KABANATA 13

2594 Words
                    HUMINGA ng malalim si Melissa bago pumasok sa lagusan patungong Arwood. Paglabas niya ng lagusan, kaagad na tumutok sa kaniya ang sandata ng mga nagbabantay sa lagusan. "Sino ka?" "Ako si Melissa. Ang tagapangala ng mga prinsesa sa mundo ng mga tao." Sagot niya sa kawal. Ibinaba ng mga ito ang kanilang sandata. "Maaari ka ng dumaan." "Salamat." Nilagpasan niya ang mga kawal at ng malagpasan niya ang mga ito. Lumitaw ang kaniyang pakpak, ibinuka niya ito at lumipad paitaas patungo sa kaharian ng mga Necromancer. Habang lumilipad siya sa ere. Napapangiti siya dahil muli na naman niyang nasilayan ang Arwood na ilang taon niya ring hindi nakita. Nang makarating siya sa kaharian ng mga Necromancer. Bumaba siya sa lupa at itiniklop ang kaniyang pakpak. "Ako si Melissa. Nais kong makausap ang hari." Aniya sa mga kawal na humarang sa kaniyang papasok sa palasyo. "Ipagbigay alam ito kay Heneral Cain." Ani ng isang kawal sa kapwa nito kawal. Kaagad na umalis ang isang kawal at pagbalik nito ay kasama na nito si Heneral Cain. Batid niyang hindi siya nito kilala kaya hindi na siya nagtaka kung tinignan siya nito na parang kinikilala. "Paumanhin ngunit hindi kita kilala, Engkantada." Anito. "Batid ko." Sagot niya kay Heneral Cain. "Ngunit kilala ako ng hari. Nais ko siyang makausap at ng maibigay ko rin ang liham ni Prinsesa Nerrie para sa kaniyang ama." "Sasamahan kita sa Hari." Mabilis na wika ni Heneral Cain. "Salamat." Sabay silang naglakad papasok sa loob ng palasyo. Nagtungo sila sa trono kung saan nakaupo ang hari at reyna ng mga necromancer. "Mahal na hari. Mahal na reyna." Sambit ni Melissa at yumuko. Ganun din si Heneral Cain. "Melissa?" "Ako nga, Mahal na hari." "Kumusta ang aking anak?" Tanong ng reyna. "Maayos ba ang kalagayan niya?" Tanong ng kapatid ni Prinsesa Nerrie na nakatayo sa tabi ng ama nito. "Maayos ang kaniyang kalagayan, mga kamahalan ko." Sagot niya sa mga ito. "Narito ako para iabot ang kaniyang liham." Inilabas niya ang liham ni Prinsesa Nerrie  at iniabot sa hari na kaagad naman nitong kinuha at binasa. Kumunot ang nuo ng hari at kapagkuwan tumingin sa kaniya. "Saan niya gagamitin ang ginto?" Umiling siya. "Hindi ko batid, mahal na hari. Ang kaniyang bilin lamang ay iabot sa inyo ang sulat na 'yan." "Magpapahanda ako ng ginto na iyong dadalhin sa aking, anak, ngunit magpahinga ka muna..." "Paumanhin, mahal na hari. Salamat na lang ngunit ako ay nagmamadali. Kabilin-bilinan ng mahal na prinsesa na ako ay magbalik kaagad sa mundo ng mga tao dahil siya ay naghihintay sa aking pagbabalik." Wika niya. "Kung ganun maghahanda kaagad ako ng ginto. Nikolo, kumuha ka sa ating lagayan at dalhin mo rito." Utos ng hari sa anak nito. "Opo, ama." Sagot ng prinsipe na agad na tumalima. Siya naman napatingin sa reyna ng magsalita ito. "Kumusta ang kalagayan ng aking mahal na prinsesa, Melissa?" Tanong nito na maluha-luha at halatang nananabik para sa anak nitong prinsesa. Ngumiti siya. "Maayos ang kaniyang kalagayan, mahal na reyna. Huwag kayong mag-alala dahil hindi ko siya pinapabayaan." "Nahanap na ba niya ang lunas ng kaniyang sumpa?" Tanong ng hari. Mula sa gilid ng kaniyang mata. Nakita niya ang emosyon na dumaan sa mukha ni Heneral Cain. Hindi naman niya ito masisisi dahil mukhang mapasahanggang ngayon ay nagmamahal pa rin ito kay Prinsesa Nerrie ngunit hindi maaari dahil may taong itinakda para sa prinsesa. "Sa katunayan, mahal na hari, oo, nahanap na niya ang lunas ng kaniyang sumpa. Naghihintay na lang ng tamang oras ang mahal na prinsesa para umamin sa binatang 'yon." "Sino siya?" Tanong ni Heneral Cain. "Paumanhin, Heneral Cain?" "Ang taong minamahal ngayon ng prinsesa? Sino siya?" Tanong nito. Huminga siya ng malalim at ikinumpas ang kamay. Mula sa salamin, nakita nila si Dimitri habang kasama nito si Prinsesa Nerrie. "Siya si Dimitri. Ang lalaking iniibig ni Prinsesa Nerrie." At nawala ang salamin. Tumingin siya kay Heneral Cain. "Wala na talaga akong pag-asa sa kaniya." Malungkot nitong saad. "Paumanhin, Heneral Cain, ngunit kalimutan mo na si Prinsesa Nerrie dahil hindi kayo ang para sa isa't-isa." Masakit mang pakinggan ngunit 'yon ang katotohanan. "Narito na ang ginto." Ibinigay sa kaniya ni Prinsipe Nikolo ang maliit na kahon. At ng mahawakan niya ito, binuksan ito ng prinsipe. "Salamat, mahal na prinsipe." At isinara niya ang kahon. Yumuko siya sa hari at reyna. "Hanggang sa muli nating pagkikita, kamahalan."                     PAGBALIK ni Nerrie sa Maynila. Kaagad siyang nagtungo sa kulungan kung saan nakakulong si Leandro Montenegro. "Anong kailangan mo sa akin?" Tanong nito. "And who are you?" "It's none of your business if who am I. I'm here to inform you that I will pay Mrs. Anderson's debt to you because I don't like the idea that Mrs. Anderson's son and your daughter will be in arrange marriage." Aniya at inilapag sa harapan nito ang kahon na may lamang ginto. Tumaas ang kilay ng matanda. "You're Dimitri's girlfriend?" "It's more than that." Malamig niyang saad. "Okay, fine. About Mrs. Anderson's debt, I won't say no to that. But it's fifty million dollar..." Binuksan niya ang kahon. "What the hell?!" "This golds will be given to you in exchange that you won't send death threats to the Anderson's and leave them. Deal?" Malamig ang boses ni Nerrie habang nakikipag-usap. "Deal." Mabilis na sabi ni Leandro Montenegro. Isang malamig na ngisi ang sumilay sa labi ni Nerrie. "At kanino ko ito ibibigay?" "To my daughter." "But..." Nerrie closed the box. "huwag niyong angkinin ang lahat ng gintong 'to. Bayaran niyo rin ang utang ni Mrs. Anderson na kalahati ng ibinigay mo sa kaniya. Alam kong ag kalahati ng inutang niya sa'yo galing sa sindikato na kinabibilangan mo." "Okay." Sabi ni Montenegro. Ngumisi si Nerrie. "Deal is a deal, Mr. Montenegro. Huwag mo akong lokohin dahil iba ako kapag niloloko. Hindi lang buhay mo ang kaya kong utangin kundi pati buhay ng anak mo." Malamig niyang saad. Lumunok ang matanda at kinabahan. "Don't worry. Deal is a deal. Just talk to my daughter." "Okay. Then I'm leaving." Pagkalabas ni Nerrie sa precint kung saan nakakulong si Montenegro. Tinawagan niya ang Director niya. "Yes, Agent Nerrie?" "I need to know where is Ms. Montenegro, Director." "Just a sec." Nawala sa kabilang linya ang Director pero naririnig niya ang pagtipa nito sa keyboard. "Okay, right now, she's in Montenegro's Industry." "Thank you, Director." "Wait, Agent Nerrie." "Yes, Director?" "Why are you asking?" Nerrie smiled. "Confidential, Director, and  thank you for the info." Sakay ng kaniyang kotse. Dumeretso siya sa Montenegro's Industry. Pinark niya ang kotse sa parking lot at lumabas ng kotse dala ang kahon na naglalaman ng ginto. Sinuguro niyang aayon sa kaniya ang mga plano niya. Ang ginto bilang bayad sa utang ni Mrs. Anderson upang hindi na ito guluhin ni Montenegro. At nadadamay pa si Dimitri at ayaw niyang mangyari 'yon. Ayaw niyang mapahamak si Dimitri. Ito ang lalaking itinakda ni Erashea sa kaniya kaya kailangan niya itong protektahan tanggap man nito ang pagkatao niya o hindi. She suddenly remembered his confession to her. Hindi naman niya agad ito masagot kasi nabigla siya sa biglaan nitong pagtatapat. But Dimitri was determined, sabi nito na liligawan daw siya nito sa ayaw man o sa gusto niya. Napangiti si Nerrie. Kung alam ni Dimitri ang nararamdaman niya para rito. Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa opisina ni Layla Montenegro. Nasa labas ang sekretarya nito. "Hi, is Ms. Montenegro inside?" Tanong niya rito. "Yes, Ma'am. Do you have any appointment, Ma'am?" Tanong ng babae. Ngumiti siya. "A very important appoinment, Ms. Secretary. Her father knows that I will be here to give this to his daughter." Sabay pakita niya ng kahon na hawak. "Wait a minute, Ma'am. Sasabihin ko kay Ms. Montenegro na narito kayo." "Okay. I will wait here." Pumasok ang sekretarya sa loob ng opisina ng amo nito habang siya naghintay sa labas. Habang hinihintay na papasukin siya. Nakatanggap siya ng messages galing kay Dimitri. From: Dimitri 'where are you? I miss you.' Napailing si Nerrie. Sinabihan niyang huwag itong lalabas sa mansyon nila. Linggo naman at wala itong duty sa hospital kaya kinuha niya ang pagkakataon na 'yon para gawin ang mga plano niyang gawin. To: Dimitri 'I'm doing something important. Don't worry, you'll see me tomorrow.' And Dimitri replied a pouting emoji. Nerrie chuckled and put back her phone in her bag. "Ma'am, pwede na raw ho kayong pumasok." Sabi ng sekretarya na kalalabas sa opisina ng amo nito. "Thank you." Aniya at pumasok sa loob ng opisina ni Ms. Montenegro. Nakita niyang nakaupo ito sa swivel chair at nakaharap sa laptop. "Nice office." Komento niya na ikinatingin nito sa kaniya. Mabilis itong tumingin sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Hmm ... I don't like her already. Ang isa sa mga ayaw niya ang tinataasan siya ng kilay. Ngunit ayos lang kung ang mga kaibigan niya ang magtataas sa kaniya ng kilay. "Who are you? And what do you need?" Tanong nito. Naglakad siya palapit sa table nito at inilapag ang kahon. "Hindi ba sinabi ng ama mo kung ano ang pakay ko?" "Magtatanong ba ako kung alam ko?" Mataray nitong saad. Mataray ang babae pero hindi pa rin nito nalalagpasan ang katarayan ni Dayne. Mataray si Prinsesa Dayne, hindi lang halata. Nerrie sighed and opened the box. "Siguro naman alam mo na kung bakit ako nandito." Aniya sa babae na nanlaki ang mata habang nakatingin sa laman ng kahon. "Kung ganun ikaw ang sinasabi ni daddy. Okay." Sabi nito at akmang kukunin nito ang kahon ng pinigilan niya ang kamay nito. "May deal kami ng ama mo, Ms. Montenegro, at sa oras na hindi kayo sumunod sa gusto ko. Buhay niyo ang kapalit." Malamig niyang saad. Nakaramdam ng takot ni Layla sa lamig ng boses ng kausap. Iba ang tinig nito. Hindi ito nagbibiro. Tumingin si Layla sa mata ng kausap, iba rin ang titig nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango. "And before I forgot..." ang malamig kanina na boses ni Nerrie ay naging mas malamig pa at nawalan ng emosyon ang mukha niya. "I can see in your eyes that you like Dimitri." Malamig na ngumisi si Nerrie at hinawakan ang panga ni Layla. "Kalimutan mo si Dimitri dahil siya ay pag-aari ng isang prinsesa." At binitawan niya ang panga nito. Malamig na ngumiti si Nerrie at bago lumabas ng Montenegro's Industry. Pagpasok niya sa kaniyang kotse ay naroon si Dayne. "Sigurado ka ba sa ginawa mo, Nerrie? Kilala mo ang mga tao, madali lang silang masilaw sa salapi at tandaan mo hindi salapi ang ibinigay mo kundi ginto." Sabi ng kaibigan. Ngumisi si Nerrie at pinaandar ang sasakyan. "Kung hindi susunod ang anak ni Leandro Montenegro, akin ang mga buhay nila. Gagawin ko silang mga alagad ko." Napailing si Dayne. "Bahala ka." Wika niya at sumandal sa kinauupuan. Ngumiti lang si Nerrie. She manuever the car towards the high way. Agad niya itong pinaharurot palayo sa Montenegro's Industry.                     DIMITRI was really bored for the whole day. Hindi niya nakita si Nerrie sa buong maghapon. Hindi naman siya pwedeng lumabas dahil 'yon ang bilin nito. Ayaw naman niyang suwayin dahil para rin lang ito sa kaligtasan niya. He was just at his room and resting. Sa mga nakalipas kasi na araw, masyado siyang naging abala sa kaniyang trabaho. He sighed. Dahil nagpapahinga siya. Hindi sinasadyang bumalik sa isipan niya ang nangyari noon sa abandonadong gusali. Ang hitsura ni Nerrie habang nakikipaglaban at ang hawak nitong sandata. Kumunot ang nuo niya. Alam niyang totoo ang mga 'yon at hindi guni-guni. He get his laptop. Noon pa talaga siya nagdududa sa pagkatao ng dalaga. Mula pa noong nasaksihan niya ang mabilis na paghilom ng sugat nito noong nasa isla sila. He opened Mr. Google and look for what he is looking for. Habang nagsesearch siya. Hindi maiwasan ni Dimitri ang makaramdam ng kakaiba.  Nararamdaman niyang parang may kasama siya sa loob ng kwarto. He looked at hia bracelet. The bracelet that Nerrie gave to him. Kinuha niya ito at tinignan ng maigi. Dimitri suddenly feel cold. "Damn! What was that?" Bulalas niya. Nararamdaman niya talaga na may kasama siya sa loob ng kwarto. Napaigtad siya ng biglang tumunog ang cellphone niya na sa ibabaw ng bedside table. Tinignan niya kung sino ang tumatawag. Stanley Vitalis calling... "Yes? Need anything?" He asked. "I have a question?" "What is it?" "Kailan mo ipapakilala girlfriend mo?" Dimitri tsked. "Soon. Ako naman ang may tanong." "Ano 'yon?" "Ano ba ang pwedeng ibigay sa babae na siguradong masasayahan siya?" "Really? Ako ang tinatanong mo? Hindi ba may mga naging babae ka naman..." "Was. Ang tinatanong ko ang sagutin mo. Huwag mong ibalik sa akin ang mga..." "Duh! Babae ba ako para ako tanungin mo ng mga ganiyan?" Napailing si Stanley sa kabilang linya. Dimitri rolled his eyes and ended the call. Sandaling nakalimutan ni Dimitri ang pakay kaya niya binuksan ang laptop. He shut down his laptop and stormed out of his room. Habang sa loob ng kwarto niya. Umilaw ang bracelet ni Nerrie na nakagalay sa kama at mula rito ay lumabas ang tatlong kalansay na alagad ni Prinsesa Nerrie at nagkalat sila sa kwarto ni Dimitri. Ikinalat nila ang mga papel na nasa mesa ng binata. Ginulo nila ang kama at kung anu-ano pa ang ginawa ng mga alagad ni Prinsesa Nerrie sa kwarto ni Dimitri saka ang mga ito nagtatawanan.                     HABANG si Nerrie at Dayne ay napalaban muli sa mga tauhan ni Erosho. They planned to visit Airene. Balak nila itong puntahan sa pinagtatrabahuan nito ng bigla na lang humarang ang mga alagad ni Erosho. Muntik pa silang madisgrasya ni Dayne mabuti na lang at mabilis siya at nailiko niya ang sasakyan bago pa ito bumangga sa puno. Nagkatinginan ang dalawang prinsesa at sabay na bumaba ng kotse. "Wala akong ganang makipaglaban ngayon." Ani Prinsesa Nerrie. "Madali na lang akong maghina kung gagamit ako ng kapangyarihan ko. Alam mo naman na kay Dimitri ang isa sa mga pinagkukunan ko ng lakas ko." "I'm not also in the mood to fight these night demons." Sabi ni Prinsesa Dayne. "But we have no choice." Nerrie said. Dayne sighed. "Don't fight. Maghihinga ka lang at hayaan mo na akong labanan ang mga ungas na mga ito." "Ungas talaga?" Natawa si Nerrie. "Oh, sige, demonyo na lang dahil mga demonyo naman sila sa wangis at sa tawag natin sa kanila." Anito. Nerrie chuckled and sat on her car's hood. Hindi naman siya nag-aalala na may makakita sa kanila dahil nasa tagong parte sila ng kalsada. Wala rin namang gaanong dumaan na sasakyan. "Good luck, Prinsesa Dayne." Aniya. Ngumiti naman ito at nagcast ng spell sa kaniya para hindi siya magalaw ng mga kalaban nila. Nanonood lang si Nerrie sa kaibigan na nakikipaglaban sa mga alagad ni Erosho. Hindi naman siya nag-aalala na hindi nito kayanin ang mga kalaban nito. Magaling makipaglaban si Dayne. They were all trained. Kahit ano pa ang iharap sa kanilang ng mga kaibigan niyang prinsesa, natatalo nila maliban kay Erosho dahil isa itong bathala. Nang matapos labanan ni Prinsesa Dayne ang mga kalaban nito. Huminga ito ng malalim at lumapit sa kaniya. "Halika ka na." "Nakapagensayo ka ba?" Tanong niya sa kaibigan habang pasakay sila ng kotse. "Hindi nga ako pinagpawisan e." Sabi nito. Napailing si Nerrie sa sinabi ng kaibigan. "Huwag kang mag-alala dahil alam kong marami pa sa mga tauhan ni Erosho ang darating para paslangin tayo." "Pero malas nila at hindi nila tayo mapapaslang." Wika ni Dayne at nagseat belt. Nerrie started the engine and drive towards their destination.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD