KABANATA 11

2680 Words
                    DIMITRI was at the middle of the forest. If how could he get there? He don't know. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya sa lugar na ito. Ang tanging alam niya at nagising na lang siya kanina sa damuhan. Para siyang nasa ibang mundo dahil nakikita niya ang mga mayayabong na puno. Nagtataasan ang mga ito. Pati na rin ang mga d**o, berdeng-berde ang mga ito. Then he saw a clean path, at kung saan ito papunta 'yon ang hindi niya alam. Sinundan niya ang daan, hindi alam ni Dimitri kung saan ito patungo basta sinundan niya lang ito. The trail was long but Dimitri didn't feel tired. Hindi nga rin siya pinagpawisan. Habang naglalakad siya napansin ni Dimitri na paunti ng paunti ang mga punong nadadaanan niya at sa hindi kalayuan at may naririning siya mga boses na parang nag-uusap. Hinanap niya ang boses na 'yon hanggang sa marating niya ang clearing. Doon niya nakita ang mga tao na nag-uusap. Naglakad siya palapit sa mga ito at magtatanong sana kung saan siya ngunit parang hindi naman siya nakikita ng mga ito. Nakatayo ang mga ito sa gitna na parang mga sundalo at nakatingin sa harapan. Hindi niya rin alam kung ano ang suot ng mga ito pero kung tama ang pagkaalam niya, nakasuot ang mga ito ng baluti. Ang napapanood niya minsan sa mga Chinese movie na ginagamit ng mga nakikipagdigma. Sinundan niya kung ano ang tinitignan ng mga ito. Nanlaki ang mata niya ng makita si Nerrie sa harapan at may hawak itong ... scythe? May kasama itong dalawang lalaki na katulad nito at may hawak ding sandata. Ibang-iba ang suot ni Nerrie na nakikita niya. Kulay violet ang suot nito at iba ang tindig nito. Tindig ng isang makapangyarihang nilalang ang tindig ng dalaga. Blanko ang emosyon ng mukha nito. Ibang iba sa Nerrie na nakilala niya. "Nerrie!" Tawag niya sa dalaga pero parang hindi siya nito narinig. "Nerrie!" Mas nilakasan niya ang boses pero mukhang hindi siya talaga nito naririnig. Lumapit siya sa dalaga at hinawakan niya ito pero tumagos lang ang hawak niya. Nanlaki ang mata ni Dimitri. Anong nangyayari sa akin? Bakit hindi ko siya mahawakan? "Nalalapit na ang pananakop ni Erosho kaya kailangan nating maging handa. Kailangan nating magsanay, ako, ang aking kapatid at si Heneral Cain ang magsasanay sa inyong lahat!" Ani Nerrie sa lahat at pati na rin ang boses nito, napakalamig. Nakatingin lang si Dimitri kay Nerrie. "Simulan na ang pagsasanay!" Malamig na utos ng dalaga. "Masusunod, mahal na prinsesa!" Nanlaki ang mata ni Dimitri sa mga sinabi ng mga taong nasa harapan nila Nerrie. "Mahal na prinsesa?" Bulong na sambit ni Dimitri. Ano ba talaga ang nangyayari? Nasaan ba siya talaga? Biglang nagbago ang paligid ni Dimitri. Naging puti ang paligid niya at may nakita siyang parang tao sa hindi kalayuan. "Dimitri..." Nagtaasan ang balahibo niya sa katawan ng marinig ang tinig na 'yon. Hindi naman sa nakakatakot ang tinig na 'yon pero may kakaiba sa tinig na nagpapataas ng balahibo niya. Malamyos ang tinig na 'yon pero nararamdaman niyang isang makapagyarihang nilalang ang nag-mamayari ng tinig na 'yon. Dimitri suddenly feel cold. But the he was shocked when a woman in white suddenly appeared infront of him. A very beautiful woman. Para itong isang diyosa dahil sa ganda nito. "Dimitri..." Sambit nito sa pangalan niya at masuyo itong ngumiti. "Ang lalaking nakatakdang iibig sa Prinsesa ng mga Necromancer."                     BIGLANG bumalikwas ng bangon si Dimitri. Naihilamos niya ang kamay sa kaniyang mukha. What was that? Parang totoo ang panginip niya. At doon niya lang napansin na nagtaas baba ang dibdib niya at pakiramdam niya pagod na pagod siya na parang tumkabo siya ng ilang kilometro. Napasuklay siya ng buhok at bumangon. He looked at the clock placed in his bedside table. It's already 5:30 in the morning. He clean and arranged his bed before he went to the bathroom and took a bath. After he took a bath, he went to his closet and get his white long sleeve polo and jeans. He put his soaks and wear his Italian shoes. He combed his hair, he make sure that he's neat. Ayaw niyang may masabi ang dalaga na negatibo tungkol sa kaniya. He likes her and he wanted her to like him also. Pagkagusto nga lang ba? Hindi ba mahal mo na? Kumunot ang nuo ni Dimitri at napailing sa sinasabi ng konsensiya niya. He get his wallet and put it at the back pocket and get his car keys. Pagkalabas niya ng kwarto, kaagad siyang bumaba ng hagdan at lumabas ng mansyon nila bago pa man siya makita ng ina at kulitin na naman siya nito na i-meet niya ang anak ng business partners nito. Hindi na siya nagpaalam sa ama dahil alam naman nito ang dahilan kung bakit nagmamadali siyang umalis ng umaga. Nagtungo siya sa garahe at pumasok sa kaniyang kotse. Natigilan siya ng may makita siyang paper bag sa shotgun seat ng kotse niya. Kinuha niya ito at tinignan, and there's a note. 'Breakfast.' -from your handsome father. Dimitri chuckled after reading the note and send a message to his father. To: Dad 'thanks for the breakfast, Dad.' From: Dad 'no problem, son.' Dimitri started the engine. Pinausad niya ito palabras ng compound nila at ng nasa labas na siya, pinaharurot niya ito. May kailangan pa siyang sunduin na makakasabay niyang mag breakfast. Few minutes later... Malayo pa lang siya at nakita na niya si Nerrie sa labas ng condominium na tinitirhan nito at mukhang hinihintay siya. Ngumiti si Dimitri at ipinarada sa harapan ng dalaga ang kotse. Lalabas sana siya para pagbuksan ito ng pinto ng kotse pero sinenyasan siya nitong huwag na at mabilis itong binuksan ang pinto ng shot gun seat at pumasok. "Good morning." Bati niya sa dalaga. "Morning." Ngumiti ang dalaga. Pinaharurot kaagad ni Dimitri ang kotse ng makapg seat belt si Nerrie patungo sa Dayne's Restaurant. Napatitig naman si Nerrie sa binate. It's been three weeks since they started to eat together. Lagi siya nitong sinusundo tuwing umaga para sabay silang magbreakfast at ganun din sa hapon. Sabay din silang nagdidinner. And Nerrie was happy that Dimitri was really a gentleman. Sumandal siya sa kinauupuan at tumingin sa labas ng binata. Napabuntong-hininga siya. "Any problem?" Tanong ni Dimitri. Umiling si Nerrie. "Wala naman. May iniisip lang kasi ako related sa kaso na hawak ko." "Ganun ba?" Napatango si Dimitri at hindi na nagtanong. Trabaho 'yon ng dalaga at ayaw niya itong pakialaman. Lalo na at isang itong secret agent kaya alam niyang lahat ng kasong ng mga ito at confidential at tanging ang mga ito lang ang nakakaalam. They reach their destination, at sabay silang lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng restaurant. "Good morning, Sir, Ma'am. We already prepared your breakfast as Ms. Dayne said." Anang waiter na sumalubong sa kanilang dalawa ni Nerrie. Kilala na sila ng mga crew ng restaurant dahil araw-araw at dito sila kumakain. At ang rooftop ang paborito nilang pwesto. Napangiti si Nerrie ng makarating silang dalawa ni Dimitri sa rooftop ng restaurant. Ito talaga ang paborito niyang pwesto sa restaurant ng kaibigan. "Thanks." Aniya kay Dimitri ng pinaghugot siya nito ng upuan. "Your welcome." And then their food was already served. Mukhang nasabihan ni Dayne ang mga tauhan nito. "Anyway, can I ask some question?" Tanong ni Nerrie sa binatang kasama. "What is it?" Dimitri asked while eating. Binitawan ni Nerrie ang hawak na tinidor. "Tungkol ito sa mommy mo..." Aniya na ikinaangat ng tingin ng binata. "Ano ang tungkol kay mommy?"Nakakunot nuong tanong ni Dimitri. Nerrie sighed. "I just want to know if she's doing illegal?" Nabilaukan si Dimitri. Agad naman niya itong inabutan ng tubig. Mabilis na uminom ng tubig si Dimitri at napatikhim pagkatapos. Nagulat siya sa tanong ni Nerrie. "I'm just asking... don't think of anything. I just want to know." Nerrie said. Napatango si Dimitri, "is this related to your work?" Nerrie nodded. "Yes." "Well bukod sa palagi siyang galit dahil hindi ako nakikinig at palagi ko siyang sinusuway wala na akong ibang alam." Sagot niya sa dalaga at binuksan ang paper bag na nasa mesa. His breakfast that his father made for him. Inilabas niya ang pagkain na nasa loob ng tupperwear. "Breakfast made by my dad. Alam niya kasing hindi ako kumakain sa bahay kaya nag-iwan siya ng breakfast ko kanina sa kotse. Kainin natin." Napangiti si Nerrie. "Thanks. I could say that your father is nice. Iilan lang ang ama na sila mismo ang nagaasikaso sa mga anak nila dahil mostly ang mga ina ang nag-aasikaso." Dimitri shrugged. "In my case it's different." "I can see that." Nerrie said. "So your father can cook?" "Yep. He taught me how to cook but I'm lazy so I don't cook even I cant do it." Dimitri said and laughed. Natawa na rin si Nerrie. "Buti ka pa may alam ka sa pagluluto. Ako, wala." "Is that the reason why you don't have stocks of groceries in your condo?" Dimitri asked, smiling. Tumango si Nerrie. Napailing naman si Dimitri. While eating, Nerrie wanted to ask more questions but she opt not to ask more. She can see that Dimitri was out of the case she was holding. Ayaw niya ring madamay ang binata kung sakali. At isa pa may mga ebidensiya na sila ng walang illegal business ang ina ni Dimitri. Business partners lang ang dalawa sa Montenegro Industry at mukhang alam na niya kung bakit palaging naguusap ang dalawa kasama si Layla Montenegro. It's about Dimitri and Layla, going in an arrange marriage. After they eat, hinatid siya nito sa pinagtatrabahuan niyang agency. "Don't expect me for the dinner, D. I'll be busy this day and tonight because of the case I was holding. I'm sorry." Ngumiti si Dimitri. "I understand." "Thank you." Binuksan ni Nerrie ang pinto saka siya bumaba ng kotse. Nang may maalala siya... "Anyway," Tawag pansin niya kay Dimitri sa nakabukas na bintana ng kotse. "What?" "Ang kisig ng get up mo. Well araw-araw naman. Have a good day, D." Sabi ni Nerrie at ngumiti. Hindi na niya hinintay na sumagot ang binata. Mabilis siyang naglakad papasok sa entrance ng agency. "Mabuti at narito ka na." Sabi ni Agent Ria na siyang sumalubong sa kaniya. "Bakit?" Tanong niya rito dahil seryoso ang mukha ng babae. "Tungkol 'to sa kaso na hawak natin. 'yong mga evidence na nakuha natin sa mga source natin. Naaral ko na ito lahat kagabi at naipadala na sa mga pulis. Sila na ang bahala at huwag na tayong makialam pa." "Mabuti kung ganun." Sabi ni Nerrie at sabay silang naglakad patungo sa elevator. "Pero may problema. Ang tungkol kay Mrs. Anderson, may nalaman ako tungkol sa kaniya." "Ano naman 'yon, Agent Ria?" Hindi alam ni Nerrie pero bigla siyang kinabahan. "Sa opisina ni Boss natin pag-usapan." "Okay." Nang makarating sila sa opisina ng Director. Agad sila nitong pinaupo. "Ano ang tungkol kay Mrs. Anderson, Director?" Tanong ni Nerrie. "Nagkautang si Mrs. Anderson sa Montenegro Industry at bilang kapalit ng malaking halaga ng pera na nautang at hindi nabayaran, kailangang ipakasal ni Mrs. Anderson ang anak niya sa anak ni Leandro Montenegro." Sabi ni Director R. "Pero Director, nasa pulis na ang mga matitibay na ebidensiya na si Leandro Montengro at parte ng isang malaking sindikato dito sa bansa and he will be arrested soon." Nerrie said. "Oo pero humingi ng tulong sa atin ang asawa ni Mrs. Anderson. Kung hindi man maipapakasal ang anak nila sa anak ni Montengero, ang kumpanya ang kapalit at ayaw 'yon na mangyari ni Mr. Anderson kaya ipinangalan niya lahat sa anak niya ang mga assets nila." "And because Mr. Anderson refused to that offer. Nagsimula ng magpadala ng death threats na kung hindi mabayaran ni Mrs. Anderson ng malaking halaga ng pera na inutang, they will kill the Anderson's family. And remember, kahit nakakulong na si Montenegro, mayaman siya at maraming koneksiyon kaya magagawa niya pa rin ang gusto niya." Nerrie sighed. "Ilan ba ang perang inutang ni Mrs. Anderson?" "You don't want to hear it." Pag-iling ng Director. "Tell us, Director." Nerrie said. The Director sighed. "It's fifty million dollar." "It can cost more than Mrs. Anderson's life." Agent Ria said, shocked. Napakuyom ang kamao ni Nerrie. Ngayon alam na niya ang rason kung bakit pinipilit ni Mrs. Anderson ang anak nito na makipagkita kay Layla Montenegro. Napailing si Nerrie. "At saan naman ginamit ni Mrs. Anderson ang perang 'yon? And Anderson's are rich people, kaya nilang bayaran ang perang 'yon." Dagdag ni Agent Ria. "Mahilig sa Casino si Mrs. Anderson and yes, they're rich. Pero ayaw ni Mr. Anderson na ang kumpanyang pinaghirapan nitong ipinatayo ang gamitin ni Mrs. Anderson para bayaran ang perang 'yon." Sagot ng Director. Napabuntong-hininga si Agent Nerrie. "Then what's the plan now, Director?" "As per Mr. Anderson's request, we will protect his son. Ang anak niya ngayon ang target ng mga tauhan ni Leandro Montenegro. The chief of police informed me that they will serve the arrest warrant to Montenegro as soon as possible but we all know na kahit nakakulong na ang matandang 'yon, gagalaw pa rin ang mga galamay niya lalo na ang anak niya." Ani Director R. Tumaas ang kilay ni Nerrie. "Pati ang anak? Sumunod sa yapak ng ama?" "Whay do you expect? Like father, like daughter." Ani Agent Ria. "Pero sa tingin sa pagkaalam ko walang alam si Layla Montenegro sa pinaggawa ng ama niya. Nakapokus lang ang atensiyon niya sa Montenegro Industry." "Mabuti kung ganun." Sabi ni Nerrie. "Okay. Okay. Sa ngayon, ang kailangan nating gawin, protect Dimitri Anderson." Sabi ni Director R at tumingin kay Agent Nerrie. "Ikaw, Agent Nerrie, ang magbabantay kay Dr. Anderson." Hindi na nagulat si Nerrie. "Okay." Agad niyang sabi. "Ako ng bahala kay Dimitri—I mean kay Dr. Anderson." Pagtango niya at kamuntikan ng madulas ang dila niya. "Okay. Here is the address of their house." Sabay abot sa kaniya ng isang folder. "Your work will start tomorrow, Agent Nerrie. Hihintayin ka ni Mr. Anderson." "Yes, Director." Ngumisi si Agent Ria at tumingin kay Director R. Napansin ni Nerrie na parang nag-uusap ang dalawa gamit ang kanilang mga mata. Tumingin sa kaniya ang Director. "Tungkol sa pagbabantay mo kay Dr. Anderson, nakalagay na sa folder na ibinigay ko ang mga schedule niya, hindi ka naman mag-i-stay sa bahay nila. All you need to do is to be his bodyguard when he go out in their house and accompany him wherever he will go and accompany him when he go home, after that your job is done and another day for tomorrow." "How long thay I will guard him, Director?" "Depends." Tumaas ang kilay ni Nerrie sa sagot ng Director. "What depends, Director?" Ngumisi lang ang Director. "Depends on the situation." Napailing na lang si Nerrie.                     DAHIL SA SINABI ni Nerrie na hindi ito makakapagdinner kasama siya dahil abala ito sa trabaho. Umuwi siya kaagad pagkatapos ng trabaho niya sa hospital. But he suddenly regretted going home early because he saw his mom waiting for him, at may kasama itong babae. "Son, you're finally here." Masayang sabi ng ina. Napakurap siya dito. Parang ngayon niya lang yata nakita ang ina na masaya at hindi galit. "Come here, son. I have someone to introduce to you." Dimitri sighed. Kahit ayaw niya wala na siyang nagawa ng hilain siya ng ina palapit sa babaeng nakatayo sa living room ng mansyon. "Dimitri, I want you to meet Layla , she's a nice woman. Layla, this is Dimitri, my son." The woman smiled to him and extended her hand. "Hi, nice to meet you." Tinanggap niya ang kamay ng babae. "Same." Walang gana niyang saad at agad na binitawan ang kamay ng babae. Kung si Nerrie ang makikipagkamay sa kaniya baka hindi na niya bitawan ang kamay nito. Hindi pa niya nahahawakan ang kamay ni Nerrie kaya alam niyang ganun ang gagawin niya kung sakali. "Dimitri, will you be nice to her?!" Pabulong na sabi ng ina. He just sighed and gave the woman, fake smile. "I'm tired from my work and I want to rest. Excuse me." "Dimitri!" Warning ng ina pero hindi niya ito pinansin. Tinalikuran niya ang dalawa at umakyat ng hagdan. "Hija, pasensiya ka na. Pagod lang siguro ang anak ko kaya ganun." Narinig niyang sabi ng kaniyang ina sa babae. "Ayos lang, Tita. I understand." Napailing si Dimitri at nagtungo sa kwarto. Ini-lock niya rin ito para hindi makapasok ang ina dahil sigurado siya na kapag nakaalis si Layla ay pupuntahan siya nito at papagalitan. Whatta life! He sighed and dropped himself on the bed and closed his eyes. Mamaya na lang siya magpalit ng damit dahil pakiramdam niya ang bigat ng katawan niya. He just hope no one will disturb him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD