KABANATA 23

2651 Words
                    NAKAUPO si Erosho sa itim na trono habang nakatingin sa seer portal na nasa kaniyang harapan. Nabigo silang patayin ang lalaking nakatakda kay Prinsesa Nerrie. Sa oras kasi na tanggapin ng lalaking mortal ang tunay na pagkatao ng prinsesa ay hindi na makakalapit pa ang mga alagad niya rito. Maisasailalim ito sa proteksiyon ng kapatid niyang si Erashea. At ngayon si Prinsesa Dayne ang susunod. Kailanman nilang mapatay ang lalaking nakatakda para rito bago pa man mahuli ang lahat. "Tignan niyo, Panginoon." Ani ng itim na mangkukulam. "Siya ang lalaking nakatakda kay Prinsesa Dayne." "Kailangan siyang mapaslang—" "Hindi mo sila mapapaslang, aking kapatid. Kahit hindi pa nila alam ang tunay na katauhan ng mga prinsesa. Nasa ilalim na sila ng aking proteksiyon, Erosho." Lumitaw sa kaniyang harapan ang kaniyang kapatid na diyosa. "Erashea." Sambit ni Erosho sa pangalan ng kapatid. Tumingin si Erashea sa itim na seer portal na kung saan ay nagpapakita ang mukha ng lalaking nakatakda sa prinsesa ng mga mangkukulam. "Kaawa-awa ka, mahal kong kapatid." Ani Erashea. "Umaasa ka na lamang sa ipapakita ng seer portal." Nakangisi nitong saad. "Tumahimik ka, Erashea." Ngumiti ang diyosa ng buwan. "Hindi pa man nakakaapak ang mga prinsesa sa mundo ng mga mortal, kilala ko na kung sino ang nakatakda para sa kanila at nasa ilalim na sila ng aking proteksiyon. Kailanmam ay hindi makakalapit ang mga alagad mo sa kaniya." Nagpakawala si Erosho ng kapangyarihan patungo sa kapatid pero naglaho na ito. "Iniinsulto mo talaga ako, Erashea!" Galit niyang sigaw sa kapatid. "Panginoon." Paglapit sa kaniya ng isang alagad. "Patayin ang lalaking mortal na 'yan." Itinuro niya ang ipinapakita ng seer portal. "Masusunod, Panginoon." Yumuko ang alagad at kaagad na nag-utos sa mga kasamahan nito. "Huwag kayong babalik hangga't hindi niyo siya napapaslang!" "Ngunit, Panginoon, baka magaya sila sa mga inutusan nating papaslang sa lalaking nakatakda para kay Prinsesa Nerrie. Tignan niyo. Nag-isang dibdib na sila at sa susunod na taon o buwan, magkakaroon na sila ng anak. Ang anak ng mga prinsesa na magiging kapantay ninyo ng kapangyarihan." Ani ng itim na mangkukulam. "Isa ito sa mga desisyon na pinagsisisihan ko sa ngayon. Hindi ko dapat sila isinumpa. Nagkamali ako. Hindi ko akalain na may mga mortal na tapat at dalisay kung magmahal." Ani Erosho. "Ngunit hindi tayo pasisiguro, Panginoon. Isang prinsesa pa lamang ang natali ang puso sa kaniyang kabiyak. May natitira pang pitong prinsesa at hindi tayo nakakasiguro sa mga lalaking nakatakda sa kanila." Ani ng itim na mangkukulam at muling humarap sa itim na seer portal. "Kunsabagay... bakit ba ako nag-aalala? Kahit naman magkaroon sila ng mga supling ay wala pa ring tatalo sa aking kapangyarihan." Nakangising sabi ni Erosho. "Nakakalimutan niyo yata, Mahal na Panginoon. Ang isang kalahating mortal at kahalating immortal ay mayroong malakas na kapangyarihan at maipapantay ang kapangyarihan nito sa mga kagaya niyong mga bathala." Ani ng itim na bampira. Tumawa si Erosho. "Kung sakali man na ganoon ang mangyari. Isinusumpa ko na mailanman ay hindi sila makakapasok sa Arwood." At hindi ako papayag na may mga nilalang ang papantay sa aking kapangyarihan. Hindi ako makakapayag!                     EZEKIEL sighed as he looked at the address sent by his Director. Tumaas ang kilay ni Ezekiel ng makita ang restaurant sa kaniyang harapan. Dayne's Restaurant. Inutusan lang naman siya ng kinakapatid na bumili ng pagkain sa address ng restaurant na sinent nito sa kaniya. Siya talaga ang inutusan nito. Isang linggo na mula ng makalabas siya ng hospital. And he was not allowed to do field missions, kaya sa Agency lang siya. He's actually bored kaya ang magaling niyang Director, siya ang inutusan nito na bumili ng pagkain nila para daw hindi siya ma-bored. Ezekiel tsked and entered the restaurant. Actually, ngayon lang siya nakapasok sa restaurant na 'to, and according from Director R, masarap daw ang mga pagkain na sineserve dito. "Hello, Sir. Welcome to Dayne's Restaurant." Bati sa kaniyang ng waiter. Tumango si Ezekiel. "Table for how many, Sir?" The waiter asked. Umiling si Ezekiel. "Hindi ako magda-dine in. I would like to buy take out." "Okay, Sir. Let me know your order, Sir. Si Chef kasi ang nagluluto sa mga take out." Anang waiter. "Okay." Umupo siya sa bakanteng upuan at binasa ang menu. At sinabi niya sa waiter ang mga order niya. "Is that all, Sir?" Tumango si Ezekiel. "Yes." "Wait for your order, Sir." Ezekiel nod again. Inilibot niya ang paningin sa loob ng restaurant. The restaurant have good ambience. The restaurant have two floors and rooftop. The wall was made of glass. May mga nakadisenyo ring bulaklak sa bawat table. The waiter came back and gave him the chit. Ibinigay niya ang credit card niya at kinuha 'yon ng waiter. Umalis ito saglit para ibigay sa cashier ang credit card niya bago ito bumalik at ibinalik ang credit card niya. Habang hinihintay ni Ezekiel ang inorder na pagkain.  Bigla na namang sumakit ang ulo niya. He saw a blurred memories again. Ezekiel sighed and closed his eyes. He's trying to relax himself para mawala ang sakit ng ulo niya at mukhang nakatulong naman ito dahil unti-unting humupa ang sakit ng ulo niya. He doesn't exactly remembered what happened in his past but he know's those men who murdered his family. Namatay ang mga magulang niya kasama ang kapatid niya babae. Isang gabi 'yon. Kagagaling nila sa isang party ng may biglang humarang sa kanila sa daan at pinagbabaril sila. Himala at nakaligtas siya. Ang ama ni Director R ang kumupkop sa kaniya at itinuring siyang pamilya. Na-trauma siya dahil sa nangyari sa pamilya niya. Alam niyang may nangyari pa bago sila pinagbabaril ng mga lalaking 'yon. Hindi niya lang matandaan kung ano. But even Ezekiel have trauma, hindi niya nakalimutan ang mukha ng mga lalaking pumatay sa pamilya niya. Alam niyang nagbago na ang mukha ng mga ito dahil dalawang dekada na ang nakalipas pero natatandaan niya ang tattoo ng mga ito. May tattoo ang mga ito na hindi niya makalimutan. Hanggang ngayon malaya pa rin ang mga ito. Pero hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang hustisya para sa pamilya niya. Hindi siya tumitigil sa paghahanap sa mga ito at pagbabayarin niya sila— "Eherm... Excuse me." Ani ng babae sa likuran niya. "Here's your order." Inilapag ng babae ang tatlong paper bag sa harapan niya. "Thank you—" napatigil si Ezekiel ng makita ang babae. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Ezekiel. "Dayne?" Ngumiti ng tipid ang dalaga. "Ikaw pala. It's nice to see you again." Pasimpleng pinagalitan ni Dayne ang puso. Calm down, Heart. Huwag kang masyadong tumibok ng mabilis. Ngumiti si Ezekiel. "You work here?" Hindi alam ni Dayne pero bigla siyang natawa. Napailing siya. "I own this restaurant." "Oh. Nice place." Komento ni Ezekiel. "Thanks." Dayne said. Pero nakaramdam ng pag-aalala si Dayne ng makita ang pamumutla ni Ezekiel. "Are you okay? Namumutla ka." Hindi napigilan ni Dayne na hawakan ang mukha ng binata. Napatitig si Ezekiel kay Dayne. Ang amo ng mukha nito. Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso niya ng hawakan nito ang mukha niya. Muli niyang naramdaman ang mainit at malambot nitong palad. "O-okay lang ako. H-huwag kang m-mag-alala—" napatigil siya sa pagsasalita ng biglang naring ang phone niya na nasa bulsa. Ibinaba naman ni Dayne ang kamay at tipid na ngumiti. "Excuse me." Ani Ezekiel at sinagot ang tawag ng Director. "Hello, Kuya." "Nasaan ka na? Nagugutom na ako." Anito. Ezekiel rolled his eyes. "Pabalik na ako." "Bilisan mo." "Oo na. Bye." He ended the call. Tumingin si Ezekiel kay Dayne. "Gusto pa sana kitang kausapin pero gutom na ang Director ko. Aalis na ako. I wish to have time to chat with you." Dayne can't help but to smiled. "Feel free to come here anytime you want." "Really? Thanks." Ezekiel smiled. "I have to go." "Okay." Kinuha ni Ezekiel ang tatlong paper bag sa mesa at umalis na. Nakasunod naman ang tingin ni Dayne sa binata. Kumislap ang mata ni Dayne. "You're mine, Ezekiel..." She whispered. Napatigil naman si Ezekiel sa pagbukas ng pinto ng sasakyan at napatingin kay Dayne na nasa loob ng restaurant. Parang may narinig kasi siyang bulong. Napailing si Ezekiel at tuluyan ng binuksan ang pinto ng kotse. He stepped in his car and placed the paper bag at the shotgun seat. Ezekiel started the engine and drove the car to the Agency. Pagdating ni Ezekiel sa Headquarters, kaagad siyang dumeretso sa opisina ni Director R. "Ito na pagkain, Sir." Aniya at inilapag sa harap nito ang tatlong paper bag. Hindi nagsalita si Director R at mabilis na pumasok sa loob ng chamber nito. Minsan kasi hindi na ito umuuwi at sa Headquarters na ito natutulog. Actually, ganun din siya. May sarili naman siyang room dito sa Headquaters at dito na rin siya natutulog. Pagbalik ni Director R, may dala itong plato at tubig na nakalagay sa pitchel. Wala itong imik na inilabas ang mga pagkain sa paper bag. Naglagay ito ng pagkain sa plato at nagsimula ng kumain. "Kumain ka na rin." Napailing si Ezekiel. "Gutom na gutom, ah." "Mula kanina pa akong umaga hindi kumakain." "Subsob ka kasi sa trabaho." Ani Ezekiel. "At ikaw, hindi?" Ezekiel shrugged. "I need to find those bastards." Director R sighed. "Kumain ka na. Mamaya mo na isipin ang mga 'yan." Napabuntong-hininga si Ezekiel at kinuha ang plato. Nilagyan niya ito ng pagkain at nagsimula na ring kumain. Napatango siya ng malasahan ang pagkain. "Ang sarap pala ng luto ni Dayne." Wala sa sariling nasabi ni Ezekiel. Natigilan si Director R at napatigil sa pagkain. "Anong sinabi mo?" Tanong ni Director R kay Ezekiel. "Sarap ng luto ni Dayne. Doon tayo kumain bukas sa restaurant niya, Director." "Damn! Close na kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Director R. "Teka paano kayo nagkakilala?" "Noong kasal ni Nerrie pero hanggang pangalan lang. Ngayon lang ulit kami nagkita. Ang sarap pala ng sineserve nila. Kaya naman pala pagpasok ko kanina sa restaurant. Halos mapuno na." Ani Ezekiel. Napangisi si Director R.  "Nag-usap kayo?" "Oo pero naputol dahil tumawag ka." Tinignan ni Ezekiel ang Director ng masama. "Hoy, Kuya mo ako, huwag mo akong tignan ng masama." Sabi ni Director R at nagpatuloy sa pagkain. Ezekiel just tsked and continued his food. "Okay. Tomorrow. Magpapareserve ako. Doon tayo kumain ng lunch bukas. At bago ko makalimutan, uuwi pala tayo sa bahay ngayon. Tumawag si Mommy kagabi at sinabing umuwi tayo." "Okay. Miss ko na rin si Tito at Tita." Sagot ni Ezekiel. Napatitig si Director R kay Ezekiel. "You do know na hindi naman ako magseselos kung tatawagin mo sila ng 'mommy' at 'daddy'. Halos sa amin ka na lumaki, Zek, pero bakit hanggang ngayon 'tita' at 'tito' pa rin ang tawag mo sa kanila?" Ezekiel sighed. "Sorry, Kuya, pero hindi ko din alam. But I love them, at itinuring ko na rin silang bilang mga magulang ko." Napatango si Director R at ngumiti. "At least you're calling me 'Kuya'." "You're one year ahead." Ezekiel said while chuckling. Director R just tsked.                                         NANG MAKAPASOK si Ezekiel kasama si Director R sa mansyon ng mga ito. Sinalubong sila ng ina ni Director R. "Namiss ko kayong dalawa." Niyakap silang dalawa ng ginang. Ngumiti si Ezekiel. "Hi, Tita. Pasensiya na po kung hindi kami nakakauwi ni Kuya." Ngumiti ang ina ni Director R. "It's okay. Naiintindihan ko naman na marami kayong mga ginagawa." "Thanks, Mom." "Nandito na pala kayo, Reigo, Ezekiel." Ani ng ama ni Director R na pababa ng hagdan. Lumapit ang mga ito sa kanila at niyakap silang dalawa. "How are you kiddo's?" Umirap si Reigo at Ezekiel. "Dad, we're already adult." "Tito, we're already adult." Magkasabay na sabi ni Ezekiel at Reigyo. Tumawa ang kanilang mga magulang. "Oo matanda na nga kayong dalawa pero mamamaalam na kayo sa kalendaryo. Kailan niyo ba kami bibigyan ng apo?" Tanong ni Manuel sa mga anak. Umupo sila sa sofa. "Oo nga. Kailan niyo ba kami mabibigyan ng apo?" Tanong naman ni Rina. Mabilis na itinuro ni Reigo si Ezekiel. "He likes someone." Mabilis na pinulot ni Ezekiel ang unan sa kaniyang tabi at ibinato kay Reigo. "Shut up, Kuya." Ngumisi si Reigo. "No. I won't shut up, Zek. Amazed na amazed ka nga sa luto niya." Ezekiel glared at Reigo. "Totoo ba 'yon, Zek?" Tanong ni Rina sa anak-anakan. "Nope." Sagot ni Ezekiel. "Liar." Sabad ni Reigo. Tinignan ng masama ni Ezekiel si Reigo. Ngumisi si Reigo. "Umamin ka na, Zek. Alam naman nating pareho na tinamaan ka na sa kaniya noong una mo palang siyang makita." Mabilis na tumayo si Ezekiel para sana lapitan si Reigo pero mabilis itong nakatayo at lumayo sa kaniya. Hinabol ni Ezekiel si Reigo habang tumatawa naman ang huli. Nagpaikot-ikot sila sa living room. Natatawa naman ang mga magulang nila habang pinapanood silang dalawa na parang batang naghahabulan. "Ipagdasal mo na hindi kita maabutan, Director, dahil kapag nangyari 'yon, igigisa talaga kita ng buhay!" Reigo just chuckled and run for his life.                     DAYNE look at seer portal. She could see Ezekiel sitting at the bench. Mukha itong may malalim na iniisip. Dayne gasped when she saw something in her vision. "Kamalasan nga naman." Aniya at mabilis na nagteleport. Lumitaw siya sa madilim na parte ng likod ng mansyon nila Ezekiel at mabilis na inundayan ng saksak ang mga alagad ni Erosho. "Hindi ko hahayaang masaktan niyo siya!" Galit niyang saad sa mga ito. Her opponents growled in anger. Sinugod siya ng mga ito. Napailing si Prinsesa Dayne. Ipinadala talaga ni Erosho ang mga itim na mangkukulam para itapat sa kaniya. Nakatutok sa kaniya ang staff ng mga ito. Napailing si Prinsesa Dayne. "Nararamdaman kong mahina ang mga kapangyarihan niyo kumpara sa akin." Aniya. "Masyado kang mayabang, mahal na prinsesa!" Galit na saan ng isa. "At mataray." Ani Prinsesa Dayne. "Alam niyo. Dito sa mundo ng mga tao, hindi na kailangan pang gumamit ng staff. Ang ginagamit nila dito, sandata, katulad ng hawak ko." Itinaas niya ang hawak na sandata. "Kaya humanda na kayo." Naglaho siya at lumitaw sa likuran ng isang alagad ni Erosho at sinaksak ito sa puso. Pinatamaan siya ng mana ng dalawa nitong kasama pero nasalag ito ng espada niya. "Hinahanap niyo talaga ang kamatayan ninyo!" Sinugod ni Prinsesa Dayne ang dalawang kalaban. Habang si Ezekiel na nasa hardin. Biglang napalingon sa likuran ng mansyon. Madilim doon at hindi naiilawan. Madilim rin ang paligid dahil may mga makakapal na ulam ang humarang sa buwan. Tumayo si Ezekiel at naglakad palapit sa likurang bahagi ng mansyon. Parang may narinig kasi siyang boses. Habang papalapit si Ezekiel. May naririnig siyang mga yabag. At unti-unti na ring lumiliwanag ang paligid dahil nawawala na ang makakapal na ulap na nakatakip sa buwan. Mabilis na sinugatan ni Prinsesa Dayne ang dalawa niyang kalaban at sabay na sinakal. Iniangat niya ang mga ito sa ere at magkasabay na itinapon. Tumingala siya sa kalangitan. Nakalitaw na ang buwan at maliwanag na ang buong paligid. Mabilis na sinundan ni Prinsesa Dayne ang dalawang itim na mangkukulam at tinagpas ang ulo ng dalawa. Blood spilled on the ground. Napasinghap naman si Ezekiel sa nakita at nanlaki ang kaniyang mga mata. "Oh god..." Bigla niyang naalala ang dugong nagkalat sa semento ng mamatay ang kaniyang pamilya. Napalingon naman si Dayne sa kinaroroonan ni Ezekiel at nanlaki ang mata ng prinsesa ng makita si Ezekiel. Mabilis na kumilos si Dayne at naglaho. Lumitaw siya sa likuran ng binata at siniko ang batok nito dahilan upang mawalan ito ng malay. Sinalo ni Prinsesa Dayne ang katawan ng binata. "I'm sorry, Ezekiel, pero hindi pa panahon para malaman mo ang tunay kong pagkatao at hindi pa panahon para makita mo kung ano ang kaya kong gawin sa mga nilalang na mananakit sa 'yo." Ani Prinsesa Dayne. At hinalikan niya ang nuo ni Ezekiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD