KABANATA 27

2597 Words
                    NAPABUNTONG-HININGA si Prinsesa Dayne habang nakasandal sa sofa. "Hindi pa ba sila dadating?" Tanong niya kay Melissa na nakaupo sa single sofa. "Parating na sila, mahal na prinsesa." Dayne rolled her eyes. "Kailan? It's already six in the evening." Prinsesa Nerrie chuckled. "Baka bukas pa sila dadating. Lalo na si Prinsesa Nekiel na manggagaling pa sa ibang bansa." "Tsaka bakait ka ba nagmamadali?" Tanong ni Prinsesa Phyllis habang pinaglalaruan ang isang tangkay ng bulaklak na hawak nito. "Nag-aalala ako sa alaga ko. Baka kung ano ang mangyari do'n. Sa kaniya ko ibinilin si Ezekiel." Ani Dayne. "Naks naman. Halatang inlove na siya kay 'the one'." Natatawang sabi ni Prinsesa Nerrie. "Nerrie, shut up ka diyan. Hindi porke nahanap mo na ang 'the one' na sinasabi mo. May karapatan ka ng asarin ako." Sabi ni Dayne sa kaibigan. "Bakit? Ano ba kasing nangyari at ibinilin mo sa alaga mo si Ezekiel?" Tanong ni Prinsesa Phyllis. "Nasa paligid lang ang mga tauhan ni Erosho. Sa katunayan ay may nakalaban ako na alagad niya bago ako nagtungo rito." Kwento ni Prinsesa Dayne. "Really, huh?" Napailing si Prinsesa Nerrie. "I'm afraid that they turned into ashes." "They deserved it." Dayne tsked. Si Melissa naman ay tumingin kay Prinsesa Nerrie. "Speaking of Erosho. We should be more vigilant. He can attack us anytime." "Noted." Sagot ng tatlong prinsesa. "I'm hungry." Ani Prinsesa Phyllis. "Mukhang hindi na dadating ang anim na prinsesa. Mukhang bukas na nga sila dadating." "Bukas na talaga sila dadating. Halina kayo at kumain." Aya ng kanilang Tatay Abel na kalalabas lang ng kusina. Kaagad naman silang tumayo at nagtungo sa kusina. Tinulungan nila si Tatay Abel na naghanda ng hagpakainan. "Naalala ko, Prinsesa Nerrie, it's been one month since your wedding. Any good news?" Tanong ni Melissa habang kumakain sila. Kumunot naman ang nuo ni Prinsesa Nerrie. "What good news?" Napairap naman si Prinsesa Dayne. "Good news? Kung buntis ka na ba o hindi pa?" Deretsa niyang saad. "You're too straightforward, mahal na prinsesa." Sabi ni Prinsesa Phyllis. Dayne smiled. "I know. Pero ako lang ba ang prangka kung magsalita sa ating mga prinsesa?" "Yeah, right. Don't forget Prinsesa Renesmee. Deretsahan rin ang isang 'yon kung magsalita." Ani Melissa. Kapagkuwan napatingin silang apat kay Tatay Abel na tahimik lang na kumakain. "Tay, okay lang kayo?" Tanong ni Prinsesa Phyllis. "Ang tahimik niyo." Sabi ni Prinsesa Nerrie. Ngumiti naman si Tatay Abel. "I'm okay. May iniisip lang ako." "Balik tayo kay Prinsesa Nerrie, wala pa ba? Wala pang little Dimitri o little Nerrie?" Nakangising tanong ni Prinsesa Dayne. Nerrie blushed and said, "Wala pa. Masyadong kayong excited." "Mabagal pala si Dimitri." Biglang sabad ni Tatay Abel. "Tay!" Tumawa lang naman si Tatay Abel at napailing. "In Arwood, only one month after the consummation of a couple. The woman would get pregnant." Melissa sighed and looked at Nerrie. "Kaya tinatanong ko kung meron na?" Umiling si Nerrie. "Wala pa. Tsaka huwag nga ako ang gawin niyong topic. Kumain na nga lang kayo-" Natigilan si Prinsesa Nerrie ng maramdaman na parang nasusuka siya. Mabilis siyang tumayo. "Excuse me." Aniya at tumakbo patungong banyo. Nagkatinginan naman ang mga naiwan sa hapagkainan. "Anong nangyari do'n?" Tanong ni Prinsesa Phyllis. Ngumisi naman si Prinsesa Dayne. "Mukhang meron ng laman. Hindi niya lang naramdaman." "Ang tanong ... little Dimitri ba o little Nerrie?" Ani Melissa. Natawa silang lahat at nagpatuloy sa pagkain. KINABUKASAN. "Nagpapalakas ngayon si Erosho sa pamamagitan ng mga diwa ng mga bata. Ang mga batang nawawala ay kinukuha ng mga alagad ni Erosho at kinokolekta nila ang diwa ng mga ito at inaaalay sa kanilang panginoon." Seryosong wika ni Melissa. "Wala talagang siyang puso! Bakit niya idinadamay ang mga inosenteng bata?" Galit na wika ni Prinsesa Nekiel. Hindi nila ito masisisi. Malapit ang loob nito sa mga bata. Actually, lahat sila ay nagagalit dahil sa mga ginagawa ni Erosho. Napabuntong-hininga si Prinsesa Dayne. "Anong gagawin natin para mapigilan si Erosho?" "Huwag kayong mag-alala. Ang mahal na diyosa na ang bahala." Ani Melissa. "Pero dapat magbantay pa rin tayo. Walang pwedeng madamay na inosente dahil sa atin. Hindi nila alam ang mga nangyayari." Sabi ni Prinsesa Nekiel. "Hindi pa ba tapos ang meeting natin?" Nanghihinang tanong ni Prinsesa Nerrie. Kumunot ang nuo ng mga hindi nakakaalam kung bakit nanghihina si Prinsesa Nerrie. "Anong nangyayari sa 'yo?" Nagtatakang tanong ni Prinsesa Airene. "At bakit namumutla ka?" Tanong naman ni Prinsesa Gabril. Umiling si Prinsesa Nerrie. "Hindi ko alam." Nilapitan naman ni Prinsesa Renesmee si Prinsesa Nerrie at hinawakan ang pulsuhan nito. Nagulat sila sa sinabi nito kay Prinsesa Nerrie. "Your pregnant." Nanlaki ang mata ni Prinsesa Nerrie. "Seryoso ka?" Umirap si Prinsesa Renesmee. "Nagbibiro ba ako?" Balik nito na ikinatawa nila. Napangiti naman si Melissa. "Ang mabuti pa, mahal na prinsesa. Magpahinga ka na muna." Anito kay Prinsesa Nerrie. Ngumisi naman si Prinsesa Mavielyn at tumingin kay Prinsesa Dayne. "Paano ba 'yan, mahal na prinsesa. Ikaw ang susunod kay Prinsesa Nerrie. Goodluck na lang sa 'yo." Umirap naman si Prinsesa Dayne. "Saka mo sabihin 'yan kapag natanggap na ako ng lalaking nakatakda sa akin." "Mavielyn, pakialalayan si Nerrie patungo sa kawarto niya." Utos ni Melissa. Tumango naman si Prinsesa Mavielyn. "Nerrie, halika na. Aalalayan kita patungo sa kwarto mo." "Tatawagan ko si Dimitri para puntahan ka niya rito." Ani Dayne at inilabas ng cellphone. Tatawagan niya sana si Dimitri pero naalala niyang wala pa siyang contact number nito. Tumingin siya sa mga kaibigan. "Sinong may number ni Dimitri?" Sabay sabay naman na itinuro ng mga ito si Nerrie na inaalalayan ni Prinsesa Mavielyn. Dayne sighed and shooked her head. Tumingin siya kay Melissa. Umiling naman ito. "Then I think I need to use my magic trick." "No need." Sabi ni Melissa. "Pupuntahan ko siya mamaya. Huwag ka ng mag-abala." Dayne smiled. "And thank moon goddess to that." "Balik tayo sa pinag-uusapan natin kanina." Kuha ni Prinsesa Nekiel sa atensiyon ng lahat. "Anong gagawin natin para mapigilan ang mga tauhan ni Erosho? Alam nating lahat na ang mahal na diyosa na ang gagawa ng paraan para matigil ang ginagawa ni Erosho pero hindi ko alam kung dapat ba tayong umupo na lang sa gilid at maghintay ng susunod na mangyayari?" Ani Prinsesa Gabril. "Tama si Prinsesa Gabril." Wika ni Prinsesa Airene. "Hindi tayo pwedeng umupo na lang. Kailangan ay may gawin rin tayo." "Tuwing gabi gumagalaw ang mga alagad ni Erosho kaya kailangan nating magbantay." Ani Melissa. "Nakausap ko ang mahal na diyosa at sinabi niyang temporaryong maisasara ang lagusan at mabubuksan lang ito kapag muli kayong babalik ng Arwood." "Pero sinabi mo noon na gumawa si Erosho ng bagong lagusan para sa mga alagad niya." Ani Prinsesa Dayne. "Siyang tunay, mahal na prinsesa. Hindi ko pa nahahanap ang lagusan na 'yon, pati ang mahal na diyosa ay nahihirapan rin na hanapin ang lagusan na 'yon kaya malayang nakakalabas ang mga tauhan ni Erosho. Kaya ganito ang gagawin natin. Ilan sa atin ang maghahanap ng lagusan habang ang iba naman ay magbabantay." Seryosong sabi ni Melissa. "Ako na ang isa sa mga maghahanap ng lagusan." Prisinta ni Prinsesa Gabril. "Ako din." Sabi ni Prinsesa Phyllis. "Sasama na ako Prinsesa Phyllis at Prinsesa Gabril." Ani Prinsesa Renesmee. Nagkatinginan naman sina Prinsesa Nekiel, Prinsesa Dayne at Prinsesa Airene. Nagkibit sila ng balikat. "Okay." "Kung ganun ay tapos na usapan-" "Sandali." Pigil ni Prinsesa Gabril kay Melissa. "Bakit, mahal na prinsesa?" Nagtatakang tanong ni Melissa. "Anong gagawin mo?" Ngumiti si Melissa. "Sa akin na lang 'yon, mahal na prinsesa." Napailing naman si Prinsesa Dayne.                        NAPATIGIL sa paglalakad si Ezekiel ng mga nararamdaman siyang sumusunod sa kaniya. Lumingon siya sa kaniyang likuran pero walang tao. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Ezekiel sighed in frustration. May sususunod talaga sa kaniya. Bigla siyang lumingon sa likuran niya pero walang tao. Napailing si Ezekiel at natigilan ng makarinig ng bungisngis. Ezekiel blew a breath. "Kung sino ka man na sumusunod sa akin. Pwede ba? Magpakita ka. Wala akong panahon na makipaglokohan sa 'yo." Kumunot ang nuo niya ng walang nagpakita. "Geez. Waste of time." Nagpatuloy siya sa paglalakad at naramdaman niyang may sumusunod sa kaniya. Biglang lumingon si Ezekiel at halatang nagulat naman ang batang babae na nasa likuran niya. Mas lalong kumunot ang nuo ni Ezekiel at itinuro ang bata. "Ikaw ba ang sumusunod sa akin?" Tumango ang bata. "Bakit mo ako sinusundan?" Tanong ni Ezekiel. Umiling ang bata. Napailing si Ezekiel at tinalikuran ang bata. Naglakad na siya patungo sa kaniyang kotse pero natigilan siya. Muli niyang hinarap ang batang babae na sumusunod pa rin sa kaniya. Napabuntong-hininga si Ezekiel at lumuhod para makapantay niya ang batang babae. "Look. Hindi ko alam ang nakain mo kung bakit ka sumusunod sa akin. Nawawala ka ba?" Tanong ni Ezekiel sa bata. Umiling ang bata. "Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong ulit ni Ezekiel. Umiling ulit ang bata. Ezekiel sighed. "Pipi ka ba?" Umiling ulit ang bata. "kung hindi ka pipi, bakit hindi ka magsalita?" Tanong ni Ezekiel. Ngumuso ang batang babae. "Agent Zek, nandito ka lang pala. Natapos ko na dapat kong gawin. Let's go." Ani Agent Ria pero natigilan naman ito ng makita ang batang babae na kasama ni Agent Zek. "Sino ang batang 'yan? Anak mo?" Nakangising tanong ni Agent Ria. "Tumahimik ka nga diyan." Itinuro ni Ezekiel ang bata. "Ikaw nga ang kumausap sa batang 'yan. Ayaw magsalita, eh." Tinitigan ni Agent Ria ang batang babae. Kumunot ang nuo niya at lumuhod para makapantay niya ang bata. Tumayo naman si Ezekiel. "Hi. Anong pangalan mo?" Tanong ni Agent Ria sa bata. Tinignan lang ng bata si Agent Ria kapagkuwan bigla itong tumakbo kay Ezekiel at yumakap sa hita ng binata. Nagulat naman si Ezekiel at tinignan ang bata. Nilingon niya si Agent Ria. "Anong ginawa mo sa bata?" Agent Ria shrugged her shoulder. "Wala. Tinanong ko lang kung anong pangalan niya at bigla na lang tumkabo sa 'yo." Ezekiel sighed. Binuhat niya ang batang babae. "Nagugutom ka ba?" Mahinahong tanong niya. Tumango ang bata. "Okay. Kakain tayo." Ani Ezekiel at lumingon kay Agent Ria. "Kain muna tayo." "Okay." Pagtango nito. Naglakad si Ezekiel palapit sa sasakyan habang buhat ang bata na ayaw yata talagang magsalita. Binuksan niya ang pinto ng backseat at pinaupo niya doon ang bata. Umupo naman si Agent Ria sa passenger seat. Ezekiel sighed and sat on the driver seat. He started the engine and drove the car to Dayne's Restaurant. Sana makita niya si Dayne. Damn! He wanted to see her.  Huli na mapagtanto ni Ezekiel ang hindi niya namalayang nasabi sa kaniyang isipan. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa naisip na 'yon. But he admit it. He wanted to see Dayne. Hindi niya rin alam kung bakit. Ezekiel sighed. Tinignan niya ang bata sa rearview mirror ng kotse at nakita niyang nakatingin rin ito sa kaniya. Kaagad na nag-iwas ng tingin si Ezekiel. Para kasing may kakaiba sa mata ng bata. Para nitong binabasa ang kaluluwa niya. Napailing si Ezekiel. Kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya. Nang makarating sila sa Dayne's Restaurant. Sabay na bumaba ng kotse si Agent Ria at Ezekiel. Binuksan naman kaagad ni Ezekiel ang pinto ng backseat at binuhat ang batang babae. Pumasok silang tatlo sa Dayne's Restaurant at naghanap ng bakanteng pwesto. Naramdaman ni Ezekiel na may nakatingin sa kaniya kaya ipinalibot niya ang tingin sa buong paligid ng restaurant only to meet Dayne's piercing gaze. Napalunok si Ezekiel at parang nakaramdam ng takot para sa sarili niyang buhay. Ang tingin kasi ni Dayne parang gusto siya nitong patayain sa pamamagitan ng nakakamatay nitong tingin. Jealously was eating Dayne. Hindi niya maiwasang makaramdam ng selos habang nakatingin kay Ezekiel at Agent Ria na kasama si Diana. Para ang mga itong pamilya. Kaya binigyan na lang niya ng nakakamatay na tingin ang binata.Ang ipinagtataka lang ni Dayne ay kung bakit kasama ng mga ito ang alaga niya. Napabuntong-hininga si Dayne at lumapit sa mga ito. Tumikhim siya. "Excuse me. Kukunin ko lang ang alaga ko."  Napakurap naman si Ezekiel. "Alaga mo?" Itinuro naman ni Dayne ang batang kandong ni Ezekiel. Bumaba naman ang tingin ni Ezekiel sa bata. "Anak mo ba siya?" Tanong ni Agent Ria. Tumaas lang ang kilay ni Dayne at tumingin sa alaga niya. "Diana, halika na. Pumasok ka sa loob ng opisina ko." Tumango ang bata at bumaba mula sa pagkakaupo sa kandungan ni Ezekiel. Dayne sighed. "Salamat." Aniya at tinalikuran na ang dalawa. Nagkatinginan si Agent Ria at Ezekiel. "I can say that she's in a bad mood today." Ani Agent Ria. "Mukha nga. Ang sama ng tingin sa akin kanina." Sabi naman ni Ezekiel. Ngumiti na lang si Agent Ria at tinawag ang waiter para umorder ng pagkain. "Pero ano sa tingin mo? Anak niya kaya 'yong bata?" Tanong ni Agent Ria. Natigilan si Ezekiel. "Could it be? Pero ang sabi niya, alaga niya." "Oh, well. It's none of our business." "Ang mabuti pa habang hinihintay ang order natin. Bakit hindi natin pag-usapan ang kasong hawak natin. Kasi kapag sa HQ natin pag-usapan, sasakit lang ang ulo dahil sa malamig na opisina ni Director." Sabi ni Agent Ria. "Make sense." Ani Ezekiel. "Pero saan naman tayo magsisimula? Ilang beses kong pinanood ang mga footage. Wala akong makitang pwede nating pagkunan ng lead kung sino ang dumudukot sa mga bata. At 'yong taong nakasuot ng cloak na naglougtas sa mga bata. He did not hesitated to kill those men in cloak." Agent Ria sighed. "Hindi ko alam. Masyadong masakit sa ulo ang misyon na 'to. Kumain muna tayo." Dumating naman ang order nila at nagsimula na silang kumain. Tumahimik si Ezekiel at napaisip. Parang may hindi magandang nagaganap sa pagkawala ng mga bata at matatagpuan na lang ang bangkay ng mga ito sa kung saan-saan at ang hindi talaga maganda, hindi malaman kung ano ang ikinamatay ng mga ito. Ezekiel sighed. Wala sa sariling napatingin siya sa pintuan ng restaurant ng may pumasok doon na isang lalaki. Hindi sana papansinin ni Ezekiel ang dumating na customer pero nahagip ng mata niya ang tattoo nito sa braso. Ezekiel's eyes widen. It's a black snake tattoo. Nabitawan ni Ezekiel ang hawak na kutsara at nakasunod na lang ang tingin sa lalaking may tattoo ng black snake. Maraming taon na ang lumipas pero hindi niya nakalimutan ang tattoo na 'yon. At kasalakuyan na isa itong tattoo ng isang gang na hinahanap nila dahil marami ng nagawang labag sa batas ang Black Snake Gang. At ang tattoo na nasa braso ng lalaki. Hindi niya ito nakalimutan. Malamig na ngumisi si Ezekiel. Sa wakas, nakita na rin kita. Ilang taon rin kitang hinanap. Magsisimula na ang paniningil ko sa inyo. Wala akong ititira sa inyo ng buhay. Buhay ang inutang niyo. Buhay rin ang magiging kapalit. Habang si Agent Ria naman ay nababahala dahil sa nakikita niyang emosyon sa mukha ni Agent Zek. Sa nakikita niyang emosyon sa mukha nito. Para itong may binabalak na hindi maganda. Habang kumakain, hindi inalis ni Ezekiel ang tingin sa lalaking may tattoo ng black snake sa braso nito. Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang isa sa mga taong pumatay sa pamilya niya. His memory was not vague anymore. Ngumisi si Ezekiel. Nasaan kaya ang dalawa nitong kasama noon? But the the Black Snake Gang popped in his mind. Could it be? Ito kaya ang leader ng Black Snake Gang? Mas lalong napangisi si Ezekiel. Maganda kung ganun. Hindi na sila mahihirapan pa lalo na siya. Nahanap na niya ang taong pumatay sa pamilya niya. Oras na para maningil ng utang. Ezekiel smirked and continued his food.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD