PAGPASOK niya sa mansyon ng mga Anderson, nakita kaagad ni Nerrie si Dimitri na nakaupo sa sala kasama ang mga magulang nito.
"Good morning." Bati niya sa mga ito.
Tumingin naman kaagad sa kaniya si Dimitri. "Morning. Have a seat." Tinapik nito ang espasyo sa tabi nito.
Ngumiti siya. "Thank you." Lumapit siya at umupo sa tabi ni Dimitri.
Napansin niya ang nanunuring tingin ng ina ng binata sa kaniya pero nginitian niya ang ginang bago bumaling ang atensiyon niya kay Dimitri na mukhang may problema.
"Ayos ka lang?" Tanong niya rito.
Umiling ang binata. "Yesterday. I was in my room for the whole day and I went out for awhile." Napabuntong-hininga ang binata. "And then when I came back to my room. Everything was a mess." Sabi ng binata.
"We assumed na may nakapasok na hindi namin namalayan pero wala naman kaming nakita sa CCTV." Sabi ng ama ni Dimitri.
Napatango si Nerrie. "Ang CCTV sa room mo, nakita mo na ba?" Tanong niya.
Napatitig sa kaniya ang binata at nakaramdam ng kaba si Nerrie sa titig ni Dimitri na parang may alam at hindi sinasabi.
"Oo nga anak. Ayaw mong ipakita sa amin ang CCTV ng room and you even deleted it." Sabi naman ng ina nito.
"I saved it in my flashdrive." Sagot ni Dimitri at tumingin sa kaniya. "I want to show it to you. Come in my room." Tumayo ang binata at inilahad ang kamay sa kaniya.
Napakurap si Nerrie at tumingin sa mga magulang ng binata. Nag-iwas ng tingin ang ina nito samantalang ang ama ni Dimitri ay napailing.
Tinanggap niya ang kamay ni Dimitri at sabay silang umakyat ng hagdan at nagtungo sila sa kwarto nito.
Pagpasok niya sa kwarto ni Dimitri. Isinara ng binata ang pinto. Hindi niya maiwasang hindi ilibot ang paningin sa loob ng kwarto ng binata.
"Nice room." Komento niya.
"Thanks." Dimitri said. "Mabuti na lang at tinulungan ako ni Manang Lita para ayusin ang kwarto ko dahil kung hindi baka hanggang ngayon magulo pa rin."
"Can I see the video?" Nerrie asked, at hindi niya alam pero kinakabahan siya sa video na 'yon kung anuman 'yon.
"Wait here and I will open my laptop."
Sana lang mali ang hinala niya.
"Pero wala namang nawala dito sa kwarto mo?" Tanong ni Nerrie.
Umiling si Dimitri. "Walang nawala pero nagkalat ang mga papel sa sahig. Nagulo ang kama na parang dinaanan ng bagyo at nagulo lahat ang mga damit ko at naitapon lahat sa sahig."
Napangiwi si Nerrie at hindi na nagsalita. Mukhang may ideya na siya kung ano ang nangyari.
"Here's the video." Sabi ni Dimitri at napatingin siya sa screen ng laptop nito and there she saw, ang mga alagad niya na nanggugulo sa loob ng kwarto ni Dimitri.
At napansin niya ang bracelet niya na ibinigay niya kay Dimitri.
Kaya naman pala.
Hindi ito suot ng binata kaya talagang lalabas ang mga ito para manggulo ng anumang makikita nila.
Nerrie sighed.
"I know that they are skeleton but I don't know where did they came from." Sabi ni Dimitri at napahawak sa baba nito.
Tumingin siya kay Dimitri at nakatingin rin ito sa kaniya.
"Hindi ka natatakot?" Tanong niya sa binata.
"May dapat ba akong ikatakot?" Balik nito sa kaniya.
Nagbaba ng tingin si Nerrie at umiling.
"Nerrie," lumapit si Dimitri sa dalaga. "may alam ka ba tungkol sa mga kalansay na nakita natin sa video? I was expecting you to be scared but it seems that you were not scared. Normal lang ang reaksiyon mo."
Actually, kanina pa niya pinagmamasdan ang hitsura ng dalaga. Wala naman siyang nakita sa mukha nito na natatakot ito sa nakita ito sa footage na pinanood nila. Normal na normal ang reaksiyon nito na parang sanay na sanay makita ng ganung klaseng nilalang.
Natakot nga siya ng mapanood niya ang CCTV kaya kaagad niya itong idenelete but he make sure na nakasave ito sa flasdrive niya.
"Nerrie." Hinawakan niya ang panga nito at tinignan ito sa mata. "Alam mo bang noon pa talaga ako nagdududa sa'yo. Hindi lang ako nagsasalita..." Biglang umatras ang dalaga at nakita ang pagkislap ng mata nito. Alam ni Dimitri na hindi guni-guni ang nakita niya.
"Malelate ka na sa trabaho mo." Malamig na wika ni Nerrie na ikinatigil ni Dimitri.
"Nerrie?" Ngayon lang niya narinig na ganun ang boses ng dalaga.
Nakakatakot at nakakakaba.
"Malelate ka na sa trabaho mo. Eat your breakfast first. Kumain na ako kanina." Malamig pa rin na wika ni Nerrie at ang totoo ay hindi pa talaga siya kumakain. Nais niya lang iwasan ang binata.
"Nerrie..."
"Hihintayin kita sa labas." Mabilis na lumabas si Nerrie sa kwarto ni Dimitri at bumaba.
Dumeretso siya sa labas ng mansyon at nagtungo sa kinaparadahan niya ng kaniyang kotse. Pumasok siya sa loob at inilock ang pinto.
Yumukyok si Nerrie sa manibela ng kotse at kinalma ang sarili.
Maganda na sanang pagkakataon 'yon kanina para sabihin kay Dimitri kung sino siya pero hindi niya kaya. Natatakot siya.
Bumalik sa isipan niya ang sinabi niya noong nagtapat ito sa kaniya.
"Marami akong itinatago." Sabi ni Nerrie.
"Gusto pa rin kita."
"Marami kang hindi alam tungkol sa akin."
"Gusto pa rin kita." Wika ng binata.
"Sinungaling ako minsan." Sabi ni Nerrie.
"Gusto pa rin kita."
"Hindi ako katulad mo, Dimitri. Hindi ako tao." At nagbaba ng tingin si Nerrie dahil natatakot siya sa maaaring reaksiyon ng binata.
"Mahal kita."
Nanlaki ang mga mata ni Nerrie at mabilis na nag-angat ng tingin.
Dimitri smiled. "Mahal kita kahit ano ka pa. Mahal na kita kahit noong nasa isla pa lang tayo."
Inuntog ni Nerrie ang nuo sa manibela. She can feel the sincerity of Dimitri to his feelings for her. But...
Nerrie sighed and closed her eyes.
DIMITRI looked at Nerrie. Ito ang nagmamaneho habang siya nakaupo sa shot gun seat. Walang umiimik sa kanila habang humaharurot ang sasakyan patungo sa Anderson's Medical Hospital.
Hindi siya sanay.
"Nerrie."
"One week from now. Pumunta ka sa condo ko. May pupuntahan tayo." Malamig pa rin ang boses ng dalaga.
"Saan?" Tanong niya.
"Sa probinsiya kung saan ako nanggaling." Sagot ni Nerrie.
Nakapagdesisyon na siya. Aamin na siya kay Dimitri. Mahal niya ito pero hindi niya gustong pumasok sa isang relasyon na may itinatago. Batid niyang hindi siya magiging masaya kung naging sila man ni Dimitri at may tinatago siya. Batid niyang hindi rin siya mapapakali.
Kung aamin siya ng mag-isa, hindi niya kakayanin. Kailangan niya ang mga kaibigan at si Melissa na kahit hindi siya tanggapin ni Dimitri, alam niyang mayroon ang mga kaibigan niya na susuporta pa rin sa kaniya.
"Anong gagawin natin do'n?" Tanong ni Dimitri.
"You will know." Nerrie answered.
Hindi na umimik pa si Nerrie kaya tumahimik na rin si Dimitri.
Panay ang sulyap ni Dimitri sa dalaga dahil iba ang anyo nito. Napakaseryoso nito.
When they reach the Anderson's Medical Hospital.
"I'll just check the parameter." Sabi ni Nerrie at lumabas ng sasakyan.
Napabuga ng hangin si Dimitri at lumabas ng sasakyan. Nakasunod lang siya ng tingin kay Nerrie na naglalakad patungo sa likod ng hospital at nagdesisyon siyang sundan ang dalaga dahil palingon-lingon ito at tumititngin sa paligid kung may sumusunod ba dito o wala. Nagtataka si Dimitri sa kinikilos ni Nerrie kaya sinundan niya ito.
Nang makarating si Nerrie sa likod ng hospital. Inilapat niya ang isang palad sa lupa at inalam kung nasaan ang nararamdaman niyang alagad ni Erosho na nagmamasid sa kaniya.
Kanina niya pa ito nararamdaman at talagang naiinis na siya.
Habang si Dimitri naman na nagmamasid kay Nerrie. Nagtataka kung ano ang ginagawa ng dalaga. Tumingin siya sa paligid. Walang tao sa paligid.
Nanlaki ang mata ni Dimitri ng makita kung ano ang biglang lumabas sa lupa. Napalunok siya. Ang panaginip niya noon sa isla. Hindi panaginip 'yon. Totoo. It's real.
"Damn..." Mahina niyang mura.
"Prinsesa Nerrie." Tinig 'yon ng nilalang na biglang lumabas sa lupa at parang galing sa hukay ang tinig ng nilalang na kaharap ni Nerrie.
Natulos sa kinatatayuan si Dimitri habang pinagmamasdan ang nilalang na kaharap ng dalaga. Nagbabaga ang mata nito. May sungay at buntot. Mukha ring hayop ang katawan nito at may hawak na karit.
Matuwid na tumayo si Prinsesa Nerrie at inilabas ang sariling sandata. Hindi naman siya gumagamit ng baril kahit pa binigyan siya ng Director niya para sa proteksiyon pero hindi naman niya 'yon kailangan.
"Ano na naman ba ang kailangan mo sa akin, alagad ni Erosho?" Malamig niyang tanong.
"Ang buhay mo, mahal na prinsesa."
"At sa tingin niyo ba ay mapapaslang niyo ako ng ganun-ganun lang? Nagkakamali kayo!" Mabilis niya itong sinugod.
Malakas ang tunog na nilikha ng kanilang sandata ng tumama ang mga ito sa isa't-isa.
"Mahal na prinsesa, mukhang nakalimutan mo na yata na ang kalahati ng kapangyarihan at lakas mo ay nasa isang gamit na mahalaga sa inyong mga Necromancer at nakikitang kong hindi mo 'yon suot ngayon."
Kaagad na napatingin si Prinsesa Nerrie sa pulsuhan. Ang bracelet ko.
"Hindi naman lahat ng laban kailangan ng kapangyarihan." Sagot niya sa kalaban.
At itinapon niya ang sandata sa ere.
Ang pagkakamali ng kalaban, hindi nito tinignan ang sandata na itinapon niya sa ere, sumugod ito sa kaniya at nanatili lang naman siya sa kinatatayuan.
Tumingin siya sa ere at nakita ang pagbulusok pababa ng kaniyang sandata.
Malapit na sa kaniya ang alagad ni Erosho ng bumaon sa ulo nito ang sandata niya.
Napabuntong-hininga si Prinsesa Nerrie at napailing.
"Minsan ginagamitan rin ng utak ang isang laban." Aniya.
Napaluhod sa lupa ang alagad ni Erosho at bumagsak. Napailing si Prinsesa Nerrie. Naging abo ang alagad ni Erosho at tinangay ng hangin ang abo nito.
Naglakad si Prinsesa Nerrie palapit sa kaniyang sandata at pinulot ito.
Habang si Dimitri na nagtatago, gulat na gulay sa nakita. Naipikit niya pa kanina ang mata ng bumaon ang sandata ni Nerrie sa kalaban nito.
Narinig niya kanina ang sinabi ng nilalang na nakaharap ni Nerrie. Tinawag nitong mahal na prinsesa ang dalaga?
Mahal na prinsesa?
Necromancer?
Sino ba talaga si Nerrie?
Isa ba itong prinsesa? Patunay ang pagtawag ng nilalang na 'yon ng 'mahal na prinsesa' kay Nerrie. Naguguluhan si Dimitri. Gusto niyang malinawan.
Hindi niya alam na sa kabila ng mga nakita niya kay Nerrie. Hindi siya nakakaramdam ng takot rito. At nararamdaman niya na mahal na mahal niya ito sa kabila ng pagiging kakaiba nito sa lahat ng nakilala niyang babae.
Tinignan ni Dimitri si Nerrie na naglalakad paalis sa likod ng hospital. Wala na ang sandata na hawak nito. Nakita niya kanina ang bigla na lang paglitaw ng sandata nito sa kamay.
Habang naglalakad si Nerrie pabalik sa harapan ng hospital. May naramdaman siyang kakaiba. Napangisi ng malamig si Nerrie ng makita sa kaniyang isipan ang mga nagaganap.
Hindi tumupad sa usapan ang mag-amang Montenegro. Ibig sabihin sa kaniya ang buhay ng mga ito at pati na rin ang mga taong tumingin sa ginto na ibinigay niya kay Layla Montenegro.
Tama si Dayne. Madaling masilaw ang mga tao sa materyal na bagay.
Hindi niya sana gagawin ang mga 'yon pero kailangan dahil kailangan niyang protektahan si Dimitri. Hindi niya nais na mapahamak ito lalo na at ito ang itinakda ni Erashea sa kaniya.
Ayaw niyang manakit ng tao pero binalaan na niya ang mga ito. Napakahalaga ng isang salita sa kaniya at ang usapan ay usapan.
Napailing si Nerrie at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi man lang niya naramdaman si Dimitri na nagmamasid sa kaniya.
At mula naman sa rooftop, nakatingin roon si Prinsesa Renesmee at nakita niya ang buong pangyayari. Sa tingin may gagawin si Nerrie base pa lang sa malamig na ngisi na sumilay sa labi nito kanina.
Kilala niya si Nerrie. Sa kanilang mga prinsesa, ito talaga ang walang sinasanto. Mukhang kailangan niyang bantayan si Prinsesa Nerrie dahil mukhang may gagawin itong hindi kanais-nais.
Sana lang tama ang hinala.
PAGPASOK ni Dimitri sa loob ng opisina. Kaagad itong uminom ng malamig tubig at huminga ng malalim. Mukhang hindi siya makakapagtrabaho ngayon ng maayos dahil sa mga nakita niya kanina.
Hindi pa pumupunta si Nerrie sa opisina niya. Maybe she's still checking the parameter.
Biglang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at pumasok si Dra. Morales na seryoso ang mukha.
"Dra. Morales?"
"I'm sorry for barging in, Doc. But I was in the rooftop earlier and I saw the whole thing. Nakita rin kita na nagmamasid kanina kay Nerrie." Seryoso nitong sabi.
"What thing?" He asked, trying to act that he didn't know what Dra. Morales was talking about.
"Stop playing 'I don't know a thing game, Doc. Dimitri. I know what I am talking about. I know that you saw Nerrie fought the night demons."
Napabuntong-hininga si Dimitri at umupo sa swivel chair.
"Sino ba talaga si Nerrie?" Tanong niya sa doktora.
Nag-iwas ng tingin si Dra. Morales. "Mas mabuting siya ang tanungin mo tungkol sa bagay na 'yan, Doc."
Bumuntong-hininga si Dimitri. "Gusto ko man pero alam kong wala akong karapatan. Sino ba ako? Manliligaw lang naman niya at wala kong karapatan na makialam sa pribado niyang buhay."
Ngumisi si Dra. Morales. "Tatanungin nga kita, Doc. Natakot ka ba sa nakita mo kanina?"
Tumingin sa mata niya ang doktor. "Hindi."
"Alam mo kasi, Doc. Dimitri, kaibigan ko si Nerrie mula pa pagkabata at kilalang-kilala ko siya. At may sikreto siyang pinakaingat-ingatan at umaasa siya na sa'yo niya mahahanap ang hinahanap niya." Seryosong saad ni Prinsesa Renesmee.
"Sa akin? Bakit ano bang hinahanap niya?" Tanong ni Dimitri.
Malamig na ngumiti ang doktora. "Bakit hindi siya ang tanungin mo? Alam ko pero mas mabuting siya ang magsasabi sa'yo. Okay, Doc. May pasyente pa akong aasikasuhin. Maiwan na kita."
Lumabas na ng opisina niya ang kaibigan ni Nerrie pero nasa isip niya ang mga sinabi nito.
Paglabas naman ni Renesmee sa opisina ni Dimitri. Nakita niya ang kaibigan na nakaupo sa mga nakahilerang upuan sa gilid. Nilapitan niya ang kaibigan at umupo sa tabi nito.
"I heard everything." Sabi ni Nerrie.
"And?"
"Plano ko ng sabihin sa kaniya ang lahat." Desididong sabi ni Nerrie.
"Mabuti." Sabi ni Renesmee.
"Kung nakita niya ang lahat kanina bakit hindi niya ako kinompronta?" Tanong ni Nerrie.
Renesmee sighed. "Hindi ko alam pero mukhang may alam na siya noon pa kaya hindi siya gaanong nagulat sa nakita niya kanina sa likod ng hospital."
"Mukhang noon pa nga nagdududa na siya sa akin." Sabi ni Nerrie at sumandal sa kinauupuan.
Napailing si Renesmee.
"Sa nalalapit na kabilugan ng buwan, Renesmee. Sana naroon kayo." Ani Nerrie at tumayo.
"Lahat kami ngunit huwag kong asahan na sa oras ng sumpa ay masasamahan ka namin."
"Naiintindihan ko. Alam kong hindi ako pababayaan ni Melissa at Tatay Abel." Ngumiti si Nerrie at pumasok sa opisina ni Dimitri.
Nakita niyang may papel itong binabasa.
Tumingin sa kaniya si Dimitri at nagsalita. "Nandito ka na pala." Ngumiti ito. "Sa lunes pala may medical mission ako kasama ang mga ilang nurse sa isang liblib na lugar, itatanong ko lang kung sasama ka?" Tanong ng binata.
"Tignan natin." Sagot niya. Dahil hindi ko alam ang mangyayari sa kabilugan ng buwan. Kung matatanggap mo ba ako o hindi.
"Sana makasama ka. At bodyguard naman kita d' ba? So dapat kasama ka talaga." Nakangiting sabi ni Dimitri.
Umupo si Nerrie sa sofa at pinagmasdan ang bulaklak na nasa centertable. Nakalagay ito sa maliit na vase. Hahawakan niya sana ang bulaklak pero naalala niyang nalalanta at natutuyo pala ang mga halaman o bulaklak na hinahawakan niya. Pareho sila ni Prinsesa Renesmee.
"Titignan ko." Sabi na lang ni Nerrie.
Dumaan ang buong maghapon na nasa opisina lang ang dalawa. Nagpadeliver na lang ng pagkain si Dimitri para sa lunch nilang dalawa ng dalaga.
Habang pauwi may nadaanan silang flower shop kaya itinigil ni Dimitri ang kotse. "Wait here." Sabi niya kay Nerrie.
Mabilis siyang bumaba ng sasakyan.
Nakasunod naman ng tingin si Nerrie sa binata.
At ng pagbalik nito ay may dala itong bouquet ng bulaklak na may iba't-ibang kulay. "For you." At iniaabot nito ang bulaklak.
Napipiling naman si Nerrie kung tatanggapin niya ba o hindi.
Batid niya ang mangyayari sa bulaklak kapag hinawakan niya ito.
"Dimitri, a-allergic ako sa bulaklak." Nakangiwing sabi ni Nerrie.
"Oh. Sorry." Kaagad na inilayo ni Dimitri ang bulaklak sa dalaga.
Nerrie smiled. "Okay lang."
Dimitri sighed and put the bouquet at the backseat. "Ibibigay ko na lang ito kay Mommy."
"Better."
"But let's just have dinner." Ani Dimitri. He started the engine and drive the car towards Dayne's restaurant.
Nerrie sighed and looked at her hands. I hate this curse in me.