KABANATA 6

2467 Words
                    NAGISING KINABUKASAN si Dimitri na pinagpapawisan. Ang sama ng panaginip niya. Iyon na yata ang pinakamasama niyang napanaginipan sa buong buhay niya. Bumangon siya at agad na nagtungo sa banyo para maligo. Pero napatigil siya ng mapansin ang buhangin sa sahig ng kwarto niya. Kumunot ang nuo ni Dimitri at hindi na lang niya ito pinansin at tuluyang pumasok sa loob ng banyo. Habang naliligo hindi niya maiwasang hindi isipin ang panaginip niya. Para kasing totoo. Napailing siya. Panaginip lang 'yon. Pagkatapos niyang maligo, nagbihis siya at bumaba ng kusina. Nakahanda na ang agahan niya na inihanda ng katiwala. "Magandang umaga, Doc." Bati sa kaniya ng matandang katiwala. "Magandang umaga din ho." "Okay na po ba kayo, Doc?" Tanong ni Mang Danny sa kaniya. Umupo si Dimitri sa silya. "Opo. Bakit po?" Tumaas ng kaunti ang kilay ni Mang Danny at tumingin sa kaniya ng ilang segundo bago ito umiling. "Wala ho, Doc. Kumain na kayo at para makapaghanda na kayo sa para pagbabalik niyo sa Maynila." "Salamat po, Mang Danny. Kayo po? Kumain na ba kayo? Sabayan niyo na po ako." Sabi ni Dimitri. "Mauna na kayong kumain, Doc." Sabi ni Mang Danny. "May gagawin pa ako." At lumabas ito sa pinto ng kusina. Kumain si Dimitri at ng matapos hinugasan niya ang pinagkainan bago bumalik sa kwarto at nagimpake. Katatapos niya lang magimpake ng tumawag ang kaniyang ina. Dimitri sighed. "Hello, Mom." "Dimitri Anderson! Thank God and you finally answered my call." Sabi ng ina sa kabilang linya. Sinadya niya kasing huwag sagutin ang tawag nito noong mga nakaraang araw dahil alam niyang mangungulit lang ito tungkol sa pribado niyang buhay. Sa totoo lang naririndi na siya. "What's up, Mom?" Walang gana niyang tanong. "My son, I'm worried about you. You're not answering my call ... and its really upsetting me!" Biglang pagtaas ng tono ng ina. "How dare you for not answering my call!" "Because you would just nag me non-stop, Mom. Please, stop meddling into my private life. It's my life—" "No! You're my son and I know what's the best for you. You're going to marry Layla as soon as possible. She's a good woman—" Naipikit ni Dimitri ang mata. "No, Mom. I won't marry that woman. I don't know her." "Son, Layla is a good woman. You will like her." Sabi ng ina. "Mom, please, for the last time. I'm begging you. Stop meddling into my private life." And he ended the call. Napailing si Dimitri at napasabunot sa sariling buhok. Palaging nakikialam ang ina niya sa buhay niya. Hinayaan na niya ito noon na kontrolin siya pero hindi na ngayon. Hindi niya hahayaan na pati pribado niyang buhay kontrolin ng kaniyang ina. He have his own mind and heart. Walang sinuman ang maaaring mag-utos sa kaniyang kung sino ang papakasalan niya. Biglang pumasok sa isipan niya si Nerrie. He sighed and shooked his head. Bigla-bigla na lang itong sumusulpot sa isipan niya. Dahil sa pagtawag ng ina parang hindi na niya gustong umuwi. But he have the  Anderson's Medical Hospital waiting for him. Hindi niya pwedeng pabayaan ang hospital na pinaghirapan niya ng ilang taon. He looked at his phone when it rang again. Stanley Vitalis calling... "What?" Bungad niya. "Nice greeting, bud." Sabi ng kaibigan. "You're welcome, buddy. You called?" "Parating na yate na susundo sa 'yo." "Thanks, Stan." "No prob. Anyway, wala ka bang napansin na kakaiba diyan sa isla?" Tanong ni Stanley. Agad na pumasok sa isipan niya si Nerrie. May kakaiba nga dito. But he choose to keep it. Sa kaniya na lang ang mga napansin niyang kakaiba sa dalaga. It's Nerrie's privacy and he don't want to meddle it. "Wala naman. Bakit? Ano bang meron sa islang 'to? Bukod sa nakakarelax." Sabi ni Dimitri at lumabas ng balkonahe ng kwarto. "Nothing." Stanley quickly answered and ended the call. Tumaas ang kilay ni Dimitri at napatitig sa phone na hawak. I know you, Stan. Something's bothering you. Malakas ang kutob niyang may bumagabag sa kaibigan pero kilala niya si Stanley. Hindi ito magsasabi hangga't kaya nito kung anuman ang bumabagabag rito. His phone beeped. From: Mommy 'I'll arranged your date with Layla. Trust me, son, you will like her.' Dimitri rolled his eyes. And he replied, 'no, Mom. I won't go to that date. Stop meddling into my lovelife.' He turned off his phone so his mom can't call him. It's really annoying. Bumuga ng hangin si Dimitri at pumasok sa loob ng kwarto. Parating na ang yate na susundo sa kaniya. Kailangan niya itong hintayin sa may wooden path. Bitbit ang bag, nagtungo siya sa kinaroroonan ng katiwala ng mansyon at nagpaalam. "Mag-iingat ka, Doc." Sabi sa kaniya ng asawa ni Mang Danny. "Opo. Kayo din po." Dimitri said and smiled. Tipid na ngumiti ang asawa ni Mang Danny. "Ang ibig kong sabihin mag-ingat ka sa nilalang na nagkakagusto sa 'yo." "Ho?" Nagtaka si Dimitri sa sinabi ng ginang. "Wala, Doc. Mag-ingat ka at mag-ingat ka din sa kaniya." Sabi ng ginang. Nagtataka man si Dimitri sa sinasabi ng ginang pero pinili niyang huwag na lang pansinin. "Ihatid ko na kayo sa yate, Doc." Sabi ni Mang Danny. "Sige ho. Salamat." Nakalayo na si Dimitri pero nakatingin pa rin ang asawa ni Mang Danny sa binata. Napailing ito at tumingin sa isang puno sa hindi kalayuan. Nararamdaman niyang may nagtatago doon at kilala niya kung sino ito. Ang babaeng tinulungan ni Doc. Dimitri, si Nerrie. Unang kita niya pa lang sa dalaga alam niyang kakaiba ito. Malakas ang pakiramdam niya dahil namama niya mula sa kaniyang ama ang kakayahan nitong manggamot at makakita ng mga hindi pangkaraniwang nilalang. At nagamit nga niya iyon sa dalaga.                     PAGDATING ni Dimitri sa Vitalis' port. Agad siyang bumaba ng yate at nagtungo sa resort ng kaibigan. Alam niyang naroon ito tuwing weekend at nagrerelax. Pagdating niya sa resort, iginiya siya ng isang staff sa kinaroonan ni Dimitri. Sa pribado nitong pwesto na ito lang talaga ang gumagamit. "Ang lalim ng iniisip mo." Aniya sa kaibigan ng hindi man lang siya nito pansinin ng makarating siya sa kinaroroonan nito. Sumulyap ito sa kaniya habang nakaupo sa recliner at umiinom ng alak. "May iniisip lang ako." Tumaas ang kilay ni Dimitri at umupo sa isang recliner. Sumandal siya at tumingin sa dagat. "Kaya mo pa ba?" Dimitri asked. "Yep. Hindi naman ganoon kalalim ang problema ko. May iniisip lang ako talaga." "Business?" Stanley shooked his head. "No. It's personal." Dimitri shrugged. "Okay." Tumingin si Stanley sa kaibigan at napansin ang suot na bracelet ni Dimitri. Kumunot ang nuo ni Stanley. "Who gave you that?" Tanong ni Stanley. Dimitri grinned. "Secret." Tumaas ang kilay ni Stanley. Kung hindi siya nagkakamali, babae ang nagmamay-ari sa bracelet dahil sa kulay nito. Tinitigan ni Stanley si Dimitri. May napansin siyang kakaiba sa aura nito. Tumaas ang sulok ng labi ni Stanley. "You enjoyed your vacation, huh." Dimitri nodded while his eyes was focused on the sea. "You met someone?" Stanley asked. He wanted to know what the hell has happened? Hindi ganito ang aura ng kaibigan. Dimitri have sometime blank expression but looking at him right now is different. "Yes. I met someone but I don't have the plan to tell you who is? Sa akin na lang 'yon. So stop asking question, Stan." Dimitri said and closed his eyes. Napailing na lang si Stanley. Minsan talaga ang kaibigan niya, hindi nito kayang itago ang emosyong nararamdaman. MIDNIGHT. FULLMOON. Siniguro ni Prinsesa Nerrie na nakalock ang pinto ng tinitirhan niyang condo. Nagsisimula na naman ang sumpa. Hindi na siya nakauwi sa mansyon ng Tatay Abel nila dahil sa sunod-sunod na assignments na ibinigay sa kaniya ni Director H. Tumingin siya sa salamin at nasaksihan na naman ang kaniyang pagbabagong anyo. Naging isa siyang kalansay na may nagbabagang mata. Isang nakakatakot na nilalang. Sampung taon na niya itong dinadanas. Labing dalawang beses sa isang taon. Tatlong oras tuwing kabilugan ng buwan. Naisip niya ang pito pang kaibigan na alam niyang dinadanas din ang sumpa sa mga oras na ito. Napangiti ng mapait si Nerrie ng maalala ang lalaki na sa maikling panahon ay nagpatibok agad ng kaniyang puso. Dimitri. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kung nakita siya nitong isang kalansay? Sigurado siyang matatakot ito sa kaniya. Nakita niya ang takot sa mga mata nito noong nasa isla ito at nagpakita rito ang mga alagad ng Dark Lord. Magkakaiba man sila ng hitsura pero pareho lamang 'yon. Tumingin si Prinsesa Nerrie sa bilog na buwan. May dalawang oras at kalahating minuto pa siyang aantayin bago bumalik ang kaniyang dating anyo. At alam niyang manghihina siya oras na bumalik siya sa kaniyang dating anyo dahil wala na ang bracelet niya. Doon nanggagaling ang kalahati ng kapangyarihan niya pero ayos lang. Kay Dimitri naman ito napunta. Sana lang ay pahalagahan ni Dimitri ang bracelet dahil kalahati ng buhay niya ay nasa bracelet na suot nito. Makalipas ang dalawang oras at kalahating minuto. Unti-unti na siyang bumabalik sa kaniyang dating anyo at ramdam na ramdam niya ang kaniyang panghihina. Nerrie layed on her bed. She closed her eyes, hanggang sa hindi niya namalayan nakatulog na pala siya.                     WHILE DIMITRI, he was on a night shift and busy infront of his computer doing some research. It's already 3:10 in the morning, at hindi pa siya natutulog. Well, his office in the hospital is also his room. Minsan talaga hindi na siya umuuwi sa bahay nila dahil sa kaniyang ina na walang ibang ginawa kung hindi ang pakialaman ang pribado niyang buhay. Kung kani-kaninong babae siya nito pinapares. At talagang naiinis na siya. Seconds later, his phone beeped. From: Mom 'Son, go home. Now!' Dimitri blew a loud breath. Talagang hinintay siya ng ina. Tama lang na hindi siya umuwi dahil mukhang sesermunan siya ng ina dahil sa hindi niya pagsipot sa babaeng gusto ng kaniyang ina na i-date niya. His phone beeped again. From: Dad 'Hey, good morning, son. Don't listen to your, Mom. Just do whatever you are doing right now and don't let her meddle with your private life. Visit us if you have time.' Napangiti si Dimitri sa message ng ama. Mabuti pa ang kaniyang ama at hindi nito pinapakialaman ang pribado niyang buhay, hindi tulad ng kaniyang ina, lahat na yata ng anak na babae ng mga business partners ng mga ito ay nirereto sa kaniya. To: Dad 'I'll visit you this weekends, Dad. I promise.' He place his phone on the table and shut down his computer. Hinubad niya ang suot na doctor's robe at stethoscope. Inilagay niya ang mga ito sa likod ng kaniyang upuan. He picked his phone and put in his back pocket. Lumabas siya ng opisina. Uuwi muna siya sa kaniyang condo para magpahinga ng kahit saglit lang. Habang naglalakad sa hallway ng hospital, may mga nakakasalubong siyang mga nurse at doctor. Binabati siya ng mga ito at tinatanguan niya lang ang mga ito. Pagdating niya sa parking lot. Agad siyang sumakay sa kaniyang kotse at minaniobra palabas ng parking lot. Bigla niyang naalala si Nerrie. Kumusta na rin kaya ang dalaga? Dalawang linggo na ang nakalipas at hindi niya alam pero gusto niyang makita ang dalaga. Tinignan niya ang suot na bracelet. Mayroon talagang kakaiba sa bracelet na ibinigay sa kaniya ni Nerrie. Dimitri sighed. Pinaharurot niya ang kotse ng nasa highway na siya patungo sa condominium na tinitirhan niya. Pero itinigil niya ang sasakyan sa isang coffee shop na malapit sa condominium. Pagpasok niya sa loob, nakita niyang may ilang taong naroon at nagkakape. Deretso siya sa counter at umorder ng kape. "Black coffee." "Yes, sir. Wait a minute." Sabi ng babaeng nasa likod ng counter at agad na gumawa ng kape. Pagkakuha niya ng kape, umupo siya sa bakanteng upuan, sa tabi ng glass wall at tumingin sa labas. Maliwanag naman sa labas ng coffee shop dahil sa mga lamp post at sa mga ilaw ng mga sasakyang dumadaan. He looked at his wrist watch. It's now quarter to 4 A.M. Napabuntong-hininga si Dimitri at inubos ang kape. Naglagay na lang siya ng pera sa mesa at lumabas na ng coffee shop. Pero nagtaka siya ng may babaeng nakaupo sa hood ng kaniyang sasakyan. "Excuse me, Ma'am." Ani Dimitri sa babae. Tumingin kay Dimitri ang babae. Mas lalong nagtaka ang binata ng pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ikaw nga." Sabi ng babae. "Who are you?" Tanong niya sa babae. Ngumiti lang ang babae at bumaba ang tingin nito sa suot niyang bracelet. "Ang ganda ng bracelet mo. Take care of it because it's a treasure." Sabi ng babae at umalis sa pagkakaupo sa hood ng sasakyan. "I don't know what you are talking about, Ma'am." Dimitri said. The woman only smile at him and waved her hand. "Bye." Nakakunot ang nuo nakasunod ng tingin si Dimitri sa babaeng naglalakad palayo. Napailing siya at bubuksan na sana ang pinto ng kotse ng may napansin siya sa hood ng kotse. Pinulot niya ito. Balahibo? Tinignan ni Dimitri ang balahibo. Did that woman put this feather on the hood of my car? Itinapon niya ang balahibo at tuluyan ng pumasok sa loob ng kotse. He started the engine but he suddenly stopped when he saw the woman in the side mirror of his car. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kinaroonan niya at nakatingin lang sa kaniya. Mas lalong kumunot ang nuo ni Dimitri dahil parang may kung anong gumagalaw sa likuran ng babae. Hindi naman niya ito masyadong maaninag dahil medyo madilim na sa kinaroonan nito. Dimitri blew a loud breath and shake his head. Pinaharurot niya ang kotse palayo sa coffee shop at agad naman siyang nakarating sa kaniyang condo.                     NADATNAN ni Melissa si Prinsesa Nerrie na natutulog sa kama nito. Sinadya niya itong dalawin dahil hindi ito umuwi sa kanila. Kagabi pa naman ay dinanas na naman ng mga prinsesa ang sumpa ni Erosho. Nag-alala siya dito kaya niya ito pinuntahan. Ito lang ang hindi umuwi. "Prinsesa Nerrie." Tawag niya sa pangalan nito. "Kamahalan." Maya-maya ay nagmulat ng mata ang prinsesa at nakita niya ang panghihina sa mga mata nito. "M-melissa ..." Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ng dalaga. "Ayos ka lang ba, mahal na prinsesa?" Tumango si Nerrie. "Lilipas din 'to." "Mahal na prinsesa, sigurado ka bang siya na?" Tanong niya sa prinsesa. Ngumiti si Nerrie. "Kahit di ko alamin, alam kong nakita mo na siya." "Palagi ko kayong tinitignan lahat sa seer portal, kamahalan. At nalalaman ko kung ano ang mga nangyayari sa inyo." Sabi ni Melissa. "Magpahinga ka, kamahalan. Babalik din ang lakas mo." Napabuntong-hininga si Melissa habang pinagmamasdan ang prinsesa. Sana lang nahanap na nito ang lunas sa sumpa nito. Sana ... ang lalaking 'yon na ang nakatakdang tatapos sa sumpa ni Erosho kay Prinsesa Nerrie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD