DAYNE watched the whole wedding ceremony of Nerrie and Dimitri. Nakikita ni Dayne ang masayang mukha ng dalawa habang sumasayaw ang mga ito sa gitna ng dancefloor.
"Bagay talaga sila 'no." Ani Prinsesa Mavielyn habang nakatingin sa bagong kasal.
"Masaya ako para kay Prinsesa Nerrie. Nahanap niya ang totoong pag-ibig niya." Sabi ni Prinsesa Gabril na may masuyong ngiti sa labi.
"Sana tayo din." Wika ni Prinsesa Phyllis.
Nagkibit ng balikat ang ibang prinsesa at pinanood ang dalawang sumasayaw sa gitna.
"Pero sino naman kaya ang susunod kay Prinsesa Nerrie?" Biglang tanong ni Prinsesa Nekiel.
Nakikinig na lang si Prinsesa Dayne sa usapan ng mga kaibigan at napapailing. Nagkatinginan ang mga prinsesa at sabay-sabay na tumingin kay Prinsesa Dayne.
"Ano?" Tanong ni Prinsesa Dayne at nagtaas ng kilay.
"Sa tingin mo, sino ang susunod kay Prinsesa Nerrie na ikasal?" Tanong ni Prinsesa Airene.
Dayne sighed. "Hindi ko alam. Tignan natin."
"Okay for the ladies! Be ready! It's time to catch the bride's bouquet!" Ani ng host.
"Uh-oh."
"Halika kayo." Aya ni Prinsesa Nerrie sa kanila. "Tignan natin kung sino ang susunod inyo." Nakangisi nitong sabi.
Umiling si Dayne. "Ayoko. Kayo na lang."
"Ang kill joy mo talaga, kamahalan." Sabi sa kaniya ni Prinsesa Mavielyn.
"Kahit sabihan niyo pa ako na walang pakisama. Ayoko." Maydiin niyang saad.
Napailing ang mga kaibigan ni Dayne at hinayaan na lang siya. Nanatili si Dayne sa kinauupuan habang pinagmamasdan ang paligid. Lalo ang mga alon sa dagat.
Ibinalik ni Dayne ang tingin sa venue ng kasal ng kaibigan. Nerrie's wedding was majestic. Halatang ginastusan ito ng malaki. But oh well, mayaman naman ang napangasawa nito.
Dayne sighed. Inayos niya ang nagusot na damit at binuksan ang sling bag. Hinahanap niya ang kaniyang panyo ng biglang isinigaw ng mga kaibigan ang pangalan niya.
"Dayne!"
Mabilis siyang tumingin sa mga ito. May itinuro ang mga ito sa itaas at sinundan naman niya ito ng tingin.
"Dayne, saluhin mo!" Sigaw ni Prinsesa Nerrie.
Dahil sa gulat sinalo ng isang kamay niya ang bulaklak ni Prinsesa Nerrie.
"You're next, Dayne!" Sabi ni Prinsesa Nekiel.
Nanlaki ang mga mata ni Prinsesa Dayne at naitapon niya ang bulaklak pero bago pa man ito tumama sa buhanginan, may sumalo ritong lalaki.
Dahan-dahang tumingin sa kaniya ang lalaking sumalo sa bulaklak at nagtama ang kanilang mga mata.
And Dayne's heart beats fast.
'Mararamdaman niyo ang pagbilis ng t***k ng inyong puso. Sa oras na maramdaman niyo ito sa isang mortal na nilalang, ibig sabihin ay kailangan niyong timbangin ang lahat. Alamin ninyo kung dapat ba siyang pagkatiwalaan o hindi. Hindi magkakapareho ang isip ng tao, iba-iba sila kaya dapat kayong mag-ingat, mga kamahalan ko. Ang mundo ng mga tao ay puno ng mga pangahas na nilalang, masasama ngunit marami rin ang mabubuti. Sinasabi ko marami kayong matutunan sa mundo ng mga tao.'
Bigla niyang naalala ang mga sinabi sa kanila noon ni Melissa bago pa sila nagtungo dito sa mundo ng mga tao.
While looking at the man, Dayne can't help but to admit that this man infront of her was so handsome. He have a neat hair cut. His eyes was pitch-black. He was wearing a black suit and bow tie.
Dayne breath heavily until she cupped her heart.
"Miss, are you okay?" Tanong sa kaniya ng lalaki.
"Miss?"
Dayne quitely nodded.
"Kukuha ako ng tubig." Ani ng lalaki at inilapag ang bouquet ng bulaklak sa upuan na nasa tabi niya.
Hindi alam ni Ezekiel kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala sa babae. Ngayon lang naman niya ito nakita. He was invited in one of his co-agents wedding. Agent Nerrie. Hindi naman niya ka-close ang dalaga pero nakakausap na rin niya ito.
Hindi sana siya pupunta, but Director R dragged him to the venue. Wala kasi itong kasama dahil hindi naman nakapunta si Agent Ria dahil may misyon ito.
Ezekiel quickly snatched the glass of water from thr waiter who are distributing drinks to the guests.
Mabilis siyang bumalik sa kinaroroonan ng babae at inabot ang baso na may lamang tubig.
"Here. Drink."
Kinuha 'yon ng babae at ininom.
"You okay now?" Ezekiel asked.
The woman nodded her head. "Thank you."
Tumango si Ezekiel. "I'm Ezekiel." Pakilala niya. And extended his hand for shakehands.
"Dayne." And she accepted his hand.
Ezekiel cursed under his breath. Dayne's hand was so soft and warm. At parang may kuryenteng dumaloy sa ugat niya ng mahawakan niya ang kamay nito.
Their eyes met.
Ezekiel can't help but to stare at Dayne's gray eyes. Napakaganda ng mata nito. Para itong isang diwata.
Napagkit ang mga mata nila sa isa't-isa.
Not when someone cleared it's throat. Napakurap pareho si Dayne at Ezekiel at sabay na tumingin sa taong nakapaligid sa kanila.
Tumaas ang kilay ni Dayne ng makita ang mga kaibigan.
"What?" Mataray niyang tanong sa mga kaibigan.
Napatikhim naman si Ezekeil.
"Mukhang may tinamaan ngayon."
Lahat sila napatingin sa nagsalita. The bride with her groom.
"Hey, congratulations." Bati ni Ezekiel sa bagong kasal.
"Thanks." Ani Nerrie at ngumiti.
Tumango naman ang asawa nito.
Tumingin si Prinsesa Nerrie kay Prinsesa Dayne.
"Siya na ba ang the one?" Nakangising tanong ni Nerrie.
"Shut up, Nerrie." Mataray na sabi ni Prinsesa Nerrie.
"I think, he's the one." Sabi ni Prinsesa Gabril. "I saw how they look at each other."
Nagtataka naman si Ezekiel sa pinag-uusapan ng mga nasa harapan niya.
"Ezekiel!"
He heard Director R called his name.
"Excuse me." Ani Ezekiel at umalis sa grupo nila Dayne.
"Sa pagkakaalam ko wala siyang girlfriend." Sabi ni Prinsesa Nerrie Kay Prinsesa Dayne.
"So?" Tumaas ang kilay ni Prinsesa Dayne. "I'm not asking."
Napailing ang mga kaibigan niya. Lahat ang mga ito tumingin kay Ezekiel na nakikipag-usap sa isang lalaki.
"Hmm... looks like bye for now, Dayne. Mukhang may misyon ang the one mo." Nakangising sabi ni Prinsesa Nerrie. Tumawa naman ang asawa nito.
Napailing si Dayne. "Ano bang trabaho niya?"
"Uy! Interested." Sabi ni Prinsesa Nekiel.
Dayne rolled her eyes. "I'm just asking."
Nerrie shooked her head. "He's a secret agent."
"Oh." Was all their reaction.
Dayne sighed. "Alam niyo dapat na kayong maghanda. Malapit na naman ang kabilugan ng buwan."
"Changing the topic, eh." Sabi ni Prinsesa Renesmee.
Napailing si Dayne at iniwan ang mga kaibigan. Naglakad siya palayo sa venue ng kasal at naglakad sa dalampasigan. At dahil hindi siya makalakad ng maayos sa suot na heels, tinanggal niya ito.
Napabuntong-hininga si Dayne at tumingala sa maaliwalas na kalangitan.
Napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso. Hanggang ngayon mabilis pa rin ang t***k nito.
Ezekiel.
Dayne's lips broke into a smile.
She sighed. Tumingin si Dayne sa sariling palad.
Ang sabi ni Melissa. Dito sa mundo ng mga tao, malaya silang pumili ng kanilang mga iibigin na bagay na nagustuhan nilang mga prinsesa. Sa kanilang mundo, sa Arwood, sa katulad nilang may mataas ang katungkulan sa palasyo. Ang hari at reyna ang madedesisyon kung sino ang mapapangasawa ng mga prinsesa.
Sa mundo nila, malaki ang pinagkaiba ng prinsipe at prinsesa. Ang mga prinsipe o ang mga tagapagmana, panganay man o bunso, malaya ang mga ito sa mga gusto nilang gawin lalo na sa ngalan ng pag-ibig pero ang mga prinsesa, wala silang kalayaan.
Kaya hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya sa pagsumpa sa kanila ni Erosho o hindi. Nakalaya sila sa kanilang sariling mundo pero haharapin naman nila sa mundo ng mga tao ang isang matinding pagsubok na walang kasiguruhan kung malalampasan nila ito o hindi.
Tumingin si Prinsesa Dayne sa venue ng kasal. Masaya siya para sa kaibigan at nahanap nito ang lalaking tumanggap ng buo nitong pagkatao at minahal ito ng tapat ni Dimitri.
MULA naman sa hindi kalayuan, pinagmamasdan ni Ezekiel si Dayne na naglalakad sa dalampasigan. Hindi maiiwas ni Ezekiel ang tingin sa dalaga. Kahit sa malayo, maganda ito. Isinasayaw rin ng hangin ang mahaba nitong buhok.
Nagtaka si Ezekiel ng biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso.
"Anong nangyayari?" Napahawak si Ezekiel sa tapat ng kaniyang puso.
Nabigla siya ng may biglang umakbay sa kaniya.
"Director?"
Ngumisi ito. "Mukhang tinamaan ka sa kaniya. Kanina mo pa siya tinitignan."
Umiling si Ezekiel. "Mukha ngang tinamaan ako. Ang ganda, Director.'
Director R chuckled. "Goodluck. Kaibigan yata siya si Nerrie."
Ezekiel shrugged.
"But I'm sorry to say, Ezekiel, but we need to go. May misyon na naghihintay sa atin." Ani Director R.
"I understand, Director. Let's go?"
Tumango si Director R. "Magpapaalam lang ako kay Nerrie." Tinapik siya nito sa balikat.
Nauna na si Ezekiel na pumunta sa wooden path kung nasaan nasa dulo nito ang yate na ginamit nila ni Director R na pumunta sa Vitalis' island.
He jumped into the yacht and started the engine.
But then his eyes settled again on the woman who was in the shore. Naningkit ang mga mata ni Ezekiel habang pinagmamasdan ang babae. Hindi niya alam kung nakatingin rin ba ito sa kaniya o hindi. Malayo kasi ang kinaroroonan ng dalaga.
DAYNE on the other side can't help but to smirked when she saw Ezekiel looked at her. Matalas ang paningin niya kaya malinaw niyang nakikita kung ano ang ginagawa ni Ezekiel.
Dayne smiled and walked back into the wedding venue.
Pagbalik niya doon ay nagsasayawan ang mga kaibigan niya sa dancefloor. Tahimik lang siyang umupo sa dati niyang kinauupuan kanina at pinanood ang mga ito.
Dayne sighed. Kung dati si Prinsesa Nerrie ang may problema tungkol sa sumpa nito. Siya naman ngayon. Nakita na niya ang lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso.
Ang tanong, katulad kaya ito ni Dimitri na may malawak na pag-iisip?
Mamahalin rin kaya siya nito ng tapat at dalisay?
Nangalumbaba si Dayne sa mesa hanggang sa nilapitan siya ni Stanley. Ang matalik na kaibigan ni Dimitri.
"Alam mo lahat naman ng problema may solusyon, eh." Anito at may inilapag na soda sa harapan niya.
"Salamat sa soda." Ani Dayne.
"Walang anuman." Ani Stanley at umupo sa isang bakanteng upuan at tumingin sa dancefloor.
"Tungkol sa sinabi mo kanina. Oo lahat ng problema may solusyon pero para sa akin ang solusyon na 'yon ay kailangang paghirapan bago mo ito makuha." Seryoso niyang saad.
"Wow." Stanley said and drink his soda. "Ang lalim naman ng hugot mo."
Dayne smirked and sipped her soda.
"Anyway, I have a serious question." Panimula ni Stanley. "Pero huwag mo akong pagtawanan, ha. Hindi ko ito masabi kay Dimitri dahil alam kong pagtatawanan lang ako no'n."
Kumunot ang nuo ni Dayne. "Ano ba 'yon?" And drink again her soda.
"Ahmm," ngumiwi si Stanley. "Naniniwala ka ba sa mga sirena?"
Biglang napaubo si Dayne sa tanong ni Stanley. She coughed and cleared her throat.
"You okay?" Tanong ni Stanley.
"Yeah. Pero pakiulit ang tanong mo." Sabi ni Dayne. Malinaw ang pandinig niya pero gusto niyang makasiguro.
"Naniniwala ka ba sa mga sirena?" Tanong ni Stanley.
Napakurap si Dayne. Napatikhim pa siya. "Bakit? May nakita ka na ba?"
Nag-iwas ng tingin si Stanley at tumayo. "Pupuntahan ko lang si Dimitri."
Tumaas ang kilay ni Prinsesa Dayne at sumandal sa kinauupuan. Tumingin siya kay Prinsesa Airene.
Mukhang hindi lang siya ang pending ang love story.
Napangisi si Prinsesa Dayne at napatingin kay Prinsesa Renesmee na umupo sa tabi niya. Sumunod naman dito ang iba pa nilang kaibigan.
"So? What now?" Tanong sa kaniya ni Renesmee.
Tumaas ang kilay ni Dayne. "Anong what now?"
"Anong plano mo kay 'the one' mo?"
Dayne deeply sighed. "Hindi ko alam."
"Goodluck then, mahal na prinsesa."
"Sa inyo din." Ani Dayne at tumingin sa mga alon na naghahabulan sa dagat.
It was very relaxing to see the dancing waves.
Mula naman sa hindi kalayuan, nakatingin si Melissa kay Prinsesa Dayne. Mukhang ito na ang susunod sa mga prinsesa na makakahanap ng sumpa.
Tumingin si Melissa sa papalayong yate na kinasasakyan ni Ezekiel.
"Sana ikaw na ang lunas para sa sumpa ni Prinsesa Dayne, Ezekiel."
Habang si Ezekiel, natigilan ng may parang narinig siyang bumulong.
Habang minamaneho ang yate, tumingin siya kay Director R, malayo naman ito sa kaniya.
Ezekiel sighed and focused his attention on driving.
DAYNE looked at big bright moon. Ilang minuto na lang, dadanasin na naman niya ang sumpa ni Erosho.
Nakaupo lang si Prinsesa Dayne sa sariling kama at pinagmamasdan ang maliwanag na buwan.
Tumingin siya sa orasan na nakalagay sa dingding.
12:00 AM.
Naramdaman niya ang pagbabago ng kaniyang anyo. Naging buhaghag ang unat niyang buhok. Naging nakakadiri rin ang kaniyang mukha. Naging kulay itim ang kaniyang labi. At humaba ang kaniyang mga kuko.
Noong una ay hindi niya matanggap na ganito ang magiging hitsura niya sa tuwing dadanasin niya ang sumpa pero hindi naglaon ay nasanay na rin siya.
Tinanggap na niya na ganito ang kaniyang hitsura sa tuwing dadanasin niya ang sumpa.
Naalala niya ang kaniyang pamilay sa Arwood.
Kumusta na kaya ang mga ito?
Hindi naman kasi sila maaaring pumasok sa Arwood hangga't may sumpa pa sa kanila.
Napabuntong-hininga si Dayne at humiga sa kama. Pero kaagad din siyang napabangon ng marinig ang huni ng kaniyang alaga.
Kaagad na lumapit si Dayne sa bintana at nakita niya doon ang kaniyang alagang kuwago.
"Kumusta, Kaibigan?"
Lumipad ang kwago patungo sa kaniya at dumapo sa kaniyang balikat.
Hinaplos ni Dayne ang ulo ng alaga at isinara ang bintana ng kaniyang kwarto.
Dumapa siya sa kama habang ang kaniyang alaga ay pumatong sa unan.
"Alam mo ba, Kaibigan, may nakilala ako sa kasal ni Prinsesa Nerrie na isang napakakisig na binata. Makisig siya, Kaibigan." Napabuntong-hininga si Prinsesa Dayne. "Una pa lang naming pagkikita, bumilis kaagad ang t***k ng aking puso. Siya kay, Kaibigan? Ganun din kaya ang nararamdaman niya ng magkita kami?"
Nakatingin lang naman ang kaniyang alaga sa kaniya.
Muling napabuntong-hininga si Prinsesa Dayne at tinignan ang sarili sa salamin. Tumingin siya sa orasan. May dalawang oras pa bago bumalik ang kaniyang dating wangis.
Nang makarinig siya ng alulong mula sa hindi kalayuan.
Batid niya si Prinsesa Mavielyn 'yon at mukhang nasa gubat ito. Nakaisip naman si Prinsesa Dayne.
"Kaibigan, dito ka lang." Aniya at nagteleport patungo sa kinaroroonan ni Prinsesa Mavielyn.
"Mavileyn." Tawag niya sa pangalan nito.
Mavielyn quickly looked at her and she growled.
"Easy." Sabi ni Prinsesa Dayne. "Ako 'to. Si Dayne."
Kumalma kaagad si Prinsesa Mavielyn. "Paumanhin."
Tumango si Prinsesa Dayne at tumingin sa buwan.
"Ang liwanag ng buwan." Aniya.
"Maliwanag nga pero madilim para sa atin na dumadanas ng mga sumpa." Ani Prinsesa Mavielyn.
"Tama ka, Mavielyn." Sabi ni Prinsesa Dayne at tumango. "Ngunit ano ang ginagawa mo dito sa kagubatan?" Tanong niya ng may pagtataka sa prinsesa ng mga lobo.
"Wala. Gusto ko lang magtungo dito sa gubat." Sagot ng prinsesa at naglakad patungo sa kinaroroonan ng bangin. "At makita ang reflection ng buwan sa tubig."
Sumunod naman si Prinsesa Dayne sa kaibigan.
Umupo sila sa damuhan at pinapanood ang repleksyon ng buwa sa tubig.
"Ilang oras pa bago matapos ang sumpa?" Tanong ni Prinsesa Mavielyn.
"Isa at kalahating minuto."
Napabuntong-hininga si Prinsesa Mavielyn. "Mabuti pa si Prinsesa Nerrie. Masaya na siya na hindi niya dadanasin pa ang sumpa."
"At dahil 'yon kay Dimitri." Ani Prinsesa Dayne.
Ngumiti si Prinsesa Mavielyn. "Paano 'yan? Ikaw na ang susunod? Mukhang nahanap mo na ang the one mo."
Napailing si Dayne. "Ang tanong, malawak ba ang pag-iisip kagaya ni Dimitri?"
Napabuntong-hininga si Mavielyn at tumingin sa kaibigan. Tumingin siya sa ibaba ng bangin. Walang mga bato roon. Ngumisi siya at mabilis na itinulak si Prinsesa Dayne pero mukhang nabasa nito ang nasa isipan niya dahil mabilis nitong hinawakan ang kamay niya kaya sabay silang nahulog pababa ng bangin.
The water splashed loudly.
Mavielyn laughed while Dayne glared at her.
"I'm going to kill you, Mavielyn!"
Tumawa si Mavielyn at nagsimulang lumangoy palayo sa kaibigan habang tumatawa.