EZEKIEL can't sleep. Pabaling-baling siya sa kaniyang kama pero hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi niya alam. Pagod siya sa maghapong trabaho at may misyon pa siya kanina. Dati rati ay kaagad siyang nakakatulog pero ngayon gising na gising siya. Malalim na ang gabi. Gusto na niyang magpahibga dahil may misyon pa siya bukas.
Ezekiel sighed and force himself to sleep. Ipinikit niya ang mata pero kaagad din siyang nagmulat dahil nakita niya ang mga dugo na nagkalat sa sahig.
"Damn..."
Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig. Habang umiinom ng tubig si Ezekiel. Nasulyapan niya ang buwan sa bintana. It was fullmoon. At napakaliwanag nito.
Dayne.
Kumunot ang nuo ni Ezekiel. Bakit bigla niyang naalala ang dalaga na mukhang diwata na nakilala niya sa kasal ni Nerrie?
Kumunot ang nuo ni Ezekiel habang nakatingin sa buwan.
Dayne.
Bakit biglang pumasok sa isipan niya ang dalaga habang nakatingin sa buwan?
Ezekiel blews a loud breath and went back to his room. And force himself to sleep. But a nightmare chase him.
THE NEXT DAY.
EZEKIEL wear his shaded and stepped out from his car. Inayos niya ang suot na leather jacket bago siya naglakad papasok sa loob ng isang restaurant.
He sat on one of the vacant chair and read the menu. Hinubad ni Ezekiel ang suot na shade at inilapag sa mesa. Habang binabasa ang menu, pasimple niyang tinignan ang shade. Nakikita niya doon ang limang kalalakihan na nasa kaniyang likuran at halatang may importanteng pinag-uusapan.
They are in their suits. They look presentable and almighty. But Ezekiel shooked his head. He knows those men. Mga taong miyembro ng mga gang dito sa loob at labas ng bansa.
Ezekiel hold his earpiece. "Target confirmed."
"Police are now in position." Ani Director R.
"The parameter are already secured. Wala ng makakapasok na civilian sa restaurant na kinaroroonan mo, Agent Zek." Ani Agent Ria.
"Okay. Got it."
Sinenyasan ni Ezekiel ang waiter.
"What's your order, Sir?" Tanong nito ng makalapit.
Ngumisi si Ezekiel. "Kina-career mo talaga ang pagiging waiter, ah."
The waiter rolled his eyes. "Whatever." Anito at umupo sa harapan niya.
"Agents, leave that place now. Ang mga tauhan na ni Chief ang bahala." Narinig nilang utos ni Director R sa mga suot nilang earpiece.
Agent Carl shrugged, the waiter infront of him. "We have no choice."
Ezekiel sighed. Tumayo na siya. "Let's go."
Itinuro ni Agent Carl ang isang pintuan ng restaurant. "Mauna ka na. I need to change."
"Okay." Ezekiel shrugged and walk towards the door of the restaurant. Lumabas siya at nakita niya ang mga unipormadong pulis na nasa labas na ng restaurant habang ang ibang pulis ay nakasibilyan.
Ezekiel sat on his car's hood. Balak niyang panuorin ang mga susunod na mangyari.
Ilang sandali pa ay pumasok na ang mga pulis sa loob ng restaurant and after 10 mimutes, lumabas na ang mga ito kasama ang limang lalaki na minanmanan niya kanina.
Ezekiel smirked.
Nang biglang sumakit ang ulo niya.
Sinapo ni Ezekiel ang sariling ulo at napapikit dahil sa nararamdaman niyang sakit ng ulo.
"Damn..."
He saw blurred memory. It was not clear. Ang tanging nakita niya lang ay ang dugo na nagkalat sa semento.
Habang sapo ang ulo. Lumipat si Ezekiel sa loob ng kotse. Napahawak si Ezekiel sa kaniyang ilong ng may naramdaman siyang umagos mula roon.
Pagtingin niya. Dugo.
"Agent Zek."
"Ezekiel, you okay?" Narinig niya ang boses ng Director pero hindi makasagot si Ezekiel dahil mahigpit niyang hawak ang kaniyang ulo.
"Agent Zek!"
"Argh!" Ezekiel can't help but to scream.
The memories are flashing in his mind.
"Agent Zek! Dammit! What's happening to you?" Nag-aalalang tanong ni Director R.
Ezekiel romoved his earpiece.
His visions became blurred until he saw darkness.
NAGISING si Ezekiel na puting kisame ang sumalubong sa kaniya.
Where am I?
Tumingin siya sa kabilang bahagi ng kwarto at nakita niyang nakaupo doon si Director R habang seryoso itong nakaharap sa laptop nito.
Ezekiel sighed. At pinilit ang bumangon.
"Huwag kang bumangon." Ani Director R at tumingin sa kaniya.
Ezekiel grimaced when he inhaled the scent of hospital. "What happened to me, Director?"
Director R looked at him and closed his laptop.
"Nawalan ka ng malay at nagdugo ang ilong mo. I told you to bring always your meds with you." Sermon ng Director sa kaniya.
Napangiwi si Ezekiel. Umandar na naman ang pagiging tatay ng Director niya. Well, Director R was actually one year older than him. Mukhang tatay lang talaga ito minsan sa kanila lalo na sa kaniya. Ang pamilya na kasi nito ang nag-alaga sa kaniya mula ng mamatay ang magulang niya and he treat Director R as his brother, at ganun din ito sa kaniya.
"Sorry, Kuya."
Napailing si Director R.
"Wala si Doc. Dimitri dahil naka-leave."
"Of course, bagong kasal. Siya ang asawa ni Nerrie di'ba? So malamang nasa honeymoon."
"Kaya hintayin natin ang bagong doktor mo. Hindi ko pa nakikilala."
Ezekiel sighed and closed his eyes. "Sino pala nagdala sa akin dito?"
"Si Agent Carl at Agent Ria pero kaagad din silang umalis ng dumating ako dahil may misyon pa silang kailangan gawin. Ano ba talagang nangyari sa 'yo at nagdugo na naman ang ilong mo?" Tanong ni Director R.
"Memories." Sagot ni Ezekiel.
Director R sighed.
Narinig ni Ezekiel na bumukas ang pinto ng kwartong inuokopa niya.
"Ezekiel Romanov?" It was a feminine voice.
Nagmulat ng mata si Ezekiel. Kumunot ang nuo ni Ezekiel. The doctor was familiar to him. May kasama rin itong nurse. Maganda ang doktora pero mas maganda si Dayne.
Kumunot ang nuo ni Ezekiel. Bakit bigla na naman niyang naalala ang dalagang 'yon?
The doctor smiled but it was a cold smile. "Hi, Mr. Romanov. I'm Doc. Renesmee Morales, at ako muna ang doktor mo hangga't wala si Doc. Dimitri. Ipinagkatiwala ka niya sa akin kaya huwag kang mag-alala."
Tumango si Ezekiel.
"Okay. Let's start your check up." Ani Doc. Renesmee.
"Romanov was a Russian surname." Ani ng doktor habang chinecheck siya nito.
Tumango si Ezekiel. "My father."
"I think your half."
Tanging tango lang ang isinagot ni Ezekiel.
"Okay." Doc. Renesmee wrote something on her chart. "Hindi sinabi sa akin ni Doc. Dimitri kung ano ang kondisyon mo kaya pasensiya ka na kung magtatanong ako."
"Ayos lang, Doc." Sabi ni Ezekiel.
"Ang pagdugo ng ilong mo. Madalas bang mangyari 'yon?" Tanong ni Doc. Renesmee.
"Kapag sobrang sumasakit ang ulo ko, Doc." Sagot ni Ezekiel.
"Okay. Gaano kadalas sumasakit ang ulo mo? Ilang beses sa isang araw na sumasakit ang ulo mo?" Tanong pa ni Doc. Renesmee.
"Hindi naman araw-araw, Doc. Sasakit lang ang ulo ko kapag may bigla akong maalala."
Tumango si Doc. Renesmee at nagsulat muli ito sa chart bago nito ibinigay sa nurse na kasama nito ang chart. Namulsa si Doc. Renesmee sa suot nitong doctor's robe.
"My advice, Mr. Romanov, always bring your meds with you. And don't do extraneous activities para hindi sasakit ang ulo mo. Teka ano bang trabaho mo? Bahala ka na kung iniisip mong chismosa ako." Sabi ni Doc. Renesmee.
"I'm working at the agency where Nerrie had worked before."
Napatango si Doc. Renesmee. "Okay. I suggest you to avoid any extraneous activities. Kung hindi may kukulam sa akin kapag hindi kita nabantayan ng maayos." Biro ni Doc. Renesmee pero may halong katotohanan.
Natawa si Ezekiel. "Okay, Doc."
"Don't worry, Doc, babantayan ko 'yan. Matigas ang ulo ng isang 'yan." Sabad ni Director R na nasa tabi ng bintana, crossed arms while looking at them.
Doc. Renesmee shrugged. "Maiwan ko na kayo. And Mr. Romanov, rest, okay?"
"Yes. Thank you, Doc."
Tumango ang doktora at lumabas kasama ang nurse.
"So," Director R clapped his hand. "I'm very sorry, Ezekiel, but I'm not allowing you for now to do field missions. Doon ka muna sa agency."
Bumagsak ang balikat ni Ezekiel. "No way."
Director R smirked. "Yes, way. It's for your own good, Zek."
Ezekiel sighed and nod his head. "Okay, fine, Kuya."
Director R smiled and walk towards him. He tapped his shoulder.
"But how about the case of my family?" Tanong ni Ezekiel.
"Don't worry, Zek. Hindi ako sumusuko para mahanap ang mga pumatay sa magulang mo. Magpagaling ka para matulungan mo ako."
Ngumiti si Ezekiel. "Thanks, Kuya."
Director R tapped his shoulder. "Pahinga ka na."
Tumango si Ezekiel.
Umupo si Director R sa sofa at muling humarap sa laptop nito.
"Kuya." Tawag ni Ezekiel.
"Hmm?"
"Matanong ko lang, bakit hanggang ngayon wala ka pang girlfriend? Mamaalam ka na sa kalendaryo."
Director R glared at him. Ezekiel chuckled.
"Bakit ikaw? Hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend." Balik nito.
"Director Kuya R, huwag mong ibalik sa akin ang tanong." Nakangising sabi ni Ezekiel. "Pero ano ba ang tipo mo sa isang babae?"
Director R sighed. "Ikaw? Ano ang tipo mo sa isang babae?"
"Director, huwag mong ibalik sa akin ang tanong. Just answer my question."
Napailing ang Director. "Okay. Una, dapat conservative."
"Okay."
"Ikalawa, dapat berde ang mata."
"Uy. Meron ba?" Tanong ni Ezekiel.
Director R shrugged his shoulder. "Ewan ko."
"Okay. Ano ang ikatlo?"
"Ikatlo," Director R smiled. "Mahilig sa bulaklak."
Kumunot ang nuo ni Ezekiel. "Parang si Tita?"
Tumango si Director R. "Oo."
Ezekiel shrugged.
"How about you?" Director R asked.
Pumasok sa isipan niya ang mukha ni Dayne. "Magpapahinga na ako, Kuya."
Mabilis na kinuha ni Director R ang unan sa tabi nito at ibinato sa kaniya.
Tumawa si Ezekiel at sinalo ang unan.
"Magpahinga ka na at magpasalamat ka at nandito tayo sa hospital dahil kung hindi baka nasapak na kita." Naiinis na sabi ni Director R.
Ezekiel chuckled.
ABALA si Dayne sa loob ng kaniyang opisina ng biglang sumulpot sa sofa si Prinsesa Renesmee. Hindi na nagulat si Prinsesa Dayne. Sanay na siya rito at minsan ay ganun din ang ginagawa niya kung minsan. Bigla na lang siyang susulpot sa lugar na gusto niyang puntahan. Ang tawag sa kakayahan nilang 'yon ay teleport.
Kinunotan ni Dayne ng nuo ang kaibigan.
"Anong mayroon at napasugod ka dito?" Tanong ni Dayne kay Renesmee.
Renesmee rolled her eyes. "Tumingin ka nga sa orasan."
Sinunod naman niya ang sinasabi nito. Muntik pa siyang mapamura ng makita kung anong oras na.
"Oh, anong oras na?" Tanong ni Renesmee.
Napabuntong-hininga si Dayne. "Mag-aalas siyete na ng gabi."
"Mabuti pa. Halika na, umuwi na tayo." Aya ni Prinsesa Renesmee.
Kumunot ang nuo ni Prinsesa Dayne. "Anong uuwi na tayo?"
Ngumisi si Prinsesa Renesmee. "Makikikain ako sa bahay mo."
Napailing si Dayne. "Okay, fine. Let's go." Inayos niya ang mesa bago niya kinuha ang sling bag at isinukbit sa kaniyang balikat.
"Mauna na ako sa kotse mo." Ani Renesmee.
Kumunot ang nuo ni Dayne. "Hindi mo ba dinala ang kotse mo?"
Umiling si Prinsesa Renesmee at ngumisi. "Hindi. Sayang gas, eh."
Napailing si Prinsesa Dayne. "Mauna ka na nga. Iche-check ko lang restaurant."
"Okay." Ani Prinsesa Renesmee at biglang nawala sa kinatatayuan nito.
It was Dayne's routine to check every corner of her reastaurant. Nakasanayan na niya itong gawin kahit pa inaayos naman ng mga crew niya ang lahat bago ang mga ito umuwi. Umakyat siya sa rooftop at nakitang maayos naman, ganun din sa second floor at sa first floor ng restaurant.
Even the fuse, she checked if its off. Mahirap na baka magkasunog.
Dayne locked her restaurant and walked towards her friend. Nakaupo na ito sa hood ng kotse niya.
"Ang tagal mo, ah."
Napairap si Dayne. "Sorry, ah. Traffic, eh."
Ngumuso si Prinsesa Renesmee at tumuwid ng tayo. "Ako ng magmamaneho. Key, please."
Kaagad namang ibinigay ni Dayne ang susi ng kotse at sumakay sa shot gun seat. Si Prinsesa Renesmee naman sa driver seat. She started the engine and drove the car.
Nang biglang magring ang phone ni Dayne. Tumaas ang kilay niya ng makitang ang bagong kasal nilang kaibigan na si Prinsesa Nerrie ang tumatawag.
"Si Mrs. Anderson." Ani Dayne.
Nagkibit naman ng balikat si Renesmee. "Makibalita tayo kung anong ganap."
"Okay." Dayne swiped the screen. "Hello, Mrs. Anderson." Bati niya at ini-loud speaker ang cellphone.
"Dayne! How are you guys?" Masiglang bati ni Prinsesa Nerrie.
"Mabuti naman. Kasama ko ang bampira ngayon. Makikikain daw." Ani Dayne.
Tumawa ng malakas si Nerrie. "Hi, Renesmee."
"Kumusta? May laman na ba?" Tanong ni Renesmee .
"Ha? Anong laman?" Nagtatakang tanong ni Prinsesa Nerrie.
Napairap si Dayne. "Hindi ka pa daw ba buntis?"
Nerrie chuckled. "Gaga ka, Renesmee. Dalawang linggo pa lang mula ng ikasal kami ni Dimitri, ang bilis naman."
Napailing si Renesmee. "Malay mo naman kasi."
"Oh, napatawag ka?" Tanong ni Dayne.
"Yep. Kukumustahin ko lang sana kayo at balak ko ring kumustahin ang lovelife ni Prinsesa Dayne. Ano, mahal na prinsesa, kumusta ang lovelife?" Tanong ni Prinsesa Nerrie.
Hindi nakaimik si Prinsesa Dayne.
"Nerrie, wala pa. Wala pang gumalaw sa kanilang dalawa."
"Ha? Dayne? Make a move."
Napabuntong-hininga si Prinsesa Dayne. "Kung lalapit ako sa kaniya, anong sasabihin ko? Hindi ko siya kilala, Nerrie, at hindi rin niya ako kilala. Though we know each other's name pero hanggang do'n lang 'yon." At natatakot rin siya.
"Dayne, kahit hindi mo sabihin, alam namin na natatakot ka. Alam ko 'yan dahil pinagdaanan ko 'yan. Makakaya mo 'yan, Mahal na Prinsesa, magtiwala ka lang." Nerrie said full of courage.
"Salamat, Nerrie."
Napangiti na rin si Prinsesa Renesmee na nakarinig sa sinabi ni Prinsesa Nerrie.
"Oh, sige. Ibababa ko na ang tawag. May pupuntahan kasi kami ngayon ni Dimitri, eh." Paalam ni Nerrie.
"Kailan ba kayo uuwi?" Tanong ni Prinsesa Dayne.
"Sa susunod na linggo. Alam mo na, enjoy namin ang honeymoon. So, bye for now."
Nasa Australia kasi ang bagong kasal at doon nag honeymoon.
"Bye." Dayne and Renesmee said in unison.
Napangiti si Prinsesa Dayne. Masaya siya para sa kaibigan.
"Oh, masaya ka para kay Prinsesa Nerrie dahil masaya siya. Kailan ka naman kaya sasaya sa sarili mo?" Ani Prinsesa Renesmee.
"Ako na naman ang nakita mo." Naiiling na sabi ni Prinsesa Dayne sa kaibigan.
Ngumisi lang naman si Prinsesa Renesmee.
"Do something kasi." Ani Renesmee habang nakatutok ang atensiyon nito sa daan.
"Okay. Example ng something na 'yan."
"Hmm..." Nag-isip naman si Renesmee. "Actually he's my patient. Dati siyang pasyente ni Dimitri pero ipinagkatiwala niya muna sa akin."
Biglang nakaramdam ng pag-aalala si Dayne kay Ezekiel. "Anong nangyari sa kaniya? Ayos lang ba siya?"
Renesmee shrugged. "I can say that he's okay but not totally okay. I think he had trauma or something. Hindi na kasi ako nagtanong kanina."
Dayne breathed deeply. "I think I need to do something nga para magkalapit kami. And I need him for my cure."
"Okay. Goodluck then, Dayne."
Dayne sighed. Ngayon siya naman ang dadaan sa mga pinagdaanan ni Prinsesa Nerrie kay Dimitri. Ang maganda lang doon malawak ang pag-iisip ni Dimito at natanggap kaagad nito si Nerrie.
Biglang naisip ni Dayne si Ezekiel. Ang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso.
Katulad rin kaya ito kay Dimitri na malawak ang pag-iisip?
Matatanggap kaya siya nito ng buong-buo?
Mamahalin kaya siya nito?
Ngayon lubos ng naiintindihan ni Dayne si Nerrie. Hindi biro ang pagsubok na pagdadaanan nila para sa pag-ibig. Now she understant kung bakit tumagal na umamin si Nerrie sa kabiyak nito.
"Huwag kang ma-pressure, Dayne. Saka mo na isipin ang mga 'yan kapag nagkalapit na kayo."
"Stop reading my mind, Renesmee."
"Oo na pero baka pwedeng 'yang katarayan mo naman bawas-bawasan mo. Baka mamaya matakot pa sa 'yo si Ezekiel niyan." Ani Prinsesa Renesmee.
"Oo na." Sabi ni Prinsesa Dayne at tumingin sa labas ng bintana ng kotse.
It was dark outside. Wala rin ang buwan sa kalangitan. Ang tanging nagbibigay lang ng liwanag sa madilim na paligid ay ang mga ilaw na nagmumula sa mga lamp post sa mga ilaw na galing sa mga sasakyan.
Napabuntong-hininga si Prinsesa Dayne.