KABANATA 16

2394 Words
                    NAGKATOTOO ang sinabi ni Melissa. Nabalitaan na lang ni Nerrie mula kay Director R na nahuli muli si Leandro Montenegro at nakakulong na ito at bantay sarado ng pulis at militar. Huminga ng malalim si Nerrie at kinuha ang backpack na inihanda niya kagabi. Today was saturday at bukas ng hating gabi ang kabilugan ng buwan. Iyon ang gabi na plano niyang sabihin kay Dimitri ang lahat. Ngayon pa lang natatakot na siya at kinakabahan. Paano kung hindi matanggap ng binata ang tunay niyang pagkatao? Paano kung katakutan siya nito? Napatingin siya sa nanginginig niyang mga kamay. Hindi ko alam ang gagawin ko... May nagdoorbell. Batid niyang si Dimitri 'yon. Kinuha niya ang backpack at isinukbit sa kaniyang balikat. Tinungo niya ang pinto at binuksan. "Hi, good morning." Bati ni Dimitri. "For you." "Morning." Napatingin siya sa hawak nitong bulaklak. "Don't worry. Plastik 'yan." Agad na sabi ni Dimitri. Nerrie smiled. "Thanks." Kinuha niya ang bulaklak. "Tatlo?" "Yep. Three roses means I love you." Pasimpleng pinagmasdan ni Nerrie ang get up ng binata. Naka-white polo blouse it at jeans na pinaresan ng black sneakers. He looks handsome. Nerrie pouted and said, "okay." "Don't pout." Sabi ni Dimitri. "Bakit?" Nerrie pouted her lips again. "I said don't pout." Dimitri sighed. "Bakit nga?" "Naaakit ako..." Mahinang sabi ni Dimitri. "Naaakit ka?" "Naaakit akong halikan ka." Sabi ni Dimitri at kinuha ang backpack niya. "Ako ng magdadala. Let's go. Sabi mong malayo ang probinsiya niyo. How many hours we will travel?" "Hmm..." Humawak si Nerrie sa braso ng binata. "Six to seven hourse. Depende sa nagmamaneho." She chuckled. "Okay. I want to use the helicopter, pero gagamitin naman kasi 'yon sa medical mission sa wednesday. The pilot need to check it for safety." Ani Dimitri. Kumunot ang nuo ni Nerrie. "Akala ko ba sa lunes amg schedule ng medical mission mo?" Dimitri glanced at her while they are entering the elevator. Dimitri pushed the first floor button. "Yeah. I rescheduled and I want you to come. Syempre mamimiss kita. Isang linggo rin kaya ang medical mission namin na 'yon. I'm going to miss you." Malambing na saad ni Dimitri. "Really, huh?" "Yeah. Really." Nagkatinginan silang dalawa at nagtawanan. "Okay. This is gonna be a long drive." Dimitri said when they both inside the car. "Yes, this will be a long drive." Nerrie said and smiled. She put the three stem of rose at the dashboard. Pero nawala ang ngiti niya sa labi ng maalala ang dahilan kung bakit kailangan niyang dalhin si Dimitri sa probinsiya. Bahala na kung ano ang mangyari. Habang nagbibiyahe ang dalawa. Nakatingin lang si Nerrie sa labas ng bintana ng kotse at tahimik. Hindi naman nakatiis si Dimitri. "Ang tahimik mo, princess." Napakurap si Nerrie sa narinig na tawag sa kaniya ni Dimitri. Tumingin siya sa binata. "Ano ang tinawag mo sa akin?" Dimitri smiled. "Princess o di kaya 'my princess'." Then he winked. "Why are you calling me that?" Dimitri smiled. "Because it's my endearment to you. And besides, to me, you really look like a princess." Tumaas ang kilay ni Nerrie pero hindi siya nagsalita. It's actually nice to hear that word from Dimitri. Endearment. Nice endearment. She sighed. "Come on, my princess. Huwag ka namang masyadong tahimik. Nakakaantok kaya." Sabi ni Dimitri. "Ano bang gusto mong pag-usapan natin para mag-ingay ako?" Tanong ni Nerrie. "Ikaw? Ano ba ang gusto mong pag-usapan?" Balik ni Dimitri. "Bakit palagi mong binabalik sa akin ang tanong?" Tinignan ng masama ni Nerrie ang binata. Dimitri chuckled. "Ang cute mo." "Anong konek?" "Hmm ... wala." Tumawa si Dimitri, inabot niya ang pisngi ng dalaga at pinisil. "You're so cute." Nerrie rolled her eyes. "Maganda ako at hindi cute." "Yes, you're beautiful and cute." Nakangiting sabi ni Dimitri. "Hay naku! Magpokus ka na lang diyan sa pagda-drive mo. Baka madisgrasya pa tayo." Sabi ni Nerrie. Pilit niyang hindi pinapansin ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Isang pangalan lang ang sinisigaw nito. "Ano nga pala ang dahilan kung bakit ka umiiyak kagabi?" Tanong ni Dimitri. Nag-iwas ng tingin si Nerrie. "Wala. Kalimutan mo na 'yon." She sighed. "Okay." Sabi na lang ni Dimitri. Ayaw niyang pilitin ang dalaga kung ayaw nitong sabihin. "So makilala ko ang foster parents mo?" "Yep." Sagot ni Nerrie habang nakatutok ang mata sa daan. Ganun din si Dimitri. "Patay na ba ang parents mo?" Tanong ni Dimitri. "No." "No?" Nerrie nodded. "Oo, buhay pa sila pareho pero nasa malayong lugar." Nagtaka si Dimitri. Nabasa niya ang profile ng dalaga. Patay na ang mga magulang nito at may foster parents. Dimitri sighed. Minsan hindi niya talaga maintindihan kung ano ba talaga ang totoo tungkol kay Nerrie. Three hours later... "Are you hungry?" Tanong ni Dimitri kay Nerrie habang nagmamaneho. Tumango si Nerrie. "Oo. Kain muna tayo at para makapagpahinga ka sa pagmamaneho." "Okay. Nagugutom na rin ako." Medyo binagalan niya ang takbo ng sasakyan para tumingin ng restaurant na pwede nilang kainan. And he saw a restaurant nearby. Itinigil niya ang sasakyan sa parking lot ng restaurant na nakita at tumingin kay Nerrie. "Let's go." Nerrie nodded and stepped out from the car. Mabilis na hinawakan ni Dimitri ang siko ni Nerrie para alalayan papasok sa loob ng restaurant. "Welcome, Ma'am, Sir." Bati ng waiter na sumalubong sa kanila. Tinanguan nila ito. "Table for how many, Sir?" Tanong ng waiter. "Table for two." Sagot ni Dimitri habang nakahawak ang isa niyang kamay sa likod ni Nerrie. "Okay, sir. Please, follow me." Anang waiter. Sumunod naman sila rito. Dinala sila nito sa isang parte ng restaurant na makikita ang mga halaman at puno sa labas. Salamin ang dingding sa labas. Actually, it was relaxing to see nature. "Okay na ba sa 'yo ang pwesto na 'to?" Tanong ni Dimitri kay Nerrie. "Oo. Narerelax ako sa mga nakikita ko sa labas." Sagot ni Nerrie. "Okay." Ipinaghugot niya ito ng upuan. "Thank you." "Welcome, my princess." Aniya bago umupo sa upuan sa tapat ng  dalaga. "Here's the menu, Sir, Ma'am." Anang waiter at binigyan sila ng menu. "Give us, caesar salad, pork baby back ribs, roast beef with vegetables, chicken and mushroom pie, and seafood pasta." Ani Dimitri sa waiter. "Okay, sir." Nerrie chuckled. "Bakit?" Tanong ni Dimitri. "Kakatayin ba tayo? Ang dami ng inorder mo." Sabi ni Nerrie at tumingin sa waiter. "Gusto kong kumain ka ng marami. Ang payat mo." Sabi ni Dimitri. Ibinalik ni Nerrie ang tingin sa binata. "Wow, ah. Nahiya naman ako ..." Nerrie stopped talking asshe looked at Dimitri's body. Matipuno ang katawan nito. "Ano?" Halatang pinipigilan ni Dimitri ang ngiti nito. Inirapan na lang ito ni Nerrie at bumaling sa waiter. "For dessert, give us vanilla ice cream." "Okay, Ma'am. Noted po." "Ice cream? Grabe 'to." Sabi ni Dimitri at tumingin sa waiter. "Just one-fourth." "Yes, Sir." Ngumuso si Nerrie. "Grabe ka sa akin." "Wait for your order, Sir, Ma'am." Anang waiter at umalis. "Anong 'grabe ka sa akin'? You need to eat healthy foods." Sabi ni Dimitri at hinilot ang leeg. "Oo na." Sabi na lang si Nerrie at hindi na nakipagargumento pa sa binata dahil alam niyang matatalo rin lang siya kung pagkain ang pinag-uusapan. Well he's a doctor after all. Nerrie sighed. He looked at Dimitri who's busy massaging his neck. "Okay ka lang? Masakit ba leeg mo?" Tanong niya sa binata. "A little. Masakit rin ang ulo ko." Sagot ni Dimitri. Tumayo si Nerrie at nagtungo sa likod ng binata. "Mamasahehin ko ang ulo mo. Relax ka lang." "Thank you, princess." Ngumiti na lang si Nerrie at sinimulang masahehin ang ulo ng binata. Ipinikit nito ang mata at nirelax ang sarili. Narerelax si Dimitri sa pagmamasahe sa kaniya ni Nerrie. Magaan ang kamay nito at malambot. "Nerrie? Princess?" "Hmm?" "Ang sabi mo sasabihin mo na sa akin ang lahat-lahat pagdating natin sa inyo." Aniya. "Bukas ng gabi. Excited 'to." Sabi ni Nerrie. Dimitri smiled. "Sa totoo lang kinakabahan ako sa mga sasabihin mo. Pero nagtataka lang talaga ako, Princess... Ano ang sasabihin mo sa akin at bakit sa probinsiya pa talaga ninyo mo sasabihin sa akin ang gusto mong sabihin?" "Hindi lang naman kasi basta-basta ang sasabihin ko sa 'yo, D, e." Ani Nerrie at napabuntong-hininga. "Sasabihin ko na sa'yo ang lahat-lahat kasi gusto ko na kapag pumasok ako sa isang relasyon ay wala akong itinatago." "Relasyon? Teka, Nerrie, you're saying na kapag pumasok ka sa isang relasyon and that means na may pag-asa ako sa'yo? May pag-asa na maging tayo?" Tiningala ni Dimitri ang dalaga na abala sa paghilot ngayon ng leeg niya. Ngumiti lang si Nerrie. "I wanted to have a clean relationship. And you're very special to me, Dimitri. Hindi lang kaibigan ang tingin ko sa'yo. Mas higit pa ro'n." Habang sinasabi ni Nerrie ang mga salitang 'yon, pabilis naman ng pabilis ang t***k ng puso ni Dimitri. "I'm special to you?" Nerrie nodded and kissed Dimitri's forehead. "Very. Ikaw kasi 'yong taong matagal ko ng hinihintay at ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Thank you, Dimitri." Ipinalibot ni Nerrie ang braso sa leeg ng binata. "At sana kahit na malaman mo kung sino ba talaga ako. Sana matanggap mo at huwag mo akong katakutan." Malungkot ngunit umaasang sabi ni Nerrie. "Nerrie..." "Sana, D. Umaasa ako sa 'yo. Sana hindi ka katulad ng ibang tao na mapanghusga." "Nerrie, mahal kita. At tanggap ko kahit sino ka pa." Seryosong sabi ni Dimitri. Umiling si Nerrie. "Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo, Dimitri." "Of course, I know." Maydiing sabi ng binata. Nerrie was about to say something when they heard someone cleared his throat. "Ma'am, Sir, ito na po ang order niyo." Ani ng waiter at maingat na inilipat ang mga pagkain sa mesa mula sa kinalalagyan ng mga itong trolley. "Thank you." The two said in unison. The waiter slightly bowed his head and then he leave. "Let's eat." Ani Dimitri. Tumayo naman ng maayos si Nerrie at bumalik sa upuan nito. "Here. Eat." Sabi ni Dimitri at nilagyan ng pagkain ang plato ng dalaga. "Thank you." Kaagad na kumain si Nerrie. She's enjoying the food and she's also enjoying being spoiled by Dimitri. "Water. Baka mabulunan ka." "Thanks." Dimitri winked and continue his food. "Here, say 'ah'." Wika ni Nerrie at inilapit ang kutsara na may lamang pagkain sa bibig ni Dimitri. Dimitri immediately accepted the food. " Hmm ... masasarap pala kung ikaw ang nagsubo. Isa pa nga." Natawa si Nerrie at muling sinubuan ang binata. "Masarap ang pagkain nila dito." Nerrie commented. "Sa tingin mo may kakain dito kung hindi masarap ang pagkain. Look around. Halos mapuno na ang buong restaurant sa dami ng mg customers nila." Dimitri said. Nerrie chuckled. "Don't tell this to Dayne. Siguradong kukulamin ako no'n kapag nalaman niya na kumain ako sa ibang restaurant at pinuri ko pa ang pagkain nila. Mangkukulam 'yon, eh." Napailing si Dimitri. "Sa ganda ng kaibigan mo tinawag mong mangkukulam." "D, looks can be deceiving, sabi nga nila." Dimitri shrugged. "Wala na akong sinabi." Nerrie just smiled and her hand was about to grabbed the bowl of ice cream when Dimitri hold her hans. "Eat first." Nerrie sighed and pout. Wala siyang nagawa kung hindi ang kumain ng totoong pagkain. After she eat saka lang siya pinayagan ni Dimitri na kainin ang ice cream niya. "Nabusog ka ba?" Tanong ni Dimitri. "Yep. Thank you." Nerrie smiled and finished her ice cream. "That's good. Ano? May gusto ka pa bang kainin? Tell me..." Tinignan ni Nerrie ang binata ng masama. "What?" Tanong naman nito. Inirapan niya ang binata at naghalumikipkip. "Nerrie..." "Pay the bill para makaalis na tayo." "Okay ka lang?" "Oo." Sagot ni Nerrie. Nagtataka man ang binata sa kinikilos ni Nerrie sinenyasan na lang niya ang waiter na kaagad namang lumapit. "Ahmm ... do you accept credit card here?" Dimitri asked the waiter. "Yes, sir." "Okay," kinuha ni Dimitri ang wallet at kinuha ang credit card. "here's my credit card." Kinuha naman agad ito ng waiter at pumunta ng cashier office. "Nerrie..." "Grabe ka sa akin. Hindi naman ako glutton kung kumain, ah." "I know. I know. Ayaw ko lang na nagugutom ka." Sabi ni Dimitri. Nerrie just tsked. "Sir, here's your card. Thank you for coming, Sir, Ma'am." Ibinigay ng waiter kay Dimitri ang credit card nito. "Thank you." Kinuha ni Dimitri ang credit card at ibinalik sa wallet. "Let's go." Aniya sa dalaga. Natigilan si Dimitri ng makita niya ang pagkislap ng mata ng dalaga but he acted like nothing happened. Nagpanggap siyang parang walang nakita. It might make Nerrie's uncomfortable, kapag sinabi niya rito ang nakita niya. Kapag kasi tungkol sa dalaga ang pinag-uusapan, napapansin niyang umiiwas ito o di kaya tumatahimik kaya nasanay na siya na huwag magsalita kung tungkol rin lang sa mga napapansin niya rito ang pag-uusapan nila. Dimitri sighed and followed Nerrie, nauna na itong lumabas ng restaurant na hindi man lang siya hinintay. Napailing si Dimitri at lumabas na rin ng restaurant. Ano bang ginawa ko at parang nainis siya sa akin? "May three hours pa tayo para magbiyahe. Halika ka na." Sabi ni Nerrie at naunang pumasok sa loob ng kotse. "Okay..." Dimitri climbed in the car and he started the engine. Nerrie put her seatbelt and so as Dimitri. When Nerrie's phone rang... Agad namang tinignan ni Nerrie kung sino ang tumatawag and it was Mavielyn. "Excuse me." Tinanguan naman siya ng binata. "Yes, Mavielyn?" "Melissa told us earlier that you're going home with someone."  Ani ng kaibigan but Nerrie cohld hear many whisphers so it means hindi lang si Mavielyn ang nakikinig sa kaniya kasama nito ang iba pang prinsesa. "Yes. I'm with someone." "And who's this someone?" Mavielyn asked. "The one." Sagot ni Nerrie and didn't ellaborate any further. Batid niyang nakuha ng mga ito ang ibig niyang sabihin. "Oh, you're going to introduce him to us?" Mavielyn asked excitedly. "Yeah." "Great! Okay. Hihintayin namin kayo. Have a safe trip." Then Mavielyn ended the call. Nerrie sighed. Now I don't know what will happen if Dimitri will see the real me. I hope he won't be scared.                     "SO alam niyo na noon pa na nahanap na ni Prinsesa Nerrie ang lunas sa kaniyang sumpa?" Masama ang tingin ni Gabril kina Melissa, Dayne, Renesmee at Airene. Nag-iwas ng tingin ng apat at sabay na sumagot ng, "oo." "Kailan pa?" Tanong ni Prinsesa Phyllis. "Nalalaman ko naman lahat ng nangyayari sa inyo." Sagot ni Melissa. "Actually noong nasa isla si Nerrie." Sabi ni Prinsesa Airene. "I'm a doctor and Nerrie came to the hospital." Sabi ni Prinsesa Renesmee na umiinom ng dugo. "Restaurant." Sagot ni Prinsesa Dayne na kumakain ng mansanas. Tumaas ang kilay ni Prinsesa Mavielyn. "Ang daya niyo, ah. Alam niyo tapos kami hindi namin alam." Sabi ni Prinsesa Nekiel. "Eh busy ka sa tournament mo." Sabi ni Prinsesa Airene. "Tsaka hindi naman kasi kayo nagtatanong." Sabi ni Prinsesa Renesmee. "Kahit na. You should've told us also, Melissa." And Melissa just shrugged her shoulders. Ngumuso si Prinsesa Nekiel. "Mabuti pa si Nerrie, nahanap na niya ang lunas ng sumpa niya. Tayo rin kaya?" Umiling si Prinsesa Dayne. "Hindi pa alam ni Dimitri ang tunay na pagkatao ni Nerrie kay huwag muna kayong umasa na nahanap na niya." "But I can see that Dimitri was a good guy." "I agree to Airene." Sabi ni Prinsesa Dayne at nagthumbs up sa kaibigan. Lahat sila napatingin sa labas ng makarinig sila ng ugong ng sasakyan. Melissa smiled. They're here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD