NERRIE smiled to the lady who accompanied her to Dimitri's mother office. Binisita niya ang ginang sa dress shop nito. Actually malawak ang dress shop ng ina ni Dimitri. There's two section, ang isang section ay ang patahian ng mga gowns habang ang kabilang bahagi ng shop ay ang boutique kung saan naka-display ang mga gowns.
Napangiti si Nerrie ng makita ang ginang na abala sa pagtingin sa isang napakagandang gown, wear by a mannequin na nasa loob ng opisina nito. The gown was very beautiful.
Ngayon lang siya nakabisita sa ina ni Dimitri dahil kay Phyllis. Tinutulungan niya ito sa taniman nito ng mga bulaklak. Lucky her, nawala na ang sumpa ni Erosho kaya nakakahawak na ulit siya ng mga bulaklak ng hindi nalalanta at natutuyo. So she stayed at the province for one month, at ngayon lang siya nakabalik. Binibisita naman siya doon ni Dimitri every weekends
"Hi, Mommy." Bati niya sa ina ni Dimitri.
Dimitri's mother startled. "Oh my god." Sabi nito at tumingin sa kaniya. "Don't shock me, Nerrie."
Napangiwi si Nerrie. "Sorry po."
Ngumiti ang ginang at lumapit sa kaniya. Niyakap siya nito. "I'm waiting for you."
"Pasensiya na po, Mommy, kung ngayon lang ako nakadalaw dito sa dress shop niyo. Tinulungan ko po kasi ang isang kaibigan ko na parang kapatid na rin sa pag-aalaga ng mga tanim niyang bulaklak." Sabi ni Nerrie.
"It's okay. Anyway, is the gown elegant?" Tanong ng ginang.
Nilapitan ni Nerrie ang wedding gown at pinagmasdan. "Ang ganda po, eh. I'm sure the bride who will wore this wedding gown will be overwhelmed."
The wedding gown was simple but elegant.
"You sure?"
"Yes naman po."
"You like it?" Dimitri's mother asked, smiling.
Tumango si Nerrie. "Oo naman po."
"Great. I'm glad you like it." Sabi ng ginang na masayang-masaya. "Because it's yours."
"Huh?" Nagulat si Nerrie. "A-ano po?"
Ngumiti ang ginang. "I sewed that wedding gown for you. At masaya ako na nagustuhan mo. Sinimulan ko na 'yang tahiin ng ipinakilala ka ni Dimitri bilang kasintahan niya."
"Talaga po?"
Nerrie felt overwhelmed.
Tumango ang ina ni Dimitri, nilapitan siya nito at niyakap. "Gustong-gusto kasi kita para kay Dimitri."
"Salamat po."
Ngumiti ang ginang at sinapo ang mukha ng dalaga. "Actually kulang pa 'yan sa ginawa mo para sa akin."
Napakurap si Nerrie. "Ano po 'yon?"
Mariz smiled. "Melissa... your foster mother told me that you paid my debt. Thank you so much, hija."
Naipikit ni Nerrie ang mga mata at napailing. Si Melissa talaga.
Sila lang dapat ang makaalam sa ginawa niyang 'yon. Pati nga si Dimitri hindi na niya ipinaalam rito.
"Ginawa ko po 'yon para kay Dimitri. Ayaw ko po siyang mapahamak."
Bumuntong-hininga ang ginang at tinignan ang gown. "Why don't you try it? Para ma-adjust ko kung malaki ba? But I think kasya sa'yo. Come one, Nerrie, try it."
"Sige po." Sabi ni Nerrie.
Kinuha ni Mariz ang gown at masuyong hinila si Nerrie patungo sa fitting room.
"Here." Ibinigay niya ang gown.
Sa tingin ni Mariz ay kasya naman ang gown na ginawa niya para rito. Sana lang ayain na ni Dimitri si Nerrie na magpakasal na ang mga ito para magkaroon na siya ng apo na aalagaan.
Pumasok si Nerrie sa fitting room at isinukat ang gown. And it's fits her.
Lumabas siya ng fitting room.
Mariz squealed. "Oh my god. It fits. Bagay sa'yo, hija. I'm glad. Now come here and let's see kung may aayusin ako."
"Pero, Mommy, Dimitri didn't ask me for..."
Ngumiti ang ina ni Dimitri. "He will ask you. Siguro nahihiya lang ang batang 'yon."
Sinabi kasi sa kaniya ni Dale na nagpasama rito si Dimitri para bumili ng singsing at dalawang linggo na ang nakalipas. Napailing si Mariz, baka nahiya at natorpe na ang anak niya. Aba! Hindi pwede. Kailangan na nitong magpakasal. Malapit na itong mamaalam sa kalendaryo.
Nagbaba ng tingin si Nerrie. Isinusukat na niya ang wedding gown pero hindi pa siya inaalok ni Dimitri ng kasal.
"Mom, I'm here!"
Nanlaki ang mata ni Nerrie ng marinig ang boses ni Dimitri. Nagkatinginan sila ng ina ni Dimitri at sabay na napatingin kay Dimitri na nagulat ng makita siya.
"Nerrie?" Dimitri looked at her from head to toe.
"Bagay hindi ba, anak?" Tanong ni Mariz.
"Y-yeah." Dimitri answered. Bagay nga kay Nerrie ang gown. Nilapitan niya ang dalaga at hinalikan ito sa nuo. "I'm happy that you are here. But why are you wearing a gown?"
Bago pa man makasagot si Nerrie, naunahan na siya ng ina ni Dimitri. "Ipinapasukat ko lang kay Nerrie ang gown, Dimitri. Magkasing katawan kasi sila ng client ko kaya naisipan kong ipasukat sa kaniya."
"Oh, okay." Napatango si Dimitri. He looked at Nerrie. "Magpalit ka na. Lalabas tayo."
"Okay." Sabi ni Nerrie at pumasok sa fitting room. Hinubad niya ang gown at isinuot ang hinubad niyang damit kanina.
Ibinalik niya ang gown sa ina ni Dimitri na kumindat sa kaniya.
"Mom, Dad will fetch you later. We have to go." Ani Dimitri.
"Okay. Enjoy to your date."
"Yes, Mom. We will. Let's go." Pinagsiklop ni Dimitri ang kamay nila ni Nerrie.
"Alis na po kami." Paalam ni Nerrie.
"Ingat kayo."
"Yes, Mom."
"Opo."
Halos magkasabay na sagot ni Nerrie at Dimitri. Nagkatinginan ang dalawa at nagkatawanang. Lumabas sila ng dress shop ng ina ni Dimitri at tinungo ang kinaparadahan ng kotse ng binata.
"Kararating mo lang ba dito sa Manila?" Tanong ni Dimitri sa kasintahan habang pinagbubuksan niya ito ng pinto ng kotse.
"Yup." Nerrie answered and climbed in the car. "Sabay kami ni Renesmee."
Dimitri closed the car's door. Umikot siya papuntang driver seat.
Hindi napigilan ni Dimitri ang sarili. Inilapit niya ang mukha sa mukha ng dalaga at hinalikan ito sa labi na kaagad naman nitong tinugon ang halik niya.
"I love you." He whispered when they pulled apart.
Nerrie smiled. "I love you too."
Dimitri smiled and started the engine. Biglang pumasok sa isipan niya ang hitsura kanina ni Nerrie habang suot nito ang wedding gown.
Dimitri silently sighed. Nauunahan kasi ako ng hiya. But I think this is the right time.
"May sasabihin pala akong importante mamaya."
"Okay. Ano 'yon?" Tanong ni Nerrie.
"Later."
Nerrie shrugged. "Okay."
Pinaharurot ni Dimitri ang kotse patungo sa kanilang destinasyon.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Nerrie.
Dimitri smiled. "At the park. I miss to go there."
Nerrie chuckled and shooked her head.
"Bakit?" Tanong ni Dimitri.
"Wala. Drive ka na lang diyan."
Napangiti si Dimitri.
It's just ten minutes drive and they reach the park.
Nerrie and Dimitri stepped out from the car. Magkahawak ng kamay ang dalawa habang naglalakad patungo sa isang bench na nasa lilim ng isang puno.
"So what now?" Tanong ni Nerrie.
"What now—" napatigil si Dimitri sa pagsasalita ng makita nito ang isang pamilyar na pigura ng isang babae.
Malayo ang mga ito pero malinaw na nakikita ni Dimitri ang mukha ng babae.
"Is that Dayne?" Tanong ni Dimitri sabay itinuro ang babae sa kalayuan.
Sinundan naman ni Nerrie ang sinasabi ng kasintahan. Tumaas ang sulok ng labi ni Prinsesa Nerrie ng mamukhaan niya ang babae.
"Yes. It's Dayne and who's that guy?"
Halatang nagtatalo ang dalawa.
Nerrie chuckled. "Maybe he's the one."
"The one?"
Tumango si Nerrie at tumingin sa kasintahan. "Just like you. The one for me."
Kaagad namang nakuha ni Dimitri kung ano ang ibig sabihin ng kasintahan. Sabay nilang tinignan si Dayne at ang kasama nitong lalaki pero wala na ang dalawa sa kinaroroonan ng mga ito.
"I hope that Dayne will find the right one for her." Ani Prinsesa Nerrie. Sumandal siya sa kasintahan.
Napatango naman si Dimitri. "I hope. At sana lahat ng mga kaibigan mo, mahanap rin nila ang para sa kanila para tumigil na ang paghihirap nila."
Napangiti si Nerrie. "Thank you for accepting me, Dimitri."
Dimitri kissed Nerrie's forehead. "I love you."
"I love you too."
"May ipapalita pala ako." Sabi ni Dimitri. "Tingin ka doon sa kaliwa natin."
Kaagad namang sinunod ni Nerrie ang sinabi ng binata. "Anong ipapakita mo?" Tanong niya.
Wala na siyang nakikita doon maliban sa mga puno at halaman.
"Tingin ka sa akin." Sabi ni Dimitri.
Humarap naman kaagad si Nerrie. "Anong—"
Nagulat si Nerrie ng makita kung ano ang ginagawa ni Dimitri. Nakaluhod ito habang may hawak na singsing.
"Will you marry me, my princess?"
Napakurap si Nerrie at hindi kaagad nakapagsalita.
"Princess, magsalita ka naman. Kinakabahan na ako dito at huwag mo naman akong ipahiya sa mga kaibigan mo. They're watching through the seer portal." Ani Dimitri.
Natawa si Nerrie at tumango. "Yes, I'll marry you."
Kaagad na isinuot ni Dimitri ang singsing sa daliri ng kasintahan at tumayo. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Thank you."
Nerrie chuckled and hugged Dimitri's back. Nerrie could feel Dimitri's heart that was beating so fast. Napangiti ang prinsesa. They feel the same.
"Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, Dimitri."
"So kailan mo gustong ikasal?" Tanong ni Dimitri.
Ngumiti si Nerrie. "Ikaw ba? Kailan mo gusto?"
"Hmm... matagal na siguro 'yong three weeks."
Nanlaki ang mata ni Nerrie. "Three weeks? Seryoso ka ba?"
Ngumiti si Dimitri. "Don't panic, princess. Ang dapat mo lang gawin kumalma at magpahinga. Leave it all to me. Akong bahala sa lahat at kung may gusto ka sabihin mo lang sa akin."
"Oo pero paano ang trabaho mo sa hospital?" Tanong ni Nerrie.
"Well for that. Nag-leave ako ng dalawang buwan."
"Ano 'to? Paternity leave?" Natatawang tanong ni Nerrie.
"Hmmm..." Dimitri grinned. "Pwede rin."
"Sira. Kasal muna 'no bago 'yan. Tsaka sa mundo namin ikakasal muna bago magkakaroon ng anak."
"Hmm... Ganun ba? Pero may isa kang hindi sinasabi sa akin." Sabi ni Dimitri at muling umupo sa bench.
"Ano naman 'yon?" Tanong ni Nerrie.
"Ipinagkasundo ka raw ng mga magulang mo sa isang lalaki doon." Dimitri rolled his eyes.
Nerrie facepalmed. "At saan mo naman nalaman 'yan?"
"Renesmee." Sagot ni Dimitri.
Geez...I'm going to kill you, Renesmee.
"But be thankful na hindi natuloy tsaka hindi ko naman mahal 'yon."
Dimitri shrugged. "I know. Pero ganun ba talaga sa mundo niyo? Wala kayong kalayaan na mamili kung sino ang gusto niyong makasama habang buhay."
Napabuntong-hininga si Prinsesa Nerrie. "Sa katulad kong mataas ang katungkulan sa kaharian. Wala talaga. Lalo na sa isang babaeng katulad ko. Malaki ang pinagkaiba ng lalaki at babae sa mundo namin. Ang mga lalaking maharlika, may kalayaan silang mamili ng gusto nilang mapangasawa habang kaming mga babae, ang hari at reyna ang mamimili para sa amin."
Dimitri sighed. "kung ganun may pagkakapareho pala ang mundo ko sa mundo niyo."
"Oo pero kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin kong manatili dito kaysa ang manatili sa mundo namin."
Pero biglang may naisip si Dimitri. "Hindi ba nagkakaroon ng mga kabiyak ang mga sss?"
Nerrie chuckled. "Hindi talaga pwede. May iniinom silang tubig na may basbas ng mahal na diyosa para mabuntis sila at magkaroon ng anak pero katulad ko din si Nekiel na isinumpa so hindi na niya kailangang uminom ng banal na tubig para siya ay magkaroon ng anak. She need to wait for the right one for her." Nakangisi niyang saad.
"Ikaw talaga." Natatawang sabi ni Dimitri.
Three weeks later...
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Nerrie kay Renesmee ng pinuntahan siya nito sa condo at basta na lang hinila patungo sa rooftop kung saan nandoon ang helicopter ni Dimitri na nakaandar na at mukhang naghihintay
"Duh. Kasal mo kaya ngayon."
"Oo, alam ko pero saan nga tayo pupunta?" Nagtataka niyang tanong.
"Wala ng maraming tanong. Pasok na sa loob." Itinulak siya nito sa loob ng helicopter.
Napailing si Prinsesa Nerrie.
Kaagad naman na iniangat sa ere ng piloto ang helicopter.
"Okay. Renesmee. Sagutin mo ako kung ayaw mong itulak kita diyan. Saan tayo pupunta?" Maydiing tanong ni Prinsesa Nerrie sa kaibigan.
Renesmee rolled her eyes. "Sa venue ng kasal niyo ni Dimitri and hep..." Pigil ni Renesmee sa tangka nitong pagsasalita. "Huwag mong alalahanin ang mga bagay-bagay. Ang wedding gown, dinala na doon ng ina ni Dimitri, kumpleto na doon ang mga gagamitin. Ang iba nating kaibigan, si Melissa at Tatay, nauna na doon sa venue. At ang oras ng venue, mamayang hapon pa, 4 o'clock. And it's just seven in the morning so we have time, Nerrie. Huwag kang kabahan. Relax ka lang Nerrie."
Huminga ng malalim si Nerrie. "Saan ang venue?" Bigla siyang kinabahan.
Ngumisi si Renesmee. "Hindi ko rin alam, eh. Tanong mo sa piloto natin."
Nerrie rolled her eyes and shut up her mouth. Bahala na nga diyan.
Thirty minutes yata ang nakalipas ng muling nagsalita si Renesmee.
"Take a look outside."
Tumingin naman si Nerrie sa ibaba at nagulat siya.
It was an island.
"Beach wedding at Vitalis' Island." Sabi ni Renesmee. "Congratulations, Nerrie."
"Oh my god."
"Yes, oh god."
In three weeks, hindi talaga siya pinayagan ni Dimitri na makialam sa preparasyon ng kasal nilang dalawa. Basta sinasabi niya lang rito ang mga gusto niya at ito na ang bahala sa lahat. Kaya wala siyang kaide-ideya kung ano ang mga mangyayari sa kasal. At hindi niya inaasahan na dito sila sa isla ikakasal. Kung saan una silang nagkita. At kung saan una nilang naramdaman ang pagtibok ng kanilang mga puso para sa isa't-isa.
Napangiti si Prinsesa Nerrie.
Ilang saglit pa, the helicopter landed on the mansion's rooftop.
"Halika ka na. Kailanga mong magready." Ani Prinsesa Renesmee.
Bumaba sila ng helicopter at bumaba sa second floor ng mansyon. Naroon na nga ang mga kaibigan niya kasama si Melissa at Abellardo. Niyakap siya ng mga ito and they congratulated her.
"Where's Dimitri?" Tanong ni Nerrie.
Ngumiti ang mga kaibigan niyang prinsesa.
"Nandito na siya pero hindi dapat kayo magkita, kaya dito ka lang sa loob ng room." Sabi ni Prinsesa Nekiel.
"Okay. Then what will I do now?"
"Hmm... mamayang hapon pa naman ang kasal mo. Marami tayo oras para maghanda at magbonding na rin tayong lahat."
"Sige. Pupuntahan ko lang si Dimitri." Paalam ni Tatay Abel.
"Sige po, Tay."
Pagkalabas ni Abellardo, niyakap siya ng mga kaibigan.
DIMITRI was really nervous while waiting for his bride. Stanley was his bestman.
Stanley tapped Dimitri's shoulder. "Relax, Bud."
Dimitri smiled. "Kinakabahan ako, Stan."
"That's normal. Ikakasal ka nga di'ba? Mawawala rin naman 'yan kapag nakita mo na siya." Sabi ni Stanley.
Ngumisi si Dimitri. "Bakit? Naranasan mo na ba?"
Stanley shrugged. "Hindi pa." At tumingin ito sa kanang bahagi ng mga upuan.
Dimitri looked at his friend, then sinundan niya kung saan ito nakatingin. Tumaas ang kilay ni Dimitri at hinawakan ang balikat ni Stanley.
"She's one of Nerrie's friend but if your not interested on her, don't mess with their life. Kung balak mong lokohin, huwag mo ng ituloy. Ako makakalaban mo." Dimitri threatened.
Stanley looked at Dimitri, shocked. "Tinignan ko lang siya."
Umismid si Dimitri. "Diyan nagsisimula ang lahat, Stanley, sa tinginan, kaya umayos ka kung ayaw mong balatan kita ng buhay."
"Oo na. Overprotective ka naman masyado." Sabi ni Stanley at umingos.
Napailing si Dimitri at napaayos ng tayo ng nagbago ang music. The wedding march is now playing.
Napangiti si Dimitri ng makita si Nerrie. Napakaganda nito sa suot nitong wedding gown and her face was covered with her veil.
Si Melissa at Abellardo ang maghahatid kay Nerrie.
Tama ang sinabi ni Stanley. Nawala ang kaba niya ng makita si Nerrie at napalitan ito ng excitement. He should thank Stanley later.
Nang makarating sina Nerrie sa altar, kaagad na ibinigay ni Melissa at Abellardo ang kamay nito sa kaniya.
Dimitri smiled. Ngumiti rin si Nerrie.
Sabay silang humarap sa paring magkakasal sa kanila.
Habang idinadaos ang seremonya ng kanilang kasal.
Bumalik sa alaala ni Dimitri at Nerrie ang mga naranasan nila bago sila nakarating sa harap ng dambana. Na kahit hindi sila magkauri at magkaiba sila ng mundo, umusbong ang isang pag-ibig na tapat at dalisay.
Isang pag-ibig na kayang tanggapin anuman ng pagkatao ng bawat isa.
Sadyang mabilis ang oras at hindi namalayan ng dalawa na tapos na ang seremonya ng kanilang kasal.
"By the power vested upon me, I present to you, Mr. Dimitri and Mrs. Nerrie Anderson. You may now kiss the bride, Dimitri." The priest announced.
Tumingin si Dimitri sa audience. Nakangiti ang mga ito, lalo na ang kaniyang mga magulang at mga kaibigan ni Nerrie.
Nagthumbs up naman sa kaniya si Stanley.
Dimitri looked at Nerrie, who was now his wife. Yes, his wife.
"I love you. Mahal na mahal kita." At hinalikan niya ang kamay nitong may suot na singsing.
Ngumiti si Nerrie. "Mahal na mahal din kita."
Dimitri lifted her veil. They smiled to each other before their lips met.