Your right. Mabuti na rin 'yon para may distraction siya. We grown together and I know how much hatred was in his heart for the people who killed his family and thanks to the woman who distracted him. Para naman kahit papaano makalimutan niya ang mga mga nangyari sa buhay niya." "You really cared for him, Director." Agent Ria commented. Director R smiled. "He's my brother." Ngumiti si Agent Ria kapagkuwan nauwi sa ngisi ang ngiti niya. "Ikaw ba, Director? Kailan naman kami magkakaroon ng 'Lady', mukhang uunahan kayo ni Agent Zek na magkaroon ng asawa." Director R shooked his head. "It's okay. At isa pa wala pa naman akong nakitang babae na may kulay berdeng mata." "Ah, you love green, Director?" Director R shrugged. "I just see that color amazing. I don't know but I really do love green color." Agent Ria shooked his head and smiled. "Mukhang uunahan talaga kayo ni Agent Zek." "Yes? I heard my name." Napalingon sila sa pintuan ng opisina and Agent Zek entered. Tumaas ang kilay ni Reigo at itinuro si Agent Ria. "Agent Ria said that you have a date." Ezekiel shrugged. "Tapos na. Oh. Pagkain niyong dalawa." Sabay lapag niya sa table ni Reigo ang dalawang paper bag. "What's this?" Tanong ni Agent Ria. "Kasasabi ko lang... pagkain." Sagot ni Ezekiel at napailing. Ibinagsak niya ang katawan sa sofa. Ezekiel sighed. "May problema?" Tanong ni Reigo sa kapatid. Umiling si Ezekiel. "May iniisip lang ako." "Sino? Si...ah, I don't know her name." "Dayne." Ani Ezekiel at nilingon si Agent Ria. "Kumain ka na nga diyan. Huwag mo akong kausapin may iniisip ako." "Sungit." Agent Ria tsked. Napailing naman si Reigo habang nakatingin sa kapatid at kumain na lang. He's very sure na may gumugulo dito. Kilala niya si Ezekiel. Oras na tumahimk ito, may malalim itong iniisip. Ezekiel messed his own hair and blews a loud breath. Naalala niya ang nangyari kanina sa restaurant ni Dayne. Hindi niya alam kung namamalik-mata siya o hindi. "So mahilig kang magluto?" Aniya sa dalaga habang nakaharap ito sa stove. "Actually, hindi ko naman hilig ang pagluluto dati. Kailangan, eh." Sagot ni Dayne. Napatango si Ezekiel. kakausapin na lang niya ang dalaga. Ayaw niyang ipikit ang mga mata niya dahil marami siyang mga nakikitang dugo na nagkalat sa sahig. Ezekiel sighed. Tumayo siya at tinignan ang niluluto ni Dayne. "Hmm... amoy pa lang masarap na." Ezekiel said and smiled. Ngumiti naman si Dayne at natigilan ng makitang magkalapit sila ng binata. Her heart was beating so fast. But then she heard by her sharp hearing, malakas at mabilis din ang kabiog ng dibdib ni Ezekiel. Kinuha ni Ezekiel ang isang kutsilyo at tinulungan ang dalaga na maghiwa ng ingredients. Could it be that they have the same feeling to each other? "Prinsesa Dayne!" Ani ng isang boses. Nagulat si Ezekiel at naitutok ang hawak na kutsilyo sa nagsalita. He was shocked to see Dra. Morales. But then nagtaka si Ezekiel, hindi niya nakitang bumukas ang pinto at bigla na lang lumitaw si Dra. Morales. "Renesmee...a-anong ginagawa mo dito?" Biglang kinabahan si Dayne dahil sa biglaang paglitaw ni Renesmee. Alam niyang kahit hindi nakatingin ang binata sa pinto kanina. Alam niyang napansin nito ang nangyari. "Paano ka nakarating dito Doktora?" Nagtatakang tanong ni Ezekiel. "Hindi kita nakitang pumasok sa pinto." Kalmadong ngumiti si Prinsesa Renesmee. "Abala ka kasi sa ginagawa mo kaya hindi mo ako napansin." Ibiniling niya ang atensiyon kay Prinsesa Dayne. "Kailangan mong umuwi sa probinsiya. May importante tayong pag-uusapan nila Melissa." Tumango si Prinsesa Dayne. "Darating ako." "Lahat tayo ay kailangang naroon." Ani Prinsesa Renesmee. "Okay." "Sige. Maiwan ko na kayong dalawa. Enjoy." Paalam ni Prinsesa Renesmee sa dalawa. And this time sa pintuan na ito dumaan. Napatingin si Ezekiel kay Dayne. Ngumiti lang ang dalaga at nag-iwas ng tingin. Ezekiel sighed. Nakaharap siya sa pintuan kanina at hindi niya napansin na bumukas ang pinto. Then biglang na lang nagsalita si Dra. Morales. Napailing si Ezekiel at tumingin kay Director R. "Wala bang bagong misyon ang dumating?" Tanong niya. "Mayroon pero mamaya ko na sasabihin. Kumakain pa ako. Huwag mo akong istorbohin." Anito. "Okay." Ezekiel crossed his arms. Tahimik lang silang tatlo sa loob ng opisina at ng matapos ang dalawang kumain. Kaagad silang nag-meeting. "Habang ginagawa niyo ang kaso tungkol sa pamilya mo, Zek. May dumating na bagong misyon, ikaw ang gusto kong tumingin sa kasong 'to." Ani Director R. "Okay. Tungkol ba saan ito, Director?" "Nagpapatulong ang gobyerno tungkol sa isang kaso na hindi nila maresolba." "That one got my interest." Sabi kaagad ni Ezekiel. "What kind of case?" Napabuntong-hininga si Diector R. "Confidential case. Actually, limang buwan na ang nakaraan pero this case was still unsolved. Tungkol ito sa nawawalang mga bata at natatagpuan na lang ang mga katawan nila saan-saan. Ang ipinagtataka lang ng mga pulis, wala silang makitang senyales kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng mga bata." Kumunot pareho ang nuo ni Ezekiel at Agent Ria. "This is my first time to encounter this kind of case." Ani Agent Ria. "Same." "Here. Pag-aralan niyo. Nandiyan na ang lahat ng mga kailangan niyo. Just ring me if you need help." Ani Director R at inilapag nito ang isang envelope sa table. "Okay." Ani Ezekiel.  Pinulot niya at tinignan ang laman ng envelope. "I think if in this kind of confidential case, we need her." Ani Agent Ria. Kumunot ang nuo ni Ezekiel. "Who?" "Nerrie Lazaro." Sabay na sabi ni Director R at Agent Ria. "Oh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD