"BAD NEWS, nakatakas si Leandro Montenegro sa kulungan niya." Ani Director R kay Agent Ria at Agent Nerrie.
"Nakatakas nga ba o may nagpatakas?" Tanong ni Nerrie at sumandal sa sofa na kinauupuan.
Director R shrugged his shoulders. "Who knows? But I know, may nagpatakas sa kaniya. Bukas na sana ang court trial niya."
"Then hinahanap na ba nila si Montenegro?" Tanong ni Agent Ria.
"Yes, marami na ang naghahanap sa kaniya. May mga ipinadala na rin akong agents na maaaring tumulong sa mga pulis para mahanap si Montenegro." Ani Director R.
"Then what's the plan, Director?" Nerrie asked.
"We need to be vigilant. Mas lalo ka na Agent Nerrie. Ikaw ang nagbabantay kay Dr. Anderson kaya alam kong isa ka na sa mga target ng mga tauhan ni Montengero. Remember, may atraso si Mrs. Anderson kay Montenegro. Mas lalong manganganib ang buhay ng pamilya Anderson lalo na ngayon at nakatakas na si Montenegro." Seryosong saad ni Director R.
"Ako ng bahala sa mga Anderson, Director. Leave them to my care. I won't allow anything bad thay will happen to them." Seryosong sabi ni Nerrie at naalala ang usapa nila ni Leandro Montenegro at ng anak nitong si Layla.
Hindi tumupad ang mag-ama sa usapan.
"I trusted you to this, Agent Nerrie."
"I won't disappoint you, Director."
"I know, Agent Nerrie."
Tumango si Nerrie at nagpaalam na kay Agent Ria at Director R. Pagkalabas niya ng opisina, dumeretso siya sa elevator, she pushed the first floor button.
Pagdating niya sa first floor kaagad siyang lumabas ng elevator at nagtungo sa parking lot ng Agency.
Kumunot ang nuo niya ng makita ang papel na nakaipit sa wind shield ng sasakyan niya. Kinuha niya ito at binasa ang nakasulat.
'The gold was not enough for Mrs. Anderson's debt.'
-Leandro Montenegro
Napailing si Agent Nerrie at pumasok sa loob ng kotse. Mga tao talaga. Naiiling na minaneho niya ang kotse palabas ng parking lot ng Escobar Intelligence Agency.
Nerrie sighed. Pinaharurot niya ang kotse ng marating niya ang highway. She drive going to Anderson's Medical Hospital. Malapit ng matapos ang shift ni Dimitri, she need to escort him.
Pagdating niya sa hospital. Kaagad siyang nagtungo sa opisina ni Dimitri at naabutan niya itong nag-aayos ng gamit.
"Hey." Bati nito.
She smiled. "Let's go?"
Dimitri nodded. Nauna na siyang lumabas ng opisina ng binata at hinintay ito.
Pasimple niyang pinagmasdan ang binata. He looks tired.
Habang naglalakad sila sa hallway ng hospital, nakasalubong nila si Renesmee. Tinanguan lang sila nito at nagmamadali itong naglakad palayo at pumasok sa isang room ng hospital.
"Nerrie, may I ask something?" Dimitri asked.
"Hmm?"
"Alam kong pumupunta si Mommy sa mga casino at alam kong nagkaroon siya ng utang sa Montenegro Industry. May I know kung ilan ba ang utang niya? At bakit kailangan pa ako ni Dad na bigyan ng bodyguard, which is you." Ani Dimitri.
Nerrie glanced at Dimitri and sighed. "Ask you mom, D. Don't asked me. Mas mabuting sa kaniya mo malaman ang sagot."
"Pero malaking halaga ba?"
"Yes."
"How much?"
"Millions. Ask your mom, Dimitri." Seryosong saad ni Nerrie at naunang lumabas sa exit.
"Let use my car." Ani Nerrie at nauna na sa kinaparadahan ng kotse nito.
Sumunod naman si Dimitri.
Lumingon si Nerrie kay Dimitri at nanlaki ang mata niya ng makita ang pulang tuldok sa dibdib nito. Parang hangin na nakalapit siya sa binata at itinulak ito. Naramdaman na lang niya ang pagkirot ng balikat niya na natamaan ng hit man.
"Nerrie?" Nag-aalalang tawag sa kaniya ni Dimitri.
"Get in the car!"
"Nerrie..."
"I said get in the car!"
"No! I won't if you won't get in." Matigas na sabi ni Dimitri.
Nerrie sighed and quickly opened the driver seat and shoved Dimitri and she quickly went to the shot gun seat.
Sinapo niya ang balikat na tinamaan ng bala. Umaagos mula ro'n ang sariwang dugo.
"Damn... Let's clean you wound." Sabi ni Dimitri.
"Kung balak mo akong ibalik diyan sa hospital mo. I suggest you... don't." Aniya sa binata.
"But you're bleeding..."
"I know but I don't want to be in the hospital. Just clean it." Sabi na lang niya.
Dimitri sighed. Worriedly, he get the first aid kit and treat Nerrie's wound. Pinunit niya ang damit ng dalaga para malinisan niya ng maayos ang sugat nito sa balikat na ipinagpasalamat niyang daplis lang ang tama nito at hindi ito malalim.
At ng malinisan niya ang sugat ng dalaga. Nagulat siya ng agad din itong naghilom. Sumara ang sugat nito at parang hindi ito nabaril.
"Nerrie..." Pagtingin niya sa dalaga. Nakapikit ito at walang malay.
Dimitri sighed. Inayos niya ang mga ginamit niya at minaneho ang sasakyan patungo sa condo ng dalaga.
Pinangko niya ito ng makarating sila sa condominuim.
Maingat niyang hiniga sa kama ang dalaga at hinubad ang suot nitong sapatos, kinumutan niya rin ito. Pinagkatitigan niya ang mukha ng dalaga. Maamo ang mukha nito at napakaganda.
'Yon nga lang may napansin siya sa ganda ng dalaga. Kakaiba talaga ito sa lahat ng mga babae. Dahil ba kakaiba ito. Gusto niyang tanungin si Nerrie tungkol sa mga nasaksihan niya pero alam niyang wala siyang karapatan.
Dimitri sighed and carress Nerrie's soft hair.
Umupo siya sa gilid ng kama at umuklo. Hinalikan niya sa nuo si Nerrie.
"Have a good sleep, my princess. I love you."
Tumayo siya at nagsulat ng note. Idinikit niya ito sa bedside table bago siya lumabas ng kwarto ng dalaga at umalis.
Nang sumara ang pinto, saka lang nagmulat ng mata si Nerrie.
Napangiti siya at napailing. Tinignan niya ang sugat niya sa balikat. Naghilom na ito. She knows that Dimitri clean her wound. At alam miyang nakita nito ang paghilom ng sugat niya. Nerrie was confused. Bakit kaya hindi siya nagtatanong?
Nerrie sighed and get up.
Pumasok siya sa banyo at naligo. May importante siyang lakad na kailangan niyang puntahan.
After she took a bath. She wrapped the towel to her body and stepped out of the bathroom. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Dimitri.
Napatigil si Nerrie at nagulat ng makitang naroon pa rin sa condo niya si Dimitri. Akala niya ay umalis na ito.
"Akala ko umalis ka na." Aniya.
Mukhang doon naman natauhan s Dimitri sa pagkatulala.
"Damn! Sorry! Sorry!" Mabilis na lumabas si Dimitri.
Natawa si Nerrie at tinungo ang closet. Kumuha siya ng damit at nagbihis. Pagkatapos niyang mag-ayos. Lumabas siya sa kwarto at nakita niya si Dimitri sa kusina. Umiinom ito ng tubig.
"D?"
Kaagad itong lumingon sa kaniya.
Sumandal siya sa hamba ng pintuan at naghalumikipkip. "Okay ka lang ba?"
Tumango si Dimitri at bumalik sa isipan niya ang hitsura ng dalaga na nakabalot lang ng towel kanina. Huminga siya ng malalim. "Sorry for just barging in earlier."
Nerrie smirked. "It's okay. Akala ko nga umalis ka na."
"I bought food at the restaurant nearby." Dimitri said and pointed the paper bag in the table.
"Oh. Thanks. Sa totoo lang kanina pa ako gutom."
Dimitri smiled. "Okay. Come here and let's eat."
Kaagad namang tumalima si Nerrie at umupo. Dimitri readied the food. Asikasong-asikaso niya ang dalaga.
"Water."
"Thanks." Nerrie smiled.
Habang kumakain silang dalawa. Napatingin si Nerrie sa bintana ng condo. Dumidilim na ang buong paligid. May importante siyang lakad pero kasama niya si Dimitri. Ano kaya ang gagawin niya?
"After we eat, ihahatid kita sa mansyon niyo." Aniya.
Nag-angat ng tingin ang binata. "Okay."
SINUNDAN ni Prinsesa Renesmee si Prinsesa Nerrie. Nakasuot ito ng kulay lilang cloak at hindi niya alam kung saan ito pupunta kaya tahimik niya itong sinundan.
Nagtaka siya kung ano ang gagawin ng kaibigan pero base sa mga nakikita niyang galaw nito, may ideya na siya kung ano ang maaari nitong gawin.
Tumalon siya sa isang sanga ng puno habang pinagmamasdan ang kaibigan sa hindi kalayuan. Tumingala siya sa kalangitan. Ilang gabi na lang, kabilugan na naman ng buwan. Napabuntong-hininga si Prinsesa Renesmee at nagtaka ito ng makitang tumigil ang kaibigan sa paglalakad at biglang nawala.
"Anong..." Mahinang napatalak si Prinsesa Renesmee.
Kulay lilang usok lang ang nakikita niya sa kinatatayuan kanina ni Prinsesa Nerrie bago ito nawala. Mukhang naramdaman siya ng kaibigan.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Prinsesa Dayne.
"Hello..."
"Ready your seer portal. Sa tingin ko may gagawin si Nerrie dahil sa nangyari kanina sa labas ng hospital."
"Bakit? Ano bang nangyari?" Nagtatakang tanong ni Prinsesa Dayne. "At nagpapahinga na ako."
"Mamaya ka na magpahinga. Pupunta ako diyan sa bahay mo." Ani Prinsesa Renesmee.
"Ano ba kasing nangyari sa labas ng hospital?" Tanong ni Prinsesa Dayne.
"Muntik mabaril si Dr. Anderson, mabuti na lang at mabilis si Nerrie pero siya ang nabaril."
"Okay. Okay. Come to my house." Ani Prinsesa Dayne at pinatay ang tawag.
Gamit ang kakaibang bilis ni Prinsesa Renesmee, nagtungo siya sa bahay ni Prinsesa Dayne.
NANG masigurong wala na si Prinsesa Renesmee na sumusunod sa kaniya, lumitaw si Prinsesa Nerrie sa lugar kung saan bigla siyang nawala.
Nerrie sighed.
Naglakad pa siya ng ilang minuto hanggang sa marating niya ang malaking gate. Tumingin siya sa paligid at maglalakad na sana siya palapit sa gate ng biglang lumitaw sa harapan niya si Melissa.
"Mahal na prinsesa, huwag niyong ituloy ang binabalak niyo." Seryoso nitong saad.
"Anong parusa kung itutuloy ko?" Tanong niya.
"Isang daang hampas ng latigo, mahal na prinsesa."
"I can take it." Ani Prinsesa Nerrie.
"Mahal na prinsesa." Babala ni Melissa at umiling. "Huwag niyong gawin ang binabalak niyo."
"Sumuway sila, Melissa. Hindi sila tumupad sa usapan. Batid mong napakahalaga sa akin ang salita." Seryosong saad ni Prinsesa Nerrie. Wala kang mabasang ekspresyon sa mukha nito.
"Batid ko, kamahalan. Ngunit hindi ito ang paraan para magbayad sila. Oo, ibinigay mo ang ginto bilang kapalit na huwag na nilang guluhin ang mga Anderson. Hindi tumupad ang mag-amang Montenegro ngunit hindi ibig sabihin ay kukunin mo na ang kanilang buhay. Tandaan mo, mahal na prinsesa, tao sila at hindi kagaya natin na hindi pangkaraniwang nilalang. Sa tingin niyo ba ay masasayahan si Dimitri kapag nalaman niya ang gagawin niyo sa mga tao. Bibigyan mo lang siya ng rason upang katakutan ka niya at huwag tanggapin. Mahal na prinsesa, kaya tayo nandito sa mundo ng mga tao ay para hanapin ang lunas ng inyong mga sumpa. Hayaan mo na ang mga tao, mahal na prinsesa. Ako na ang bahala sa mga taong may atraso sa 'yo. Huwag kayong gumawa ng bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli." Sabi ni Melissa at hinawakan ang magkabilang balikat ng prinsesa.
Napayuko naman si Prinsesa Nerrie at tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
Tama lahat ng sinabi ni Melissa. Kapag ginawa nga niya ang binabalak niya na pagkuha sa buhay ni Leandro at Layla. Parang siya na rin ang gumawa ng paraan upang layuan siya ni Dimitri kaysa tanggapin siya nito.
She wanted to kill Leandro and Layla. Nais niyang gawing alagad ang mga ito pero totoo ang mga sinabi ni Melissa. Huwag siyang gumawa ng bagay na pagsisisihan niya sa bandang huli.
"Huwag kang mag-alala, mahal na prinsesa. Bukas maibabalik na sa kulungan si Leandro Montenegro. Pangako 'yan, mahal na prinsesa." Niyakap ni Melissa ang prinsesa at hinagod ang likod nito.
"Aamin na ako sa kaniya. Paano... Paano kung hindi niya ako tanggapin?" Umiiyak na tanong ng prinsesa at batid niya kung ano ang tinutukoy nito.
"Narito ako, kami, mahal na prinsesa. Hindi ka namin papabayaan. Nasa likod mo lang kami." Aniya.
"S-salamat." Kumalas ng yakap si Nerrie kay Melissa.
Pinunasan naman ni Melissa ang luha ng prinsesa. "Kung alam mo lang kung ano ang mga iniisip ni Dimitri." Ngumiti siya. "Umuwi ka na, Nerrie, at magpahinga. Batid kong madali ka na lang manghina ngayon."
Tumango si Nerrie at nawala.
Napabuntong-hininga naman si Melissa at tumingin sa malaking gate na nasa kaniyang harapan.
Naglaho siya at lumitaw sa loob ng compound. Nakita niya ang guard na nasa guard house. Muli siyang naglaho at lumitaw siya sa harapan ng guwardiya.
"Anong..."
Hinawakan niya ito sa balikat at tinignan niya ito sa mata.
"Sundin mo ang sasabihin ko... Tumawag ka sa mga pulis at sabihin sa kanila na narito ang mga amo mo..."
Napangisi si Melissa ng sinunod ng guwardiya ang sinabi niya. Nang matapos nitong gawin ang sinabi niya. Ibinuka niya ang kaniyang pakpak at sumibad ng lipad paitaas.
NAPABUNTONG-HININGA si Dimitri habang nakatitig sa kisame ng kaniyang kwarto. He's really tired but he can't sleep. Pabalik-balik sa isipan niya ang nangyari kanina sa labas ng hospital.
Naalala niya ang sugat ni Nerrie dahil sa tama ng baril. Kaagad itong naghilom katulad ng nangyari sa isla.
Ngayon tama ang kutob niya. Hindi talaga tao ang dalaga. Hindi kaya ng isang tao na maghilom ang sugat nito ilang minuto matapos malinisan.
He's a doctor and he was in the field of science. Mula bata siya, hindi siya naniniwala sa mga multo o anu-ano pang kababalaghan pero nangyari sa kaniya. Nasaksihan at naranasan na niya mismo.
Iniangat ni Dimitri ang braso na may suot na bracelet.
Sa bracelet pa lang na ito, may mga nasaksihan na siya. Nagsimula iyon sa isla hanggang sa bumalik siya dito sa Maynila.
Napatigil siya ng may mapansin siya sa balkonahe ng kaniyang kwarto. Bumangon si Dimitri at inaninag ang balkonahe. Salamin ang pinto ng balkonahe kaya nakikita niya na may tao sa labas.
Mabilis na kinuha ni Dimitri ang arnis na nasa gilid ng closet niya. Gamit niya ito noon pa. Sana lang makatulong. Sa tingin niya kasi magnanakaw ang nasa labas ng kwarto niya.
Tanging lampshade lang ang ilaw ng kwarto niya kaya hindi siya masyadong makita ng taong nasa labas.
Ang galing naman ng magnanakaw na 'to. Nakaakyat talaga dito sa balkonahe ng kwarto ko. Malas lang niya.
Dahan-dahang binuksan ni salaming pinto.
"Sino ka?" Tanong niya sa taong nasa labas ng kaniyang balkonahe.
Bigla itong humarap at hahampasin na niya sana ito ng makita niya ng mukha nito.
"Nerrie?"
He blinked. "Anong ginagawa mo dito? At paano ka nakaakyat dito sa balkonahe ng kwarto ko?" Nagtatakang tanong niya.
Mataas kaya ang ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto niya.
"Dimitri..." Humikbi si Nerrie at hindi na napigilan ang sarili na yumakap sa binata.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Dimitri sa dalaga at hindi niya maiwasang mag-alala rito.
Hindi sinagot ni Nerrie ang tanong niya kaya ipinalibot niya ang braso sa katawan ng dalaga at hinaplos ang buhok nito.
Nerrie cried into Dimitri arms while Dimitri's comforting her.
At nang mahimasmasan si Nerrie sa pag-iyak. Kumalas siya ng yakap sa binata. "Pasensiya ka na kung inistorbo kita."
Dimitri smiled and wiped Nerrie's tears using his thumb. "It's okay. Bakit? Ano bang nangyari at umiiyak ka?"
Umiling si Nerrie. "Wala."
"Wala? Teka, paano ka nga pala nakapunta dito sa balkonahe ng kwarto ko?"
Nag-iwas ng tingin si Nerrie. "Huwag mo ng pansinin 'yon."
"Alam mo kakaiba ka talaga, Nerrie." Seryosong sabi ni Dimitri. "Kakaiba ka sa lahat ng mga nakilala ko. Tell me, tao ka ba talaga?"
Natigilan si Nerrie sa tanong ni Dimitri.
Seryoso ang anyo ng binata. Nerrie sighed.
"Handa ka na bang malaman ang lahat?"
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Dimitri.
"Sabi mo, mahal mo ako. Handa ka bang tanggapin ako, kung sino at ano ako?" Hamon ni Nerrie sa binata na matiim na nakatingin sa kaniya.
"Ikaw, Nerrie? Handa ka na bang sabihin sa akin ang lahat?" Balik ni Dimitri.
Napatitig si Nerrie kay Dimitri at nawalan ng imik. Does he already know something about me?
Nag-iwas ng tingin si Nerrie at tinalikuran ang binata. "Aalis na ako."
"Oh, saan ka dadaan?" Tanong ni Dimitri at hinawakan ang kamay ng dalaga.
Sabay na napatingin ang dalawa sa magkahawak nilang kamay.
Naunang bumitaw si Nerrie at biglang tumalon pababa mula sa balkonahe ng kwarto ni Dimitri.
"Nerrie!" Nag-aalalang tawag ni Dimitri sa pangalan ng dalaga at mabilis na tumingin sa ibaba.
Nakahinga siya ng maluwang ng makitang hindi naman napilayan ang dalaga at nakatayo pa rin ito ng tuwid.
Nerrie smiled and waved her hand.
"See you tomorrow, D!" Nerrie smiled and did a flying kiss.
Nerrie smiled before she went behind the tree and disappeared.
Habang si Dimitri naman napahawak sa tapat ng puso nito. His heart was beating so fast.
"You will be the death of me, Nerrie, my princess."