KABANATA 24

2585 Words
                    ISANG sasakyan ang kasalukuyang nagbibiyahe sa gitna ng gabi. Apat na tao ang sakay nito. Kagagaling lang ng mga ito sa isang gatherings at ginabi na sila ng uwi. Si Ezekiel ang isa sa kanila, kasama nito ang magulang at ang nakakatandang kapatid na babae. Nakatingin lang si Ezekiel sa labas ng bintana habang abala naman ang kapatid sa tablet nito. Nag-uusap naman ang kanilang mga magulang sa harapan.  Nang biglang nag-preno ang kaniyang ama. "Papa, bakit po?" Tanong ni Ezekiel. "May humarang." Sagot ng ama. "Sino ba ang mga 'yan?" Natatakot na tanong ng ina. Tumingin naman si Ezekiel sa harapan at nakita niya ang tatlong lalaki na nakaharang. Sa tulong ng ilaw ng kanilang sasakyan. Nakita ni Ezekiel na naglakad palapit sa kanila ang tatlong lalaki. Brusko ang pangangatawan ng mga ito. Sa ilaw ng sasakyan, nakita ni Ezekiel ang tattoo sa braso ng mga ito. Black snake tattoo. Kumatok ang mga ito sa bintana ng kotse. "Reynold, huwag mong bubuksan." Sabi ng kaniyang ina. "Zek, natatakot ako." Ani ng kapatid niya at yumakap sa kaniya. Patuloy ang mga ito sa pagkatok. Isa ang lalaking kumakatok sa bintana ng driver seat, sa bintana ng shotgun seat ang sa bintana sa tabi ng ate niya. Natatakot na silang mag-anak lalo na ng maglabas ng baril ang mga ito. "Reynold..." "Si Ronaldo ang alam kong may pakana nito. Siya lang ang kalaban ng pamilya natin." Galit na sabi ng ama. "Papa, huwag mong bubuksan." Natatakot na sabi ng kapatid ni Ezekiel. "Talagang hindi ko bubuksan." Ani ng ama. Pero biglang binasag ng mga lalaki ang bintana ng kotse at itinutok sa kanila ang baril. "Papa!" "Pasensiya na pero napag-utusan lang kami, Reynold." Nakangising sabi ng lalaki at binaril ang ama sa ulo nito. "Papa!" Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel at hindi nakapagsalita. "Anong gagawin natin sa pamilya ni Reynold?" "Edi ano pa ba? Kulang ang pera na kabayaran nito. Magpaligaya naman tayo." Nakangising sabi ng lalaking nasa tabi ng backseat. "Oo nga 'no. Wala namang sasakyan ang dumadaan dito. Halika kayo!" Binuksan ng mga ito ang pinto ng kotse at hinila palabas ang ina at ang kapatid niya. "Anong gagawin niyo sa amin?" Natatakot na tanong ng ina. "Bitawan mo kami ni mama." "Zek!" "Ezekiel!" "Tulong!" Napako sa kinauupuan si Ezekiel. Hindi makapagsalita at nakatulala. Right infront of him, he saw his sister and mother being humilated by three men. And infront of him was his death father bathing with his own blood. Nanatiling nakatulala si Ezekiel. Pero nakikita ng mga mata niya kung ano ang kabababuyang ginawa ng tatlong lalaki sa kapatid at ina niya. Hindi pa nakuntento ang mga ito. Binaril pa ng mga lalaki ang ina at kapatid niya bago ng mga ito ibinalik sa loob ng sasakyan ang ina at kapatid niya. Hanggang sa nabigla na lang si Ezekiel ng may bumangga sa kotse nila. Binangga ng mga ito ng binangga ang sasakyan hanggang sa mahulog ito sa bangin. Nauntog ang ulo ni Ezekiel hanggang sa nagdilim ang paningin niya at nawalan siya ng malay.                     HUMAHANGOS na napabalikwas ng bangon si Ezekiel. Nagtaas baba ang dibdib niya at basang-basa siya ng pawis. Napahilamos ng mukha si Ezekiel. That nightmare. That memory. The memory of that night. Malinaw na malinaw ang lahat ng nangyari. Malinaw niyang nakita ang nangyari ng gabing 'yon. Wala siyang nagawa para iligtas ang kapatid at ang kaniyang ina na hinalay ng tatlong lalaking 'yon. Hindi namalayan ni Ezekiel na tumulo ang kaniyang luha. "I'm sorry, Mama, Papa, Ate. Wala akong nagawa para iligtas kayo." Parang batang niyakap ni Ezekiel ang mga tuhod at umiyak ng tahimik. Hindi alam ni Ezekiel na may nanunuod pala sa kaniya, si Melissa. Malungkot na ngumiti si Melissa habang nakatingin kay Ezekiel. Hindi niya mapigilang maawa sa lalaking itinakda para kay Prinsesa Dayne. Halatang may mabigat itong dinadala. Ibinase niya na lang sa tahimik nitong pag-iyak. Napabuntong-hininga si Melissa. "Hindi pa ito ang tamang oras para kausapin ko siya." Ani Melissa at naglaho. Bigla namang nag-angat ng tingin si Ezekiel at tumingin sa balcony ng kwarto niya. Naramdaman niya kasing parang may nakatingin sa kaniya. Then someone knocked at his room.  Bumukas ito at pumasok si Reigo. Natigilan si Reigo ng makita ang namumulang mata ni Ezekiel. Reigo sighed and sat at the egde of the bed. "You okay?" He asked his brother. "As much as I wanted to say that I'm okay but as you can see I'm not." Sagot ni Ezekiel at muling isinubsob ang mukha sa sarili nitong tuhod. "I'm all ears. What happened?" Tanong ni Reigo. He's hoping that by talking to Ezekiel. It will lessen Ezekiel's burden that he was carrying for already twenty years. "I dreamt. I saw everything that was happened on that night. I saw everything. I remembered now. It was clear not vague." Huminga ng malalim si Ezekiel at nag-angat ng tingin. "I will find them. I will find those bastards and make them pay on what they did to my family." Tumalim ang mga mata ni Ezekiel. "Don't worry, Zek. Tutulungan kita na mahanap mo ang hustisya para sa pagkamatay ng mga magulang at kapatid mo." Ani Reigo. "Buhay ang inutang nila, buhay rin ang kapalit. Papatayin ko sila. Wala akong ititira sa tatlong 'yon kasama na ang nag-utos sa kanila na patayin kami." Puno ng galit na saad ni Ezekiel. Napatitig si Reigo sa kapatid. Hindi niya ito masisisi kung galit ito sa mga taong pumatay sa pamilya nito. Saksi siya kung paano ang hirap at sakit na pinagdaanan ni Ezekiel. His father was the Director of Escobar Intelligence Agency at that time. Ang ama niya ang tumulong kay Ezekiel. Inampon ng mga magulang niya si Ezekiel, but his father decided that Ezekiel will stay on his surname. Saksi siya kung paano na-trauma si Ezekiel. Tulala ito at palaging umiiyak. Until his parents decided to take Ezekiel in Spain where his grandmother live. Kasama niya si Ezekiel sa Spain. Umasa sila na makalimutan ni Ezekiel ang masakit na nangyari sa pamilya nito at nakalimutan nga nito. But it became a nightmare to Ezekiel. At nakalimutan rin nito ang ilan sa mga alaala nito. He and Ezekiel became brothers, not by blood and flesh but they are brothers by heart. They're both partners in crimes. Tinapik ni Reigo ang balikat ni Ezekiel. "Just don't act recklessly, Zek. Baka mapahamak ka. Hindi kita masisisi kung ganiyan ang nararamdaman mo sa mga taong pumatay sa pamilya ko but you have to think. Huwag kang magpadalos-dalos sa mga desisyon mo." Tumango si Ezekiel at muling humiga sa kama. Tumayo si Reigo. "Papasok na ako sa Agency. Huwag ka na munang pumasok ngayon. Magpahinga ka na lang. And Doc. Renesmee said that no extraneuos activity. At siya nga pala, umalis sina Mommy at Daddy dahil may dadaluhan silang event. Mom already prepared your breakfast. Bumaba ka na lang para kumain. Don't skip your breakfast, Zek." "Opo, Tay." Sagot ni Ezekiel at nagkumot. Napailing na lang si Reigo sa sagot ng kapatid at lumabas na sa kwarto nito. Nang may bigla siyang naalala. "Zek?" Bumalik siya sa kwarto nito. "Hmm?" "Naalala ko hindi ba sinabi mo kahapon na sa restaurant tayo nga ni Miss Dayne kakain, ikaw na lang ang pumunta dahil baka makaistorbo pa ako sa inyo." Nakangisi niyang saad. Ezekiel tsked and raised his hand and showed hi brother his middle finger. Reigo must laughed and shook his head. Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ni Ezekiel. Nang marinig ni Ezekiel na sumara ang pinto ng kwarto niya. Bumangon siya at napailing. Inayos niya ang kama niya bago siya pumasok sa banyo para maligo. After he took a bath, nagbihis siya at lumabas ng kwarto. Bumaba siya sa kusina para kumain ng agahan kasi alam niya na nagbilin si Reigo sa mga kasambahay sa sabihin rito kapag hindi siya kumain. "Sir Zek, may iniwan pala si Ma'am na agahan para sa inyo. Ihahanda ko na po ba?" Tanong ng isang kasambahay. "Sige po." Sagot niya. Umupo siya sa hapagkainan. "Sir, ito na po." "Salamat." Ezekiel started to dig in food when one of their maids entered the kitchen from the back door. Napatingin siya rito kasi napansin niyang namumutla ito na parang may nakitang nakakatakot. "Faye, okay ka lang ba?" Tanong niya rito. "A-ah, opo, Sir." Sagot nito na parang kinakabahan. "Sigurado ka?" Paniniguro ni Ezekiel. "Opo." Napailing si Ezekiel at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kumain ni Zek, siya na ang naghugas sa mga pinagkainan niya. At isa pa hindi naman niya kailangang iasa lahat sa mga kasambahay ang lahat. Pero nagtataka siya kung nassan na ang mga ito. Kanina lang nakikita niya ang mga ito sa kusina na naglilinis o kung anu-ano pa ang ginagawa ng mga ito pero nasaan na sila? Naisipan ni Zek na pumunta sa likod ng mansyon. Pero hindi niya inanaasahan na makikita niya ang mga kasambahay ang at hardinero sa likod ng mansyon at parang may tinitignan. Mukha namang hindi siya napansin ng mga ito. Tumikhim si Ezekiel. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong niya sa mga ito. "Sir?" Biglang nataranta ang mga kasambahay. "Kayo po pala." "Babalik na po kami sa mga trabaho namin." "Nagpainit lang po kami." Mabilis na umalis ang mga ito at pumasok sa loob ng mansyon. Napailing si Ezekiel at tumingin kay Mang Kanor na siyang naiwan. "Manong, anong meron?" Tanong ni Ezekiel sa hardinero. "Eh, Sir, may nakita kasi si Faye dito sa likod ng mansyon." Kumunot ang nuo ni Ezekiel. "Ano po ang nakita niya? Napansin ko po kanina na namumutla siya." "Habang naglilinis po kasi siya dito sa likod ng masyon. Nakita niya ang mga nagkalat na dugo sa mga damuhan. Ayan, oh." Saaby turo ng matanda sa damuhan. Tinignan naman ni Ezekiel ang damuhan at may mga nagkalat nga na dugo. Kumunot ang nuo ni Ezekiel. Parang may gusto siyang alalahanin pero hindi naman niya alam kung ano. "Nakita ko kayo kagabi na nanggaling dito, Sir. Tinawag ko kayo pero hindi niyo naman ako pinansin at deretso po kayong pumasok sa loob ng mansyon." Ani Mang Kanor. Nagtaka si Ezekiel. "Nanggaling po ako dito kagabi? Pero wala naman po akong maalalang nagpunta ako dito kagabi. Ang maalala ko lang ay nasa hardin ako at..." Napatigil si Ezekiel sa pagsasalita ng maalalang paano pala siya nakarating sa kwarto niya kagabi. Hindi niya maalalang pumasok siya ng mansyon. "Totoo ang sinasabi ko, Sir. Nanggaling po kayo dito sa likod ng mansyon at sa back door kayo dumaan papasok sa loob ng manyon." Ani Mang Kanor. Kumunot ang nuo ni Ezekiel at umiling. "Wala po akong maalala na nanggalinga ako dito kagabi." Napailing si Ezekiel. "Sige po. Buhusan niyo na lang po ng tubig ang mga dugong 'yan." Aniya at mabilis na pumasok sa loob ng mansyon. Pumunta siya sa security room para tignan ang mga CCTV. Tinignan ni Ezekiel ang CCTV footage sa likod ng mansyon at sa hardin. He saw himself sitting at the bench then tumayo siya at nagtungo sa likod ng mansyon. Totoo ang sinabi ni Mang Kanor. Nagtungo nga siya sa likod ng mansyon at kung may ano siyang tinitignan sa madilim na bahagi ng mansyon. Pero nagtataka si Ezekiel, wala siyang maalalang kahit ano. Ang maalala lang niya ay sa hardin at hindi niya rin maalala na pumasok siya sa loob ng mansyon. Nagulat is Ezekiel ng makita niyang may bigla na lang lumitaw na babae sa likod niya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa camera pero alam niyang babae ito dahil mahaba ang buhok nito at korte ng babae ang katawan nito, siniko nito ang batok niya at nawalan siya ng malay. Anong nangyayari? He watched the CCTV. Nakita niyang sinalo ng babae ang katawan niya at hinalikan nito ang nuo niya. Sayang walang audio ang CCTV. Masabi nga ito mamaya sa kapatid niyan para mag-install ito ng audio sa bawat CCTV na naka-install dito sa mansyon. Nagulat si Ezekiel ng bigla silang naglaho ng babae. Ezekiel's eyes widen. Impossible! Mabilis niyang tinignan ang CCTV sa kwarto niya. Ezekiel can't utter any words after wacthing the CCTV. Hindi siya makapaniwala sa mga pinanood niya. Nanghihina siyang napaupo sa upuan at tinignan naman ang CCTv na kung saan sinasabi ni Mang Kanor na nakita siya nito. Tutok ang mata niya sa CCTV. He don't want to miss anything. Nakita niya si Mang Kanor na parang may tinatawag pero wala naman siyang makita. Kung may nakita man ito kagabi at sinasabi nitong siya. Sino ang lalaking 'yon? Sigurado naman siyang hindi siya 'yon. Napahawak si Ezekiel sa ulo dahil bigla itong sumakit. He's very sure. May nangyaring kakaiba kagabi.                     NAGPAPAHINGA si Dayne sa sariling opisina ng bigla na lang lumitaw si Melissa sa pang-isahang sofa. "Melissa, kung tao lang ako baka inatake na ako sa puso dahil sa gulat." Ani Dayne. Melissa chuckled. "Pero dahil hindi ka tao hindi ka aatakehin sa puso." "Anong kailangan mo?" Tanong ni Dayne. "Hmm... wala naman, mahal na prinsesa. Tinitignan ko lang kung maayos ang inyong kalagayan." Napaismid si Dayne. "Melissa, don't lie. Alam ko kung bakit ka nandito. Tinitignan mo kung kumusta ang buhay pag-ibig ko." Ngumiti lang si Melissa. "Nakuha mo, mahal na prinsesa." Napabuntong-hininga si Prinsesa Dayne. " Sa totoo lang hindi ko alam kung paano kami magkakalapit ni Ezekiel." "Gusto mo bang ako ang gumawa ng parran, mahal na prinsesa?" Tanong ni Melissa. Sumimangot si Prinsesa Dayne. "Huwag na. Ako na lang ang bahala dahil baka kung ano pa ang gawin mo." "Sige. Ikaw ang bahala, mahal na prinsesa." Ani Melissa. Dayne sighed. "Melissa, may tanong pala ako." "Ano 'yon, kamahalan?" "Babalik na ba si Prinsesa Nerrie sa Arwood ngayon na nahanap na niya ang lunas ng sumpa niya?" Umiling si Melissa. "Hindi maaari, mahal na prinsesa. Dahil sa oras na umapak sila sa Arwood, mapapahamak sila pareho ni Dimitri." Kumunot ang nuo ni Dayne. "Bakit sila mapapahamak?" Umiling si Melissa. "Sa tingin mo ba papayag ang mga mahal na hari, ang mga magulang niyo na ang kabiyak niyo ay isang mortal. Binalaan ako ng mahal na Erashea na kailanman ay hindi aapak ang mga lalaking nakatakda sa inyo sa Arwood. Pinayagan lamang kayo ng inyong mga magulang na magtungo dito sa mundo ng mga tao para hanapin ang lunas ng sumpa ninyo." Nagulat si Dayne sa narinig. "Papaslangin nila ang mga lakaking nakatakda sa aming mga prinsesa?" Tumango si Melissa. "Palihim itong binalak ng mga hari pero nalaman ito ng dyosa. Kaya mas magandang huwag na kayong bumalik sa Arwood. Maaari kayong bumalik sa mundong pinanggalingan natin ngunit hindi pa sa ngayon." Tumango si Dayne. "At kahit babalik kayo doon hindi rin lang kayo makakapasok dahil nilagyan ito ng mahal na Erashea ng pananggalang." Ani Melissa. Napabuntong-hininga si Prinsesa Dayne. "Alam kong pinuntahan mo si Ezekiel." Natigilan si Melissa pero kaagad din itong nakabawi. "Balak ko siyang kausapin pero halatang may pinagdadaanan ang bata kaya hindi muna sa ngayon. Saka na kapag may ideya na siya kung sino ka." Ngumiti si Dayne. " Salamat." "Walang anuman, mahal na prinsesa. Pero ang sabi ng mga tao wala na raw ang libre sa panahon ngayon. Lahat ay may bayad." Nakangising sabi ni Melissa. "Name your peice then." "Lunch is the price." Napailing naman si Dayne. "Okay. Wait here and I'll cook." Ngumiti si Melissa. "Okay." Tumayo si Dayne at lumabas ng opisina. Nagtungo siya sa kusina ng restaurant para magluto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD