KABANATA 18

2574 Words
                    HABANG LUMILIPAS ang mga oras at paparating ang hating gabi. Hind mapakali si Prinsesa Nerrie. Pabalik-pabalik siya sa paglalakad sa living room habang nag-iisip kung ano ba ang dapat niyang gawin. Alas syete na ng gabi at ang mga kaibigan niya, nasa kaniya-kaniya ng kwarto ang mga ito at hinihintay ang pagsapit hating gabi para sa sumpa. Sumilip si Prinsesa Nerrie sa labas. Hindi pa lumitaw ang buwan at madilim rin ang kalangitan dahil sa mga itim na ulap. Panay ang hugot niya ng malalim na hininga at panay ang tingin niya sa orasan. Nasa labas pa si Dimitri at kausap nito ang mga kasamahan nitong doktor para sa medical mission ng mga ito. Hindi nakatiis si Nerrie. Lumabas siya at pinuntahan si Dimitri. "Dimitri." Tawag niya sa binata. Nakaupo ito sa bench at kakatapos lang nitong makipag-usap sa cellphone. Kaagad naman itong lumingon. "Nerrie? Gabi na. Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Alam kong pagod ka sa buong maghapon." Anito. Ngumiti si Nerrie. Maghapon kasi silang dalawang namasyal. Ipinasyal niya ito sa flower plantation ni Phyllis at sa malawak na prutasan ni Abellardo. Pumunta rin sila sa burol at tinanaw ang malawak na berdeng palayan. "Hindi naman." Aniya at umupo sa tabi ng binata. Kaagad naman siyang inakbayan ng binata. "Hindi ka ba nilalamig? Yakapin na lang kita para hindi ka lamigin." Anito. Natawa siya. Hindi kasi siya nagsuot ng sweater at malamig pa naman ang gabi. "Chumachansing ka 'no." Aniya. Dimitri chuckled. "Hindi naman masyado." Anito at ipinalibot nito ang dalawang braso sa katawan niya. Para tuloy siyang nabalot ng comforter. "Dimitri." "Hmm?" "Gaano mo ba ako kamahal?" Tanong niya sa binata. "Nerrie," bumuntong-hininga si Dimitri at hinalikan ang nuo ng dalaga. "Hindi nasusukat ang pagmamahal ko sa'yo at hindi nabibili. Mahal na mahal kita kaya huwag mong itanong kung gaano kita kamahal. Pero sige, sasagutin ko ang tanong mo, mahal kita ng higit pa sa buhay ko." "Ganun ba? Pero," tumulo ang isang butil ng luha ni Prinsesa Nerrie. "Mamahalin mo pa kaya ako kapag nalaman mo kung ano at sino ba talaga ako?" "Princess, don't cry." Alo ni Dimitri sa dalaga at pinunasan ang luha nito. "Hindi bagay sa'yo ang umiyak." "I'm sorry. Hindi ko mapigilan." Tumango si Dimitri at tumingin sa mata ng dalaga. "Mamahalin pa rin kita kahit sino ka pa." Sagot niya sa tanong nito. Umiling si Nerrie. "Sinasabi mo 'yan dahil hindi mo pa ako talaga kilala. Hindi mo pa nakikita kung ano talaga ang nasa loob ko, Dimitri." Seryosong saad ni Prinsesa Nerrie. Sumeryoso rin si Dimitri. "Noon pa talaga ako naguguluhan sa'yo, Nerrie. May mga sinasabi ka na minsan ipinagtataka ko katulad ngayon. Bakit hindi mo na ako deretsuhin?" Nawala ang emosyon sa mukha ni Prinsesa Nerrie at umayos ng tayo. "Dimitri," malamig na rin ang boses nito. "Hindi ako tao." Napatitig si Dimitri kay Nerrie. Alam ko. He wanted to say it but he can't say it. He doesn't know why. "Hindi tayo magkauri." Malamig na wika ni Prinsesa Nerrie. "Tao ka habang ako isang Necromancer." Nanlaki ang mata ni Dimitri. He wanted to talk but he can't open his mouth. Parang may kung anong pumipigil sa kaniya. "Ang Necromancer ay ang mga nilalang na bumubuhay ng mga patay at ginagawa na kanilang alagad ang mga binubuhay nila." Tumingala ang prinsesa sa itaas ng puno. "Melissa, hayaan mong magsalita si Dimitri." Napatingala rin si Dimitri sa itaas ng puno at nakita niya si Melissa na nakaupo sa isang sanga. "Masusunod, mahal na prinsesa." Anito at pumitik. "Salamat." Wika ni Prinsesa Nerrie. "Tama ang narinig mo, Dimitri. Tinawag nga ako ni Melissa na prinsesa dahil isa talaga akong prinsesa. Ako ang prinsesa ng mga Necromancer. Ngayon na nalaman mo na kung sino ako, mamahalin at tatanggapin mo pa ba ako?" Tanong ng prinsesa sa malamig na boses pero sa kaniyang kalooban, kinakabahan siya at natatakot sa maaaring isagot ni Dimitri. Tumitig si Dimitri kay Nerrie. "Tell me everything I need to know, my princess." "Okay. Kaming walo ng mga kaibigan. Mga prinsesa kami ng Arwood na nahati sa dalawang teritoryo, ang Adessa kung nasaan ang walong kaharian, kung saan kami nabibilang, at ang Aholor, ang tirahan ng Dark Lord o ni Erosho, isang diyos na kapatid ng aming diyosang si Erashea, ang diyosa ng buwan. Kaming mga prinsesa, kasama na ang aming mga kapatid ay sinanay para magligtas ng Arwood laban kay Erosho na gustong sakupin ang walong kaharian. Isang digmaan ang naganap, nagtulong-tulong ang walong kaharian, ang mga Necromancer, witches, werewolves, vampires, mga sirena, ang mga diwata, ang mga Aves o tinatawag ng mga tao na taong-ibon, at ang mga amazona. Nagtulong kaming lahat upang magapi si Erosho ngunit kaming mga prinsesa ay kaniyang isinumpa." Nagbaba ng tingin si Nerrie. "Sumpa? Anong sumpa?" Tanong ni Dimitri. "Ang sumpa ni Erosho na sa tuwing pagsapit ng hating-gabi sa tuwing kabilugan ng buwan, magbabago ang aming mga anyo. Magiging kahindik-hindik ang aming mga wangis at katatakutan kami ng aming mga nasasakupan." Napatingala si Dimitri sa kalangitan. Unti-unti ng nawawala ang mga itim na ulap. "Ngayon ang kabilugan ng buwan, Dimitri, at tatlong oras mula ngayon, magbabago na ang aking anyo. Tatagal ito ng tatlong oras bago bumalik ang aking anyo." Tumingala rin si Nerrie sa kalangitan. Tumingin si Dimitri kay Nerrie. "Ang sumpa? May lunas ba ito?" Tumango si Nerrie. "Then what's the cure?" "Ikaw." Sagot ni Nerrie at nagbaba ng tingin. Hinawakan naman si Dimitri ang baba ng dalaga at iniangat ang mukha nito. "Ako? Sabihin mo sa akin kung bakit ako ang lunas ng sumpa? At para matulungan kita." "Ang totoo kaya kami nandito sa mundo ng mga tao, dito sa mundo niyo dahil dito lang namin mahahanap ang lunas ng sumpa namin. At ikaw ang lunas ng sumpa ko, Dimitri." "Tell me, my princess. Ano ang maitutulong ko para mawala ang sumpa?" Tanong ni Dimitri. He's willing to help Nerrie. Mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para rito. "Kasi..." "Ano?" "Kasi... ang lunas ng sumpa... ay..." Hindi masabi ni Nerrie ang gustong sabihin dahil nahihiya siya sa binata. "Tell me." "Nahihiya ako." Sabi ni Nerrie at nagtakip ng mukha. Tinanggal naman ni Dimitri ang kamay ng dalaga na nakatakip sa mukha nito. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. "Sabihin mo na sa akin. Huwag ka ng mahiya. Ako lang 'to. Nerrie..." Yumakap sa kaniya ang dalaga. "Huwag mo akong pagtawanan." "Promise. Hindi ako tatawa." Nakangiting sabi ni Dimitri. "Promise?" "Promise." Itinaas pa ni Dimitri ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Okay. Ang lunas ng sumpa ay ang..." "Ang halik ng tunay na pag-ibig." Pagtatapos ni Melissa sa hindi masabi-sabi ni Nerrie. Isinubsob ni Nerrie ang mukha sa dibdib ni Dimitri. "Melissa!" "Paumanhin, mahal na prinsesa. Hindi niyo kasi masabi kaya ako na ang nagsabi." Tumingin siya kay Dimitri. "Ang sinasabing lunas ng sumpa, ang halik ng tunay na pag-ibig, dapat ang lalaking iibig sa prinsesa ay may tapat at dalisay na pag-ibig para sa prinsesa." Naghahamon na tumingin si Melissa kay Dimitri. "Tapat ka ba sa pag-ibig mo para kay Prinsesa Nerrie?" "Ano sa tingin mo kung bakit nandito pa ako ngayon?" Balik ni Dimitri kay Melissa. "Kung ganun, tanggap mo ako?" Umaasang tanong ni Prinsesa Nerrie. Dimitri smiled. "Yes. I love you and I want to grow old with you.." tumigil si Dimitri sa pagsasalita ng may biglang naalala. "Tumatanda ba kayo?" Tumalon paibaba si Melissa sa lupa. "Hindi kami tumatanda, Dimitri, at hindi rin kami namamatay maliban na lang kung may papaslang sa amin." Sagot ni Prinsesa Nerrie. Sumimangot si Dimitri. "Kung ganun pala, hindi ka tatanda tapos ako tatanda. Life is really unfair." Natawa ang dalawang kausap. "Hindi ka naman na tatanda, eh." Sabi ni Prinsesa Nerrie at sinuklay ang buhok ng binata. "How so?" "Naalala mo ba 'yong binigay ko sa 'yong tubig kahapon? Noong kumakain tayo ng hapunan." Tumango si Dimitri. "Ang totoo niyang, tubig 'yon ng walang hanggang buhay. Isang banal na tubig na galing pa sa batis ng Arwood." Napangiwi si Nerrie. "At nahaluan 'yon ng dugo ko." Napaamang si Dimitri. "Totoo?" Tumango si Nerrie. "Pero bakit wala naman akong nalasahan na dugo? Tubig ang lasa ng binigay mo." "Dahil isang malinis na tubig ang tubig ng walang hanggang buhay. Kahit ano pa ang ilagay mo rito, lilinisan at lilinisan nito ang bagay na 'yon at ganun ang nangyari sa dugo ni Prinsesa Nerrie na nailagay doon. At ang dugo ni Prinsesa Nerrie ang magbibigay rin sa 'yo ng lakas para maging katulad ka namin na may talas ng paningin, pandinig at pang-amoy." Sabi ni Melissa. "Oh." Ang tanging nasabi lang ni Dimitri. Tumingin siya kay Melissa. "Maaari bang malaman kung ilang taon ka na?" Ngumisi si Melissa. "Mas matanda pa ako sa nanay ng nanay ng nanay ng nanay ng nanay ng nanay mo. Ako ang pinakamatandang engkantada na nabubuhay sa Arwood." Tumingin si Dimitri kay Nerrie. Nagkibit-balikat lang naman ang prinsesa. "Magpahinga ka na, Dimitri." Kumunot ang nuo ni Dimitri. "Akala ko ba ako ang lunas ng sumpa, bakit mo ako pagpapahingain? Dapat matapos na ang sumpa sa'yo, ayokong nahihirapan ka." Napangiti na lang si Melissa. Halata ngang mahal nito ang Prinsesa ng mga Necromancer. "Magpapahinga na ako. Mag-ingat kayong dalawa dito sa labas. Alam niyo naman na andiyan lang ang nga alagad ni Erosho at naghihintay ng tamang pagkakataon para paslangin kayo, mas lalo ka na Nerrie." "Salamat sa paalala, Melissa." "Walang anuman, kamahalan." Bahayang yumukod si Melissa. "Magandang gabi sa inyong dalawa." "Good night din." Pumasok na si Melissa sa mansyon at naiwan naman si Nerrie at Dimitri sa hardin. Unti-unti ng lumiliwanag ang paligid dahil lumilitaw na ang buwan na natakpan ng mga makakapal na ulap. When Dimitri suddenly remembered something. "Princess?" "Hmm?" "Naalala ko. Allergy ka ba talaga sa bulaklak?" Ngumiwi si Nerrie. "Hindi. Pumitas ka ng isang bulaklak dahil kakatayin ako ni Phyllis kapag nasira ang lahat ng bulaklak na tanim niya." Nagtaka man, pumitas si Dimitri ng bulaklak at ibinigay kay Nerrie. Kinuha ni Nerrie ang bulaklak. Nagulat si Dimitri kung ano ang nangyari sa bulaklak, nalanta ito at natuyo. "Ganito ang nangyayari tuwing nakakahawak ako ng halaman o bulaklak. Nalalanta at natutuyo. Nagsimula lang ito noong isinumpa kami ni Erosho." "Pero mawawala rin ba 'yan kapag nawala na ang sumpa ni Erosho?" Tanong ni Dimitri. Tumango si Nerrie at ngumiti. "Oo." Dimitri stared at Nerrie. "I'll help you." Seryoso niyang saad. "Thank you." Nerrie smiled. "Pero kaya mo ba?" Kumunot ang nuo ni Dimitri. "Kaya ang alin?" "Ang halikan ako." "Of course, noon pa kita gustong halikan 'no. Hindi mo lang alam." Sabi ni Dimitri at nag-iwas ng tingin. "Kaya mo ba akong halikan kapag nakita mo na ang hitsura ng sumpa sa akin ni Erosho?" "Try me." Seryosong sabi ni Dimitri. "Okay. Let's wait till the clock strike at twelve." Sabi ni Prinsesa Nerrie at sumandal kay Dimitri. "Pero Nerrie," bumuntong-hininga si Dimitri. "Mahal mo ba ako?" Tumingin si Nerrie sa binata at hinalikan ito sa pisngi. "That's my answer." "Pero gusto ko sabihin mo." Ngumiti si Nerrie. "Ma..." Napapangiti si Dimitri habang hinihintay ang sasabihin ni Nerrie. "Ma... ma... mamaya na." Bumagsak ang balikat ni Dimitri. "Ikaw talaga." Nerrie giggled and looked at Dimitri's wristwatch. "Malapit na ang hating gabi." Tumingala siya sa kalangitan. Nakalitaw na ang bilog na buwan. At napakaliwanag nito. Para bang masaya ito. "Bigla kong naalala, 'yong mga kalansay na nanggulo sa kwarto ko. Alam mo ba kung saan sila nanggaling?" Tanong ni Dimitri. "Oo, sa bracelet na suot mo. Ang bracelet na 'yan ang kalahati ng buhay at kapangyarihan ko." Sabi ni Nerrie at ngumiti.  "At 'yan rin ang pumoprotekta sa'yo para hindi ka malapitan ng mga alagad ni Erosho. Patawad dahil sa akin nagiging magulo ang buhay mo." "Don't ask for forgiveness, my princess. It's okay. Tinanggap kita, ibig sabihin nito ay tinanggap ko na rin ang bagong buhay na kapiling ka." "Kung magsalita ka, D, parang kasintahan mo na ako." "Bakit? Hindi pa ba?" Tanong ni Dimitri. "Doon din naman ang punta nito di'ba?" Napailing si Nerrie at napangiti. "Dimitri, ilang minuto na lang, hating gabi na. Handa ka na ba?" Ngumiti si Dimitri. "Ikaw? Handa ka na ba?" "Halatang handa ka na. Binabalik mo na sa akin ang mga tinatanong ko sa'yo." Napailing si Nerrie at tumayo sa harapan ni Dimitri. Nararamdaman niya na naman ang sumpa. "Pagmasdan mo ako, Dimitri." Sabi ni Nerrie. Tumingin si Dimitri kay Nerrie hanggang sa masaksihan niya mismo ang pagbabago ng wangis nito. "Nerrie?" Unti-unting nawawala ang mga laman nito hanggang sa ang nakita na lang ni Dimitri ay isang kalansay. "Nerrie..." "Ito ang sumpa sa akin ni Erosho, Dimitri." Nagulat si Dimitri ng marinig niya ang boses ni Nerrie na parang nagmumula sa ilalim ng lupa. "Nerrie..." Tumayo si Dimitri. Umatras si Nerrie. "Tatanungin ulit kita, Dimitri, tanggap mo ba ako? Kaya mo bang tanggapin ang ganitong hitsura ko?" Ngumiti si Dimitri at kinuha ang kamay ni Nerrie na kalansay na rin. "Sa totoo lang, Nerrie, matagal ko ng alam na hindi ka tao. Nasaksihan ko na rin kung paano ka nakipaglaban sa mga nakakatakot na nilalang at alam ko ang nangyari sa isla, hindi 'yon panaginip. Alam kong totoo 'yon. Matagal mo na akong pinoprotektahan kaya hayaan mong protektahan rin kita, alagaan at mahalin ka. Mahal na mahal kita." Madamdaming wika ni Dimitri at dinala ang kamay ni Nerrie sa kaniyang labi at hinalikan ito. Binalot ng kulay lilang usok ang katawan ni Nerrie hanggang sa bumalik ang kaniyang dating wangis. Natuwa si Dimitri. "Bumalik ka sa dati mong wangis, Nerrie." Masayang sabi ni Nerrie. "Salamat, Dimitri." Ani Nerrie. Hinawakan niya ang mukha ni Dimitri at tumingkayad para halikan niya ito sa labi. It's just a peck. "Mahal na mahal din kita, Dimitri." "Mas mahal kita." Ipinalibot ni Dimitri ang braso sa beywang ng dalaga at siya na ang humalik rito ng mas matagal. At ng maghiwalay ang  kanilang mga labi. "So tayo na?" Tanong ni Dimitri. "Hmm... okay." "Yes!" Dimitri happily shouted. Binuhat niya si Nerrie at inikot. "Tama na." Natatawang pigil ni Nerrie kay Dimitri. "Pagbalik natin sa Maynila. Sasabihin kaagad natin sa parents ko ang relasyon natin." Sabi ni Dimitri. "Sige pero baka ayaw sa akin ng mommy mo." Dimitri tsked. "Hayaan mo si Mommy. Ako naman ang nagmamahal, hindi siya. Kung ayaw ka niya, wala tayong magawa basta mahal kita 'yon ang mahalaga." "Thank you, Dimitri. For loving and accepting me." Pumatak ang luha ni Nerrie. "Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon." "Kung masaya ka, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Dimitri habang pinupunasan ang luha ng dalaga. Ngumiti si Nerrie. "Tears of joy 'to. Ano ka ba." Dimitri chuckled. "I know." He kissed Nerrie's forehead. "So magpahinga ka na." Sabi ni Nerrie. "Ikaw din." "Pakiramdam ko nga nanghihina ako." Sabi ni Nerrie. "Ganito kasi ang nangyayari sa akin lalo na at hindi ko suot ang bracelet ko." "Then I'm giving back it to you..." "No." Pigil ni Nerrie kay Dimitri. "That bracelet was the most important thing to me. Kaming mga Necromancer, kapag nahanap namin ang nilalang na nagpapatibok ng puso namin. Ibinibigay namin ang pinakamahalagang bagay na nasa amin." "Thank you pero manghihina ka naman." "Huli naman na 'to. Hindi ko na muling dadanasin pa ang sumpa." "Then you need to rest. Halika na sa loob." Pinangko niya si Nerrie. Napangiti na lang si Nerrie. Biglang nagdilim ang lahat at nawalan siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD