KUMPLETO ang lahat maliban kay Prinsesa Nerrie. Wala ito at hindi nakarating para sa pagsasanay nilang mga prinsesa. Hindi naman sa pagsasanay na pupunta sila sa giyera pero magsasanay sila dahil ayon kay Melissa, nasa mundo na ng mga tao ang mga alagad ni Erosho at hinahanap sila upang patayin kasama na ang mga lalaking nakatakdang iibig sa kanila.
Humalikipkip si Prinsesa Dayne. Alam niya kung bakit hindi nakarating ang Prinsesa ng Necromancer. Dalawa lang naman 'yon, eh.
Baka may misyon ito na ginagawa o di kaya naman ay kasama nito si Dimitri.
At hindi pa ito alam ng iba nilang kaibigan. Ang tanging nakakaalam lang ay si Prinsesa Airene at Prinsesa Renesmee, at ang ina-inahan nilang si Melissa. Hindi naman nagsasalita ang dalawa kaya pinili na lang niyang manahimik. Hahayaan na lang niya na si Prinsesa Nerrie ang magsasabi sa kanilang mga kaibigan.
Napangiti siya. Magandang simula ang nagaganap ngayon kay Prinsesa Nerrie dahil alam niyang kapag natapos na ang sumpa kay Prinsesa Nerrie ay susunod agad ang isa sa kanila na mahahanap ang tinatawag ng mga tao na 'the one.'
"Wala pa si Prinsesa Nerrie?" Tanong ni Prinsesa Gabril na kalalapag lang sa lupa dahil inensayo nito ang mga pakpak dahil matagal na itong hindi lumilipad.
Nagkatingin ang tatlong prinsesa na nakakaalam kung bakit wala si Prinsesa Nerrie.
"Baka abala siya sa kaniyang trabaho. Alam niyo naman ang trabaho ng kaibigan nating necromancer. Buwis-buhay." Sabi ni Prinsesa Mavielyn.
"Sigurado kayo?" Paniniguro ni Prinsesa Nekiel na nakaupo sa damuhan habang nakacrossed-leg.
Nagkibit sila ng balikat.
"Kasi kahit naman abala 'yon, nakakarating pa rin siya sa mga usapan natin." Ani Prinsesa Phyllis.
"Hayaan niyo na siya. Ngayon lang naman 'to, eh." Sabad ni Prinsesa Dayne.
"At isa pa, intindihin niyo na lang ang kaibigan nating si Prinsesa Nerrie. Baka abala siya sa kaniyang trabaho." Malamig na turan ni Prinsesa Renesmee.
"Tama si Renesmee." Sang-ayon dito ni Prinsesa Airene.
"Nagtataka lang talaga ako." Sabi ni Prinsesa Phyllis.
"Huwag ka ng magtaka." Sabi dito ni Prinsesa Airene at tumingin kay Prinsesa Dayne.
Umiling naman si Prinsesa Dayne at tumalikod.
Katulad nga ng sabi niya, si Prinsesa Nerrie na lang ang magsasabi kung bakit hindi ito nakarating sa usapan nila.
MISSION is a mission. At kahit ayaw man ni Nerrie na gawin dahil ina ni Dimitri ang isa mga ineembistigahan niya, wala siyang magawa. Nerrie wanted to back out but The Director said 'no', this mission was given to her and Agent Ria.
Nerrie sighed while looking at Mrs. Anderson inside the restaurant, and talking to Leandro Montenegro. She can see that the two were talking about business. She's not sure what is it.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang jacket at pasimpleng kinunan ng larawan ang dalawa. Pagkatapos tumingin siya kay Agent Ria na nasa hindi kalayuan at nakamasid sa mga tauhan ni Leandro na kasama nitong dumating sa lugar.
Nang may naramdaman siya sa ilalim ng lupa.
Isa siyang necromancer kaya alam niya kung ano ang nasa ilalim ng lupa at nasa kaniyang tapat. Tumingin ang prinsesa paligid. Maraming tao at maaaring madamay ang mga ito kung sakali.
Talagang hindi titigil si Erosho hangga't hindi sila nabibihag o napapatay. Ang inaalala niya ang kaniyang mga magulang at kapatid na nasa Arwood. Kung hindi ang mga ito idinamay ni Erosho. Sana naman hindi.
Naglakad siya paalis sa lugar na 'yon at nakasunod sa kaniya ang alagad ni Erosho na nasa ilalim ng lupa.
"Agent Ria, excuse me for awhile. May titignan lang ako. I'll be back." Aniya sa suot niyang earpiece.
"Okay." Agent Ria replied.
Mabilis na naglakad si Prinsesa Nerrie paalis sa karamihan ng mga tao at naghanap ng lugar na walang tao.
May nahanap naman siyang bakanteng lote at doon niya inilabas ang kaniyang sandata, ang scythe.
"Alagad ni Erosho, magpakita ka sa akin!"
Isang tawa na nanggaling sa ilalim ng lupa ang narinig ni Prinsesa Nerrie. Nawalan naman ng emosyon ang mukha ng dalaga at ikinumpas ang kamay. Wala siyang panahon para makipaglaro sa mga alagad ni Erosho lalo pa ngayon na abala siya sa kaniyang misyon.
Sa pagkumpas niya ng kaniyang kamay, nagkaroon ng biyak ang lupa at biglang lumabas doon ang alagad ni Erosho. Isang nakakatakot na nilalang pero hindi siya natatakot dito.
Tumalim ang tingin ni Prinsesa Nerrie. "Kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka sa mundong 'to at bumalik ka na sa Aholor!"
Umangil ang nilalang at bigla itong sumugod.
Mabilis na kumilos ang prinsesa at malakas na ibinato ang hawak na sandata sa alagad ni Erosho. Bumaon ang dulo ng scythe sa dibdib nito at tumagos hanggang likod. Bumulwak ang dugo sa bibig nito at bumagsak.
Natalsikan rin ng dugo si Prinsesa Nerrie.
Habang si Agent Ria naman biglang nag-alala kay Agent Nerrie, medyo matagal na kasi ito aa kung anumang pinuntahan nito kaya sinundan niya ang daan na tinahak nito kanina.
Pero nakasalubong niya si Agent Nerrie.
"Agent Ria."
"Susundan sana kita..." Napatigil si Agent Ria sa pagsasalita ng makita ang dugo sa damit ni Agent Nerrie. "Ano 'yan?" Sabay turo nito sa dugong nasa damit ni Agent Nerrie.
"Ketchup. Natalsikan kanina ng batang kumakain ng hotdog." Iwas ang tingin ni Agent Nerrie.
"Ah, okay. Let's go. Kailangan pa nating magreport sa HQ."
Tumango lang si Agent Nerrie at sumunod kay Agent Ria na hindi naniniwala sa sinabi kanina ni Agent Nerrie. Alam niyang dugo ang nasa damit nito at hindi ketchup. Ang tanong, kanino ang dugo na tumalsik sa damit ni Nerrie?
Pagdating nila sa kinaroroonan ng kotse, kaagad silang sumakay at pinaharurot ito ni Agent Ria patungong HQ nila.
Pagdating nila doon, dumeretso sila sa opisina ni Director R para magreport.
"How's your day, Agents?" Asked Director R.
"Not good, Director." Agent Nerrie answered with no emotion in her voice.
Natigilan naman ang dalawa, ang Director at si Agent Ria. Nagkibit ng balikat si Agent Ria ng tumingin sa kaniya ang Director.
"Okay. What's your report today?"
"We are trying to dig information about Leandro Montenegro but we can't find anything about his involvement in the said syndicate. Aside from being a good CEO in Montenegro Industry." Agent Nerrie said still with no emotion in her voice.
Hindi naman maiwasan ng dalawa nitong kasama sa loob ng opisina ang magtaka sa kinikilos ni Agent Nerrie. Para kasing ibang tao ang kaharap nila.
"And everyday, he was in a meeting with Mrs. Anderson." Agent Ria added.
"Then we have no choice but to do the plan B." The Director said. "To investigate also his daughter, Layla." He added.
"Ako na ang bahala kay Layla." Prisinta ni Agent Ria.
"Ako na kay Mrs. Anderson at Mr. Montenegro because I wanted to know what's really in between that two. May nararamdaman kasi ako na parang may mali sa dalawa habang magkasama sila.
"Okay. Do your best, my agents."
"Yes, Director."
Paglabas ng dalawa sa opisina ng Director, they parted ways to do their mission.
Umupo si Agent Nerrie sa harapan ng computer at tinignan ang mga profile ng mga taong involve sa mission nila ni Agent Ria at hindi maiwasang hindi madawit ang pangalan ng asawa ni Mrs. Anderson na si Dale Anderson.
Una niyang tinignan ang profile ni Leandro Montenegro. Kumukunot ang nuo ni Nerrie habang binabasa ang impormasyon na nakasulat.
Leandro Montenegro's wife died in car accident, June 30, 20XX. He have a daughter, named, Layla Montenegro. He didn't remarried after his deceased wife and focused his attention in Montenegro Industry and to his only daugther. But aside from being the CEO of Montenegro Industry, he was also reported as a part of a big syndicate here in the country and have a lot of illegal business and many connections.
Sunod niyang binasa ang profile ni Dale Anderson.
Dale Anderson, owner of Anderson Company...
At bukod sa wala itong bad record, may mga sinusoportahan itong charities. May alam kaya siya sa mga pinaggagawa ng asawa niya? Nerrie shrugged of that thought.
Isinunod niyang binasa ang kay Dimitri.
Katulad sa ama nito, wala siyang nabasang bad record ng binata. Pero nalaman niyang nagmemedical mission ito sa malalayo at liblib na lugar.
Napangiti na lang si Nerrie at binasa rin ang profile ni Layla Montenegro, doon nawala ang ngiti niya sa mukha. Maganda ang babae at sopistikada sa picture pa lang. Paano na kaya kapag sa personal.
Eh, siya?
Well she's a Princess of Necromancer, pero ni minsan sa mundong 'to ay hindi niya maaaring ipagmalaki. Isa lang siyang ordinaryong agent.
Hindi akalain ni Nerrie na aabot siya sa puntong maiinsecure siya sa ibang babae.
She admit it, she likes Dimitri...no, she loves him.
And Dimitri doesn't know who really she is. He just know her as Nerrie Lazaro and not as Princess Nerrie of Necromancer.
Kahit hindi sinasabi ni Dimitri sa kaniya ang tungkol kay Layla, alam niyang darating ang araw na magkikita ang dalawa at dahil 'yon kay Mrs. Anderson.
Nerrie blew a loud breath and shut down her computer.
She need to focus on her mission before anything else.
Yeah, but before anything else how about the curse?
Hinilot ni Prinsesa Nerrie ang kaniyang sentido. Malapit na naman pala ang fullmoon.
DIMITRI smiled while looking at Nerrie's photo in his phone. He's at the mini park beside the hospital to breath some fresh air. Ang mukha ng dalaga ang nakalagay sa wallpaper ng phone niya. Palihim niya itong kinunan ng larawan habang nakadantay ang braso nito sa railing ng Dayne's restaurant at nakatingin sa paligid.
Mabuti na lang at nakisama ang camera ng phone niya kaya hindi naging blurred ang kuha.
"Ang ganda ni Nerrie diyan, ah."
Mabilis na itinago ni Dimitri ang phone sa bulsa ng suot na doctor's robe at nilingon si Dra. Morales na nasa kaniyang likuran habang nakangisi.
He cleared his throat. "Nandiyan ka pala, Dra. Morales."
"Kanina pa ako dito hindi mo lang ako napansin dahil abala ka sa pagtitig sa picture ni Prinsesa Nerrie." Sabi nito at umupo sa dulo ng bench na kinauupuan niya habang may iniinom na kung ano.
"Prinsesa Nerrie?" Kumunot ang nuo ni Dimitri.
Natigilan naman si Renesmee at nawala ang emosyon sa mukha. Napalitan ito ng malamig na ekspresyon. "Don't mind what I said."
Napatango na lang si Dimitri. "Okay."
"Doc." Tawag ni Renesmee sa doktor.
Tumingin naman ito sa kaniya. "Yes?"
"Do you like Nerrie?" She asked.
"Yes." Dimitri answered.
"Halata naman. May picture nga siya sa phone mo, eh." Sabi ng doktora at napakamot na lang ng batok si Dimitri at biglang nahiya.
Lihim namang napangisi si Renesmee dahil sa nakikita niyang reaksiyon ni Doc. Dimitri. Namumula ang tenga nito at kahit hindi nito ipahalata, nakikita niyang bigla itong nahiya sa sinabi niya.
Mukhang walang magiging problema si Prinsesa Nerrie tungkol sa iniibig nito kung damdamin ang tatanungin. Ang malaking problema ay ang tunay na pagkatao ni Prinsesa Nerrie.
Napabuntong-hininga si Prinsesa Renesmee at tumayo.
"Maiwan na kita, doc."
Tumango lang naman si Dimitri.
Itinapon ni Renesmee ang pack ng pinag-inuman niya ng dugo sa trash bin na nadaanan.
Nang mawala sa paningin ni Dimitri ang kaibigan ni Nerrie. Nasapo niya ang tapat ng kaniyang puso at napailing. Muli niyang tinignan ang larawan ni Nerrie sa phone.
"Larawan pa lang ang nakikita ko, ang bilis na ng t***k ng puso ko. Paano pa kaya kung makikita na naman kita ng personal katulad ng nagdinner date tayo?" Mahinang sabi ni Dimitri at napailing.
He maybe not an cardiologist who study the heart of a human but he know what emotion he's feeling right now. He's not dumb when it comes to this kind of emotion.
Yes, he did like a woman before but not like this kind emotion.
He didn't know a simple like will turn into like this now.
Dimitri exhaled loudly and called his friend, Stanley.
"What do you need?" Kaagad nitong tanong.
Napailing na lang si Dimitri sa bungad ng kaibigan.
"I like someone." He said.
"Woman or man?" Said Stanley in the other line.
"Of course it's a woman!" Dimitri exclaimed. "I'm not a gay!"
Stanley laughed. "I'm just joking."
"It's not funny." Dimitri rolled his eyes.
Stanley just chuckled. "So who's this someone?"
"Ang babaeng naikwento ko sa'yo."
"Yong tinulungan mo sa isla?" Paniniguro ni Stanley.
"May iba pa ba akong babaeng ikinuwento sa'yo." Balik niya sa kaibigan.
"Geez...okay, fine. That woman. And what happened? Did she say she like you too?"
"That's my problem, I don't know if she likes me also."
Hindi naman kaagad nakaimik si Stanley sa kabilang linya. Tinignan niya ang caller ID at tama naman, si Dimitri ang kausap niya.
At kailan pa nito naging problema kung hindi siya gusto ng babae?
Kilala niya ang kaibigan. Marami itong naging fling, tumigil lang ito noon, noong naipatayo na nito ang ANDERSON'S MEDICAL HOSPITAL at ibinuhos nito ang buong atensiyon sa pagiging doktor.
Ni minsan ay hindi nagkaroon ng seryosong relasyon si Dimitri sa babae. At ngayon tumawag ito at sinabing may gusto itong babae at hindi nito alam kung gusto rin ito ng babaeng nagugustuhan nito.
What the hell?
Tumaas ang kilay ni Stanley. "Bakit hindi mo siya tanungin?"
Dimitri sighed. "I'm scared."
Napatigil si Stanley at napasandal sa kinauupuang swivel chair.
"What the...you're scared? Dimitri, it's just a simple like..."
"I realized, it's not. Damn, man! I admit that everytime I see her, my heart beats fast. I'm not a cardiologist but I know what this means!"
Ngumisi si Stanley. "Do you want me to name that emotion..."
"No!"
Tumawa si Stanley. "It's love..."
"Shut up, Stanley!"
Napailing si Stanley. "Ewan ko sa 'yo. Bahala ka sa lovelife mo. Balitaan mo na lang ako kung kayo na." Aniya at ibinaba ang telepono.
Pinaikot niya ang swivel chair paharap sa glasswall at tumingin sa batuhan na malapit sa tubig.
Habang si Dimitri naman napahilamos sa mukha at napailing.
"I'm in trouble. I'm really in trouble."
Natapos ang shift niya sa araw na 'yon at hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kaniya at pinuntahan niya ang dalaga sa condo nito.
Alam niyang nakauwi na si Nerrie pero hindi niya alam kung bababa ba siya ng kotse o hindi?
At kung sakali na puntahan niya ito, anong sasabihin niya? Na gusto niya itong makita.
Dimitri sighed. Bahala na nga.
He was about to open the door beside him when he saw Nerrie coming out from the condominium. Seryoso ang mukha nito at parang galit.
It's Dimitri's first time to see Nerrie's serious and mad.
Nagtaka si Dimitri kung saan pupunta ang dalaga dahil naglakad ito palayo sa condominium na tinitirhan nito.
Hindi naman ito mukhang aalis dahil nakapambahay lang ito at naka-slipper.
Out of curiousity, bumaba siya ng kotse at sinundan ang dalaga kung saan ito pupunta.
Medyo malayo ang nilakad ni Nerrie bago ito makarating sa isang abandonadong gusali na hindi na natapos ang konstraksiyon at mukhang hindi siya nito napansin. Pumasok ito sa loob. Tumingin si Dimitri sa paligid.
Walang tao sa lugar na ito at halos walang sasakyan ng dumadaan.
Kakaiba ang naramdaman ni Dimitri lalo na at nararamdaman niya ang malamig na simoy na hangin na parang yumayakap sa kaniya. At nararamdaman niyang may kakaiba sa lugar na kinaroroonan niya.
Narinig ni Dimitri na may ugong ng sasakyan ang paparating kaya nagtago siya likod ng isang malaking puno. Huminto ang sasakyan sa tapat ng abandonadong gusali at mula roon ay bumaba ang isang babae...Dra.Morales?!
Nagtaka si Dimitri kung ano ang ginagawa ng doktora sa lugar na pinuntahan rin ni Nerrie.
Tumungin muna ito sa paligid, nang makarinig si Dimitri ng malakas na kalabog sa loob ng gusali at parang hangin na nawala si Dra. Morales sa kinaroroonan nito.
Napakurap si Dimitri.
Damn! What was that?
Hindi siya maaaring magkamali, hindi guni-guni ang nakita niya. Parang hangin na nawala si Dra. Morales sa kinatatayuan nito.
Napalunok si Dimitri at nakaramdam ng kaba.
Napatingin siya sa suot na bracelet dahil bigla itong umandap pero agad ding nawala.
Hindi makuha ni Dimitri ang gumalaw sa kinatatayuan dahil sa mga nasaksihan na alam niyang hindi 'yon guni-guni lang.
Doon na bumalik rin sa isipan niya ang nasaksihan niya noon kay Nerrie, ang sugat nito na mabilis naghilom na parang walang nangyari. Noon pa lang alam niyang may kakaiba na sa dalaga at ngayon naman sa kaibigan nito.
Hindi na napigilan ni Dimitri ang sarili at naglakad palapit sa abandonadong gusali at sumilip sa bintana. Nanlaki ang mata niya ng makita kung ano ang nangyayari sa loob.
Dimitri gulped.
Bumalik sa kaniya ang napanaginipan niya noong nasa isla pa siya.
Ang mga nakakatakot na nilalang na nakita niya sa kaniyang panaginip. Hindi 'yon panaginip!
They're real! They're not dream!
He looked at Nerrie and Dra. Morales, they are figthing those creatures. He saw the two how they fight. Halatang sanay na sanay ang dalawa sa pakikipaglaban at marunong ang mga ito dahil sa mga nakikita niyang galaw ng dalawa.
Nerrie, who really are you?