KABANATA 7

2491 Words
ANDERSON'S MEDICAL HOSPITAL.                     KANINA pa gusto ni Dimitri na umalis sa loob ng kaniyang opisina pero hindi niya magawa dahil naroon ang kaniyang ina at kasalukuyan siyang sinesermunan. "Dimitri, I didn't raise you to be impolite. Hindi mo sinipot si Layla sa date niyo kagabi!" Nakapamewang na sabi ng ina. Dimitri rolled his eyes. "I told you, Mom. I don't like her. She's not my type." "She's nice, Dimitri. You will like her once you'll with her. I like her for you. She'll be a good mother to your kid." His mom said. Sumandal si Dimitri sa swivel chair. "No, mom. I don't like her." "You keep saying that because you haven't met her but once—" "Stop, mom, please ..." Hinilot ni Dimitri ang sentido. "I'm dating someone so stop meddling my lovelife." Nerrie. Huli ng mapagtanto ni Dimitri ang sinabi. Dating someone? Sino naman? Eh, halos nasa loob lang siya ng kaniyang opisina sa pag-aari niyang hospital. Yes, he dated many women but that was before. Tumigil na siya mula ng maipatayo niya ang ANDERSON'S MEDICAL HOSPITAL, dito na niya ibinuhos ang lahat ng atensiyon niya at nasa huli na ng priority niya ang babae. "And who's that someone?" Striktong tanong ng ina. "Are you sure that she's rich like us. Baka pera lang naman ang gusto niya sa 'yo. I'm telling you, Dimitri. I like Layla for you. Nagpaplano na kami ng ama niya tungkol sa kasal niyong dalawa." Nawalan ng emosyon ang mukha ni Dimitri at tumayo. "Mom, hinayaan ko na kayo noon na kontrolin ang buhay ko pero ngayon hindi na. I'm already 30 years old. Ako na ang magdedesisyon sa buhay ko. I'm old enough. I won't let you decide for my life especially if it's about my private life. I'm telling you, mom, you won't like me very much. I'm your son but you don't know what I can do." Seryoso niyang saad at hinalikan ang ina sa nuo bago siya lumabas ng pribadong opisina. Nagtungo siya sa rooftop ng hospital. He breath deeply and exhaled loudly. Naalala niya si Nerrie. Minsan talaga bigla-bigla na lang susulpot sa isipan niya ang dalaga. Tinignan niya ang bracelet na bigay ng dalaga. Kailan niya kaya makikita ulit ang dalaga? Hindi naman na niya kasi naitanong kung saan ito nakatira para madalaw niya. Kumunot ang nuo ni Dimitri sa mga iniisip. Ano ba 'tong mga pinag-iisip niya? Napailing siya at napasuklay sa sariling buhok. Magtatatlong linggo na muli ng huli ng nakita ang dalaga. Hindi talaga ito mawala sa isipan niya. He get his phone from his pocket and dialed his private investigator number. Sana tama itong gagawin niya.                     "SO WHAT'S your plan?" Tanong sa kaniya ni Dayne. Sinadya ni Nerrie na puntahan si Dayne sa restaurant nito. And infairness, the restaurant have many customers. "Before I answer your question, let me ask you a question first. Isa lang naman." Sabi niya. "Okay." Dayne said while eating. "Sigurado ka bang wala kang nilalagay na gayuma sa pagkain?" Mahina ang boses niyang nagtanong, sapat lang na sila ang nakakarinig. Tinignan siya ng masama ni Dayne. "Anong tingin mo sa akin? Masamang mangkukulam?" Mahina din ang boses nito. Nerrie grinned. "I'm just asking but for your question,"umiling siya. "Wala pa akong plano sa ngayon." "Hindi ka ba makikipaglapit sa lalaking nagpapatibok ng puso mo?" Tumaas ang kilay ni Dayne. "At sa tingin ko ganun kadali 'yon. Mahirap, Dayne, hindi pwedeng ako ang maunang gumawa ng hakbang at isa pa hindi naman ako sigurado kung gusto niya ako. Sa isla lang kami nagkasama ng ilang araw at hindi na nasundan pa. Wala namang tao ang mahuhulog sa isang tao ng ganun kabilis." Nerrie said. Dayne swallowed her food before saying, "that my point, hindi ka niya magugustuhan kung hindi naman kayo nagkikita. Make a move, Nerrie, para matapos ang sumpa na dinadanas mo." "At ano naman ang gagawin ko?" Dayne smirked. "Edi magpakita ka sa kaniya. Malay mo, he will ask you for a date." Napailing si Nerrie. "Nakakahiya." Umingos si Dayne sa kaibigan. "Wala ka namang dapat ikahiya. Nerrie, my dear friend, us, princesses of Arwood are beautiful. Talo natin ang mga artista dito sa mundo ng mga tao." "That's not my point, witch. What if he will like me but not that deep, real and pure ... Dayne, it's just one kiss to cure the curse. If that kiss is not real and pure, this curse will stuck to me forever." Malungkot na sabi ni Nerrie. Lumungkot din ang mukha ni Dayne. Nerrie is right. The kiss was really sacred.                     "DR. ANDERSON, here's the profile of Nerrie Lazaro." Anang PI ni Dimitri at inabot sa binata ang folder. "Thank you. Nandito na ba lahat?" Tanong ni Dimitri at kinuha ang folder. "Yes, doc." "Okay. Thank you, tommy." "No problem, doc." Ani ng PI at nagpaalam ng aalis. Nang makaalis ang PI ni Dimitri. Binuklat nito ang folder. Name: Nerrie Lazaro Age: 28 Birthdate: January 22, 19XX Parent's: Deceased Guardian: Abellardo Fuentes                      Melissa Fuentes Siblings: none Ibinaba ni Dimitri ang hawak na folder. Wala ng magulang si Nerrie at wala rin itong kapatid. Tumayo siya at lumabas ng opisina. Nakasabayan naman niya sa hallway si Dra. Morales. Napansin niyang kakaiba rin ang doktora. Hindi kasi ito ngumingiti at katulad niya na may blanko ring itong ekspresyon sa mukha. "I thought you're always in your office, Doc." Sabi nito. He shrugged. "I need to breath some air." He said. Balak niyang pumunta sa park na nasa tabi ng hospital. Pinasadya niyang lagyan ng mini park ang tabi ng hospital, hindi lang para sa kaniya kundi para na rin sa mga pasyente na gustong lumanghap ng hangin. "Okay." Dra. Morales said. Wala ng umimik sa kanilang dalawa ng kasamang doktora hanggang sa makarating sila sa reception area. "Renesmee!" Kahit hindi si Dimitri ang tinawag, napatingin siya sa taong tumawag sa pangalan ng kasamang doktora. "Nerrie? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Renesmee sa kaibigan. Nerrie smiled. "Napagutusan ako ng mangkukulam nating kaibigan na dalhan kita ng lunch—" hindi niya inaasahang makikita niya si Dimitri sa pinagtatrabahuan ni Renesmee na hospital. "—oh, hi. It's nice to see you again, Doc." Bati ni Nerrie kay Dimitri. "Nerrie, anong ginagawa mo dito? Wait ... you know each other?" Dimitri asked the two ladies. Sabay na tumango ang dalawang babae. Inakbayan ni Renesmee si Nerrie. "She's my friend—no, more like a sister." Napatango si Dimitri. Hindi niya maintindihan ang sarili. Masyadong mabilis ang t***k ng kaniyang puso pagkakita niya palang kay Nerrie. Sunod naman na nagtaka si Renesmee. "You know each other?" Nagpalipat-lipat ang tingin ni Renesmee may Dimitri at Nerrie. Nerrie nodded. "He's the one who helped me. The one that I'm talking about." "Oh—" napatigil si Renesmee sa pagsasalita ng makita ang suot ni Doc. Dimitri na bracelet. She looked at Nerrie, and Nerrie just shrugged her shoulders. "Your lunch. Dayne cooked it." Ibinigay ni Nerrie sa kaibigan ang paper bag. "Thanks." Renesmee said, she gave Nerrie a knowing look. Tumaas lang ang kilay ng kaibigan at tumingin ito kay Doc. Dimitri. Then Renesmee realized something. One thing that click in her mind. "Moon Goddess ..." She murmured. Narinig ni Nerrie ang bulalas ng kaibigan kaya binigyan niya ito ng babalang tingin. Nakuha naman agad ni Renesmee ang tingin ng kaibigan kaya nakaisip naman siya ng paraan para makapag-usap ang dalawa. Renesmee looked at Doc. Dimitri, lihim siyang napangisi ng makita ang namumulang tenga ng doctor at hindi ito makatingin ng deretso kay Nerrie. Alam niyang hindi pa kumakain si Doc. Dimitri. "Why don't you guys go in the restaurant nearby to eat lunch?" She suggested. Tumingin sa kaniya si Doc. Dimitri. Kinindatan niya ito at tinignan si Nerrie na nasa tabi niya. "I already ate lunch. Kayo na lang dalawa." Sabi naman ni Nerrie. Gustong kutusan ni Renesmee ang kaibigan pero pinili niyang huwag na lang. "Doc. Dimitri haven't eat lunch. Hindi siya kumakain kapag wala siyang kasama, unlike me, I like to eat alone. Bye." Renesmee said and left the two. Bahala na ang dalawa. Halatang nakakailangan. She's happy for her friend, Nerrie. Mukhang nahanap na nito ang lunas sa sumpa nito. She sighed. She's hoping. Sana mahanap na din niya ang lunas sa kaniyang sumpa.                     WALANG nagawa si Nerrie kung hindi ang samahan si Dimitri na kumain sa restaurant na nasa tapat ng Anderson's Medical Hospital. Kumakain si Dimitri sa harapan niya habang siya umiinom ng juice at kumakain ng cake. Napatingin siya sa cellphone niyang nakalapag sa table ng umilaw ito. It's a text message from Renesmee. From: Renesmee the vampire 'How's the lunch date?' Nerrie rolled her eyes. Sa pagkakaalam niya hindi chismosa ang bampirang 'yon. Napailing siya at nagreply. 'Don't know what you are talking about.' She replied. From: Renesmee the vampire 'Pretending innocent.' Napailing si Nerrie and replied, 'this is not a date. Stop, Renesmee, and just eat your lunch.' Hindi na nagreply si Renesmee makalipas ang limang segundo. Good. Nerrie sighed. "How are you?" Dimitri asked her. "I'm good." Nerrie said. "Pasensiya na sa abala. Kumakain naman ako kahit mag-isa lang ako. Hindi ko alam kung bakit 'yon sinabi ni Dra. Morales kanina." Hingi ng binata ng pasensiya. She shrugged. "It's okay. Kilala ko si Renesmee. Malamig lang ang pakikitungo ng bam—taong 'yon pero may mga pagkakataon talaga na sinusumpong." Aniya at natawa sa bandang dulo ng kaniyang sinabi. Natawa rin si Dimitri habang kumakain. "Napansin ko nga. She have a cold expression. Ganoon na ba talaga siya?" Tumango si Nerrie. "Oo kahit noong nasa Arwood pa kami." Kumunot ang nuo ni Dimitri sa narinig na pangalan ng lugar. "Arwood?" Natigilan si Nerrie at tumikhim. Nakalimutan niyang karaniwang nilalang ang kausap niya. "Arwood? Pangalan ng lugar kung saan kami nanggaling." Iwas ang tingin niya sa binata at sumubo ng cake. Napatango si Dimitri at nagpatuloy sa pagkain. Yumuko si Nerrie habang si Dimitri hindi maiwasang hindi pagmasdan ang dalaga. Masaya siyang makita ito. Very happy and excited. Hindi niya alam kung bakit. Basta masaya lang siyang makita ang dalaga na hindi mawala-wala sa isipan niya nitong mga nakalipas na linggo. "Salamat sa pagsama sa akin." He said when he finished eating. "Walang anuman." Sabi ni Nerrie at inubos ang juice na iniinom. "Let's go." Aya ni Dimitri sa dalaga pagkatapos niyang magbayad. Tumango si Nerrie at tumayo. Magkasabay silang naglakad palabas ng restaurant. "Nerrie." Tawag ni Dimitri sa dalaga. Tumingin naman agad ito sa kaniya. "Bakit?" Napatitig siya sa kulay violet nitong mata. "Do you have a ride?" "Yes. Ria will fetch me later." Nerrie smiled. "Oh. I thought you don't have. Ihahatid na sana kita. Pero samahan na lang kitang hintayin ang susundo sa'yo." Dimitri said. Tumaas ang kilay ni Nerrie. "Wala ka na bang trabaho? Or tapos na ang shift mo?" Dimitri shrugged and smiled. "I own the hospital so don't worry." Nagulat si Nerrie sa narinig. "Y-you own the hospital?" Tumango si Dimitri habang may munting ngiti sa labi. "Yes." "Oh, okay." Nasabi na lang ni Nerrie at umupo sa isang bench. Tumabi naman sa kaniya si Dimitri. Nagawi ang tingin ni Nerrie sa isang babae na may hawak na sanggol habang nakaalalay naman ito ang isang lalaki na sa tingin niya ay asawa ng babae na may bitbit na malaking bag. Halata ang kasiyahan sa mukha ng dalawa habang naglalakad sa pathway patungo sa parking lot ng hospital. Sunod na napagawi ang mata niya sa isang bata na nakaupo sa wheel chair habang itinutulak ito ng ama at pinapayungan naman ito ng ina. Mukhang pasyente ng hospital ang bata. Nagtungo ang mga ito sa lilim ng puno. Napangiti si Nerrie sa nakitang pag-aalaga ng magulang sa bata. "He's just a kid but he was diagnosed, cancer of the bone. Humahanga ako sa batang 'yan dahil kahit nahihirapan na pinipilit niyang labanan ang sakit niya." Sabi ni Dimitri na katulad niya ay nakatingin rin sa pamilya. Lumungkot si Nerrie. Ang sumpa na dinadanas niya ay walang katapusan hangga't walang lunas. Silang mga hindi pangkaraniwang nilalang ay walang kamatayan maliban na lang kung may papaslang sa kanila. Kaya ang sumpa ni Erosho ay para ring isang sakit na hindi mo alam kung kailan ka gagaling o kailan makakahanap ng lunas. Napabuntong-hininga si Nerrie. How she wish na isa na lang siyang tao. Para hindi na niya dinadanas ang sumpa ni Erosho. Habang nag-iisip si Nerrie, hindi niya napansin na nakatitig na sa kaniya si Dimitri. Nakita ni Dimitri ang malungkot na mukha ng dalaga habang nakatingin ito sa pamilyang nasa lilim ng puno. Saka lang niya naalala na wala na palang magulang ang dalaga. He felt guilty, dahil pinaimbestigahan niya ito. Hindi niya alam pero nararamdaman niyang may mabigat na dahilan kung bakit malungkot si Nerrie. "My dad, everything happens for a reason ..." He said na ikinatingin sa kaniya ng dalaga. He smiled. "Minsan may mga bagay na kailangan nating pagdaanan dahil may mabigat na rason, hindi natin maintindihan kasi hindi natin iniintindi." Napakurap si Nerrie at tumingin sa mata ni Dimitri. "Lahat ng bagay nangyayari dahil may rason." Tipid siyang ngumiti. "Siguro nga ganoon." "Mind to tell why you are sad? Bigla kang lumungkot habang nakatingin ka sa pamilyang nasa lilim ng puno." Dimitri said. "Confidential. Huwag mo ng alamin hindi ka rin lang maniniwala." "Try me." Umiling si Nerrie. "Huwag na. Sa tamang oras na lang. Hindi pa sa ngayon." Ilang segundong tinitigan ni Dimitri ang dalaga bago unti-unting tumango. Bakit pakiramdam niya ay may kinalaman siya sa kalungkutang dinadala nito? "I gotta go." Paalam ni Nerrie at tumayo. "Okay. Be safe." Nerrie smiled. Naglakad na ito patungo sa kotseng kadarating. Nakatingin lang naman si Dimitri sa dalaga hanggang sa makasakay ito sa kotse at mawala sa kaniyang paningin. Doon lang napuna ni Dimitri na napakabilis ng t***k ng kaniyang puso. Nangyayari lang naman ito kapag kasama niya ang dalaga. Napabuga ng hangin si Dimitri at tumayo. Pumasok siya sa hospital at dumeretso sa kaniyang opisina. "How's the date?" Tanong ni Dra. Morales ng makasalubong niya ito sa hallway ng hospital. Wala mang ekspresyon pero nahihimigan ni Dimitri na may himig na pang-aasar ang tanong ni Dra. Morales. Napailing siya. "It's not a date, Doc." Sagot niya rito. How he wish it's a date. A cold teasing grin appeared on the doctor's lips. "Hindi nga pero para sa 'yo date 'yon." Dimitri chuckled and continue walking towards his office. "Doc. Dimitri, I know you like Nerrie. Don't deny it." Still the cold teasing grin was plastered on her lips. Dimitri just smiled and entered his office. But his smile disappear when he saw a note on his table. 'You're going to meet Layla, whether you like it or not.' He knows it's from his mother. Dimitri sighed and crumpled the paper and throw it in the trash bin. Hindi talaga susuko ang kaniyang ina hanggang hindi siya nito napapayag. Well, his sorry for him mother. Matigas talaga ang ulo niya at hindi siya marunong sumunod. Ang daddy niya ang sinusunod niya. He's a daddy's boy. Ang ama niya kasi ang palaging sumasama sa kaniya kapag may mga events sa school. Ito lagi ang nakasuporta sa kaniya habang ang kaniyang ina ay kasama ng mga kaibigan nito. He loves his mom, pero malayo ang loob niya rito. Hindi niya alam kung bakit. Ang hindi niya lang gusto kasi sa ina, palagi itong nakikialam sa buhay niya. Unlike his father, hinahayaan siya nito sa anumang gusto niyang gawin. Dimitri sighed. Sa tingin niya ay kailangan niyang maipakilala sa ina ang sinabi niya dine-date niya para sana tigilan na siya ng ina sa pangingialam nito sa pribado niyang buhay. At isang tao lang ang pumasok sa kaniyang isipan. Nerrie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD