"SO YOU'RE RICH." Komento ni Dimitri habang nakatingin sa dalawang palapag na mansyon na nasa harapan nila.
Umiling si Nerrie. "It's Tatay Abel, not me. Sa kaniya ang mansyon na 'yan at syempre ang malawak na taniman ng gulay at ang malawak na palayan. Pasyal tayo doon bukas."
"Okay." Sabi ni Dimitri at ngumiti. Pero sa totoo lang, kinakabahan siya. Hindi niya alam kung bakit.
"Let's go." Hinawakan ni Nerrie ang kamay ni Dimitri at hinila itong papasok sa pintuan ng mansyon.
Nakita kaagad ni Nerrie ang mga kaibigan na nasa sala pagpasok pa lang nila ni Dimitri sa loob. Mukhang hinihintay sila ng mga ito.
"We're here!" She announced their presence.
"Nerrie!" Sumugod sa kaniya ng yakap si Phyllis. "I miss you." Sabi nito.
Nerrie chuckled. "Para kang bata, Phy."
Ngumuso si Phyllis pero napatitig ito kay Dimitri. Hinawakan ni Nerrie ang kamay ng dalawa at hinila palapit sa mga kasama nila.
"Everyone, I want you to meet, Dimitri. Dimitri, they are my friends..."
"Hep!" Pigil ni Prinsesa Nekiel kay Prinsesa Nerrie.
"What?" Tanong ni Prinsesa Nerrie.
"Allow us to introduce ourself. Duh." Prinsesa Nekiel rolled her eyes. "Hi there." She said to Dimitri. "I'm Nekiel. Nice to meet you." Pakilala ng babaeng kulay itim ang mata. If Dimitri was not mistaken, si Nekiel ay isang sikat na martial artist at palaging nananalo sa mga tournament, sa loob at labas ng bansa.
Tinanguan ito ni Dimitri.
"I'm Gabril and I'm a vet. I love animals. Nice to meet you." Pakilala ng babaeng may kulay brown na mata.
"Nice to meet you too." Sabi ni Dimitri.
"Mavielyn, here."
Napatingin doon si Dimitri at tinanguan ang babae. Kulay asul naman ang mata nito.
"Airene and I love the ocean." Pakilala naman ng isa pang kaibigan ni Nerrie. She have a pair of dark blue eyes. It was deep as the ocean.
"And I'm Phyllis." Pakilala ng babaeng may kulay berdeng mata.
"You know us already." Sabi ni Dayne, katabi nito si Renesmee.
"Nice to see you the two of you again." Ani Dimitri.
Dayne cracked a smiled while Renesmee just nod at him. Napansin lang ni Dimitri sa mga kaibigan ni Nerrie, iba-iba ang mga ito ng kulay ng mata. Nerrie have a pair of violet eyes. Dayne have gray eyes and Renesmee have a pair of golden brown eyes.
Hindi kaya nakacontact lens lang ang mga ito?
"That's the real color of their eyes, Dimitri." Anang isang boses.
Napatingin doon si Dimitri. Nabasa niya ba ang isip ko?
Ngumiti ang babae. "I'm Melissa. Hindi ako nakakabasa ng isip. Nakasulat kasi sa mukha mo."
Kumunot ang nuo ni Dimitri. "You look familiar to me, Ma'am. Nagkita na po ba tayo dati?"
"Don't call me 'ma'am', Dimitri. Just call me by my name and yes, nagkita na nga tayo dati pero hindi ko sasabihin kung saan." Anito na may ngiti sa labi.
"Woah. Wait a minute, Nerrie, suot niya ang bracelet mo." Sabi ni Gabril kaya napatingin ang lahat sa kaniya lalo na sa braso niya.
Pagkatapos tumingin ang lahat kay Nerrie na nasa tabi niya. Nerrie smiled and then she said, "he's mine."
Dimitri gaped in shocked. Gulat siyang tumingin sa dalaga at ngumiti lang ito ng matamis.
"Ano?" Nakangiting tanong ni Nerrie ng makitang nakatitig sa kaniya si Dimitri.
Napangiti si Dimitri at umiling. "Nothing."
"I'm sure pagod kayo sa biyahe kaya magpahinga muna kayo." Sabi ni Melissa kay Nerrie at Dimitri.
"Opo pero nasaan si Tatay?" Tanong ni Nerrie.
"Nasa palayan. Mamahaya pa ang dating no'n kaya magpahinga muna kayong dalawa." Ani Melissa.
"Salamat, Melissa."
"Walang anuman, mahal na prinsesa. Nakahanda na pala ang guest room..."
Biglang sumabad si Nekiel sa usapan. "Actually, ten rooms lang ang mayroon sa mansyon ni Tatay. Occupy na namin ang eight rooms, then 'yong isang room ay kwarto ni Melissa at Tatay Abel then 'yong isa naman is stock room so wala kaming guest room." Nakangising sabi ni Nekiel.
Lahat tumingin kay Nekiel. Tinignan naman ng masama ni Nerrie ang kaibigang prinsesa.
Pinandilatan ni Melissa si Nekiel. Habang si Dimitri, napatikhim.
"Nekiel, 'yang ngisi mo." Sabi ni Nerrie.
"But Nekiel is right." Sabi ni Prinsesa Mavielyn.
"Pwede ba? Tigilan niyo ako." Umirap si Prinsesa Nerrie.
Nagtawanan ang mga prinsesa.
"Asus! Ito naman. Huwag kang umirap, kamahalan, hindi bagay." Nakangiting sabi ni Airene sa kaibigan.
Dimitri looked at Nerrie. Lihim siyang napangisi ng makitang namumula ito. Inilapit niya ang bibig sa tenga ni Nerrie.
"You're blushing." Bulong niya rito.
Tinampal kaagad ni Nerrie ang tiyan ni Dimitri. Natawa naman ang binata.
Naiiling na natatawa si Melissa. "Magpahinga na kayong dalawa para makasama kayo sa ating hapunan."
"Sige po."
"Salamat po."
Sabay na sabi ni Dimitri at Nerrie.
"Ahmm ... nasaan po ang guest room?" Tanong ni Dimitri.
"Wala kaming guest room, Doc. Dimitri." Sabi ni Renesmee.
"Isa ka pa." Ipinakita ni Nerrie ang kamao.
Ngumisi lang naman ang prinsesa ng mga bampira.
"D, halika ka na. Baka makapatay ako ng kaibigan kapag nagtagal pa tayo sa pakikipag-usap sa mga ito." Hinawakan ni Nerrie ang kamay ni Dimitri at hinila ito paakyat sa hagdan.
Napansin ni Dimitri na may lima silang kwarto na nilagpasan bago sila tumigil sa tapat ng isang pinto.
"Here's my room."
"Ahmm ..." Nagkamot si Dimitri ng batok. "Okay lang ba talaga na dito ako sa kwarto mo?" Tanong niya sa dalaga.
Nerrie nodded. "Yep. Alam ko naman na gentleman ka at hindi mapagsamantala. Tsaka doon naman ako sa kwarto ni Phyllis matutulog mamayang gabi. Ikaw na muna ang gumamit ng kwarto ko."
"Salamat."
"Walang anuman. Hmm ... pagpasensyahan mo na lang ang mga makikita mo sa loob ng kwarto ko." Sabi ni Nerrie bago nito binuksan ang pinto ng kwarto nito.
Pagpasok sa loob. Pasimpleng inilibot ni Dimitri ang tingin sa loob ng kwarto ng dalaga. At napansin niyang halos kulay violet ang mga kagamitan na nasa loob ng kwarto. Violet curtains. And color violet bed and comforter. May nightstand din at may closet. May chandelier din na nakasabit sa kisame at may full length mirror sa gilid ng kwarto.
"So violet is your favorite color." He commented.
"Oo." Sagot ni Nerrie. "Sige na. Magpahinga ka na. Malinis naman ang kama. Melissa always clean our rooms even we are not here."
Inilapag ni Dimitri ang hawak na bag sa sahig at umupo sa kama. Nagtungo naman si Nerrie sa tabi ng bintana at hinawi ang kurtina para pumasok ang liwanag. Binuksan niya rin ang bintana para pumasok ang preskong hangin.
"So maiwan na kita." Sabi ni Nerrie. "Pahinga ka."
Dimitri smiled. "Ikaw? Hindi ka ba magpapahinga?" Tanong nito.
Umiling si Nerrie. "Hindi naman ako masyadong pagod. Ikaw ang dapat magpahinga dahil nagmaneho ka ng ilang oras. Sige na." Sabi ng dalaga at ngumiti.
"Okay."
Ngumiti si Nerrie at lumabas ng kwarto.
Humiga naman si Dimitri sa kama at naamoy niya ang pabango ni Nerrie sa unan at comforter. Dimitri smiled. He's sure na makakapagpahinga siya ng maayos dahil naamoy niya ang amoy ni Nerrie sa unan. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa amoy ng dalaga dahil narerelax siya.
He closed his eyes, hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
NANG makababa si Nerrie sa sala. Nakangisi ang mga kaibigan niyang prinsesa.
"Ang kisig ng nakatakda para sa'yo, Prinsesa Nerrie." Komento ni Prinsesa Gabril.
"Salamat, mahal na prinsesa. Pero..." Ibinagsak ni Nerrie ang katawan sa sofa. "Nag-aalala ako para sa bukas ng gabi."
"Nakikita ko sa mga mata niya na mahal ka niya kaya wala kang dapat ipag-alala, Prinsesa Nerrie, matatanggap ka niya." Puno ng kasiguruhang wika ni Prinsesa Airene.
"Sana nga." Umaasang wika ni Nerrie.
Lahat sila ay napatingin kay Melissa na nanggaling sa kusina at may dala itong isang baso ng tubig.
"Akin ang kamay ko, mahal na prinsesa." Anito. Inilapag ni Melissa ang isang basong tubig sa center table.
Nagtataka man, itinaas ni Nerrie ang kamay.
"Itapat mo sa baso." Utos ni Melissa na agad niyang sinunod.
Ngunit hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Mabilis nitong sinugatan ang pulsuhan niya at mabilis nitong hiwakan ang braso niya. Umagos ang dugo mula sa pulsuhan niya at pumatak sa baso. Nagkulay pula ang tubig na nasa baso.
"Anong ginagawa mo, Melissa?" Tanong ni Prinsesa Nerrie.
Hindi sinagot ni Melissa ang tanong ni Nerrie, tumingin ito sa pito pang prinsesa na nakatingin sa kanilang dalawa. "Mararanasan niyo rin 'to."
Nanlaki ang mata ng mga prinsesa.
"Susugatan mo rin kami?" Tanong ni Prinsesa Mavielyn.
"Oo, kapag nahanap niyo na ang binatang lunas sa inyong sumpa kagaya ni Prinsesa Nerrie."
Kumunot ang nuo ni Nerrie. "Para saan ito?" Tukoy niyo sa ginawa ni Melissa.
Kumuha si Melissa ng puting tela at pinunasan ang pulsuhan niya bago nito ginamot ang sugat niya.
Kinuha nito ang baso. "Ipainom mo ito sa kaniya."
"Para saan? At bakit ko ipapainom sa kaniya 'yan?" Tanong ni Nerrie.
"Ang tubig na ito ay galing sa Arwood. Sa batis ng walang hanggang buhay. Kaya hinaluan natin ng dugo para maging kagaya mo rin si Dimitri." Ani Melissa.
"Maging isa rin siyang Necromancer?"
"Hindi naman, mahal na prinsesa. Pero ang dugo mo ang magbibigay ng lakas sa kaniya para kagaya natin. All his senses will be hightened." Seryosong sabi ni Melissa.
"Okay." Sabi ni Prinsesa Nerrie at kinuha ang baso na may laman ng pinaghalong tubig ng walang hanggang buhay at dugo niya.
Napangiti si Prinsesa Nerrie. Pero kumunot ang nuo niya ng unti-unti nawawala ang kulay pula ng tubig.
"Anong nangyayari?" Nagtataka niyang tanong.
"Sa tingin mo ba, mahal na prinsesa, hindi siya magtatanong kung anong klaseng tubig 'yan kapag nakita niya itong kulay pula." Nakangiting sabi ni Melissa.
"And I'm so sure na if he finds out, he will freak out." Sabi ni Prinsesa Dayne.
"Sino ba naman kasing tao ang gugustuhing uminom ng dugo?" Patanong na sabi ni Prinsesa Renesmee. "Only vampire could drink blood."
"Yeah, right."
"At hindi ba dapat nagpapahinga ka?" Sabi ni Prinsesa Nekiel kay Prinsesa Nerrie.
Ngumiti lang si Prinsesa Nerrie.
NAPATINGIN si Prinsesa Nerrie kay Prinsesa Nekiel ng mahina nitong sipain ang paa niya sa ilalim ng mesa. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan.
"Ano?" She mouthed.
Inginuso nito ang baso ng tubig na nasa tabi ng plato niya. She rolled her eyes to Nekiel. Masyado talagang atat ang kaibigan niyang 'to.
"Dimitri." Tawag niya sa binata.
"Hmm?" Sumulyap ito sa kaniya mula sa pakikipag-usap nito kay Abellardo. "Ano 'yon?"
"Tubig." Sabay lapag niya sa tabi ng plato nito ang baso ng tubig.
"Thanks, princess."
Napaubo ang ilan sa mga kaibigan niya ng marinig ang tawag sa kaniya ni Dimitri. Pinandilatan naman niya ang mga ito.
"Wait, did you call Nerrie 'princess'?" Tanong ni Gabril.
"Yeah, why?" Nagtatakang tanong ni Dimitri. "That's my endearment to her."
"Please, huwag kang magsalita ng english. Nano-nose bleed ako." Sabi ni Phyllis kay Dimitri.
"Okay." Sagot ni Dimitri at tumango. "Bakit may mali ba sa tawag ko sa kaniya?" Tanong niya kay Gabril.
Umiling si Prinsesa Gabril. "Wala naman. Nagulat lang ako."
Nagtaka naman si Dimitri kung ano ang nakakagulat sa tawag niya kay Nerrie. And beside Nerrie looks like a princess and she walks like a princess.
"Dimitri." Tawag ni Abellardo kay Dimitri.
"Po?"
Tumaas ang kilay ni Abellardo na ikinailing ng mga prinsesa lalo na si Prinsesa Nerrie.
"Tay, huwag naman masyado, ah." Paalala ni Nerrie sa tatay-tatayan niya.
"Huwag kang mag-aalala, Nerrie." Sabi naman nito at tumingin kay Dimitri. "Sasabihin ko sa'yo, Dimitri. Farmer ako at lagi akong may dalang itak. Nakita mo naman kanina ng dumating ako."
"Opo." Lumunok si Dimitri. Mukhang alam na niya ang sasabihin ni Tatay Abellardo.
Napahagikhik naman ang mga prinsesa dahil nahalata na kinakabahan si Dimitri.
"Abel, huwag mo namang takutin 'yang bata." Sabi ni Melissa sa asawa.
Ngumisi naman si Abellardo at tumingin kay Abellardo. "Araw-araw ko hinahasa ang itak ko dahil ayaw ko ng mapurol. Kaya kung ayaw mong putulin ko ang nasa ibaba, huwag na huwag mong sasaktan si Nerrie. Hindi ako ang ama niya at ipinagkatiwala lang siya sa amin pero ako mismo ang tataga sa'yo oras na sinaktan mo ang Prinsesa..." Hindi na itinuloy ni Abellardo ang karugtong sana ng sasabihin niya.
"Opo, Sir. Huwag kayong mag-alala, hinding-hindi ko po sasaktan si Nerrie. Mahal na mahal ko po siya." Sani ni Dimitri at napainom ng tubig. Ininom niya ang tubig na ibinigay ni Nerrie. Ang tubig ng walang hanggang buhay.
Napatitig si Nerrie sa baso na nangalahati ang laman na tubig at sunod siyang napatitig kay Dimitri.
"Talaga lang ha?" Umismid si Abellardo. "Kung talagang mahal mo, patunayan mo." Aniya na may ibang kahulugan. "At pagkatapos nating maghapunan, sumunod ka sa akin sa kubo sa hardin. May mahalaga akong sasabihin sa'yo."
"Tay!" Sabi ni Nerrie.
"Huwag kang mag-alala, Nerrie. Hindi 'yon ang sasabihin ko." Mabilis na sabi ni Abellardo na ikinahinga ni Nerrie ng maluwang.
"Ano pong sasabihin niyo?" Tanong ni Dimitri at nagpatuloy sa pagkain.
"Kumain ka muna."
Napakamot ng batok si Dimitri. "Opo."
Pagkatapos nilang kumain. Kaagad na sumunod si Dimitri kay Abellardo na nasa kubo sa hardin.
"Beer?"
"Salamat po." Tinanggap niya ang binigay nitong beer.
Hindi siya umiinom pero ayaw naman niyang hindian ang kaharap. He have a low tolerance of alcohol. Madali lang siya malasing. Unlike his friend, Stanley, mataas ang alcohol tolerance nito.
"Upo ka at mag-usap tayo ng masinsinan." Sabi ni Abellardo.
Umupo naman si Dimitri sa harap ng matanda. Inilapag niya ang hawak na beer sa kawayang mesa.
"Sabi ni Nerrie, doktor ka."
"Opo." Tumango si Dimitri.
"Kung ganun, may tanong ako, naniniwala ka ba sa mga hindi pangkaraniwang nilalang?" Tanong ni Abellardo.
Nahimigan ni Dimitri na may ibang kahulugan ang tanong ng tatay-tatayan ni Nerrie. Napabuntong-hininga si Dimitri at dahan-dahang tumango.
"Paano?" Tanong ni Abellardo.
Nagbaba ng tingin si Dimitri.
Napabuntong-hininga si Abellardo. "Alam mo, Dimitri, may kakilala ako. Dati, hindi siya naniniwala sa mga engkanto pero nagkaroon siya ng asawang engkantada." Natawa si Abellardo at napailing.
"Paano niya po natanggap?" Tanong ni Dimitri.
"Ang engkantadang 'yon ay isinumpa na ang tanging lunas ng sumpa ay ang tunay na pag-ibig. Inibig ng binatang 'yon ng tapat at dalisay ang engkantada. Pero dumating ang panahon na naghiwalay sila." Kwento ni Abellardo at napangiti.
Napansin ni Dimitri ang ngiti ni Abellardo. "Kayo po ba ang binatang 'yon?" Tanong niya.
Biglang tumingin sa kaniya ang matanda. "Wala akong sinabi."
Dimitri shrugged. "Biro ko lang po 'yon."
"Pero matanong ko lang, Dimitri. Wala ka pa bang naranasan o nasaksihan na kababalaghan na nangyari?" Tanong ni Abellardo.
Kababalaghang nangyari?
Napailing si Dimitri. Kung kababalaghan ay madami na at hindi na mabilang kung tungkol kay Nerrie.
"Noong nasa isla po ako." Pagkwento niya. "May tinulungan po akong babae. Ginamot ko ang sugat niya pero nagulat po ako ng bigla na lang itong naghilom."
Kumunot ang nuo ni Abellardo. Kung ang mabilis na paghilom ng sugat ... pumasok kaagad sa isipan niya ang mga prinsesa at ni Melissa.
"Nakilala mo ba ang babae?"
Tumango si Dimitri. "Si Nerrie po." At uminom ng beer.
Napaubo si Abellardo.
"Tay, okay lang ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Dimitri.
"Oo. Huwag mo akong alalahanin. Nagulat lang ako sa sinabi mong pangalan."
Magsasalita pa sana si Dimitri ng makarinig siya ng alulong. Kumunot ang nuo niya at nagtaasan ang mga balahibo niya.
May alaga ba si Tatay Abel na aso? Wala naman akong nakita, ah.
Uminom siya ng beer habang nakatingin sa likuran ng mansyon. Maraming puno sa likuran ng mansyon at nagmistula na itong kagubatan. Hindi niya masyadong maaninag ang kakahuyan kahit pa may buwan na tumatanglaw sa paligid.
"Dito sa probinsiya, may paniwala ang mga matatanda noong araw na sa tuwing kabilugan ng buwan, lumalabas daw ang mga iba't-ibang uri ng elemento. Dimitri, kabilugan pala ng buwan sa susunod na gabi. Mag-ingat ka baka may dumalaw sa 'yong kalansay." Sabi ni Abellardo.
Dahil sa sinabi ni Abellardo, biglang naalala ni Dimitri ang mga kalansay na nanggulo sa kwarto niya.
Napailing siya. Ilang gabi rin siyang walang maayos na tulog dahil doon at mukhang hindi siya makakatulog ng maayos ngayong gabi dahil sa mga sinabi ng tatay-tatayan ni Nerrie.
"Wala naman po sigurong dadalaw sa akin." Dimitri chuckled.
"Eh malay mo. May nagkakagusto pala sa'yo na hindi pangkaraniwang nilalang. Sinasabi ko lang para makapaghanda ka." Sabi ni Abellardo at tumayo. "Magpapahinga na ako. Magpahinga ka na rin."
"Opo. Ubusin ko na lang po ito." Tukoy niya sa iniinom na beer.
"Sige."
Umalis na si Abellardo sa kubo at naiwan si Dimitri. Tumingin siya sa paligid. Kumunot ang nuo niya ng may mapansin siya sa mga bulaklak na nasa hardin.
Parang kumikislap ang mga ito habang natatanglawan ng buwan.
Dimitri blinked. Iniling niya ang ulo at inubos ang beer.
Pagkatapos ay pumasok na rin siya sa loob ng mansyon. Pagkaalis ni Dimitri sa kubo saka naman lumitaw si Prinsesa Nerrie sa bench na nasa ilalim ng puno sa hardin.
Tumingala siya sa bilog na buwan. Patnubayan sana sila ng diyosa ng buwan.