NERRIE smiled when she received a message from Dimitri.
From: Dimitri
'I'll be late. My mom is nagging me. Can you please help me? I'm already 30 years old. I'm old enough to decide for myself but why did she still treating like I don't know how to decide in my life.'
Napabuntong-hininga si Nerrie at napailing.
To: Dimitri
'I'll help you. Don't worry.'
She looked at the black gate infront of her. Tinawagan niya si Director R.
"Yes?"
"Paumanhin sa abala, Director, pero itatanong ko lang kung alam ba ni Mr. Anderson na pupunta ako ngayon?" Tanong niya.
"Yes, he knows. I informed him yesterday."
"Okay. Thank you, Director."
"No problem. And Agent Nerrie..."
"Yes, Sir?"
"Hmm...pinasasabi ni Agent Ria, good luck sa lovelife mo." Then the call ended.
Napailing naman si Nerrie. Lumabas siya ng kotse at lumapit sa gate. She pushed the doorbell button.
Isang guwardiya naman ang nagbukas ng maliit na gate sa gilid.
"Yes, Ma'am?" Tanong nito.
Lumapit siya rito. Kinuha niya ang ID sa bulsa at ipinakita sa guard.
"I'm Agent Nerrie Lazaro from Escobar Intelligence Agency. I'm here for mission. My Director already informed Mr. Dale Anderson that I will be here today for the start of my work." Aniya sa pormal na boses.
"Okay, Ma'am. Tatawag po ako kay Mr. Anderson para malaman niyang nandito kayo." Ani ng guwardiya.
"Okay. Thank you." Ngumiti siya at bumalik sa sasakyan.
Ngayon lang yata siya gumamit ng kotse. Iyong siya mismo ang nagmamaneho.
Isang minuto ang hinintay niya bago bumukas ang malaking gate at sinenyasan siya ng guwardiya na pumasok. She drive her car going inside the Anderson's compound.
Nakita niya ang mansyon ng mga Anderson. Dalawang palapag ito at sa harapan ng mansyon ay may fountain.
Ipinark niya ang sasakyan sa tabi ng isang kotse na naroon at kung hindi siya nagkakamali ito ang kotse ni Dimitri.
"Ma'am, naghihintay sa inyo si Sir Dale. Pumasok na lang daw po kayo sa loob." Ani ng guwardiya.
"Okay."
Inayos niya ang suot na uniporme at ikinabit niya ang kaniyang ID sa kanang bahagi ng suot niyang uniporme.
Nerrie breath deeply before walking towards the opened door.
As she entered in the mansion. Nakita niya ang isang lalaki na may edad na rin na nakaupo sa pang-isahang sofa at mukha talagang hinihintay siya. At ng makita siya, tumayo ito at ngumiti.
"Welcome, Agent..."
"Nerrie, Sir."
"Welcome, Agent Nerrie. I'm Dale Anderson." The man extended his hand, at malugod naman niya itong tinanggap.
"Nerrie Lazaro, Sir."
Pasimple niyang tinignan ang mukha ng kaharap. Kamukha ito ni Dimitri. Walang duda na ito ang ama ng binata. At mukha rin namang mabait kagaya ni Dimitri.
"Have a seat, Ms. Lazaro."
"Thank you, Sir. Just call me Nerrie. I'm not used to 'Ms. Lazaro', I prefer to be called just my first name." Aniya at ngumiti.
"Okay. If you say so, Nerrie." Kapagkuwan kumunot ang nuo nito. "Your eyes, hija. Are they real?"
"Yes, Sir. I inherited this from my family." Sagot niya at nagpasalamat na natatandaan niya pa ang tungkol sa pinag-aralan niya noon.
"It's one of the rare eye color in the world." Anito.
Ngumiti na lang si Nerrie. "Today is the start of my work for you, Sir ... ahmm ... sorry, let me rephrase, my work to your son. Sir, if it's about his safety, leave it to me. I promise, walang mangyayaring masama sa anak niyo." Pangako niya at gagawin niya 'yon.
Hindi dahil mahal niya ang binata kung hindi kailangan niya ring protektahan ang taong itinakda sa kaniya.
"Alam mo bang nakahinga ako ng maluwang dahil sa sinabi mo, Nerrie? And thank you. Dimitri is my only son. I don't want to lose him. I love him so much."
Napangiti si Nerrie. "Ang swerte naman po ng anak niyo sa inyo at kayo ang naging ama niya."
Mr. Anderson chuckled.
Nerrie was about to say something when they heard a voice.
"Dimitri!"
Sabay pa silang napatingin ni Mr. Anderson sa taong sumigaw and there they saw a woman, na sa tingin niya ito ang ina ni Dimitri at si Dimitri na pababa ng hagdan habang seryoso at mukhang galit.
"Pasensiya ka na, Nerrie. Hindi lang maganda ang mood ng asawa ko. Huwag mo na lang pansinin." At tinawag nito ang anak. "Dimitri, come here."
Tumingin naman sa kanila ang binata nanlaki ang mata nito ng makita siya. "Nerrie?" Nagmamadali itong lumapit. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Dimitri.
Ngumiti lang si Nerrie at tumingin sa ama ng binata. Tumingin rin si Dimitri sa ama.
"Dad..."
"From now on, kasama mo na si Agent Nerrie kung saan ka man magpunta." Anito.
Dimitri's eyes widen. "Really?" Tumingin siya kay Nerrie.
"Siya ang bodyguard mo. Alam mo naman ang ginawa ng mommy mo at ikaw ngayon ang target ni Montenegro." Ani ng ama na masama pa rin ang loob sa asawa nito.
"Okay." His smiles widen. Kung ganun makakasama niya ng matagal si Nerrie.
"Yes. But wait, bakit parang masaya ka?" Tumaas ang kilay ng ama.
"Nothing, Dad. I'm just happy." Sabay akbay kay Nerrie.
"Son!" His father warned him.
"Don't worry, Sir. Magkakilala na po kami ni Dimitri kaya hindi ko babaliin ang kamay niya." Sabi ni Nerrie habang nakangiti.
"How?"
Ngumisi si Dimitri. "Secret, Dad. And if you'll excuse us, aalis na po kami at kakain sa labas."
"Okay, enjoy." Sabi na lang ni Dale sa dalawa na mukhang magkasintahan.
Nang makalabas ang dalawa, eksakto namang kababa ng asawa niya sa hagdan.
"Si Dimitri?" Tanong nito.
"Umalis na kasama ang girlfriend niya." Sagot niya at umupo sa sofa.
"Girlfriend? Kailan pa? Wala siyang sinasabi sa akin? Paano na si Layla?!"
Napailing si Dale. "Mariz, mula bata si Dimitri. Wala kang ginawa kung hindi ang kontrolin ang buhay niya. Malaki na siya kaya hayaan mo na siya na pumili ng babaeng gusto niyang makasama."
"Pero paano nga si Layla? I promised to her na sila ni Dimitri ang magkakatuluyan and besides ginagawa ko ang lahat para maging maganda pa ang buhay ni Dimitri."
Tumitig si Dale sa mata ng asawa. "Para nga ba kay Dimitri ang magandang buhay na sinasabi mo o para sa 'yo?"
Nawalan ng imik si Mariz. "Ano bang sinasabi mo?"
"Mariz, huwag mo akong gawing tanga. Dahil sa 'yo nadadamay ang anak natin. Siya na ngayon ang target ni Montenegro dahil sa perang isinugal mo at hindi mo nabayaran sa kaniya."
"Kaya nga di'ba? Gusto kong magkatuluyan sila ni Layla dahil 'yon ang gusto ni Leandro na kabayaran. Pero ang tigas ng ulo ng batang 'yon..."
"Mariz, noon pa ako nagtitimpi sa 'yo. Huwag mong gamitin ang anak ko para maling ginawa mo. Huwag mong idamay si Dimitri. Maganda na ang buhay ng anak natin. He have his own hospital, dugo at pawis niya ang ginamit niya para maipatayo ang hospital na 'yon kaya alam kong kaya niya ring i-manage ang kumpanya. I'm sorry, Mariz, pero nakapangalan na kay Dimitri ang lahat ng mga assets ko. At kung gusto mong bayaran ang pera ni Montenegro na hiniram at isinugal mo sa walang kwentang bagay, be nice to Dimitri. Huwag siya ang ibayad mo. Mariz, for the last time, nakikiusap ako, don't meddle into Dimitri's life. He's olf enough to decide what's the best for himself." Aniya at tumayo. Iniwan niya ang asawa sa sala at nagtungo sa kusina.
Naiwan naman si Mariz na nawalan ng imik dahil sa mga sinabi ni Dale. She sighed.
"HERE we are again." Sabi ni Dimitri pagkatapos niyang i-park ang sasakyan sa parking lot ng Dayne's Restaurant.
Ngumiti naman si Nerrie at bubuksan na sana ang pinto ng kotse ng pigilan siya ni Dimitri.
"Wait. Ako na."
Nagmamadali itong bumaba ng kotse at binuksan ang pinto sa tabi niya.
"Salamat."
"Welcome."
Pumasok sila sa Dayne's Reataurant at kaagad silang umakyat sa rooftop. Nakita naman nila ang may-ari ng restaurant na nakatayo sa paborito nilang pwesto at may nakahanda na rin doong pagkain.
"Good morning, Witch." Bati ni Nerrie dito.
Umirap si Dayne at imuwestra ang mesa. "Enjoy your breakfast."
"Thank you." Dimitri and Nerrie said in unison.
And being a gentlemen, ipinaghugot ni Dimitri si Nerrie ng upuan.
"Thank you."
Dimitri smiled.
Hindi agad umalis si Dayne dahil nakamasid siya sa dalawa.
Mukha ang mga itong magkasintahan.
"Nerrie," tawag niya sa kaibigan.
"Yes?" Tumingin ito sa kaniya.
"Tungkol sa request mo. Si Melissa ang kausapin mo tungkol do'n. Kailangan mo ring gumawa ng liham para 'yon ang ibigay niya sa ama mo." Aniya.
"Yes, I'll do that. Thank you, Witch."
Napairap si Dayne sa tawag sa kaniya ng kaibigan. "Your very much welcome, Necromancer." Sarkastiko niyang saad at tumingin kay Dimitri.
Natigilan naman ang binata dahil sa sinabi ni Dayne kay Nerrie.
Necromancer?
Pamilyar siya sa salitang 'yon pero hindi niya maalala kung saan at kailan niya ito narinig.
"Anyway, enjoy your breakfast." Sabi ni Dayne at iniwan na ang dalawa.
Nerrie started to dig in her food.
"So your my bodyguard?"
"Yes." Sagot ni Nerrie at nag-angat ng tingin. "From now on kasama mo na ako kahit saan ka man magpunta. You need to tell me where will you go for me to secure your safety." Seryosong sabi ni Nerrie at pormal din ang boses nito.
"Don't worry. Hospital lang naman ang lagi kong pinupuntahan." He said surely.
"That's good. Huwag ka munang magpupunta kung saan-saan lalo na kapag hindi mo ako kasama. Nangako ako sa daddy mo na gagawin ko ang lahat para huwag kang mapahamak." Seryosong saad ni Nerrie.
"Ah, I feel loved." Sabi ni Dimitri.
Natigilan naman si Nerrie at napatitig sa binata. Masyado na ba akong halata? She asked herself.
Hindi naman. Slight lang.
Napailing si Nerrie at nagpatuloy sa pagkain.
Habang kumakain ang dalawa. Hindi maiwasan ni Dimitri na hindi pagmasdan si Nerrie. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Dimitri sighed.
Paano ba manligaw?
Laugh at him all you can but he's just honest. He don't how to court a woman.
How about if I will give her flowers?
That's a good idea.
When they finished their food. Kaagad silang umalis para magtungo ng hospital.
Pagdating nila doon, kaagad na naipatawag si Dimitri sa OR dahil may pasyente. Naiwan naman si Nerrie sa opisina ng binata. Nerrie's eyes roamed around the room. It's clean and organize.
Nang maisipan niyang libutin ang buong hospital at nagbabasakaling makasalubong niya si Renesmee.
Paglabas niya ng opisina ni Dimitri. Napapatingin sa kaniya ang ibang nurse na babae. Marahil nagtataka ang mga ito kung ano ang ginagawa niya doon, but it's none of her business, anyway. Bahala ng mag-isip ng mga ito ng kung ano.
Nakarating siya sa rooftop ng hospital ng may tumama sa kaniyang malakas na hangin.
"Hindi na ako magtatanong kung ano ang ginagawa mo dito, Nerrie?" Ani Prinsesa Renesmee.
Bumuntong-hininga lang si Prinsesa Nerrie.
"Alam mo bang lahat na ng mga prinsesa ay alam ng nahanap mo na ang lalaking nagpapatibok ng iyong puso." Malamig na wika ni Prinsesa Renesmee.
"Ganun ba? Pero huwag silang umasa na magiging madali ito." Ani Prinsesa Nerrie at tumingin sa ibaba.
She saw many people running on their own business. She saw a man walking across the street, kids playing at the park beside the hospital. Patients who were in their wheel chair, they were outside and let their body hit with morning sunlight.
Tumalikod siya at sumandal sa railing. Sinulyapan niya ang kaibigan na nakatukod ang siko sa railing at nakatingin sa paligid.
"Ikaw, Renesmee? Hindi mo pa ba nahahanap ang nagpapatibok ng iyong puso?" Tanong niya rito.
Tinignan lang siya ng kaibigan.
"What? I'm just asking." Nerrie said.
Napailing si Renesmee. "Tapos na ang break ko. Iiwan na kita dito, may pasyente pa ako."
"Okay."
Nang makaalis ang kaibigan. Napabuntong-hininga si Nerrie at muling pinagmasdan ang paligid.
Nag-iisip siya ng paraan para hindi matuloy ang plano ni Mrs. Anderson na ipakasal ang anak nito kay Layla Montenegro.
At isa lang ang naisip niya.
She came to her reverie when she heard her phone rang.
It's Director R.
"Yes, Director?" She asked.
"Good news. Naaresto na si Leandro Montenegro but we need to be vigilant. Marami siyang koneksiyon at maaari nilang idamay si Mrs. Anderson dito na kasama rin sa mga illegal na negosyo ni Montenegro." Ani ng Director.
"Okay, Director."
"Protect our client. And I want to make things clear, ang pera na inutang ni Mrs. Anderson kay Montenegro, may kasunduan pala sila. Dalawang buwan lang ang palugit ng utang ni Mrs. Anderson at apat na araw na lang natitira sa palugit ni Montenegro."
Kumunot ang nuo ni Nerrie. "Saan niyo naman nalaman 'yan, Director?"
"Kay Mrs. Anderson kaya bantayan mo ng mabuti si Dr. Anderson."
"Yes, Director."
"At may isa pa," sabi ng Director bago pa niya maibaba ang phone niya.
"Ano 'yon, Director?"
"Ang kalahati ng fifty million dollar ay galing sa sindikatong kinabibilangan ni Montenegro, mas mabuti sana na mabayaran 'yon ni Mrs. Anderson para hindi na siya madamay pa."
Huminga ng malalim si Nerrie. "Leave it to me, Director. Ako ang bahalang kumausap kay Mrs. Anderson."
"Okay. I trust you in this, Agent Nerrie."
"Thank you, Director."
The call ended. Napailing si Nerrie at mabilis na tumawag sa probinsiya.
"Hello."
Napangiti si Nerrie ng marinig kung sino ang sumagot sa kabilang linya. "Tay!"
"Nerrie?"
"Opo, Tay Abel. Ako po. Kumusta po?" Masaya niyang pangungumusta rito.
"Mabuti naman. Napatawag ka?"
"Opo. Si Nanay Melissa po?"
"Sandali lang at tatawagin ko."
"Sige po."
Nawala ang kabilang linya ng isang minuto hanggang sa may sumagot.
"Mahal na Prinsesa?"
"Melissa, kailangan ko ng tulong mo."
"Anong tulong?"
"Makikisuyo ako sa 'yo. Magpunta ka sana sa Arwood para makiusap sa aking ama. Uuwi ako diyan mamayang gabi at gagawa ng liham para 'yon ang ibigay mo sa aking ama." Aniya.
"Masusunod, kamahalan. Hihintayin kita."
"Salamat."
"Walang anuman, Kamahalan."
Pinatay niya ang tawag at umalis ng rooftop.
WALONG oras ang inabot ng operasyon kaya hapon na ng makalabas si Dimitri ng Operating Room. He massage his neck while walking towards his office. He's really tired.
Pagpasok niya sa kaniyang opisina, nakita niyang nakaupo si Nerrie sa sofa at nagbabasa ng libro. Napangiwi siya at naguilty.
"I'm sorry. Hindi ko alam na aabot ng walong oras ang operasyon. Critical kasi ang lagay ng pasyente..." He stopped talking when he heard Nerrie's laughed.
"It's okay, D. Hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa akin. I understand." Ngumiti ang dalaga. "Pahinga ka muna saglit then uwi na tayo."
"Tayo?" Kahit pagod siya. Gusto niyang asarin ang dalaga.
"Oo, tayo. Kailangan kong masiguro na uuwi ka ng ligtas kaya kailangan kitang samahan hanggang sa pinto ng bahay niyo at pagkatapos no'n uuwi na rin ako. Bakit anong tayo ba ang sinasabi mo?" Tanong ng dalaga.
"Akala ko tayo na."
"Ano nga?"
"Tayo na. Ikaw..." Tinuro niya ang dalaga. "At ako." Tinuro niya ang mismong sarili. "Tayong dalawa. Tayo na."
Umirap ang dalaga. "Ano nga?" Tanong ni Nerrie pero mabilis ang t***k ng kaniyang puso ganun din kay Dimitri.
"Boyfriend. Girlfriend." Mahinang sabi ni Dimitri pero kahit mahina lang 'yon, malinaw na narinig 'yon ni Nerrie.
"Bakit nanligaw ka ba?" Sinakyan ang trip ng binata na hindi alam ni Nerrie na seryoso pala ito sa sinabi.
"Bakit gusto mo ba?" Balik ni Dimitri na seryoso ang mukha.
"Huwag ka ngang magbiro." Sabi ni Nerrie at ibinalik ang atensiyon sa binabasang libro.
"Paano kung hindi ako nagbibiro?" Seryoso pa rin si Dimitri.
Napatigil si Nerrie at tumingin sa binata. "Seryoso ka?"
"Nerrie, hindi ko ginagawang biro ang mga ganitong bagay."
"Pareho tayo, Dimitri. Lalo na sa akin. Napakasagrado sa akin ang pag-ibig." Dahil dito lang siya kumakapit para makalaya siya sa sumpa ni Erosho.
Umupo ang binata sa tabi ni Nerrie at napabuntong-hininga. "Gusto kita." Kahit kakaiba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko.
Nerrie looked into Dimitri's eyes. Seryoso ito at hindi nagbibiro.
"Paano mo ako nagustuhan?" Tanong ni Nerrie. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang kinabahan sa maaaring sagot ng binata.
"I don't know but I like you for being you."
"Marami akong itinatago." Sabi ni Nerrie.
"Gusto pa rin kita."
"Marami kang hindi alam tungkol sa akin."
"Gusto pa rin kita." Wika ng binata.
"Sinungaling ako minsan." Sabi ni Nerrie.
"Gusto pa rin kita."
"Hindi ako katulad mo, Dimitri. Hindi ako tao." At nagbaba ng tingin si Nerrie dahil natatakot siya sa maaaring reaksiyon ng binata.
"Mahal kita."
Nanlaki ang mga mata ni Nerrie at mabilis na nag-angat ng tingin.
Dimitri smiled. "Mahal kita kahit ano ka pa. Mahal na kita kahit noong nasa isla pa lang tayo."