KABANATA 10

2857 Words
                    NERRIE know that there's someone watching them but opt to ignore it. Abala silang dalawa ni Prinsesa Renesmee sa pakikipaglaban sa mga tauhan ni Erosho. Malakas na hinataw ni Prinsesa Nerrie ang hawak na scythe at tinagpas ang ulo ng alagad ni Erosho. Habang si Prinsesa Renesmee, binali ang leeg ng isang alagad ni Erosho at itinapon ang ulo nito sa labas. Nagulat at nanginig ang katawan ni Dimitri pagkakita sa ulo ng nilalang na ibinato ni Dra. Morales sa labas, sa pwesto kung saan siya naroon. Nanlalaki ang mga mata niya dahil nakadilat ang mata ng ulong ibinato ni Dra. Morales sa labas at nagbabaga ang mga mata at nakatingin pa sa kaniya. Huminga ng malalim si Dimitri, kinalma ang sarili at muling tumingin sa loob. Hindi niya na kaya ang mga nakikita niya kaya ginawa niya ang lahat para humakbang ang paa niya paalis sa lugar na 'yon. Tulala na naglalakad si Dimitri pabalik sa kinaroroonan ng kaniyang kotse at nasa isip niya ang mga nakita sa abandonadong gusali. Habang sa loob naman ng abandonadong gusali, tinawag ni Prinsesa Nerrie ang kaniyang mga alagad upang tulungan sila na puksain nila ang mga alagad ni Erosho. Naramdaman niya ang mga ito kanina na nagmamasid sa kaniya kaya kagaad niyang pinuntahan ang mga ito bago pa man makapanakit ang mga ito ng tao. "Dapat kanina mo pa ito ginawa." Sabi ni Prinsesa  Renesmee na nasa tabi niya. "Pasensiya. Masyado kasing marami ang nawawala sa aking lakas kapag ginagamit ko sila lalo na at wala na sa akin ang bracelet ko na kalahati ng buhay ko." Aniya. "Kung ganun ay magpahinga ka na at ako na ang tatapos sa mga ito." Sabi ni Prinsesa Renesmee at mabilis na hinablot ang isang night demon, ang tawag sa mga alagad ni Erosho, at binali ang leeg nito. Humugot naman ng hininga si Prinsesa Nerrie at umupo sa isang nakakalat na upuan dahil nararamdaman na niya ang kaniyang panghihina. Huminga siya ng malalim at sumandal sa upuan. Nakatingin lang siya sa mga naglalaban sa kaniyang harapan habang ang iba niyang alagad ay pinoproteksyunan siya. "Mga walang kwenta!" Galit na sambit ni Prinsesa Renesmee at binali ang leeg ng kalaban. Kung hawak niya sana ng kaniyang espada kanina pa sana tapos ang laban. Tinapos niya ang laban at kasabay nito ang pagkawala ng mga alagad ni Prinsesa Nerrie. Nilapitan niya ang kaibigan na nanghihina. "Nanghihina ka, Nerrie. Ihahatid na kita sa condo mo para makapagpahinga ka." Aniya. Tanging tango ang sagot ng kaibigan. Inalalayan niya itong tumayo. "Isa lang ang paraan para bumalik ang dating lakas mo, Nerrie." "Alam mo naman na mahirap ang sitwasyon. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Nagsisimula pa lang ako, Renesmee, kaya ko pa naman at huwag ko lang gamitin ng labis ang mga kapangyarihan ko upang hindi ako manghina." Sabi ni Prinsesa Nerrie. Napabuntong-hininga si Prinsesa Renesmee at hindi na nagsalita. Inalalayan niya ang kaibigan patungo sa labas ng gusali at ipinasok niya ito sa kotse. Mas madali kung gagamitin niya ang kakaibang bilis niya pero alam niyang ayaw ito ni Melissa. Kabilin-bilinan nito na huwag nilang gamitin ang mga kapangyarihan nila upang lumamang sa mga tao. Umikot siya patungong driver seat at pinaandar ang makina. Agad niya itong pinaharurot and in less than 10 minutes, nakarating na sila sa tapat ng codominium na tinitirhan ni Nerrie. "Aalalayan na kita..." "Huwag na, Renesmee. Kaya ko na." Sabi ni Prinsesa Nerrie at binuksan ang pinto sa tabi nito. "Sigurado ka?" Paniniguro ni Prinsesa Renesmee. Tumango si Prinsesa Nerrie at nginitian ang kaibigan. "Salamat sa paghatid." Tumango lang si Prinsesa Renesmee at ng maisara ng kaibigan ang pinto ng kotse. Bumusina siya at pinaharurot ang kotse palayo. Huminga naman ng malalim si Nerrie at naglakad papasok sa condominium. Ramdam niya ang kaniyang panghihina dahil sa paggamit niya kanina ng kapangyarihan niya pero kaya pa naman niya. Humugot ng hininga si Nerrie pero napatigil siya ng mapansin ang isang kotse na nakaparada sa malapit. Dimitri. Nakita niya ang binata na nakaupo sa hood ng sasakyan nito. Mukha itong may malalim itong iniisip. Anong ginagawa niya dito? Hindi itinuloy ni Nerrie ang pagpasok sa condominium at naglakad siya palapit kay Dimitri. "Dimitri?" Tawag niya dito. Napakurap at napukaw si Dimitri mula sa malalim niyang pag-iisip ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Tinignan niya ang taong tumawag sa pangalan niya... "Nerrie?" Ngumiti ang dalaga. Gone the serious and mad Nerrie. "Anong ginagawa mo dito?" Sandaling nawala sa isip ni Dimitri ang mga nakita sa abandonadong gusali ng mapansin ang pamumutla ng dalaga. "Are you okay?" He asked worriedly. Tumango ang dalaga at tumabi sa kaniya sa pagkakaupo sa hood ng kotse. "Anong ginagawa mo dito?" Nagkamot ng batok si Dimitri at nahiya. "I'll be honest, I want to see you." "Talaga?" Naging mahina na ang boses ni Nerrie. Tumango si Dimitri. "Oo. Pasensiya na..." Napatigil siya sa pagsasalita ng mapansin na parang nanghihina ang dalaga. "Are you really okay?" Nag-aalala niyang tanong. Umiling si Nerrie at bigla na lang bumagsak ang katawan niya. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ni Dimitri at agad niyang nasalo ang dalaga bago ito bumagsak sa lupa. Pinangko niya ito at wala siyang nagawa kung hindi ang pumasok sa condominium para ihatid ito sa kwarto nito. At dahil hindi niya alam kung saan ang room ni Nerrie. Nagtanong siya sa receptionist. "Hi, may I know where's the room of Nerrie Lazaro. She fainted." Sabay tingin sa dalagang buhat niya. "Room 143, Sir. Here's the duplicate key, baka sakaling kailanganin niyo po." Sabi ng receptionist. "Yes, thank you." Kinuha niya ang duplicate key at hinanap ang room 143. Nakarating siya sa room 143, ibinaba niya si Nerrie habang nakaalalay ang isa niyang braso dito at ang isa naman ay binubuksan ang pinto. Nang mabuksan ang pinto at itinulak ito pabukas. Maingat niyang pinangko si Nerrie at ipinasok ito sa loob ng unit. He slightly kickes the door to close it. Maingat niya ihiniga sa sofa si Nerrie. At hindi niya mapigilan ang sarili na tignan ang kabuuan ng sala. Wala naman siyang ibang makita bukod sa sofa. Walang furnitures o larawan na nakasabit sa dingding. Parang bagong lipat lang ang may-ari. But one thing that caught Dimitri's attention. Ang picture frame na nasa center table. Umupo siya sa pang-isahang sofa at tinignan ang picture. It's a twin frame actually. Sa kabilang side ng frame ay larawan ng walong magagandang babae. Nakilala niya agad si Nerrie at ang nakilala niyang mga kaibigan nito na si Renesmee at Dayne... At sa kabilang side ay ang larawan ng walong babae kasama ang isang babae at lalaki. Kumunot ang nuo ni Dimitri dahil pamilyar sa kaniya ang babaeng katabi ng lalaki. Nasa gitna ang mga ito. Kung hindi siya nagkakamali, ito ng babaeng kumausap sa kaniya noon sa labas ng isang coffee shop. Ngunit bakit ito kasama sa picture? Siya kaya ang foster parents ni Nerrie? Tumingin siya sa dalaga. Sa mga nasaksihan niya sa abandonadong gusali, alam niya na hindi ordinaryo si Nerrie. Simula pa lang iba na ang pakiramdam niya rito. Alam niyang kakaiba ito sa lahat. Bumuntong-hininga si Dimitri at ibinalik ang picture frame sa center table. At napatitig sa dalaga. Dimitri sighed and stood. Dinala siya ng kaniyang paa sa kusina ng dalaga. Pinakialaman niya ang mga gamit ng dalaga sa kusina. Tinignan niya ang ref, mga prutas lang ang naroon. Walang meat o gulay. Isinunod niyang tinignan ang cupboard, walang laman. Kumunot ang nuo ni Dimitri. Is she out of stock? He sighed. He wanted to make soup for Nerrie but it seems that he need to go in the grocery to buy. Lumabas siya ng kusina pero gising na si Nerrie na nasa sala. "You're awake." He said. Nagulat naman si Nerrie kaya mabilis niyang tinignam kung sino 'yon. Nakahinga siya ng maluwang ng si Dimitri pala. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya sa binata. Tumaas ang kilay ni Dimitri. "Hindi mo maalala?" Napakurap si Nerrie at saka lang pumasok sa isipan niya ang mga nangyari kanina. "Oh." Nasabi na lang niya at umayos ng upo. Umupo naman si Dimitri sa pang-isahang sofa at tumitig sa dalaga. He really wanted to ask Nerrie but opt not to. Hihintayin niya na lang na ito mismo ang magsabi sa kaniya ng totoo. At isa pa wala siyang karapatan para manghimasok sa pribadong buhay. Ano nga ba sila? Siya? He's just a friends. They're just friends though he likes her—scratch that—he loves her. Nagmamahal na nahihiyang umamin sa minamahal. Sabad ng konsensiya niya. Shut up! Nakatingin lang naman si Nerrie sa binata na parang inaaway nito ang mismong sarili. "Salamat sa pagdala sa akin dito." Aniya sa binata. "Walang anuman. Namumutla ka kanina, okay ka na ba talaga?" Tanong ni Dimitri na halatang nag-aalala. Tumango naman si Nerrie at ngumiti. "Oo. I'm okay now. I just need to rest to regain my energy." "I wanted to make soup but I can see that you are out of stock." Sabi ni Dimitri. "Mga prutas lang ang nakita ko sa ref mo." Napangiwi si Nerrie. "Oh. About that, hindi ako out of stock ... at prutas lang talaga ang laman ng ref ko. Hindi ako naggogrocery. Sa labas na kasi ako kumakain." Aniya. At minsan talagang hindi na siya nakakakain dahil sa sobrang busy niya sa trabaho. Kumunot ang nuo ni Dimitri. "Araw-araw?" "Oo." Sagot ni Nerrie. Napailing ang binata. "Kung ganun pala na sa labas ka kumakain araw-araw. Then I will fetch you every morning para sabay tayong kumain ng breakfast. Breakfast is the important meal of the day and don't skip it." Okay, I don't know that. Ani Nerrie sa isipan. "Okay." Sagot na lang ni Nerrie kaysa naman mag-inarte pa siya. And besides, masaya siya na makasama ang binata kahit kaunting oras lang. Pakiramdam niya ay dito siya humuhugot ng lakas tuwing kasama niya ito. Napabuntong-hininga si Nerrie at tumingin kay Dimitri. "Hindi ka pa ba aalis?" Tanong niya sa binata. "Bakit pinapaalis mo na ba ako?" Balik naman ni Dimitri. "Hindi naman. Alam kong pagod ka sa trabaho mo kaya mas mabuting umuwi ka na muna para magpahinga." Napangiti si Dimitri sa sinabi ni Nerrie but yeah, pagod nga siya at pagod din ang isip niya dahil sa kakaisip sa kaniyang mga nakita. Napalunok siya dahil bumalik na naman ang kaba niya. "Okay ka lang ba, D?" Tanong ni Nerrie ng mapansin na parang kinakabahan ang binata. Tumango naman si Dimitri. "I think I need to go. Kailangan ko ng magpahinga." Ngumiti si Nerrie. "Okay. Mag-iingat ka." Tumango si Dimitri at tumayo. "But before I forgot, Breakfast tomorrow at Dayne's reataurant. I'll fetch you." "Okay. Thank you." Ngumiti si Dimitri at hindi napigilan ang sarili na umuklo at hinalikan niya ang nuo ng dalaga. "Magpahinga ka. You need it." At umayos siya ng tayo. Nabigla naman si Nerrie sa ginawa ng binata at hindi siya kaagad nakapag-react. Nakasunod na lang siya dito ng tingin na naglalakad patungo ng pinto. Nakaalis na si Dimitri pero hindi mawala sa isip ni Nerrie ang tungkol sa ginawa nito, ang paghalik nito sa nuo niya. She find it sweet but why? Napailing si Nerrie at nagtungo sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang piraso ng mansanas. Kumagat siya roon. "Napakakisig na nilalang, Prinsesa Nerrie." Dahil sa kabiglaan, lumitaw ang scythe ni Nerrie sa kamay at itinutok niya ito sa nilalang na nasa kaniyang likuran. Kaagad ding ibinaba ni Nerrie ang hawak na sandata ng makita kung sino ang kaniyang bisita. "Anong ginagawa mo dito, Prinsesa Phyllis? Sa susunod naman sana ay huwag kang manggugulat dahil baka matagpas ko na iyong ulo." Aniya at kumagat ng mansanas. Napailing naman si Prinsesa Phyllis at inilapag sa mesa ang mga prutas na dala. "Pinamimigay ni Tatay Abel." "Pakisabi, salamat." Tumango ang kaibigan at tumitig sa kaniya. "What?" Tanong ni Prinsesa Nerrie. "Ngayon alam ko na ang rason kung bakit hindi ka nakarating sa ating usapan noong nakaraang linggo na mageensayo tayong walo. May nakakaalam na ba na nakita mo na ang lalaking nagpapatibok ng iyong puso maliban sa akin?" Tanong ni Prinsesa Phyllis. "Oo, si Renesmee, Dayne, Airene at Melissa." Sagot ni Nerrie. Tinignan siya ng masama ni Prinsesa Phyllis. "Kaya naman pala kakaiba rin ang kinikilos ng tatlong prinsesa ng tanungin namin kung bakit hindi ka makakapunta." "Paumanhin." Napabuntong-hininga ang kaibigan. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Paano na ngayon?" Nagkibit ng balikat si Prinsesa Nerrie. "Hindi ko alam, Phyllis." "Ang hirap talaga ng sitwasyon nating mga prinsesa." Malungkot na sabi nito. "Tama ka ngunit ang mainam na gawin ngayon ay magdasal kay Erashea na sana madali tayong tanggapin ng mga lalaking nakatakdang iibig sa atin." Ani Prinsesa Phyllis at pumasok sa isip niya si Dimitri. "At sana sila ay may dalisay na puso." Dagdag ni Prinsesa Phyllis at nagpaalam na. "Magpapaalam na ako. Marami pa akong kailangang gawin." "Mag-iingat ka, Phyllis." "Ikaw din, Nerrie." Anito at naglaho. Huminga ng malalim si Nerrie at inubos ang mansanas na kinakain. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kaniyang kwarto para magpahinga.                     PAGDATING ni Dimitri sa kanilang bahay. Ang ina ang sumalubong sa kaniya. "Mabuti at narito ka na. Get ready. We have to go somewhere." Ani agad nito. Naipikit ni Dimitri ang mata. "Mom, I'm tired. Let me rest, please." "No. You have to meet Layla and her father." Giit ng ina. Huminga ng malalim si Dimitri. "Mom, can't you see I'm tired. Let me rest." "I don't care. May oras ka sa mga pasyente mo pero sa akin wala. I'm your mother, Dimitri, so do what I say. Go and change. You have to meet Layla." Sabi ng ina. "I won't go." "Dimitri Anderson!" Tumaas ang boses ng ina. Dimitri rolled his eyes. "I won't go. I'll rest, mom, because I'm tired." "Dimitri, are you going to disobey me?!" Galit na sabi ng ina. "Noon pa, mommy." Sagot niya rito at nagsimula na siyang umakyat ng hagdan. "Dimitri! Kinakausap pa kita! Huwag mo akong talikuran!" Napailing na lang si Dimitri. "Ano bang nangyayari dito? Nasa second floor ako ng bahay naririnig ko ang sigaw mo, Mariz." Ani ng ama na pababa ng hagdan. Itinuro siya agad ng ina. "Your son is disobeying me again. I want him to meet Layla but he always decline!" Ang ama naman niya ang napailing at tinapik siya nito sa balikat. "Mariz, Dimitri is already 30 years old, at hindi na bata para kontrolin mo. Let him be to the woman he wanted to be with. Huwag mong pilitin ang anak mo kung ayaw niya." Tumingin sa kaniya ang ama. "Sige na. Magpahinga ka na. Ako ng bahala sa mommy mo." "Thank you, Dad." Tumango ang ama kaya nagpatuloy siya sa pag-akyat ng hagdan at pumunta sa kaniyang kwarto. He took a shower before layed on his bed. When someone knocked on the door. "Come in." The door opened and his father walked in with a tray of food in his hand. "Eat dinner first before you sleep." Anito. Bumangon siya. "Thanks, dad." Tumango ito at inilapag ang tray sa bed side table. "Eat and I just get something in my office." "Yes, dad." Nang makaalis ang ama niya, he dig in his food. His father is really a caring man. Bata pa lang siya noon, he can see how much he took care of him. Kahit pagod ito sa trabaho at nagagawa pa rin nitong makipaglaro sa kaniya kung hihilingin niya. While his mom, parang wala naman itong pakialam noon sa kaniya. Marahil siguro at hindi siya nito gusto noong ipinagbubuntis siya nito. His parents are just in arranged marriage by their parents. "Dimitri," tawag ng ama na kababalik lang at may dala itong envelope. Inilapag nito sa bedside table ang envelope. "Ano 'yan, dad?" Tanong niya at nagsubo ng pagkain. His father sighed. "My attorney already taken everything. Everything I own was already transferred in your name. Nag-iisang anak ka lang naman namin ng mommy mo kaya lahat ng mga ari-arian natin ay sa'yo mapupunta." Anito. "Bakit naman niyo inilipat sa pangalan ko, dad. I have my own hospital and..." "Dimitri," putol ng ama sa sasabihin niya pa sana. "I'm very proud of you because you achieved what you want to be. Pero kalian naman kaya ako magkakaroon ng apo? Hindi na ako bumabata at bago man lang sana ako pumanaw makita ko pa ang magiging apo ko." "Don't change the topic, dad." Aniya sa ama. "What?" "I know that there is something why did you transfer all out families asset to my name. Is there something I need to know, dad?" He asked. Uminom siya ng tubig habang hinihintay ang sagot ng ama. "I'm already old, Dimitri. What do you expect? Babata ako?" Napailing ang ama. "Ewan ko sa'yo, dad." "But anyway, kalian mo naman ipapakilala sa akin ang magiging manugang ko?" Muntik pang mabilaukan si Dimitri dahil sa tanong ng ama. Umubo siya at tumikhim. "Dad, can you please stop saying about having your daugther-in-law. I don't have girlfriend." But I like someone. "You're already 30 years old, so, and yet you don't have girlfriend. Tell me, son, are you gay?" "Dad!" Hindi niya mapigilan ang magtaas ng boses. Tumawa naman ang ama. "Okay. Okay. I'm just kidding." Dimitri tsked. "But I do like someone." He confess. "Then that's good, introduce her to us." His father said excitedly. "And mom will be mad. She wants me to marry someone."Aniya. His father tsked. "Don't listen to your, mom. Instead, you listen to your heart, son. Hayaan mo ang mommy mo na ipares ka sa kung sinu-sino, gusto niya 'yon, eh. And I know na hindi mo siya susundin matigas ang ulo mo, eh." Natawa si Dimitri. "Yes, dad." Tinapik siya ng ama sa balikat. "Magpapahinga na ako. Just call our maid to get the tray." "Yes, dad, and thank you for the food." Ngumiti lang ang ama at lumabas ng silid niya. Dimitri sighed and finished his food. And thinking why his father transferred all his wealth to his name?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD